You are on page 1of 39

URI

NG
PANGUNGUSAP
4TH QUARTER
FILIPINO 6
PANGUNGUSAP
-lipon ng mga salita na
may buong diwa.
Binubuo ito ng panlahat
na sangkap, ang simuno
at panag-uri
Halimbawa
Masayang naglalaro ang
mga bata.
Kailan ang iyong kaarawan?
Maaari bang maki-abot ng
baso.
Mga Uri ng
Pangungusap
• Pasalaysay
• Pautos
• Patanong
• Pakiusap
• Padamdam
Pasalaysay
Pangungusap na
nagkukwento o
nagsasalaysay. Ito ay
nagtatapos sa bantas na
tuldok. ( . )
Halimbawa
Si Ana ay tumatakbo.
Ang ibon ay lumilipad.
Ang babae ay maganda.
Pautos
-nagpapahayag ng
obligasyong dapat gawin.
Nagtatapos din ito sa bantas
na tuldok. ( . )
Halimbawa
1. Magdilig ka ng halaman.
2. Magsibak ka ng kahoy.
3. Kunin mo ang gamot ko
sa ibabaw ng kabinet.
Pakiusap
- Pangungusap na maaring
nagsasaad ng paghingi ng
pabor. Ginagamitan ng
magagalang na salita upang
makiusap. Maaaring
Pakiusap
Maaaring nagtatapos sa
bantas na tuldok ( . ) o
tandang pananong. ( ? )
Halimbawa
1. Maaari ba akong
humiram ng lapis?
2. Pakibukas naman po ang
pinto.
Patanong
-pangungusap na
nagsisiyasat o naghahanap
ng sagot. Nagtatapos sa
bantas na tandang
pananong. ( ? )
Halimbawa
1. Nasaan ba ang aking
apo?
2. Kaya mo bang buhatin
yan?
3. Saan ka ba nakatira?
Padamdam
-Nagsasaad ng matinding
damdamin tulad ng tuwa,
takot, o pagkagulat.
Nagtatapos sa bantas na
tandang padamdam. ( ! )
Padamdam
-Maaari ring gamitan ng
tandang pananong. ( ? )
Karaniwan ding nagbibigay
ng babala o kaya’y
nagpapahiwatig ng
pagkainis.
Halimbawa
1.Naku! Ang daming
insekto!
2. Bilisan mo! Umuulan na!
3. Hoy! Saan mo nakuha
yang lapis na hawak mo?
Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung
anong uri ng pangungusap
ang nabasa.
Pagsasanay
1. Dadaan po ba kayo sa
palengke?

Patanong
Pagsasanay
2. Dito tayo sasakay ng dyip.

Pasalaysay
Pagsasanay
3. Huwag kang sumabit sa
dyip.

Pautos
Pagsasanay
4. Pakitulungan ang
matanda sa pagsakay.

Pakiusap
Pagsasanay
5. Pakiabot po ang bayad ko.

Pakiusap
Pagsasanay
6. Naku! Bawal tumigil ang
dyip dyan!

Padamdam
Pagsasanay
7. May bakanteng upuan pa
ba?

Patanong
Pagsasanay
8. Hoy, bawal sumingit sa
pila!

Padamdam
Pagsasanay
9. Sundin mo ang batas
trapiko.

Pautos
Pagsasanay
10. Mahaba pala ang pila
tuwing umaga.

Pasalaysay
Pagtataya
Panuto: Isulat sa patlang
ang uri ng pangungusap.
Gamitin ang mga
sumusunod.
Pagtataya
PS – Pasalaysay
PD – Padamdam
PU – Pautos
PT – Patanong
PK - Pakiusap
_______1. Bilis pumasok na
tayo sa loob!
_______2. Kinagat yata ako
ng langgam.
_______3. Umaambon na po
ba?
_______4. Aray, ang sakit!
_____5. Huwag kang tumayo
riyan.
_____6. Pakikuha nga ang
timba sa loob ng bahay.
_____7. Ipasok mo muna
ang sisiw sa loob ng bahay.
____8. Pakisabi po sa akin
kung may nakita kang pugad.
____9. Bakit ka ba nakatayo
sa ilalim ng puno ng
mangga?
___10. May hinahanap akong
pugad ng ibon.
_____11. Yehey,Bakasyon na
naman!
_____12. Pakiabot sa akin
ang mapa ng Pilipinas.
_____13. Paano kayo
makakarating sa Visayas?
______14. Nakatira sila sa
Lungsod ng Cebu.

______15. Ipakita mo sa akin


sa mapa kung saang banda
makikita ang Cainta.
PD Bilis pumasok na
_______1.
tayo sa loob!
PS Kinagat yata ako
_______2.
ng langgam.
PT Umaambon na po
_______3.
ba?
PD Aray, ang sakit!
_______4.
PU Huwag kang tumayo
_____5.
riyan.
PK Pakikuha nga ang
_____6.
timba sa loob ng bahay.
PU Ipasok mo muna
_____7.
ang sisiw sa loob ng bahay.
PK
____8. Pakisabi po sa akin
kung may nakita kang pugad.
PT
____9. Bakit ka ba nakatayo
sa ilalim ng puno ng
mangga?
PS
_____10. May hinahanap
akong pugad ng ibon.
PD Yehey,Bakasyon na
_____11.
naman!
PK Pakiabot sa akin
_____12.
ang mapa ng Pilipinas.
PT Paano kayo
_____13.
makakarating sa Visayas?
PS
______14. Nakatira sila sa
Lungsod ng Cebu.

PU Ipakita mo sa akin
______15.
sa mapa kung saang banda
matatagpuan ang Cainta.

You might also like