You are on page 1of 14

6

Filipino
Kwarter 3-Linggo 9, Modyul 9:
Pagkuha ng Impormasyon sa
Pamamagitan ng Pahapyaw na
Pagbasa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino - Baitang 6
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3 -Modyul 9: Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw
na Pagbasa
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano
mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon. FOR VALIDATION

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang
hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte


Tagapamanihala ng mga Paaralan : Edilberto L. Oplinaria
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6
Manunulat : Hasnalia B. Salic
Illustrator and Layout Artist: Del Cagang
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Joselito C. Epe, Ph.D.
Management Team
Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson:
Rosemarie T. Macesar,PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Members
Maria Eva S. Edon, , Ph.D.,CID Chief
Monisa P. Maba, Ph.D., EPS-Filipino
Joselito C. Epe,Ed.D.-PSDS
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Joselito C. Epe,Ed.D.-PSDS
Editha M. Tawantawan, School Principal I
Justina Sanchez, School Principal I
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II
Lawanun S. Mohamad, HT-III
Anisa A. Maruhom HT-III
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov.A.Quibranza Prov’l. Gov’t.Comp, Pigcarangan,Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
6
Filipino FOR VALIDATION

Kwarter 3 - Modyul 9
Pagkuha ng Impormasyon sa
Pamamagitan ng Pahapyaw na
Pagbasa

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan ng Departamento ng Edukasyon .
Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon, mga
magulang na mag - email ng inyong mga puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa lrmdsldn@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: Ang modyul na ito ay para sa mga
hangaring pang-edukasyon lamang. Ang mga hiniram na materyales (halimbawa, mga
kanta, kwento, tula, larawan, pangalan ng tatak, trademark, atbp.) na kasama sa
modyul na ito ay pagmamay-ari ng copyright holders. Ang publisher at mga may-akda
ay hindi kumakatawan o nang-aangkin ng pagmamay-ari sa kanila. Taos-pusong
pagpapahalaga sa mga nakagawa ng makabuluhang mga kontribusyon sa modyul na
ito.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahina

PABALAT
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 9 – Pagkuha ng Impormasyon sa Pamamagitan ng Pahapyaw na


Pagbasa

Alamin FOR VALIDATION

Subukin
Balikan
Tuklasin
Suriin
Pagyamanin
Isaisip
Isagawa
Mensahe ng Guro
Tayahin
Karagdagang Gawain

Sanggunian
Aralin
Pagkuha ng Impormasyon sa
9 Pamamagitan ng Pahapyaw na
Pagbasa

Alamin

Panimula

Magandang Buhay! Binabati kita dahil nalampasan mo ang mga nakaraang


modyul mula sa Una at Ikalawang Markahan. Ngayong ikaw ay nasa pampitong
Linggo na ng Ikatlong Markahan, inaasahan kong mananatili pa rin ang iyong
kawilihan at kasabikang tapusin ang modyul na ito at ang iilan pang kasunod na
mga modyul upang maipasa mo nang maluwalhati ang kasalukuyan mong
kinalalagyang baitang. Ito ay nabuo upang mabigyan ka ng suplementaryong
kagamitan na magsisilbing iyong gabay sa iyong pag-aaral sa mga paksa sa Filipino
6. Ang mga araling nakapaloob dito ay kinakailangang matapos sa loob ng isang
linggo.

Kasanayang Pampagkatuto : Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang;


Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa. F6EP –
IIIg-11
 Nakasasagot sa mga tanong ng pahapyaw na binasang akda
 Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng
pahapyaw na pagbasa
 Nakapagbibigay halaga sa binasang akda sa pamamagitan ng paggawa ng
poster

Maari ka nang magsimula sa iyong paglalakbay upang tuklasin ang iyong


nakatagong talino at galing sa wika at panitikan. Gudlak.

Subukin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (/) kung tama ang sinasabi sa
pangungusap, ekis (X) naman kung hindi.
______1. Si Raha BAguinda ang kauna-unahang sultan ng Sulu.

______ 2. Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato.


__ ___ 3. Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t-ibang
pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao
__ ___ 4.Ang Sultan ay tinutulungan ng ruma bichara, kadi at ulama lamang.
__ ___ 5. Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay payo sa sultan ukol sa
relihiyon.

Balikan

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na pangungusap tungkol sa


kuwentong “Ang Piyesta ng Agpamago” Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
_______ 1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
a. Letlet at Aking Jose
b. Rosa at Ana
c. Michael at Dennis
d. Roger and Thereza

_______ 2. Saan naganap ang kwento?


a. Alangan Mangyan sa Mindoro
b. T’boli ng South Cotabato
c. Higaonon ng Bukidnon
d. Ranao ng Marawi

_______ 3. Paano ipinagdiriwang ang Agpamago?


a. Masayang nagkukuwentuhan at nagkakantahan
b. May dalang palay na pagsasaluhan ng lahat
c. Nagluluto ng pagkain at nakikinig sa kanila ang mga bata
d. Lahat sa nabanggit

_______ 4. Bakit Kapwan Agalapet ang tawag ng mga Mangyan sa Diyos?


a. Dahil pinuno ng pamayanan
b. Para sa mga masayahin na manananggol
c. Dahil siya ang tinaguriang Tagapangalaga
d. Wala sa nabanggit

_______ 5. Kung ikaw si Letlet paano mo igalang ang nakatatanda?


a. kabalastugan
b. Katamaran
c. Kabulastugan
d. Tanda ng pagrespeto
Tuklasin

Ang matutunghayan mo ngayon ay isang Maikling Kuwento. Basahin at


unawaing mabuti ang bawat pangungusap na nakapaloob dito at pagtuunan ng
pansin ang mensaheng inihatid ng akda.

ANG PAMAHALAANG SULTANATO


Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon nang maliliit na
pamayanang tinatawag na banwa sa Sulu. Ang mga banwa ay pinamumunuan ng
mga datu o raha.
Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta sa Sulu. Noong
lumaon pinakasalan niya si Paramisuli na anak ni Raha Baginda. Nang mamatay si
Raha Baginda, si Abu Bakr ang humalili sa kanya bilang raha. Sa pamumuno niya,
pinag-isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu.
Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng isang sultan.
Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu.
Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya
ang punong tagapagpaganap, hukom, taga-pagbalangkas ng mga batas, at pinuno
ng mga mandirigma.
Dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan ng isang sultan, siya at
tinutulungan ng ruma bichara, kadi, ulama, panglima, pandita at imam.
Ang ruma bichara ay isang lupon ng tagapayo na binubuo ng raha muda o
tagapagmana ng sultan, maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng sultan,
mga datung mayayaman at makapangyarihan, sharif at iba pang taong iginagalang.
Tinatalakay at pinagpapasyahan ng lupon ang mga bagay na may kinalaman sa
batas, pananalapi at pangangalakal.
Ang kadi ay isang tao na nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran at
tinitiyak niya na hindi labag sa aral ng Islam ang mga batas.
Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay payo sa sultan ukol sa
relihiyon.
Ang panglima ay mga pinunong tagapaganap ng Sultan o tagapagpatupad ng
mga batas na pinagtibay na sa mga masjid o distrito. Sila ang may kapangyarihang
maningil ng buwis.
Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima.

Ang imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng mga distrito.


Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t-ibang pangkat
etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao. Nasa ilalim ng
pangangasiwa ng sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi, Basilan, dulong timog ng
Zamboanga, Palawan at Sabah na nasa dulong hilaga ng Malaysia. Tumagal ng
limang dantaon ang sultanatong ito.
Noong 1475, dumaong sa Cotabato ang misyonaryong Sharif Kabungsuan,
mula sa Johare, Malaysia. Napangasawa niya ang isang prinsesa ng Cotabato.
Siya ang unang sultan ng Maguindanao.
Kasabay ng pagtatag ng mga sultanato ang paglaganap ng relihiyong Islam.
Ang pamahalaan ay naging sentralisado at matatag dahil sa pangangasiwa ng iisang
makapangyarihang pinuno. Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na barangay
tungo sa pagkakaisa.

Suriin

Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa nabasa/napakinggang kwento. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1.Balikan ang kwento, saang lugar ng Sulu na kung saan pinamumunuan ng
datu o raha?

2.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta sa Sulo noong 1450 na naging raha
banwa ng Sulu?

3.Paano pinag-iisa ang pangkat etniko pag-isahin ang iba’t-ibang pangkat etniko
gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao?

4.Sino ang unang sultan ng Maguindanao na dumaong at nakapangasawa ng


pinsesa ng Cotabato noong 1475?

5.Bakit kinakailangan magkaroon ng Sultanato ang relihiyon ng Islam?

Pagyamanin

Gawain II
Panuto : Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat pangungusap ayon sa pagkasunod-
sunod na pangyayaring nabanggit sa kwentong napakinggan o nabasa.
_______ Ngunit si Sultan Bakr ay tinutulungan ng ruma bichara, kadi, ulama,
panglima, pandita at imam dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan bilang isang
sultan.
_______ Banwa ang katawagan sa maliit na pamayanan ng Sulu na kung saan
pinamumunuan ng datu o raha.
_______ Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu na kung saan siya ang
may pinakamataas dahil ang pamahalaang sultanato ang siyang punong
tagapagpaganap, hukom, taga-pagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mga
mandirigma.
_______ Si Abu Bakr naglayag mula Sumatra papuntang Sulu noong 1450 at
pinakasalan si Paramisuli na anak ni Raha Baginda at nang namatay siya rin ang
humahalili bilang raha dahil sa kanyang pamumuno, pinag-isa niya ang mga banwa
at bumuo ng isang sultanato sa Sulu.
_______ Kapag ang isang sultan ay tinulungan ng mga lupon ng tagapayo
samantalang ang imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng kanilang
mga distrito.

Isaisip

Ang pagpapahayag ng mga pangyayaring naranasan at nasubukan kung


minsan hindi malinaw ang paghahatid at pagsasabi natin ng mensahe at
impormasyon dahil na rin sa kakulangan ng mga tiyak na detalye o kaya naman
ay napaghahalo-halo natin kaya’t maging ang kausap at salaysay natin ay
nagtataka kung nababago ang mga pangyayari.
Ang pahapyaw na pagbasa (scanning) ay isang paraan ng pagbabasa na
tumutukoy sa paghahanap ng tiyak na impormasyon sa isang pahina. Ito ang uri
ng pagbasa na hindi hinahangad na makuha ang kaisipan ng sumulat dahil sa
mahalaga rito’y makita ang hinahanap sa madali at mabilis na paraan.

Isagawa

Gawain III
Panuto: Bilang isang bata, gumuhit ng poster na naglalarawan ng pamamalakad ng
pamahalaang sultanato. Iguhit ito sa isang buong bondpaper at gamiting gabay ang
rubriks na ito sa pagmamarka ng iyong awtput.
Kraytirya Di – Kahanga – Katanggap – Pagtatangka
Pangkaraniwan hanga tanggap
4 3 2 1
1. Paksa Angkop na May May maliit na Walang
angkop at kaugnayan sa kaugnayan kaugnayan
eksakto ang paksa
kaugnayan sa
paksa
2. Gumagamit ng Gumagamit ng Makulay subalit Hindi
Pagkamalikhain maramingkulay kulay at iilang hindi tiyak ang makulay
at kagamitan kagamitan na kaugnayan
na may
maykaugnayan kaugnayan sa
sa paksa paksa
3. Takdang Nakapagsumite Nakapagsumite Nakapagsumite Higit sa isang
Oras sa mas sa tamang oras ngunit huli sa linggo ang
mahabang oras itinakdang oras kahulihan
4. Kalidad ng Makapukaw Makatawag Pansinin ngunit Di - pansinin,
ginawa interes at pansin di makapukaw di -
tumitimo sa isipan makapukaw
isipan ng interes at
isipan
5. Kalinisan Maganda , Malinis Ginawa nang Inapura ang
malinis at apurahan paggawa at
kahanga– ngunit di - marumi
hanga ang marumi
pagkagawa
Iskala ng Pagmamarka:
4 - 100 – Di – pangkaraniwan
3 - 90 – Kahanga – hanga
2 - 80 – Katanggap – tanggap
1 - 70 – Pagtatangka

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at isulat ang titik ng tamang sagot
sa inyong sagutang papel.
1.Lugar ng Sulu na kung saan pinamumunuan ng datu o raha?

a. sumatra
b. Banwa ng sulu
c. talipao
d. Pangutaran

2.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta sa Sulo noong 1450 naging raha
banwa ng Sulu?

a. Ismael
b .Abu Bakr
c .Raha Baginda
d .Sharif kabungsuan

3.Paano pinag-iisa ang pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga
Badjao?
a. . Imam
b. . kadi
c. . koran
d. . Ulama

4.Sino ang unang sultan ng Maguindanao na dumaong at nakapangasawa ng


pinsesa ng Cotabato noong 1475?

a. Johare
b. Abu Bakr
c. Raha baginda
d. Sharif kabungsuan

5.Bakit kinakailangan magkaroon ng Sultanato ang relihiyon ng Islam?

a. Dahil sa kanilang tradisyon


b. Upang magkaroon ng pagkakaisa
c. Para ipalaganap ang kanilang relihiyon
d . Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na barangay tungo sa pagkakaisa.

Karagdagang Gawain

Gawain I:

Panuto:Buuin ang Graphic Organizer sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong


mula sa pahapyaw na binasang kwento.
1.Ang naglayag mula sa
sumatra patungu sa Sulu

2.Pinamumunuan ito ng Datu


o Raha

3. Isang lupon ng 4.Nagpapaliwanag ng tunay 5.Lugar kung saan dumaong


tagapayo____________ na kahulugan ng koran ang misyonaryong si sharif
relihiyon kabungsuan
Mga Kasagutan

Sanggunian

https://lrmds.deped.gov.ph
www.google.com.ph
(OUTSIDE BACK COVER)

Para sa mga katanungan maaaring sumulat o tumawag sa :

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address :lrmdsldn@gmail.com

You might also like