You are on page 1of 10

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA
FILIPINO-6

Pangalan ng Guro: HARA SHELLE D. ACOMPANIADO Petsa: _______________________


Pangalan ng Ulong Guro: MRS. FE Y. APOLONIO Oras: _______________________

I. Layunin:
 Natutukoy ang ibat-ibang Kayarian ng Pang-uri
 Nagagamit ang ibat-ibang Kayarian ng Pang-uri
 Nakagagawa ng halimbawa gamit ang ibat’ibang uri ng Pang-uri

II. Paksang Aralin:


MELC: Nagagamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan
sa iba’t ibang sitwasyon
Code: F6PB-IIIg-17
Paksa: Uri Ng Pang - uri
Kwento: “Si Billy Pabili”
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa magulang
Sanggunian: Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Nabasang Teksto, Uri ng Pang-uri at Hiram na Salita
Kagamitan: ginupitang larawan, tsart

III. Procedure

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban at hindi liban
4. Balik-aral

Bago tayo magumpisa sa sunod nating talakayan


ay muli muna nating balikan ang nakaraang
aralin.

Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang


pang-uri. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1.Ang lumang sapatos ay ipinamigay nila.


2.Mabango ang bulaklakng kampupot.
3.Tuwang-tuwa ang masipag na ama.
4.May malakas na halakhakansiyang naririnig.
5.May maliit na liwanag na naglalagos sa
bintana. 1.lumang
2.mabango
3.masipag
4.malakas
5.maliit

Kung tama ang iyong kasagutan, ibig sabihin ay


hindi mo pa nalilimutan ang pinag-aralan sa
pang-uri.

Tandang-tanda mo na ang pang-uri ay tawag sa


mga salitang nagbibigay-katangian o uri sa
pangngalan at panghalip.

5. Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating gawain ay may


ipapakita muna akong larawan sa inyo. Ano ang
nakikita niyo sa larawan?

Ang nasa larawan ay isang pamilya.

Ang aking mga


Magulang
Tama! Ngayon, gamit ang graphic organizer na
nasa ibaba, ilarawan ang magagandang katangian
ng iyong mga magulang.

Ang aking mga


Magulang

B. Panlinang na Gawain:
1. Gawain

Bilang paguumpisa, basahin natin ang kwento na


may pamagat na Si Billy Pabili mula sa maikling
kwento ni James Ian R. Ramos.

“Si Billy Pabili”


mula sa maikling kwento ni James Ian R. Ramos

May isang batang lalaki na nagngangalang Billy


na laging nagpapabili sa kanyang nanay at tatay
ng kahit anumang magustuhan nito. Kapag si
nanay ay pupuntang palengke upang magtinda ng
isda agad siyang nagmamadaling bumangon para
sabihin sa kanyang nanay na ibili siya ng laruan
kabayo. Kahit walang pera ang kanyang nanay
agad naman itong ibibili para hindi magtampo. At
bago umalis ang kanyang tatay para mamasada
ng kanyang sasakyang dyip agad namang iiwanan
ni Billy ang kanyang mga laruan para habulin ang
kanyang tatay para sabihing, “Tatay, pagdumaan
ka sa pagawaan ng sapatos ibili mo po ako ng
itim na sapatos kasi po luma na ang pampasok
kong sapatos.” Kahit mahirap ang buhay at
mahina ang pasada ng kanyang tatay ibibili
naman nito si Billy ng kanyang gustong sapatos
para hindi ito umiyak ng umiyak pagbalik nito sa
bahay. Tuwang-tuwa naman si Billy sa bago
niyang laruang kabayo at bagong biling sapatos.

Habang kumakain naalala ni Billy na


malapit na ang kanyang kaarawan. “Nanay, Tatay
malapit na nga po pala ang kaarawan ko di ba po
sabi nyo sa ikapitong taong kaarawan ko
ipapasyal niyo po ako sa Mall.” Nagkatinginan
sila nanay at tatay sa sinabi ko. “Sige anak, sa
isang buwan pa naman ang iyong kaarawan at
mapag-iipunan pa namin ng iyong nanay.” sabi ni
tatay. “Basta anak, pagpumunta tayo sa Mall
huwag kang masyadong magpapabili ha kakain
lang tayo sa Jollibee.” sabi ni nanay. “Yehey!
Mukhang masaya ang kaarawan ko.”

Dumating na ang kaarawan ni Billy. Habang sila


ay nasa mall manghang- mangha naman si Billy
sa kanyang nakikita, lumapit siya sa laruang
robot at ipinabili agad ito. “Basta Billy tama na
yang laruan mo na yan at huwag ka ng
magpapabili, alam mo naman na tag-ulan na
ngayon at sapat lang ang pera natin para sa
buwan na ito.” sabi ni tatay. “Opo tatay.” sabi ni
Billy. Masayang masaya si Billy dahil sa bago
niyang laruan at habang naglalakad patungong
Jollibee nadaanan ng mag-anak ang bilihan ng
mga bisikleta. Gusto ulit magpabili ni Billy
ngunit mahal ito. Malungkot na umalis sila Billy
sa tindahan ng mga bisikleta hanggang sa
makarating sila sa Jollibee. Hindi nagsasalita si
Billy at mukhang ayaw kumain. Walang nagawa
ang mag-asawa kundi ibili na lang si Billy ng
bisikleta para kumain lang ito at maging masaya.
Nang makabili na si Billy ng bisikleta agad na
silang lumabas ng mall pero paglabas nila ay
umuulan ng malakas at iisang payong lang ang
dala nila kaya si Billy na ang pinagamit.
Pagdating ng bahay basang basa si nanay at
tatay. Mabilis na lumaki ang tubig sa labas ng
bahay nila Billy at paglabas ng tatay niya nakita
niyang nabaha ang kanyang sasakyang dyip na
pamasada.
Nagkasakit si nanay habang si tatay naman
ay hindi makapamasada ng dyip dahil sa nasiraan
ito ng malubog sa baha. Nakita ko si tatay na
hirap na hirap na sa paghahanap ng pera para sa
pagpapagamot kay nanay. Naisipan ni Billy na
ibenta ang mga laruang pinabili niya, ang mga
luma niyang laruan, laruang kabayo, robot at
maging ang kanyang bisikleta ay ibinenta niya
para makatulong sa mga gastusin sa bahay at para
sa mga gamot ni nanay.
Masayang masaya si Billy ng makitang
gumaling na ang kanyang nanay. Nakita niyang
muli ang matatamis na ngiti ni nanay at ang sigla
ni tatay ng makita silang magkasama habang nasa
labas ng aming bakuran. Naunawaan ko na
ngayon kung bakit nag-iipon si nanay at tatay.
Natutunan ko na rin ngayon na kailangan ay hindi
magpabili ng kung anu-ano lang para sa sarili ko
dapat malaman ko rin ang halaga ng perang aking
gagamitin. Natutunan ko rin na bumili lamang
tayo ng mga kailangan hindi ang sarili nating
kagustuhan. Masayang makita ang ating
pamilyang buo at masigla kaysa sa mga bagay na
panandalian lang ang saya na binibigay sa atin

Ngayon ay Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan tungkol sa binasang kwento

1. Ano ang katangian ni Billy? Ang nanay at


tatay?
2. Ano-ano ang mga ipinabibili ni Billy?
3. Saan nagpunta ang mag-anak sa kaarawan ni
Billy?
4. Bakit hindi nagsasalita si Billy at mukhang
ayaw kumain ng nandoon sila sa Jollibee?
5. Anong pangyayari ang nagpabago kay Billy?
Ano ang kanyang ginawa?
6. Tama bang ibigay na lang lahat ng hinihiling
ng anak kahit hindi importante?
7. May naranasan ka bang sitwasyon na kahawig
ng nasa kwento? Ano ang iyong naramdaman?
Ano ang iyong ginawa? Ilahad ang iyong
karansan.

2. Pagsusuri

Ngayon ay dumako na tayo sa ating talakayan


tungkol sa Pang-uri.

Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan o


nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip. Ito
ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon
tungkol sa pangngalan o panghalip sa
pangungusap.

Uri ng Pang-uri

1. Pang-uring Panlarawan - nagsasaad ng laki,


kulay, hugis ng tao bagay, hayop, lugar, at iba
pang pangngalan. Maaaring ilarawan din ang
anyo, amoy, tunog, yari, at lasa ng bagay. Ito ay
karaniwang nagsasaad ng mga katangian na
napupuna gamit ang limang pandama.
Nailalarawan di ng mga pang-uring panlarawan
ng mga katangian ng ugali, asal o pakiramdam ng
tao o hayop.

Mga halimbawa: (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.)

•Tanggapin mo sana ang aking munting regalo.

•Minasdan ni Maria ang kanyang sarili sa salamin


na biluhaba.

•Sa aking panaginip, hinahabol ako ng isang


nakakatakot na halimaw.

2. Pang-uring Pantangi – binubuo ng isang


pangngalang pambalana at isang pangngalang
pantangi. Ang pangngalang pantangi (na
nagsisimula sa malaking titik) ay nag lalarawan o
tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.

Mga halimbawa: (Ang salitang may kahon ay


halimbawa ng pang-uring pantangi.)

• Ang pasalubong ni Tatay sa atin ay masaray na


longganisang Lucban.

• Bigyang halaga ang kultura ng mga katutubong


Filipino.

• Si Dennis ay mahusay magsalita sa wikang


Ingles.

3. Pang-uring Pamilang – nagsasabi ng bilang,


dami o posisyon sa pagkasunod-sunod ng
pangngalan. May ilang uri ng mga pang-uring
pamilang.

Uri ng Pang-uring Pamilang


a. Patakaran – ito ay nagsasaad ng aktuwal na
bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang
o numeral.

Mga halimbawa (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.) :

•Maroong isang lalaki na kumatok sa pinto.

•Sina Mike at Grace ay may apat na anak.

•Bumili ako ng limang itlog.

b. Panunuruan – Ito ay nagsasaad ng posisyon ng


pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o
bagay. Isinasabi ng mga tao kung pang-ilan ang
tao o bagay.

Mga halimbawa (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.) :

•Ako ang ikatlong mag-aaral na napiling lumahok


sa paligsahan.

•Si Rodrigo Duterte ang ika-labing anim na


pangulo ng Pilipinas.

•Gawin mo ang pagsasanay sa ika-limampung


pahina ng aklat.

c. Pamahagi – Ito ay nagsasaad ng bahagi o parte


ng isang kabuoan.

Mga halimbawa (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.) :

•Tiglilimang kendi ang ibibigay sa nga bata.

•Kalahating mangkok ng kanin lang ang kinain ni


Carlo.

•May siyamnapung posiyentong posibilidad na


pag-ulan ngayon.

d. Pahalaga – Ito ay nagsasaad ng halaga


(katumbas na pera) ng bagay o anumang binili o
bibilhin.

Mga halimbawa (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.) :
•Ibinigay ng batang pulubi ang pisong kendi sa
kanyang kapatid.

•Nabenta na ang tatlong milyong pisong bahay at


lupa sa Cagayan.

•Nakatanggap ako ng sandaang pisong load


kahapon

e. Palansak – Ito ay nagsasaad ng pagpapang-


pangkat ng mga tao o bagay. Itinutukoy nito ang
bilang na bumubuo ng isang pangkat ng tao o
bagay na pinagsama-sama.

Mga halimbawa (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.):

•Sampu-sampu ang tao na nagsisidagsaan sa mga


evacuation center.

•Dalawahan ang mga upuan sa bus na ito.

•Animan ang mga estudyante sa bawat kuwarto


ng dormitory.

f. Patakda – Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang


ng pangngalan.

Mga halimbawa (Ang salitang may salungguhit


ay ang pangngalan na inilalarawan ng pang-uring
may kahon sa bawat pangungusap.) :

•Iisa ang pangarap ni Jessie at ito ay isang tanyag


na mang-aawit.

•Dadalawang isda lamang ang nahuli ni Kuya


Pedro.

•Sasampung miyembro pa lamang ang


nagbabayad ng kotribusyon

3. Paglalahat

Kung lubos niyong naintindihan ang ating


talakayan ngayong araw ay sagutin ang aking
mga tanong.

Ano ang tatlong uri ng Pang-uri? At bigyan ito ng


kahulugan. Panlarawan – nagsasaad ng mga katangian na
napupuna gamit ang
limang pandama
Pantangi – binubuo ng isang pangngalang
pambalana at isang
pangngalang pantangi
Pamilang – tumutukoy sa bilang o dami ng
pangngalan
Magaling! Ngayon naman ay magbigay ng
halmbawa ng pang-uri gamit ang tatlong uri.
(magbibigay ng tatlong halibawa ang mga
bata)

4. Paglalapat

Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Isulat sa


patlang bago ang bilang kung ito ay panlarawan,
pantangi at pamilang.

______________ 1. Apat na panauhin ang


darating sa bahay bukas.
______________ 2. Nagluto si nanay ng
maraming pagkain para sa kaarawan ko.
______________ 3. Nagsuot si Mario ng barong
Tagalog noong sumali siya sa paligsahan.
______________ 4. Limang mag-aaral lamang
ang naglinis sa silid-aralan.
______________ 5. Sina Kyla at Trina ay bumili
ng pulang damit.
______________ 6. Napakatarik ng pangarap ni
Gina.
______________ 7. Ang dapat tularan ng mga
bata ay ang tamang pag-uugali.
______________ 8. Ang guro ang tumatayong
ikalawang magulang ng mga bata.
______________ 9. Umulan ng malakas
kaninang umaga kaya ako nabasa.
______________ 10. Binigya ako ni Tiyo Ramel
ng limampung piso para ibili ng pagkain.
1. apat – pamilang
2. maraming – pamilang
3. Tagalog – pantangi
4. limang – pamilang
5. pulang – panlarawan
6. Napakatayog
7.tama
8. ikalawa
9. malakas
10. limampung

IV. Pagtataya:
PANUTO: Punan ng angkop na pang-uri mula sa kahon ang bawat pangungusap sa
ibaba. Sundin ang hinihinging uri ng pang-uri sa panaklong.

sampung Dagupan Pilipino

Laguna magandang tahimik

pula una tanyag

masarap

1. Kulay (panlarawan) _________ ang kamisetang isusuot ko mamaya.


2. (pamilang) __________ kuneho ang nakita kong tumakbo sa palayan.
3. Natikman mo na ba ang (panlarawan) __________ na luto ni nanay?
4. Ang kesong (pantangi) ______ ang isinangkap ni Aling Merely sa bibingka.
5. Higit sa lahat, ang (pamilang) ________ sa aming buhay ay ang panginoon.
6. Ang pamilyang (pantangi) ___________ ay malapit sa isa’t isa.
7. Ang sarap tumira sa (panlarawan) ___________ na lugar.
8.Kailangan natin alagaan ang ating (panlarawan) ___________ kapaligiran.
9. Si Dr. Cruz ay isang (panlarawan) ____________ na doktor.
10. Paborito ko ang inihaw na bangus (pantangi) ___________.

V. Kasunduan: 10
PANUTO: Suriin ang larawan sa ibaba. Bumuo ng mga pangungusap na may iba’t
ibang pang-uri kaugnay ng mga pangyayaring nakikita sa larawan. (Sagutin ito sa
Worksheet 2 sa pahina 22)

A. Dalawang pangungusap na may panlarawang pang-uri

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Dalawang pangungusap na may pantanging pang-uri

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

C. Dalawang pangungusap na may pamilang na pang-uri

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

You might also like