You are on page 1of 2

LESSON PLAN IN FILIPINO VI

I. LAYUNIN

Nagagamit sa usapan at iba’t- ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap.F6WG-Iva-j-1

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: Paggamit sa Usapan at Iba’t Ibang Sitwasyon ng mga Uri ng pangungusap
KAGAMITAN: Kompyuter, TV LED
SANGGUNIAN: Curriculum Guide 6, pahina 128

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Paglalahad ng mga alituntunin
4. Pagbabalik-Aral

Laro: Hep- hep hoorey. (Reflective Approach)


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Isigaw ang HOOREY kung
nagpapahayag ng magalang na pananalita at HEP-HEP kung hindi nagpapahayag ng
magalang na pananalita.

1. Umalis kana.
2. Magandang umaga po sa inyong lahat.
3. Maaari po bang magtanong?
4. Sige, ikulong moa ng taong iyan.
5. Ipagpaumanhin po ninyo

B. Pagganyak na tanong:

1. Sino sa inyo ang mga sumusunod sa utos ng kanilang mga magulang ?


2. Kung hindi nyo sila sinunod ano kaya ang mangyayari?

C. Pagtatalakay
C.1Basahin ang usapan. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Tungkol saan ang mga usapan?


2. Sa unang usapan anong uri ng pangungusap kaya ito?
3. Sa ikalawang usapan, anong uri ng pangungusap ito?
4. Sa ikatlong usapan, anong uri ng pangungusap ito?
5. Sa ikaapat na usapan, anong uri ng pangungusap ito?
6. Ano ang pasalaysay na pangungusap? Ang patanong? Pautos? Pakiusap? Ang
padamdam na pangungusap? Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na
pasalaysay, pautos,pakiusap, padam at patanong.
C.2 Uri ng pangungusap

1. Pasalaysay- Pangungusap na nagbibigay impormasyon. Nagtatapos sa tuldok (.)


2. Patanong- Pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap ng sagot at nagtatapos sa
tandang pananong (?)
3. Pautos- Nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din ito sa tuldok
(.)
4. Padamdam- Nagsasad ng matinding damdamin tulad ng tuwa, takot o
pagkagalit. Nagtatapos din ito sa tandang pananong (?)
5. Pakiusap- Ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap. Maaaring
nagtatapos sa tuldok o tandang pananong(?)

D. Aplikasyon
D.1 Magbigay ng tig-4 na pangusap sa bawat uri.

D.2Pangkatang Gawain:
Panuto: Gamitin sa usapan at iba’t- ibang sitwayon ang mga uri ng pangngusap.
Pangkat 1- Magpaplano kayong magkakaibigan na mag piknik.
Pangkat 2- Usapan tungkol sa inyong gagawing “Documentary Movie”
Pangkat 3- Sasali kayo sa patimpalak ng “Group Dance Contest” sa pista sa
inyong ayan.

E. Generalization
Ano nga ba ang pangungusap?
-Pangungusap ay binubuo ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa.
May simuno at panaguri. Ito ay may 5 na uri: pasalaysay, pautos, Pakiusap, Patanong at
Padamdam.

IV. PAGTATAYA
1.Mabilis akong akong tumakbo sa bintana at sumulip ako_
2.Maaari po ba akong humiram ng pera_
3.Sige, Gina, patuluyin mo_
4.Dito na ba sila patitirahin_
5.Naku_ may sunog_

V. TAKDANG ARALIN
Bumuo ng 5 pangungusap at gamitin sa pangungusap ang mga uri ng pangungusap.

Checked by: Prepared by:

Mrs. FE F. DABLO JOVEN SALUDO


TEACHER 1 PST

You might also like