You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________________________Baitang at Seksyon: _________

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 8 Guro: __________________Iskor: ______

Aralin : Ang Pakikipagkapwa


Markahan 2, Linggo 2, LAS 1
Pamagat ng Gawain : Pakikipagkapwa
Layunin : Nalilinang ang kakayahan na makikipag-ugnayan sa kapwa upang
malinang ang aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at
politikal
Sanggunian : SLM Edukasyon sa Pagpapakatao 8, MELC (EsP8Pllb-5.3)
Manunulat : Cherilyn C. Manlulu, T-3

Sa araling ito ay matutunan ang kahalagahan ng pakikipagkapwa at pagiging ganap na tao.


Malalaman rin ang impluwensiya ng kapwa sa aspektong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at
politikal na tutugon sa ating pangangailangan.
Suriin ang mga larawan. Ano ang masasabi mo tungkol dito? Alin kaya sa dalawang larawan
ang kakikitaan ng impluwensiya ng pakikipagkapwa?

Kapansin-pansin ang pag-iisa ng bata sa unang larawan, naroon ang kalungkutan, kawalan
ng tiwala sa sarili at kakulangan sa nararamdaman, samantalang sa ikalawang larawan kapuna
puna ang pagkakaroon ng iteres sa ginagawa ng kapwa bata. Nakikipag-ugnayan at nakikipag-
alaman sa kasanayan ng iba pang kabataan.
Ang pakikipagkapwa ay may mabuting impluwensiya sa paghubog ng katauhan ng isang tao.
Kasama rito ang paghubog sa kakayahan maging intelektwal, pisikal o ispiritwal. Ito ngayon ang
dahilan kung bakit mahalaga sa isang tao ang pakikipagkapwa.
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) kung ito ay nagpapakita ng pakikipagpakwa at ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Pakikilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya’y
tumutulong sa mga kapus-palad.
_____ 2. Ang palagiang pagkukulong ni Ben sa kanilang bahay.
_____ 3. Ang paggawa ng usaping di-tiyak tungkol sa pag-aaway ng kabilang bahay.
_____ 4. Ang pamimigay ni Pia ng mga pagkain sa mga batang namamalimos sa lansangan.
_____ 5. Pagtulong sa nangangailangan.

Panuto: Punan ang kahon ng mga hakbang sa pakikipagkapwa na tutugon sa pangangailangan ng


mag-aaral sa paaralan o pamayanan sa aspetong Intelektwal, Panlipunan, Pangkabuhayan at
Politikal. Ilapat sa nararapat na aspeto ang sumusunod na hakbang
● Magsisilbi ng buong katapatan
● Tutulong ng walang kapalit
● Magkaroon ng sapat na kaalaman sa katangian at gawi ng kapwa
● Maglingkod nang buong puso at husay

Aspeto Mga Hakbang


INTELEKTWAL
PANLIPUNAN
PANGKABUHAYAN
POLITIKAL

You might also like