You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION
PAQUILLIAO ELEMENTARY SCHOOL
Sitio Paquilliao, BARANGAY CARE, TARLAC CITY

BANGHAY ARALIN
SA PAGTUTURO NG
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 6
Prepared By:

JOANNA DOREEN A. ASUNCION


Teacher II

Reviewed and checked:

WILLIAM A. CAWIGAN
School Head

Noted by:

ANITA P. DOMINGO
EPSVR – ESP

Address: Sitio Paquilliao, Barangay Care, Tarlac City 2300


Email address: 106760@deped.gov.ph
Telephone Numbers: 045-628-5830
Semi-Detailed Lesson Plan in
Edukasyon sa Pagpapakatao
(ESP 6)

I. LAYUNIN:
a. Naaalala ang iba’t-ibang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa.
b. Nakapagsasabi ng mga halimbawa ng paggalang sa ideya o suhestiyon
ng kapwa.
c. Naipapamalas ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa.

II. MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa.

PAKIKIPAGKAPWA-TAO

Sangguninan:
K-12 Curriculum Melc CODE Esp6P-lld-i-31

Mga Kagamitan:
 Mga larawan ng mga batang nagpapakita ng pagiging mahinahon.
 Laptop, TV at speaker
 tsart

Pedagogigal Approach:
Integrative Approach:
Filipino – Mga Iba’t ibang Damdamin

III. PAMAMARAAN:
A. Panalangin
B. Pagbati
C. Pagtala ng mga lumiban sa klase
D. Balik-aral:
Ano ang iyong gagawin sa nasabing sitwasyon na nagpapakita ng
pagiging responsible sa kapwa?

1. Nakita mo na ang kaklase mo ay walang nadala o nabiling baon


para sa recess. Ang iyong nanay ay nagpasobra ng iyong baon.
Ano ang gagawin mo?

2. Ang iyong kaibigan ay nangako na magpunta sa inyong bahay,


ngunit kaniyang nakalimutan ito at hindi naalala. Anong ang
mararamdaman mo?

Address: Sitio Paquilliao, Barangay Care, Tarlac City 2300


Email address: 106760@deped.gov.ph
Telephone Numbers: 045-628-5830
E. Paghahabi ng Layunin sa Aralin

Sa ating aralin sa linggong ito ay may layunin na naaalala ang iba’t-


ibang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa.
Nakapagsasabi ng mga halimbawa ng paggalang sa ideya o
suhestiyon ng kapwa.
Naipapamalas ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa.

F. Pag-uugnay sa Bagong Aralin

Panuto: Isulat sa patlang ang bilang na isa (1) kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng paggalang at 0 naman kung hindi.

_________1. Iniwasan ni John ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa


kaniyang gawa.
_________2. Nakangiting pinakikinggan ni Marie ang mga ideya ng
kanyang kapangkat.
_________3. Pinagtawanan si Joshua ng mga kamag-aral niya ng
magkamali siya sa pagsagot.
_________4. Hinihikayat ni Nika ang kanyang mga miyembro na
magbigay ng kanilang mga opinyon.
_________5. Nag-organisa ng palaro para sa mga kabataan ang
pamunuan ng barangay ngunit hindi tinangkilik ito.

G. Pagtalakay sa Paksa

Sa mga pagkakataon na gumagawa tayo ng pasya, hinihingi


natin ang suhestyon ninuman sa ating paligid: magulang, kapatid,
kamag-anak, kaibigan, kaklase o sinumang tao na sa palagaay natin
ay maaaring gabay upang matimbang ang mga bagay-bagay at
makapili ng pinakamainam sa lahat. Halimbawa kung may isang
paksang tinalakay o pinag-uusapan, hingin muna ang opinyon o
saloobin ng lahat ng kasapi, pagkatapos ay pagsama-samahin ang
lahat ng ito at timbangin ang mga maaaring gawin at hindi gawin at
saka magkaroon ng konklusyon. Maging bukas tayo sa mga opinyon
ng iba, ngunit kailangan muna nating suriin kung ito ba ay makabubuti
o makasasama hindi lamang para sa sarili kundi para sa lahat.

Address: Sitio Paquilliao, Barangay Care, Tarlac City 2300


Email address: 106760@deped.gov.ph
Telephone Numbers: 045-628-5830
Ang pagbibigay ng opinyon ng ating kapwa ay maaaring
makapag dulot ng iba’t ibang damdamin. Maaari itong makapagbigay
ng positibo o negatibong pakiramdam. Kung hindi man tayo sang-ayon
sa kanilang sinasabi dapat pa rin natin itong igalang. Magkaiba man
tayo ng mga pananaw sa buhay, palaging isaalang-alang ang
paggalang at pagrespeto sa opinyon ng kapwa.

H. Kasanayan

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang sitwasyon ay


nagpapakita ng paggalang at MALI naman kung hindi.
___________1. Ang hindi pagsang-ayon ng hindi nailalahad ang mga
dahilan ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon ng iba.
___________2. Kailangan isipin na hindi lahat ng tao ay may
magkakatulad na opinyon.
___________3. Isa sa mga hakbang upang igalang ang opinyon ng
ibang tao ay ang pag-unawa ng mabuti.
___________4. Ang hindi pagtingin sa kausap habang naglalahad ng
opinyon o mungkahi ay nagpapakita ng paggalang.
___________5. Maaring magtanong sa kausap upang mabigyang linaw
ang ibang bagay o mas maunawaan ang kanyang inilahad na opinyon.

I. Paglalahat

Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba. Magbigay ng paliwanag


kung may maganda bang maidudulot sa pakikipagkapwa ang mga ito.
1. Iyan ang gusto ko sa iyo, sinisikap mo na mapaghusay ang iyong
mga gawain kahit na mahirap ang ilan sa mga ito.”
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ba ! Akala mo naman magaling ka. Ayaw na kitang kasama sa


pangkat.”
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. “Tama o mali, basta gagawin ko ang nais ko!”


_________________________________________________________
_________________________________________________________

Address: Sitio Paquilliao, Barangay Care, Tarlac City 2300


Email address: 106760@deped.gov.ph
Telephone Numbers: 045-628-5830
4.” Yehey! Ang taas ng nakuha nating marka. Sabi ko na nga ba, dapat
magsipag lang tayo. Kaya naman natin, di ba?”
_________________________________________________________
_________________________________________________________

5. ”Mahuhuli na ko sa klase. Tabi!Tabi!


_________________________________________________________
_________________________________________________________

IV. PAGTATAYA

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Magmungkahi ng isang


solusyon sa bawat suliranin.

1. Ang Paete ay isang maliit na bayan sa Laguna na kilala sa mahusay


na pag-uukit. Isa ang pamilya ni Mang Tonyo sa gumagawa ng wood
carving sa bayan na ito. Kamakailan, ipinagbawal ng pamahalaan ang
pagputol ng mga puno na siyang ginagamit ng mga taga-Paete sa
kanilang produkto. Dahil dito apektado ang pinagkukunan ng
kabuhayan ng mga taga-Paete kasama na si Mang Tonyo. Ano ang
dapat gawin ni Mang Tonyo sa ganitong sitwasyon?
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Nais ni Allan at ng kaniyang mga kapatid na babae na magbukas ng


computer shop ngunit kulang ang kanilang pera upang magsimula ng
negosyo. Dapat bang ituloy nila ang ideya o dapat ba silang maghanap
ng mga makakasamang kaibigan o kamag-aral na interesado rin sa
ganitong negosyo?

________________________________________________________
________________________________________________________

Address: Sitio Paquilliao, Barangay Care, Tarlac City 2300


Email address: 106760@deped.gov.ph
Telephone Numbers: 045-628-5830
V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magbigay ng maikling paliwanag sa mga sumusunod na tanong.


1. Paano maipapakita ang paggalang sa opinyon ng ibang tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano naman ang nagagawang tulong ng pagpuna sa tao?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Prepared By:

JOANNA DOREEN A. ASUNCION


Teacher II

Reviewed and checked:

WILLIAM A. CAWIGAN
School Head

Noted by:

ANITA P. DOMINGO
EPSVR – ESP

Address: Sitio Paquilliao, Barangay Care, Tarlac City 2300


Email address: 106760@deped.gov.ph
Telephone Numbers: 045-628-5830

You might also like