You are on page 1of 12

Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8

PANGALAN: __________________________________ LINGGO: 2.2


BAITANG/PANGKAT: _______ PETSA: ______

I. Panimulang Konsepto

Sa nakaraang aralin ay natutunan mo na ang mga birtud ng katarungan at


pagmamahal ay mahalaga para sa pakikipagkapuwa. Hindi magtatagumpay ang
ugnayan ng isang tao sa kaniyang kapuwa kung wala ang mga birtud na ito. Higit
sa lahat, ang paglilingkod sa kapuwa ang siyang pinakamataas na indikasyon ng
pagmamahal at ito ay maisasagawa mo upang matugunan ang mga
pangangailangan nila.

Ngayon naman ay makakakuha ka ng gabay upang ikaw ay makapaglingkod


sa iba at nang maipakita ang birtud ng pagmamahal.

II. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELCs

5.4 (EsP8PIIb-5.4) Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng


mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektuwal,
panlipunan, pangkabuhayan, o politikal.

III. Mga Gawain

Gawain 1

Panuto: Magbigay ng isang pangangailangan ng mga mag-aaral sa paaralan o


pamayanan sa bawat aspekto: Intelektuwal, Panlipunan, Pangkabuhayan at
Politikal. Isulat kung paano mo ito matutugunan.

Pangangailangan Paano tutugunan


Aspektong Intelektuwal
Hal. Hihingi ng tulong sa mga kakilala na
Nahihirapan sa pagsagot sa aralin sa magaling sa araling Matematika.
Matematika.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
1
Aspektong Intelektuwal

Aspektong Panlipunan

Aspektong Pangkabuhayan

Aspektong Pampolitikal

Mga Tanong:
1. Makakaya mo bang matugunan nang mag-isa ang mga pangangailangan mo
bilang kabataan? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________.

2. Ano ang mangyayari sa iyo kung ikaw ay may pangangailangan at wala kang
maayos na ugnayan sa iyong kapuwa? Ilarawan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________.

Gawain 2

Panuto: Umisip ng isang magandang plano kung paano mo mapagpapatuloy ang


paglilingkod mo sa iyong kapwa sa kabila ng pandemya na nararanasan natin sa
kasalukuyang panahon.

Plano ng Paglilingkod
Aspekto Taong Suliranin o Paraan ng Inaasaha Inaasahang
gustong problema paglilingkod ng bunga panahon ng
tulungan pagsasakatupar
an
Intelektuwal

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
2
Pangkabuha
yan

Pampolitikal

Panlipunan

Inihanda ni: Binigyang-pansin:

_________________________________ _______________________
Pangalan ng Mag-aaral/Lagda Pangalan ng Magulang/Lagda

IV. Pagpapalalim

Ang tagumpay ay nasa kamay ng mga taong gumagawa ng solusyon. –John C.


Maxwell.

Mga Hakbang Ko, Tugon Ito Para sa Ikabubuti Mo…

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
3
“Ang pursigidong aksiyon ay mas mainam kaysa pag-analisa lamang sa
sitwasyon.” Ito ang repleksyon sa aklat na Be a People Person.

Maraming nangyayari sa mundo na nangangailangan ng pagdamay ng


kapuwa. Masyado nang marami ang mga nagaganap sa mundo na hindi na
kailangang pag-isipan ng pangmatagalan ang mga gagawin kundi ay mawawalan
tayo ng oras. Ang kailangan ay ang konkretong hakbang para matugunan ang
kanilang pangangailangan.

Isa-isahin natin ang mga maaaring magawa ng isang tao para matugunan ang
mga pangangailangan ng kapuwa mo mag-aaral o kabataan saan man sila naroon.
May mga bagay na magagawa ka upang matugunan ang mga pangangailangan nila
sa iba’t ibang aspekto: intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, o politikal.

Pagtugon sa Aspektong Intelektuwal

Sa isang modyul na katatapos mo lamang basahin ay nalaman mo na ang


aspektong intelektuwal ay maipapakita sa aktibong partisipasyon sa mga gawain na
may kinalaman sa kakayahan ng taong mag-isip at umunawa sa mga pangyayari at
ang kakayahan niyang palawakin pa ito.

Ayon sa https://news.illinoisstate.edu/ (2014) ang paglalaan ng oras ng isang


tao para magturo sa kapuwa na payamanin ang kanilang isipan ay makatutugon sa
pangangailangang intelektuwal. Paano ba ito gagawin? Hikayatin sila na magbasa,
makipag-usap o makipagdebate sa kapuwa. Maaari din namang makipaglaro sa
kanila ng mind games.

Tandaan mo na ang paglilingkod sa kapuwa ay ang manipestasyon ng


pagmamahal. Ang oras na gugugulin mo sa mga gawaing ito na makaaapekto sa
kaniyang kakayahang intelektuwal ay simbolo ng iyong paglilingkod. Maaaring may
mga kabataang nangangailangang matutong magbasa o sumulat na nasa kalye
lamang at naghihintay lang ng maaaring makatugon sa kanilang pangangailangan.
Mapalad ang sino mang tinatawag na makatulong sa kapuwa.

Marami ka pang puwedeng maisipang gawin para sa pagpapayaman ng


intelektuwal na aspekto ng iyong kapuwa kabataan.

Pagtugon sa Aspektong Panlipunan

May isang artikulong nailabas si Jacques Weisel tungkol sa mga taong


yumaman gamit ang sarili nilang kakayahan. 100 negosyante ang kinapanayam
upang makita kung ano ang pagkakapareho nila. Ang panayam ay nagresulta sa
katotohanang ang mga naging mayamang tao ay nakikita lamang ang kabutihan ng
kanilang kapuwa. Sila ang mga tagabuo at hindi mga kritiko.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
4
Ano naman ang kinalaman nito sa ating pakikipagkapuwa-tao? Simple lang,
kung makikita lamang natin ang kabutihan nila, tayo ang magiging tagabuo at hindi
ang magiging tagasira sa kanila.

Alam mo ba kung ano ang kaibahan natin sa palaka? Lahat ng nang-iiistorbo


sa palaka ay kinakain nito, pero tayong tao hindi natin kayang paalisin ang sino
mang gumagawa sa atin ng ganito. Bakit? Dahil kailangan nating makipag-ugnayan
sa mga tao, sapagkat likas tayong panlipunang nilalang. Kapag ang ibang tao ay
mawawala sa buhay natin, hindi tayo magiging buo.

Paano mo ngayon matutugunan ang mga pangangailangang panlipunan ng


iyong kapuwa?

Kagaya ng mga nauna ng babasahin, maraming puwedeng gawin ang isang


mag-aaral na kagaya mo para ang iyong kapuwa mag-aaral o kapuwa kabataan ay
matulungan mo.

Si Amy Morin ng https://www.lifehack.org/articles, isang sikolohista, ay


nagbigay ng mga mungkahi kung paano mapapaunlad ang panlipunang aspekto ng
isang tao. Ayon sa kaniya, puwedeng magsagawa ng mga gawaing huhubog sa
pagiging panlipunang nilalang ng kapuwa kagaya ng pakikipag-usap. Ikaw mismo
na gustong makatulong ang mag-umpisa ng usapan upang maalis ang hiyang
nararamdaman ng taong ayaw makipag-usap. Umpisahan sa maliit na pakikipag-
usap hanggang sa ang kapuwa mo ay makipag-ugnayan na sa iyo nang paunti-unti.

Kung ikaw ay magtatanong sa iyong kapuwa, kailangan mong gamitin ang


mga bukas na katanungan (open-ended questions) at hindi ‘yung oo at hindi lamang
ang kasagutan. Kapag kausap na ang kapuwa, hikayatin mong magsalita sila
tungkol sa buhay nila. Ikaw mismo ang magtanong tungkol sa pangarap niya, mga
gusto niyang gawin sa buhay, sa pamilya niya at iba pa. Ipakita mo ang interes mo
sa inyong pinag-uusapan. Ang pagbibigay ng papuri ay isa rin sa mahalagang daan
upang makakonekta sa buhay ng iba, kaya kung gusto mong makipag-ugnayan sila
sa iyo, umpisahan mo sa papuri na mula sa puso. Maaaring ito ay tungkol sa
kaniyang kasuotan, nabalitaan mong nagawa niya, nalaman mong
napagtagumpayan niya at iba pa na puwedeng purihin sa kaniya.

Kailangan ding matulungan mo silang makita nila ang mga puwede nilang abutin sa
buhay at sabihan sila na gawin ito o abutin ito ng isa-isa.

Ayon pa rin sa sikolohistang si Morin, maari nating bigyan ng mga babasahin


ang ating kapuwa kung nais nating matugunan ang pangangailangan ng kanilang
panlipunang aspekto. Ikaw rin, bilang mag-aaral ay maaaring maging modelo ng
tamang pakikipag-ugnayan sa kapuwa sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa
pang-araw-araw na mga gawain. Kagaya nito ay ang pagpapakita ng paggalang,
pagiging mapagpasalamat at pagsunod sa mga itinakdang gawi ng bawat lugar.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
5
Puwede mo ring pagtuunan ng pansin ang mga nakikita mong mga negatibo
sa kanila at turuan na palitan ang mga ito ng positibong pananaw. Ang mga
negatibong kaisipan ay maaring magdala sa iyong kapuwa pababa, ang pagbago ng
pananaw nila sa mga bagay o nangyayari ay napakalaking tulong upang sila ay
maging maunlad sa kanilang palipunang aspekto.

Pagtugon sa Aspektong Pangkabuhayan

Kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa pangkabuhayng aspekto, sinasakop


nito ang kakayahan ng tao maliban sa kaniyang buong pagkatao na makagawa ng
mga bagay upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan sa buhay. Hindi
maikakaila sa ating lahat na ang taong kayang suportahan ang kaniyang mga
pangangailangan ay kapakipakinabang sa lipunan.

Alam mo ba na ang taong nakararamdam na wala siyang silbi ay mas ninanais


mamatay? Totoo, sapagkat ang tao ay likas na may kakayahan na maaari niyang
gamitin para ipagpatuloy ang buhay. Isa pa ring katotohanan na may mga tao na
kahit anong pagnanais na makagawa ng paraan para sa kaniyang pangkabuhayang
kakayahan ay hindi pa rin nagiging matagumpay, kaya dito niya kinakailangan ang
kaniyang kapuwa na gagawa ng paraan para sa kaniya at hindi lamang ang bigyan
siya ng ikatatawid ng buhay niya sa isang araw.

Naaalala mo pa ba ito? Bigyan mo ng isda ang tao at makakakain siya sa isang


araw, turuan mo siyang mangisda at makakakain siya habang siya ay nabubuhay.
Oo, oportunidad ang maaari nating ibigay sa ating kapuwa subalit higit sa
oportunidad, kailangan ding mahubog ang kaniyang mga kakayahan upang kayanin
niyang mabuhay at masuportahan ang kaniyang sarili.

Ayon sa https://www.ukim.org/ ang kakayahang pangkabuhayan ay


napakalakas na aspekto upang mabago ang buhay ng isang tao at ang kaniyang
pamilya. Pinuputol nito ang tanikala ng kahirapan at ginagawa nitong mapagaan
ang pag-aaral ng mga miyembro ng pamilya ng tao.

Paano nga ba ito gagawin?

Kilalanin ang kakayahan ng iyong kapuwa. Ano nga ba ang mayroon siya at
ang kaya niyang gawin. Ano man ang kakayahan niya ay hasain ito. Ito ang
pinakamahalagang tulong sa ating kapuwa at pagkatapos nito ay magbubukas ng
mga oportunidad upang sila ay makapaghanapbuhay.

Paano kung hindi natin ito maibibigay sa kanila dahil kulang din ang ating
mga kakayahan? May maari pa ba tayong gawin? Puwede tayong magbigay ng
impormasaayon sa kanila sa tulong ng ibang ahensya ng pamahalaan o ‘di kaya’y
mga pribadong organisasyon na may magagawa para sa kanila. Ano ang sagot?
Pakikipag-ugnayan sa ibang mas may kakayahan upang sila ang magbigay ng
impormasyon sa mga kabataan o sa iyong mga kamag-aral. Matagal na nating

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
6
inamin na hindi natin kakayanin ang mag-isa at magagawa lamang natin ang mga
bagay kung tayo ay makikipag-ugnayan sa iba.

Pagtugon sa Aspektong Politikal

Ang tao ay may karapatan at kalayaan na makiisa sa mga organisasyon


basta hindi ito labag sa batas at gagawin niya ito nang walang nagkokontrol sa
kaniya. Marami ang saklaw nito, isa sa pinakamakapangyarihan dito ay ang
karapatan ng tao na bumoto. Maraming mga nasasakupan ang politikal na aspekto
ng isang tao, ang kailangan mong alamin ngayon ay kung ano ang mga puwede mong
gawin bilang tugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa aspektong ito.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Hatemi (2015), ang aspektong politikal ng


isang tao ay nalilinang na hiwalay sa paglinang ng iba pa niyang mga aspekto. May
mga nagsasabi na ang personal na mga ipinapakita ng isang tao ay may kinalaman
sa kaniyang politikal na aspekto, ngunit ayon kay Hatemi ito’y walang kaugnayan
dito. Gayunman hindi natin maikakaila na tayo ay panlipunang nilalang at ang
pakikipag-ugnayan natin sa ibang tao ay napakahalaga para tayo ay magpatuloy sa
buhay. Ang pakikipag-ugnayang ito ay may kinalaman sa lahat ng mga bumubuo sa
ating pagkatao.

Sa pag-aaral naman nina Oxley, et al (2008) kinatigan nila ang katotohanan


na ang politikal na aspekto ng isang indibidwal ay nabubuo mula sa iba’t ibang
karanasan niya sa buhay. Nakita rin nila na isa pa sa bumubuo rito ay ang kaniyang
kalikasan o bayolihikal na pinagmulan. Marami silang mga ebidensya na
makapagpapatunay na ang kalikasan ng tao at ang kaniyang mga karanasan sa
buhay ang humuhubog sa kaniyang politikal na aspekto kaya dito na papasok ang
pagbibigay natin ng tamang karanasan sa ating kapuwa upang matugunan natin
ang ano mang pangangailangan niya sa aspektong ito.

Samantala ayon sa Center for Public Impact ang mga pangangailangang


politikal ng isang tao ay may mga simpleng tugon. Una nitong sinabi na kailangang
matutuhan ng tao na magkaroon ng kamalayan tungkol sa mga posibleng mabilis
na pagbabago ng takbo ng buhay (Julia Gillard, Australian Prime Minister). Sa
panahon ngayon na napakabilis na ng lahat dahil sa media gamit ang iba’t ibang
pamamaraan ng pagbibigay ng impormasyon sa tao. Mahalaga na matiyak ng tao at
matutong alamin ang nilalaman ng bawat nababasa, nakikita o napapanood.

Sinabi pa ng organisasyong ito na kailangang matutuhan din ng tao na


maging kalmado at ipagpatuloy ang buhay (Lord Andrew Adonis, UK Secretary of
State). Sa bawat linggo kung hindi man araw-araw, ang pamahalaan ay
nagpapalabas ng datos na nagpapabalisa sa tao. Alam na alam natin ang
pakiramdam na ito dahil sa CoViD-19 na pandemya. Sa mga panahon na may krisis,
kailangan ng tao na maging responsable sa kaniyang mga aksiyon at maging
matapang sa pagharap ng ano mang sisi o pagkakamali at hindi ang maghanap ng
puwedeng masisi.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
7
Ayon naman kay Joel Klein, dating Schools Commissioner, matuto dapat ang
isang tao na pamahalaan ang kaniyang gawain o inaasahan na kaniyang gagawin.
Marami ang nangyayari sa ating mga pamayanan at tingnan natin kung may ginawa
ba tayo upang maisaayos ang mga sistema sa ating lipunan. Marahil nababalitaan
mo ang mga serbisyo sa hospital, kung gaano ito kawalang hustisya, ang mga
bombero na naiipit sa mga eskinita? Ang mga sistemang ito ay nananawagan ng
isang kamulatan sa pampolitikang aspekto ng tao.

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga puwedeng gawin ng isang mag-
aaral na kagaya mo upang ang iyong kapuwa ay matulungan mong matugunan ang
mga pangangailangan sa aspektong ito. Ang kinakailangan lang ay makita mo ang
kakulangan nila at gawin ang makakaya mo.

Sagutin ang mga kasunod na tanong.

1. Alin sa apat na aspektong bumubuo sa iyong pagkatao ang sa palagay mo ay


mas nangangailangan ng agarang pagtugon sa iyong kasalukuyang
nararanasang sitwasyon? Bakit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________.
2. Bilang isa sa mga kabataan ngayon, may magagawa ka ba para matugunan
ang pangangailangan ng iyong kapuwa sa iba’t ibang aspekto ng kaniyang
buhay? Sa paanong paraan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________.

V. Rubrik sa Pagpupuntos

Para sa gawain na may mga katanungan.

Deskripsiyon Iskor/Puntos
Naipaliwanag ng malinaw ang idea at 5 puntos
saloobin patungkol sa mga katanungan

Hindi masyadong binigyang diin ang idea at 4 puntos


saloobin patungkol sa mga katanungan

Kulang sa pagpapaliwanag, hindi nasaklaw 3 puntos


ang hinihinging idea

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
8
Gawain 2
Bahagdan
Nilalaman – 10 Tumutukoy ito sa kalidad ng mga idea na nakasulat
sa bawat kahon.
Organisasyon – 10 Tumutukoy ito sa pagkilala ng tagasulat ng tamang
pagkakasunod-sunod na paglatag ng mga idea sa
plano.
Teknikalidad – 10 Tumutukoy sa pagkilala sa tamang paggamit ng mga
bantas at mga salitang angkop sa paggawa ng plano.
Kabuuan – 30

VI. Sanggunian

Davis, D. Social Connections Important to Well-Being. (2014). Health Promotion and


Wellness. Kinuha sa: https://news.illinoisstate.edu/

Hatemi, P.K. and Verhulst, B. Political Attitudes Develop Independently of


Personality.
(2015). Kinuha sa: journals.plos.org/plosone

Maxwell, J. C. Be a People Person. 2010. Christian Growth Ministries, Inc.


Colorado, USA.

Morin, A. 13 Things Mentally Strong People Don’t Do. (2019). Kinuha sa:
https://www.lifehack.org/articles

Oxley, D.R. et al. Nd. Kinuha sa: ncbiinlm.nih.gov/pubmed

Perry, D. L. The Global Muslim Brotherhood. (2018), UK Islamic Mission

Achieving Public Impact Fundamentals. Nd. Kinuha sa:


centreforpublicimpact.org

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. (2013)


Kagawaran ng Edukasyon. Pasig, Pilipinas.

Images. http://cathnewsusa.com/

Images. https://www.bworldonline.com/

Inihanda ni : FREETZY P. BULTRON


Palanas National Agriculture High School
RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
9
SUSI SA PAGWAWASTO (Kopya para sa Guro)

Gawain 1
Pangangailangan Paano tutugunan
Aspektong Intelektuwal
Hal. Hihingi ng tulong sa mga kakilala na
Nahihirapan sa pagsagot sa aralin magaling sa araling Matematika.
sa Matematika.
Aspektong Panlipunan
Hal.
Nai-stress ang kapuwa mag-aaral Pakinggan sila nang may malawak
dahil sa pandemya. na pag-iisip, pagaanin ang kanilang
kalooban, iparamdam sa kanila na
sila ay hindi nag-iisa..
Aspektong Pangkabuhayan
Hal.
Gustong makatipid ng kamag-aaral Ibabahagi ang kaalaman tungkol sa
sa pagbili ng mga kagamitan para sa pagre-recycle ng mga bagay na nasa
gagawing proyekto sa Arts. kanilang bahay at puwedeng
magamit sa proyekto upang
makatipid.
Aspektong Pampolitikal
Hal.
Pagpili ng mahusay na lider na Magtanong-tanong sa mga
mayroong magandang plano upang nakatatanda, pagsasaliksik sa
matugunan ang pandemyang ating background ng mga kandidato at
nararanasan. paghingi ng gabay sa mga magulang,
guro at sa mga taong may maayos na
pamantayan sa pagpili ng lider.

1. Hindi po. Dahil bilang panlipunang nilalang kailangan nating makipag-


ugnayan sa ating kapwa upang matugunan ang ating pangangailangan sa
iba’t ibang aspekto.
2. Mahihirapan akong tugunan ang aking mga pangangailangan.

Gawain 2
Halimbawang sagot:

Plano ng Paglilingkod
Aspekto Taong Suliranin Paraan ng Inaasahang Inaasahang
gustong bunga
o prob paglilingkod panahon ng
tulu
lema pagsasakatupar
ngan
an
Intelektuw Xian Nahihirap Maglalaan ako Mauunawaa Sa simulang
al an sa pag- ng oras upang n nya ang klase/kapag
aaral matulungan mga leksyon kinakailangan
ko siya sa mga
RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
10
leksyon kung
saan siya
nahihirapan

Mga Pag-iipon Makapagbigay Mahikayat Unang linggo ng


Pangka mag- ng ang mga Disyembre
bu aaral survey/broch mag-aaral
hayan ng 8- ure upang ng 8-
Masipa mahikayat Masipag na
g ang mga mag- makapag-
aaral na mag- ipon
ipon

Pampolitik Liman COVID-19 Makapagbigay Magiging Ikalawang


al g mag- Pandemic ng brochure alerto sa linggo ng
aaral para paligid nila Disyembre
ng 8- maiwasan ang at sumunod
Masino COVID-19 ang mga
p Health
protocols.

Panlipu Ang Pagiging Maghahanda Mababawas Ikatlong linggo


nan aming makalat kami ng mga an ang ng Disyembre
purok ng aming lalagyan para basura at
purok ang lahat ng kalat sa
papel, bote, at aming
plastic ay purok at
doon itatapon. makakatulo
At ang ng sa
maiipon ay pagiging
maari naming responsible
ibenta sa ng bawat
junkshop kabataan.
kung may
pagkakataon.

Inihanda ni: Binigyang-pansin:

_________________________________ _______________________
Pangalan ng Mag-aaral/Lagda Pangalan ng Magulang/Lagda

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
11
Pagpapalalim

1. Ang sagot ay nakabatay sa sariling opinyon ng mag-aaral.


2. Opo. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagay na maaari kong
gawin sa abot ng aking makakaya, tulad ng pagsunod sa mga paalala sa
akin ng aking mga magulang, pag-aaral ng mabuti at pagsunod sa
ipinatutupad ng IATF.

RO_EsP_Grade 8_Q2_LP 4
12

You might also like