You are on page 1of 2

REPLEKSYON

Salamat sa lahat at huwag niyong kalilimutan ang lahat ng bagay na naituro sa inyo ng
Lasci- maluha luha ako habang pinapakinggan ang huling mensahe para sa amin ng aking guro
sa ekonomiks. Bilang na bilang na saming mga daliri ang nalalabing araw naming
magkakasama. Apat na taon. Aput na pung buwan ng junior high school. Matatapos sa iisang
araw.
Hindi man lahat ng karanasan ko sa loob ng paaralan ay naging maganda, nag iwan naman
ang mga ito ng mga matitinding marka at aral na habangbuhay ay babaunin ko. Ganito rin ang
naging ambag ng ekonomiks. Sa aking pagkamulat sa nararanasang problema ng tao, ng bayan
at ng buong daigdig patungkol sa usaping ekonomiya, pera, pag-unlad, alam kong babaunin ko
ang karanasang mamulat sa mga bagay na ito upang balang araw, kami namang mga susunod na
kikita at hahawak ng pamamalakad ng mga nasabing karaingan ang susubok na lutasin ang mga
ito.
Sa ekonomiks, tuluyan kong naintindihan ang ibig sabihin ng realidad o aktuwal. Hindi
mahalaga kung ilang bokabularyo, ilang saligang batas o ilang pormula ang alam mo dahil kung
hindi mo naman sila magagamit talaga sa tunay na buhay bilang isang mamayang pilipino ay
walang saysay ang lahat. Ang mahalaga ay ang aral ng aplikasyon at ang aral ng pagmumulat
sayo ng ekon.
Kung sa aking sariling karanasan, lubusan kong naintindihan na hindi talaga madaling
magpatakbo ng bansa at mag paikot ng pera. Napakaraming mga sangay ang naapektuhan kahit
limitado ang pag galaw ng isang salik. Pero imbis na mawalan pa lalo ng pag asa para sa aking
kinagisnang lupang sinilangan, lalo pa akong mag pupurisiging aralin ang mga taktika sa
pulitika. Naimulat na ang aking sarili sa nasabi, sa puntong ito titigil pa ba ako?
Kaya ekonomiks, maraming salamat sa sampung buwan! Maraming Salamat sa lahat ng
ibinigay mong pabaong aral para sa aking susunod na paglalakbay at ayun ay tungo sa senior
high school. Maraming Salamat po Ms. Josephine Dechitan. Isa po kayo sa mga
pinakamahusay na gurong nakilala ko. Ang inyong kasipagan at tyaga ay tunay na kahangahanga. Sa apat na taon, walang sandaling lumipas na hindi niyo po ako pinahanga. Hanggang
sa muli po nating pagtatagpo at pagkikita!

You might also like