You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Aralin 31
Ispiritwalidad: Nagpapaunlad ng Pagkatao

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw (30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagkaunawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
sariling kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba.

Pamantayan sa Pagganap:
Nisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw
bilang patunay sa pag-unlad ng ispiritwalidad.

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
1.1 Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang
ispiritwalidad.
Code: EsP6PDIV-a-i-16
II. PAKSA: Pagpapaliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng
mabuting pagkatao anuman ang paniniwala.
a. Sanggunian: EsP - K to 12 CG p. 89
b. Kagamitan: powerpoint presentation, videoclips, Iba’t-ibang
Paraan sa Pagsamba sa Diyos, Knowledge Channel, mga
larawan, metacards, manila paper, permanent marker at
masking tape
c. Pagpapahalaga: Pagiging mabuting tao/Pagmamahal sa Diyos

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
a. Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
b. Pagtatala kung sinong liban sa klase.
c. Ilahad ang mga larawan.

a. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?


b. Ibigay ang pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng mga ito?
c. Paano nakaka apekto ang relihiyon sa pananaw o buhay ng
tao?

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
Ipapanuod sa klase ang video. Iba’t-ibang Paraan sa Pagsamba
sa Diyos, Knowledge Channel
Ipasabi sa mga bata ang pamantayan sa panonood ng video.
Magkaroon ng talakayan pagkatapos mapanood ito.

Itanong:
a. Tungkol saan ang nakita ninyong video?
b. Isa-isahin ang mga katangian ng mga iba’t ibang relihiyon.
c. Paano natin ipapakita ang respeto sa ating pagkakaiba-iba?
d. Sa inyong palagay maipapakita mo ba ang pananampalataya
sa Diyos sa pamamagitan ng ating kapwa, kahit iba-iba ang
ating relihiyon? Sa paanong paraan?
Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng
paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ikalawang araw
2. Isagawa Natin

a. Pagbati sa mag-aaral.
b. Balik-aral. Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Ano ang pagpagpapahalaga ang iyong natutuhan tungkol sa
aralin?
c. Ipaayos ang mga pinaghalo-halong letra, bumuo ng mga salitang
may kaugnayan sa aralin.(Pagiging Matapat, Pagmamahal,
Paggalang, Pagrespeto, Pagtulong.)
d. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral
e. Ibigay ang rubrics para sa gawain.

f. Pangkatin ang mag-aaral sa lima at ipakita sa masining na


pamamaraan ang mga mabubuting ugali bunga ng matibay na
pananampalataya sa Diyos.
g. Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at karagdagang
dalawang minuto sa presentasyon.
Pangkat Gawain
Unang pangkat Dula-dulaan
Ikalawang pangkat Rap
Ikatlong pangkat Tula
Ikaapat na pangkat Islogan
Ikalimang pangkat Anunsyo

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng


paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ikatlong Araw
3. Isapuso Natin
a. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
b. Sumulat ng liham Pasasalamat sa Diyos, dahil ginawa Niya tayong
isang mabuting tao.
c. Ipabasa sa mga mag-aaral ang naisulat na liham pasasalamat sa
Diyos. Magkaroon ng malayang talakayan.

Tandaan natin:

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng


paggawa ng mabuti sa kapwa.

C. Pangwakas na Gawain

Ikaapat na Araw
4. Isabuhay Natin

a. Sumulat ng isang ugali na nais mong baguhin sa iyong sarili. Ihulog


ito sa palayok at hayaang unti-unti itong masunog. Ipaliwanag sa
dalawang pangungusap kung bakit ito ang gusto mong baguhin
sa iyong sarili. (Gawin sa labas ng silid-aralan)
b. Pagpoproseso ng mga kasagutan ng mga mag-aaral

Naisasabuhay ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng


paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ikalimang Araw
Batas
IV. Pagtataya
Kontra
Droga
5. Subukin Natin
Sumulat ng isang maikling sanaysay.
Paano mo napauunlad ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng
iyong pananampalataya sa Diyos?

V. Takdang -aralin
Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagiging isang mabuting tao.

Repleksiyon:

(Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos ng


aralin.

Halimbawa ng closure:

Pagbati! Natapos mong muli ang isang aralin. Naniniwala akong kaya
mong mapaunlad ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng iyong
pananampalataya sa Diyos.
Ipagpatuloy mo ang mabuting gawain ito. Pagpalain ka ng Diyos!

Ginawa at Isinumite nina:

MA. CECILIA T. CAJAYON – NCR, SAN JUAN

JORGE M. VILLAREAL – REGION V, SORSOGON CITY

ALVIN T. ROSARE – REGION V, SORSOGON

GEORGE P. ACUÑA – REGION III, ZAMBALES

JOSE ANGELO AQUINO – REGION V, CATANDUANES

MA. GRACE V. LODRONIO – REGION V, SORSOGON

FELICES P. TAGLE – NCR, LAS PIÑAS

MYLINE C. TUVILLEJA – NCR, MUNTINLUPA

JACQUELINE C. TUAZON – REGION III, BATAAN

MARJORRIE S. LAZATIN – REGION III, CABANATUAN CITY

JACQUELINE T. ROXAS – NCR, MANILA

JESSCELYN L. BILLONES – REGION V, MASBATE.

You might also like