You are on page 1of 24

6

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagtatanong tungkol
sa Impormasyong Inilahad
Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo
(Aralin 2)
FILIPINO – Ikaanim na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagtatanong sa Impormasyong Inilahad
Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo (Aralin 2)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Elsa V. Flores


Editor: Cristina Q. Artates
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Mona Liza G. Abelon
Chester F. Mertola
Tagaguhit at Taga-anyo: Romeo A. Flores
Tagalapat: Chester F. Mertola
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagtatanong tungkol
sa Impormasyong Inilahad

Panimula

Nasubok na ng mga guro ang iba’t ibang pamamaraan sa pagtuturo. Ginamit


ang nararapat na mga kasanayan na aakma sa pagkatutong kinakailangan ng bawat
mag-aaral sa kagustuhang makaagapay sa bawat aralin at masiguradong walang
maiiwan.

Ang mga grapikong pantulong tulad ng dayagram, tsart, mapa at graph ay


makatutulong sa iyo upang maging malinaw ang mga impormasyon sa isang aralin.
Higit mong mauunawaan ang mga gawaing naiatas sa iyo gamit ang grapikong
pantulong dahil ang mga salitang ipinahahayag dito ay piling-pili lamang.

Binuo ang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na ito


upang higit mong maunawaan ang aralin tungkol sa pagtatanong sa impormasyong
inilahad sa dayagram, tsart, mapa at graph.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagtatanong tungkol sa impormasyong inilahad sa dayagram, tsart, mapa


at graph. (F6PB-IVg-20)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto na


ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga impormasyong inilahad sa isang sitwasyon gamit ang
grapikong pantulong ;
2. nasasagot ang mga tanong sa mga impormasyong inilahad gamit ang
dayagram, tsart, mapa at graph; at
3. nabubuo ang mga tanong tungkol sa impormasyong inilahad gamit ang
dayagram, tsart, mapa at graph.

Balik Aral

A. Panuto: Basahing mabuti ang tula. Isulat sa Hanay A ang mga sanhi ng
pangyayari at sa Hanay B naman ang mga bunga ng pangyayari. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

Inang Kalikasan
ni Romeo A. Flores, Linusungan ES

I
Masdan mo ang iyong kapaligiran
Unti-unti nang nawawasak ang inang kalikasan,
Pinatag ang mapunong kabundukan
Dahil dito, kaliwa’t kanang trahedya ang nararanasan.

2|Pahina
II
Mga ilog at karagata’y nalalason
Mga kemikal na nagmumula sa mga pabrika sanhi ay polusyon,
Itim na hangin bumabalot sa buong nayon
Mula sa usok ng mga sasakyang pumaparito’t pumaparoon.

III
Baha at pagguho ng lupa sa kanayunan
Kumitil ng buhay at nanira ng kabahayan,
Kalunos-lunos na pangyayari ay hindi matatawaran
Inang kalikasan nagsusumigaw ng katarungan.

IV
Pagtatanim ng puno ating gawin
Upang manumbalik ang malinis na hangin,
Inang kalikasa’y pahalagahan natin
Mahalin, ingatan at pagyamanin.

Hanay A Hanay B
Sanhi Bunga

Magaling, natapos mo ang gawain ng buong husay! Ang iyong ginawa ay isa
lamang halimbawa ng grapikong pantulong na pag-aaralan mo ngayong araw.

3|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Handa ka na ba sa aralin? Narito ang usapan ng magkaibigang Romeo at Elsa.


Basahin at unawain ang usapan pagkatapos ay sagutin ang ilang mga katanungan
na inihanda para sa iyo.

Ang Araw ng Pamimili


ni Elsa V. Flores, Linusungan ES

Sina Romeo at Elsa ay palaging magkasamang namamalengke sa Pamilihang


Bayan sa kanilang lugar.

Romeo: Elsa bilisan mo! Mahuhuli na tayo sa


pamimili ng sariwang isda sa
Pamilihang Bayan!

Elsa: Oo, hintayin mo na ako at bababa na


ako ng hagdan!

Romeo: Doon tayo dadaan kina Aling Coring,


sa may kalye ng Burgos at liliko tayo
sa may tulay ng Mabini para mas mabilis tayong makarating sa
Pamilihang Bayan.

Elsa: Mas maputik sa kalye ng Burgos kaysa sa kalye ng Jacinto. Bakit kaya
hindi na lang tayo dumiretso sa may kalye ng Jacinto?

Romeo: Tatanghaliin na tayo kaya doon na tayo dumaan.


Tuluyan nang umalis ang magkaibigan dala-dala ang kanilang bayong
patungong Pamilihang Bayan.

Romeo: Dito tayo kay Aling Norma bumili ng isda at


mas mababa ang presyo ng kaniyang paninda.
Ang Tilapia ay P130 isang kilo at ang Bangus
ay P180 naman isang kilo.

Elsa: Oo nga, ang isdang Tilapia kay Aling Puring ay


nagkakahalaga ng P135 kada kilo at ang
Bangus ay nagkakahalaga ng P190 kada kilo.

4|Pahina
Romeo: Makatatawad pa tayo at siguradong sariwa ang
kaniyang mga panindang isda.

Elsa: Talagang mas mababa ang presyo ng isda noong nakaraang Disyembre
kaysa ngayong Enero.

Romeo: Noong Disyembre ang Tilapia ay P100 lang kada kilo ngayon P130 na.

Elsa: Ang Bangus noong nakaraang Disyembre ay P120 lang kada kilo, ngayon
ay P180 na kada kilo.

Romeo: Dahil diyan tumaas ang badyet namin sa pagkain. Kung dati 50%
lamang ng sahod ko ay napupunta dito ngayon ay 55% na. Kaya
bumaba naman ang nakalaang badyet para sa gamit sa pag-aaral,
damit, kuryente at sa ipon namin.

Elsa: Kaya tipid-tipid din kung may time! ha..ha..ha!

Romeo: Napansin ko na mas maraming namimili ngayong Miyerkules kaysa


noong Lunes.

Elsa: Oo nga, halos mapuno ng tao ang Pamilihang Bayan ngayon.

Romeo: Naku, tanghali na pala! Sumakay na tayo ng traysikel para mabilis


tayong makauwi.

Elsa: Alam mo bang marami sa ating mga


kapitbahay ang sumasakay sa dyip
kaysa sa traysikel dahil mas mura ang
pamasahe? Pero kung iyong
mapapansin, mas marami pa rin ang
naglalakad dahil mas nakatitipid sila.

Romeo: Totoo ‘yan Elsa! Batid kasi nila na


nakabubuti rin ang paglalakad sa ating
kalusugan.

At umuwi ang magkaibigan bitbit ang mga pinamalengke.

5|Pahina
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sino ang matalik na magkaibigan sa kuwento?


A. Romeo at Elsa C. Ronnin at Elsa
B. Ronnie at Elsa D. Ronyok at Elsa

2. Saan pumunta ang magkaibigan?


A. bangko C. parke
B. Pamilihang Bayan D. simbahan

3. Bakit kay Aling Norma nila gustong bumili ng isda?


A. Siya ay suki nila. C. Siya ay kapitbahay nila.
B. Si Aling Norma ay mabait. D. Mura ang isdang mabibili dito.

4. Magkano ang matitipid ng magkaibigan kung kay Aling Norma sila bibili ng
Tilapia at Bangus?
A. P15 C. P35
B. P25 D. P45

5. Anong mahalagang kaugalian ang inilalarawan sa kuwento?


A. pagiging masinop C. pagiging matipid
B. pagiging masipag D. pagiging matiyaga

Mula sa nabasang usapan ng magkaibigan, nalaman mo ang direksiyon kung


paano sila pumunta sa Pamilihang Bayan. Bukod dito, nabanggit din ang mga
presyo ng bilihin. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng mga ito sa susunod na
aralin? Paano ito makatutulong sa iyong pang-araw-araw na gawain?

Alamin mo!

Mapadadali ang pagtukoy at paghahanap mo ng direksiyon kung gagamit ka


ng mapa. Ang mapa ay isang uri ng grapikong pantulong na naglalarawan ng
lokasyon, hugis at distansiya. Makikita mo rito ang apat (4) na pangunahing
direksiyon; ang Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran. Ito ay mahalaga sa pagtukoy
ng iyong kinalalagyan at nagsisilbing palatandaan ng lokasyon ng isang lugar.

6|Pahina
Mapa Papuntang Pamilihang Bayan

Sa tulong ng isang mapa, madaling malaman at matutuhan ang direksiyon


at lokasyon ng mga nakadetalye rito.

Ngayong alam mo na ang wastong gamit ng mapa, pag-aralan mo naman


kung ano ang tsart.

Presyo ng Tilapia at Bangus

Uri ng Isda Aling Norma Aling Puring


Tilapia P130 P135
Bangus P180 P190

Isa sa maaari mong gamitin sa paghahambing ay ang paggamit ng tsart. Ang


tsart ay nagpapakita ng dami ng isang sistema sa pamamagitan ng hanay batay sa
hinihingi o ibinibigay na impormasyon.

Mula sa tsart mapaghahambing mo ang presyo ng dalawang isda sa


magkaibang tindahan. Ang Tilapia ay nagkakahalaga ng P130 at ang Bangus ay
P180 sa tindahan ni Aling Norma. Ang Tilapia ay nagkakahalaga ng P135 at ang
Bangus naman ay P190 sa tindahan ni Aling Puring. Kung ihahambing ang presyo
sa panindang isda ni Aling Puring, mas mataas ang presyo ng Tilapia ng limang piso
at ang Bangus ng sampung piso.

Ang tsart na napag-aralan mo ay nagpapakita ng malinaw na impormasyon.


Ginagamitan ito ng mga kolum at simpleng paglalahad ng mga bilang at salita.

7|Pahina
Maaari ka ring gumamit ng graph sa paglalahad ng impormasyon. Ang graph
ay sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos. Ito ay isang paraan upang
madaling maunawaan at mabigyang kahulugan ang mga impormasyon.
Ginagamitan ito ng mga simbolo. Nauuri ito sa apat; ang pie graph, bar graph, line
graph at pictograph.

A. Pie graph - Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng paghahati-hati sa isang


kabuoan gamit ang bahagdan. Tulad ng bilog, ito ay nagpapakita ng kabuoang
konsepto ng 100%.

Buwanang Badyet ng Pamilya ni Romeo

Mula sa inilahad na graph, ipinakikita rito ang isang buwang sahod ni Romeo
na umaabot sa P15,000. Ito ay nahahati-hati sa limang (5) bahagi: nakalaan sa
pagkain ang badyet na P8,250 o 55 %, sa kuryente ay P3,000 o 20%, sa damit
at gamit sa pag-aaral ay may parehong badyet na P1,500 o 10% at sa ipon ay
nakalaan ang P750 o 5%.

B. Bar graph - Ginagamit sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat.


Nagpapakita ito ng kaugnayan ng mga ideya o paghahambing ng magkaugnay
na mga ideya.

Bilang ng mga Sumasakay at Naglalakad Patungong Palengke

8|Pahina
Malinaw na ipinakikita ng graph kung ilan ang sumasakay ng traysikel at
dyip at kung ilan ang naglalakad patungo sa Pamilihang Bayan hanggang sa pag-
uwi. Mula sa mga nakalap na datos, naipaliwanag nang husto ang interpretasyon
ng mahahalagang tala gamit ang graph sa itaas.

C. Line graph – ginagamit ito upang ipakita ang iba’t ibang impormasyon at datos
sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya. Ipinakikita ang pagtaas at pagbaba
ng datos sa magkaibang panahon o pangyayari.
Pagtaas ng presyo ng Bangus sa loob ng Dalawang Buwan

Makikita sa graph ang biglaang pagtaas ng presyo ng Bangus sa


Pamilihang Bayan sa magkasunod na buwan. Ang Bangus sa buwan ng
Disyembre ay nagkakahalaga ng P120 at P180 naman sa buwan ng Enero.

D. Pictograph – ito ay isang talaguhitan na gumagamit ng larawan upang magbigay


ng datos.

Bilang ng mga Mamimili sa Pamilihang Bayan

9|Pahina
Mula sa inilahad na mga graph, nalaman mong tiyak at malinaw ang
paglalahad ng detalye sa pagbibigay ng imporasyon. Natutuhan mo kung paano
ilahad ang mga detalye sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang uri ng graph.
Nailahad ang mga detalyeng kaugnay ng paksa sa bawat graph na maaaring
sumagot sa mga tanong na ano, saan, kailan, paano at bakit?

Halimbawa:
1. Ano ang pamagat ng pictograph?
Ang pamagat ng pictograph ay Bilang ng mga Mamimili sa Pamilihang Bayan.
2. Ilan ang bilang ng mamimili sa araw ng Miyerkules?
May dalawampu’t limang mamimili tuwing araw ng Miyerkules.
3. Anong araw ang may pinakamataas na bilang ng mga mamimili?
Ang araw ng Miyerkules ang may pinaka mataas na bilang ng mga mamimili.
4. Sa anong araw naitala ang pinakakaunting bilang ng mga mamimili?
Ang araw ng Huwebes ang may pinakakaunting mamimili.
5. Kung pagsasama-samahin, ilan lahat ang mamimili sa loob ng limang araw?
May isangdaan at dawampu’t limang mamimili sa loob ng limang araw.
6. Sa iyong palagay, bakit marami ang bumibili sa araw ng Miyerkules?
Ang Miyerkules ang araw na kung saan ay may mga dumadayong mamimili
mula sa ibang bayan.

Bukod sa pag-aaral ng mga graph at tsart, maaari ring makatulong sa iyo ang
paggamit ng dayagram sa pagtukoy o paglalahad ng mga detalye o mahahalagang
impormasyon sa isang sitwasyon. Ang dayagram ay isang paglalarawan tungkol sa
isang bagay o pangyayari.

May dalawang paraan ng pagpunta at pag-uwi mula sa bahay nina Romeo at


Elsa papuntang Pamilihang Bayan, ito ay ang paglalakad at pagsakay ng traysikel.
Tingnan at pag-aralan ang dayagram.

bahay

sumasakay ng traysikel naglalakad papuntang


pauwi ng bahay pamilihang bayan

Pamilihang bayan

10 | P a h i n a
Gamit ang mga grapikong pantulong na natutuhan mo ay maaari ka ring
bumuo ng mga tanong mula rito gamit ang mga iba pang mga halimbawa ng mga
pananong katulad ng sino, ilan, gaano at paano?

Halimbawa:

1. Paano nakauwi ng bahay sina Romeo at Elsa?


Nakauwi sila sa pamamagitan ng pagsakay sa traysikel.

Ngayong alam mo na kung paano ang paggamit ng mapa, tsart, dayagram at


graph, siguradong handa ka na sa pagsagot ng mga gawain sa pagsasanay.

Binabati kita!

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang mga impormasyong inilahad sa bawat sitwasyon na


nakapaloob sa grapikong pantulong at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

A. Biyernes na naman, araw ng pagbabalik at pagkuha ng modyul ng mga magulang


sa Linusungan Elementary School. Magiliw na sinalubong ni Gng. Elsa Flores si
Gng. Helen at dali-dali nitong inabutan ng alcohol para magdisinfect. Isinilid ang
dala-dalang modyul sa may kahon ng lagayan ng mga nasagutang modyul at
kinuha nito ang panibagong sasagutang modyul sa may mesang nakalagay ang
pangalan ng kanyang anak. Bago umalis si Gng. Helen ay pumirma ito sa
attendance sheet at nagpaalam kay Gng. Elsa.

Pagkuha at Pagbabalik ng Modyul

Pagpunta Pagdisinfect Pagsilid ng nasagutang


sa paaralan pagpasok sa silid modyul sa kahon
aralan

Makalipas ang Pagpirma sa Pagkuha ng


isang Linggo Attendance sheet panibagong modyul

11 | P a h i n a
Tanong Sagot

1. Saan pumunta si Gng. Helen?

2. Ano ang ginawa ni Gng. Helen bago


siya pumasok sa silid aralan?

3. Ilang proseso ang dinaanan ni Gng.


Helen sa pagsasauli ng modyul?
4. Bakit siya pumunta sa paaralan?
5. Sa paanong paraan isinauli ni Gng.
Helen ang modyul ng kaniyang
anak?

B. Tuwang-tuwa ang mag-anak nila Mang Romeo sa biglaang pagtaas ng


kanilang kita sa inaning pananim na kamote sa kanilang bukid, kumpara
noong nakalipas na dalawang taon na halos limang porsyento ang pagitan.
Taong 2019 ng kumita sila ng P15,000, taong 2020 ay kumita sila ng P15,750
at ngayong taon ay kumita sila ng P21,000. Dahil sa laki ng kanilang kinita,
mabibili na nila ang mga ilang bagay na gusto nilang bilhin.

Kita ni Mang Romeo sa Pag-aani ng Kamote

Taon ng anihan ng kamote

12 | P a h i n a
Tanong Sagot
1. Anong taon may pinakamababang kita
si Mang Romeo?
2. Magkano ang kinita ni Mang Romeo sa
kanyang ani sa loob ng tatlong taon?
3. Bakit tuwang-tuwa ang mga anak ni
Mang Romeo?
4. Magkano ang kinita ni Mang Romeo
noong taong 2020?
5. Ilan ang naidagdag na kita ni Mang
Romeo sa taong 2020 kung ihahambing
sa taong 2021?

Pinatnubayang Pagsasanay 2
A. Panuto: Sagutin ang mga tanong gamit ang mga impormasyong nakapaloob sa
ginamit na grapikong pantulong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Alamin ang mga sustansiyang makukuha mo sa pagkain ng iba’t ibang


gulay, prutas at karne upang mapanatili ang kalusugan ng iyong katawan at
matuto kang kumain ng sapat at naaayon sa mga pangangailangan ng iyong
pangangatawan.

Sustansiya mula sa Pagkain

Kaloriya Protina Taba


Pagkain Dami /Laki
(grams) (grams) (grams)
Malunggay 100 grams 75 9 0
Isda 1 tasa 140 4 5
Kamatis 1 piraso 35 1 1
Kanin 1 tasa 240 6 4
Saging 1 katamtaman 89 1 0
Pritong Manok 1 hita 360 18 27

1. Alin sa mga pagkain ang may mataas na kaloriya?


___________________________________________________________________________

2. Ilan ang bilang ng kaloriya ng Malunggay?


___________________________________________________________________________

3. Anong pagkain ang may pinakamataas na taba?


_________________________________________________________________________

13 | P a h i n a
4. Bakit kailangan mong iwasang kainin ang mga pagkaing may mataas na
kaloriya?
___________________________________________________________________________

5. Ano ang mahalagang impormasyong natutuhan mo sa tsart?


___________________________________________________________________________

B. Panuto: Batay sa mga impormasyong nasa mapa, sagutin ang mga kasunod na
tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang Bayan ng Mabini

1. Anong gusali ang katabi ng bangko?


________________________________________________________________________

2. Saang lugar matatagpuan ang simbahan?


________________________________________________________________________

3. Anong pangalan ng tulay na nag-uugnay sa Daang JP Rizal at Daang


Mabini?
________________________________________________________________________

4. Saang lugar matatagpuan ang Bangko De Flores?


________________________________________________________________________

5. Ano ang pangalan ng ilog sa mapa?


________________________________________________________________________

14 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Isa-isahin ang mga impormasyong inilahad sa ibinigay na sitwasyon gamit


ang bar graph upang masagot ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sa isang buong taon ay naitala ng pamunuan ng Linusungan Elementary


School ang mga pamamaraan ng mga mag-aaral sa pagpasok sa paaralan gamit ang
iba’t ibang sasakyan. Naitala ang kabuoang bilang na 25 na mga mag-aaral ang
sumasakay ng motorsiklo, 20 ang sumasakay sa dyip, 10 ang bilang ng sumasakay
sa pribadong sasakyan, 5 ang sumasakay sa bus, 15 ang nagbibisikleta at 55 naman
ang bilang ng mag-aaral ang naitala na naglalakad.

Pamamaraan ng mga Mag-aaral sa Pagpasok sa Paaralan

1. Ilan ang bilang ng mga mag-aaral na naglalakad kumpara sa mga mag-aaral na


sumasakay sa motorsiklo?
2. Anong pamamaraan sa pagpasok ang may pinakamaraming naitalang bilang ng
mag-aaral?
3. Ilan naman ang bilang ng mga mag-aaral na sumasakay sa pampasaherong
dyip kaysa sa mga mag-aaral na sumasakay sa mga pribadong sasakyan?
4. Anong pamamaraan sa pagpasok ang may pinakakaunting bilang ng mag-aaral
na naitala sa graph?
5. Kung pagsasama-samahin, Ilan lahat ang bilang ng mag-aaral na pumapasok
sa Linusungan Elementary School?

15 | P a h i n a
Pagsusulit

Panuto: Bumuo ng limang (5) tanong batay sa mga impormasyong inilahad sa


mga sumusunod na gawain. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. Dayagram
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga dinamita sa
pangingisda sa karagatan sapagkat nagdudulot ito ng malaking pinsala sa
mga isda at sa tirahan nito. Narito ang isang dayagram na nagpapakita ng
sanhi at bunga ng paggamit ng dinamita.

Sanhi Bunga

Mga kemikal Namatay


na nagmula sa pati maliliit
Paggamit na isda Paggamit
di-namitang
ng dinamita ng dinamita
sumabog
sa sa
pangingisda Pagkasira pangingisda
Malakas na
ng Coral
pagsabog
Reefs

1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

16 | P a h i n a
B. Tsart

Narito ang talaan ng bagong presyo ng iba’t ibang uri ng karne sa


Pamilihang Bayan sa buwan ng Disyembre at buwan ng Enero. Makikitang
may bahagyang pagtaas ng mga presyo sa loob ng dalawang buwan.

Mga presyo ng karne

Presyo noong buwan Presyo noong buwan


Uri ng Karne
ng Disyembre ng Enero
Baboy P300 P320
Baka P400 P450
Manok P160 P200

1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________

C. Mapa

Ang Rehiyon III o Gitnang Luzon ay binubuo ng pitong probinsiya. Taglay


ng rehiyon ang pinakamalaking kapatagan na pinagmumulan ng bigas sa
buong bansa, kaya binansagan itong "Bangan ng Bigas ng Pilipinas”. Ang
mga lalawigang bumubuo sa Gitnang Luzon
ay: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

17 | P a h i n a
1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________

D. Graph

Dahil sa banta ng Coronavirus Disease (COVID-19), ang mga mag-aaral ay


nagkaroon ng iba’t ibang alternatibo sa pag-aaral. Karamihan ay mas pinili
ang Learning Distance Mode (LDM), kung saan hindi pisikal na magkasama o
magkaharap ang guro at mag-aaral. Maaaring matuto ang mga bata sa
pamamagitan ng online platform, isang printed module na ibibigay ng
paaralan, at aralin na mapanonood sa telebisyon o mapakikinggan sa radyo.

Narito ang talaan ng mga bilang ng mag-aaral at ang kanilang ginagamit


na pantulong sa kanilang pag-aaral mula sa Linusungan Elementary School.

Mga Kagamitang Pantulong ng mga bata sa Pag-aaral

1. _________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________

18 | P a h i n a
Pangwakas

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin sa kahon ang tamang sagot at
sipiin ito sa patlang bago ang bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Bar graph Graph mapa Pie graph tsart


dayagram direksyon Line graph Pictograph pangunahing direksyon

_______1. Ito ay sumisimbolo sa mga nakuhang impormasyon o datos.


_______2. Tumutukoy sa Hilaga, Timog, Kanluran at Silangan.
_______3. Ito ay ginagamit sa presentasyon sa kabuoang bahagi ng paghahati-hati
sa pamamagitan ng bahagdan.
_______4. Ang grapikong pantulong na ito ay nagpapakita ng dami sa
pamamagitan ng hanay batay sa hinihingi o ibinibigay na
impormasyon.
_______5. Ito ay madalas na nakikita sa isang mapa.
_______6. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng direksyon.
_______7. Ito ay isang talaguhitan na gumagamit ng larawan upang magbigay ng
datos.
_______8. Ginagamit upang ipakita ang iba’t ibang impormasyon at datos sa
pamamagitan ng paggamit ng mga linya.
_______9. Ito ay isang paglalarawan tungkol sa isang bagay o pangyayari.
_______10. Ginagamit sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat.

Mga Sanggunian

Ailene G.BAisa-Julian,Nestor S. Lontoc,Mary Grace del Rosario. 2013. Pluma :Wika


at Panitikan para sa Mataas na paaralan . Phoenix Publishing House Inc.

Emilia V. Marisigan,Alma M. Dayag. 2013. Pluma :Wika at Panitikan para sa


Mataas na paaralan . Phoenix Publishing House Inc.

Paz M.Belvez . 2011 Landas sa Pagbasa 6. EduResources Publishing Inc.

prezi.com. 2021. Virtual Presentation Software | Online Presentation Tools

https://www.google.com/search?source=hp,wikipedia

19 | P a h i n a
20 | P a h i n a
Balik Aral Pinatnubayang Pagsasanay 2
Hanay A Hanay B A. 1.pritong manok
1.Pinatag ang 1.Kaliwa’t kanang 2.75 grams
mapunong trahedya 3. pritong manok
kabundukan 2.Mga ilog at 4. Hayaang magpahayag ng saloobin
2.Pabrikang karagata’y ang mga mag-aaral.
nagbubuga ng nalalason 5. Hayaang magpahayag ng saloobin
polusyon 3.Itim na hangin ang mga mag-aaral.
3.Usok ng mga bumabalot sa
sasakyan buong nayon B. 1.pamahalaang bayan
4.Baha at pagguho 4.Kumitil ng 2.daang Dela Paz
ng lupa buhay at nanira 3.tulay Mabini
5. Pagtatanim ng ng kabuhayan 4. daang Dela Paz
puno 5.Manumbalik ang 5.Ilog Burgos
malinis na hangin
Pang-isahang Pagsasanay
1.30
Pagunawa sa Binasa 2.naglalakad
1.a 3.5
2.b 4.sumasakay sa bus
3.d 5.125
4.a
5.c Pagsusulit
Hayaang magpahayag ng saloobin ang mga
Pinatnubayang Pagsasanay 1 mag-aaral.
A. 1. Sa paaralan
2. nagdisinfect Pangwakas
3.Lima (5) 1. graph 6. Mapa
4.para magsauli ng Modyul 2.pangunahing direksyon 7. Pictograph
5. Hayaang magpahayag ng saloobin ang 3.Pie graph 8. Line graph
mga mag-aaral. 4.Tsart 9. dayagram
5. direksiyon 10. Bar graph
B. 1.2019
2.P51,750
3.Mabibili na nila ang ilang bagay na gusto
nilang bilhin
4.P15,750
5. P5,250.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang


taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like