You are on page 1of 32

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 4:
Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/
Pagtatanim ng Halamang Ornamental
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo/Pagtatanim
ng Halamang Ornamental
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Joycee N. Magbalot,
Wency Khate C. Acha, Josie P. Lanasa,
Ma. Corazon O. Navares, Joy O. Ancino
Editor: Arlene P. Norico
Tagasuri: Reggie B. Enriquez : LR Evaluator
Mila A. De Leon PhD: Division EPS TLE/EPP
Tagaguhit: Ronel D. Caligdong
Tagalapat: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhaya
n Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 4:
Wastong Pamamaraan sa
Pagpapatubo/Pagtatanim
ng Halamang Ornamental
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Baitang 4 ng Self-Learning Module (SLM) para sa Wastong
Pamamaraan sa Pagpapatubo/Pagtatanim ng Halamang Ornamental.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang 4
ng Self-Learning Module ukol sa Wastong Pamamaraan sa
Pagpapatubo/Pagtatanim ng Halamang Ornamental.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad


ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang


iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o


iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay


magabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang
matutunan mo ng lubos ang tungkol sa wastong paraan ng
pagtatanim at pagpaparami ng halamang ornamental. Sa
pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: naipakikita
ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo/ pagtatanim ng
halamang ornamental. EPP4AG-Od-6
Ang modyul na ito ay binubuo ng limang mga aralin:
• Aralin 1: Wastong Paraan ng Pagtatanim
• Aralin 2: Wastong Paraan ng Pagtatanim (Pagsasagawa)
• Aralin 3: Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo sa Paraang
Marcotting o Air Layering
• Aralin 4: Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo sa Paraang
Inarching
• Aralin 5: Wastong Pamamaraan sa Pagpapatubo sa Paraang
Pagpuputol
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:
1. Nakikilala ang wastong paraan ng pagtatanim ng halamang
ornamental at ang mga hakbang nito,
2. Nabibigyang halaga ang pagtatanim ng halamang ornamental
gamit ang wastong paraan ng pagtatanim,
3. Nasasabi ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang
sa tuwirang pagtatanim ng halamang ornamental,
4. Nasasabi ang mga paraan sa wastong pagtatanim gamit ang
tuwirang pagtatanim,
5. Nabibigyang halaga ang mga hakbang sa tuwirang pagtatanim,
6. Naipakikita ang pagtatanim ng halamang ornamental ayon sa
wastong pamamaraan: Tuwirang pagtatanim,
7. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa
paraang layering/marcotting,
8. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagpaparami ng halaman
sa paraang layering/marcotting,
9. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagpaparami ng halaman
sa paraang inarching,
10. Nasasabi ang wastong pagkakasunod-sunod ng tamang
paraan ng pagpaparami sa paraang inarching,
11. Nasasabi ang mga halamang pinaparami sa artipisyal na
paraan,
12. Natatalakay ang mga hakbang sa paraang pagpuputol,
1
13. Napahahalagahan ang mga halamang ornamental sa
pagpapaganda ng bakuran, at
14. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo ng
halamang ornamental sa paraang pagpuputol.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat


ang titik ng iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano angwastong kagamitan ang ginagamit sa pagdidilig?
a. kalaykay b. timba
c. regadera d. dulos
2. Ano ang halamang ornamental ang namumulaklak na may
mga tinik sa bawat sanga?
a. Adelfa b. Bougainvillea
c. Orchids d. Sunflower

3. Ang tuwirang pagtatanim ay __________________________.


a. ang agarang paglagay ng buto sa lupang taniman
b. ang paglilipat ng punla sa permanenteng pagtataniman
c. ang paglagay ng mga buto sa kahong punlaan
d. wala sa nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay mga wastong paraan ng tuwirang
pagtatanim maliban sa isa.
a. Diligin ang inihandang lupa at hayaang mkasipsip ng sapat
na tubig.
b. Hugutin at alisin ang tulos at pising ginagamit.
c. Gumawa ng butas na may sapat na layo.
d. Lagyan ng tulos ang isang dulo ng kamang taniman sa
paggawa ng hanay.

5.Gumagamit ng niyog o plastic sa pagbabalot ng lupa sa


artipisyal na pagtatanim na ito.
a. Natural na pagtatanim b. Marcotting o layering
c. Grafting d. Inarching
2
6.Paano ginagawa ang pagpaparami ng halaman sa paraang
marcotting?
a. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punong kahoy habang
ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno.
b. Ang mga ito ay inihihiwalay at pinalalago upang maging
bagong tanim.
c. Ang sanga ay pinuputol, pinapaugat at itinatanim.
d. Pinagsasama ang mga sanga ng magkaibang puno na
nakalagay sa paso.
7. Anong paraan ng pagpaparami ng tanim ang hinihiwaan
ang dalawang sanga ng puno bago ito pagdikitin at talian?
a. Cutting o pasanga b. Marcotting
c. Inarching d. Itanim ang butil
8. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos mong magawa ang
inarching?
a. Ligpitin ang mga gamit at linisin ang mga kalat.
b. Linisin ang mga kalat.
c. Hayaang nakakalakat ang mga gamit.
d. Tawagin si bunso na ayusin ang iyong mga kalat.
9. Ano ang paraan gimagamit sa pagpadami ng halaman kung
saan pinuputol ang bahagi ng pananim tulad ng dahoon, sanga,
o ugat?
a. Cutting b. inarching c. grafting d. marcotting
10. Isaayos ang mga hakbang sa pagpapadami ng halamang
ornamental sa paraang pagpuputol.
1. Diligin ang putol na tangkay ng regular
2 – Gupitin ang mga dahon at maliliit na sanga.
3 – Pumili ng tangkay na magulang at may usbong.
4 – Itanim ang putol na tangkay ng pahilis.
5 – Putulin ng pahilis ang tangkay na itatanim.
A. 4-2-1-5-3 C. 3-5-2-4-1
B. 2-5-3-4-1 D. 5-3-2-4-1

Aralin
Wastong Paraan ng
1 Pagtatanim

3
Mga Layunin:
a. Nakikilala ang wastong paraan ng pagtatanim ng halamang
ornamental at ang mga hakbang nito,
b. Nabibigyang halaga ang pagtatanim ng
halamang ornamental gamit ang wastong paraan
ng pagtatanim, at
c. Nasasabi ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga
hakbang sa tuwirang pagtatanim ng halamang ornamental.

Balikan

Balikan muna natin ang iyong nalalaman sa mga wastong


paraan sa paghahanda ng mga itatanim o patutubuin. Linangin
natin ang mga pamamaraan sa paghahanda ng mga itatanim o
patutubuin gamit ang concept map.
Ilagay sa kahon ng concept map ang mga paraan sa
paghahanda ng mga itatanim o patutubuin.

Wastong Paraan sa Paghahanda


ng mga Itatanim o Patutubuin

4
Tuklasin

Nakapasyal kana ba sa isang


narseri o sa isang hardin na may mga
iba’t ibang halaman na nakatanim? Ano-
ano kaya ang makikita sa isang narseri o
hardin? Sa paanong paraan itinanim ang
mga halaman doon? Halina at tuklasin
natin!
Isulat ang sagot sa kahon.
Paano Bakit tayo Paano niyo
Ano-ano ang nagkakaroon ng
nagtatanim ng itinatanim ang
halamang
nakikita mo ornamental sa halamang inyong halamang
sa larawan? isang narseri o ornamental? ornamental?
hardin?

Suriin

Ngayon naman ay suriin natin ang mga wastong paraan ng


pagtatanim. Pag-aralan ang wastong paraan ng pagtatanim at
ang mga hakbang nito.
Wastong Paraan ng Pagtatanim

Di-Tuwirang Pagtatanim Tuwirang Pagtatanim

Ito ay ang paglilipat Ito ay ang agarang


ng punla sa paghulog ng buto o
permanenteng binhi kung saan
taniman. nais patubuin.

Ating bigyan-pansin at pag-aralan nang mabuti ang mas


madaling pamamaraan ng tuwirang pagtatanim. Alamin natin
ang mga hakbang nito
Mga Paraan o Hakbang ng Tuwirang Pagtatanim:

5
Diligin ang lupang pagtataniman at
1
hayaang makasipsip ito ng sapat na tubig.

Lagyan ng tulos ang magkabilang dulo ng


2 kamang taniman at talian ng pisi ang bawat tulos
sa paggawa ng hanay.

Gumawa ng butas na may sapat na layo


3 sa pamamagitan ng patpat.

Hugutin at alisin ang tulos at pising ginamit. Sa mga


4 butas na ginawa, ihulog ang 2 hanggang 3 buto.
Takpan ng lupa at bahagyang pipiin ng kamay.

Diligin ang kamang taniman ng buong ingat upang


5 mapangalagaan ang mga butong itinanim.

Pagyamanin

Gawain 1.1
Ayon sa natutunan mo, sasagutin mo ang ilang mga gawain na
may kinalaman sa mga wastong pamamaraan ng pagtatanim.
Iguhit ng magkakasunud-sunod ang mga hakbang ng tuwirang
pagtatanim. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Isaisip

Gawain 1.2
Ano ang iyong natutunan sa araling ito? Punan ng tamang
salita ang mga pangungusap sa talata.
Ang pagtatanim ay may dalawang pamamaraan. Ito ay ang
1._________ at 2.__________. Ang di tuwirang pagtatanim ay
3._____________________. Ang tuwirang pagtatanim ay
4.____________________. Mahalagang gawin ang wastong paraan ng
pagtatanim upang 5.________________________________.

6
\

Isagawa

Gawain 1.3
Panuto: Sagutin kung anong pamamaraan ng wastong
pagtatanim ang iyong gagamitin sa sitwasyon sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Si Mona ay nagtatanim ng buto ng sunflower. Anong
pamamaraan ng pagtatanim ang gagamitin niya upang
mapatubo ito ng malusog at maganda? Paano niya ito
gagawin? Ipaliwanag ito sa 2-3 na pangungusap.
___________________________________________________________
___________________________________________________________

7
Aralin
Wastong Paraan ng
2 Pagtatanim(Pagsasagawa)

Mga Layunin:
a. Nasasabi ang mga paraan sa wastong pagtatanim gamit ang
tuwirang pagtatanim,
b. Nabibigyang halaga ang mga hakbang sa tuwirang pagtatanim
at
c. Naipakikita ang pagtatanim ng halamang ornamental ayon sa
wastong pamamaraan: tuwirang pagtatanim.

Balikan

Sa nakaraang mga leksyon, natutunan mo ang wastong paraan


sa pagtatanim.
Ano ang dalawang wastong paraan ng pagtatanim? Ito ay
ang di-tuwirang pagtatanim at tuwirang pagtatanim. Ito ngayon
ang pagtutuunan ng ikalawang aralin.

Tuklasin

Ang araling ito ay nakapokus sa wastong paraan ng


pagtatanim.
1. Ano-ano ang mga
alam mong mga
halamang ornamental
at mga gamit sa
pagtatanim? Hanapin
sa puzzle na ito.

8
2. Bakit mahalaga ang mga hakbang sa tuwirang pagtatanim?
Ipaliwanag sa 2 - 3 pangungusap

Suriin

Ngayong araw ay magtatanim tayo ng dalawang uri ng mga


halamang ornamental. Ang isang halaman ay itatanim natin sa
tuwirang paraan at ang isang halaman naman ay itatanim natin
sa di-tuwirang paraan.
Sa Tuwirang pagtatanim - ginagawa sa pamamagitan ng
paghulog kaagad ng buto o binhi kung saang bahagi ng kama
ibig itong patubuin.
Mga Paraan ng Tuwirang Pagtatanim:
a. Diligin ang inihandang lupa at hayaang makasipsip ng
sapat na tubig.
b. Gumawa ng hanay sa pamamagitan ng paglalagay ng tulos
sa magkabilang dulo ng kama at pagtatali ng pisi sa bawat
tulos. Magsisilbi itong gabay sa paggawa ng butas.
c. Sa pamamagitan ng patpat, gumawa ng butas na may sapat
na layo. Dagdagan ang distansiya kung ang dahon ng
halamang itatanim ay mabukadkad:
• kung tag-init at ang lupa ay buhaghag at mabuhangin,
laliman ang butas.
• kung sa panahon ng taglamig at ang lupang gagamitin ay
siksik, gawing mababaw ang butas.
d. Hugutin at alisin ang tulos at pising ginagamit. Ihulog ang
dalawa hanggang tatlong buto o binhi sa mga butas na
ginaw. Takpan ng lupa at bahagyang pipiin ng kamay.
e. Diligin ang kamang taniman. Gawin ito ng buong ingat upang
mapangalagaan ang mga butong bagong tanim.

9
Pagyamanin

Gawain 2.1
Panuto: Subukan natin kung may alam kana sa wastong paraan
ng pagtatanim. Gumuhit ng limang pamamaraan na nagpapakita
ng tuwirang pagtatanim. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

Isaisip

Gawain 2.2
Panuto: Ito ay panibagong gawain na magsusubok sa iyong
kaalaman kung ano ang mga natutunan mo sa wastong
pamamaraan sa paghanda ng taniman ng halamang ornamental.
Isulat ang mga kulang na salita sa patlang. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
Ang pagtatanim ay may dalawang pamamaraan. Ito ay ang
1.___________________________ at 2.___________________________.
Ang tuwirang pagtatanim ay 3._______________________________.
\

Isagawa

Gawain 2.3
Panuto: Maghahanda ng mga kagamitan at kasangkapan sa
pagtatanim at susundin ang wastong pamamaraan sa pagtatanim
ng halamang ornamental. Sundin ang bawat hakbang sa tuwirang
pamamaraan ng wastong pagtatanim. Isulat sa kahon ang mga
hakbang sa inyong mga ginawang pagtatanim. Kung may camera
kayo pwede ninyong lagyan ng larawan sa kahon.

10
Aralin Wastong Pamamaraan sa
3 Pagpapatubo sa Paraang
Marcotting o Air Layering
Mga Layunin:
a. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman sa
paraang air layering o marcotting; at
b. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagpaparami ng
halaman sa paraang air layering o marcotting.

Balikan

Bago tayo tumungo sa bago nating aralin, balikan muna


natin ang inyong nalalaman sa nakaraang aralin. Ito ay ang mga
wastong pamamaraan ng pagtatanim: ang tuwiran at di-tuwirang
pagtatanim.
Ang tuwirang pagtatanim ay isang paraan ng pagtatanim
kung saan ihulog ang buto kung saang bahagi ng lupa ito ibig
patubuin. Ang di-tuwirang pagtatanim naman ay pagpupunla sa
isang kahong punlaan at kapag ito ay sumibol na ililipat na ito sa
lupang pagtataniman.

Tuklasin

Nakakita na ba kayo ng isang halaman na maliit pa pero may


bunga at namumulaklak na? Paano ninyo pinaparami ang inyong
mga tanim sa bahay? Paano isinasagawa ang pagpapaugat, air
layering or marcotting?

11
Suriin

Ang pagpaparami ng tanim ay nagagawa hindi lamang sa


pagtatanim. Nagagawa rin ito sa pamamagitan ng ibang paraan.
Dalawang uri ng pagpaparami ng pananim.
1. Pagtatanim ng buto o butil.
2. Paggamit ng iba’t ibang bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno,
sanga at dahoon. May dalawang uri ang ganitong paraan. Ito ay
ang natural at artipisyal.
Ang natural ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng
halaman mula sa ugat o puno ng tanim. Nangyayari ito sa gabi,
kawayan, luya at saging.
Ang artipisyal naman ay ginagawa na ang ginagamit ay
sanga, dahon o usbong ng tanim. Halimbawa nito ay ang mga
marcotting o air layering, inarching, grafting at cutting o
pagpuputol.
Marcotting o air layering ay isa sa mga paraan sa
pagpaparami ng tanim kung saan ginagawa ito sa sanga o
katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa
puno. Ginagawa ito sa mga punong namumunga tulad ng chico
at mangga. Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa
marcotting:

1. Pagtanggal ng balat
2. Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga

3. Paglalagay ng lupa at lumot

4. Pagbabalot nito ng bunot ng niyog o plastic at

5. Pagtatali

12
Pagyamanin

Gawain 3.1
Pagsunud-sunurin and wastong hakbang sa paraang
marcotting. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat patlang basi sa
pagkasunod-sunod nito.
Pagtatali
Pagbabalot nito ng bunot ng niyog o plastic

Paglalagay ng lupa at lumot


Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga
Pagtanggal ng balat

Isaisip

Gawain 3.2
Isulat sa patlang ang tamang salita upang mabuo nang
wasto ang talata. Piliin ang tamang sagot sa kahon.
natural artipisyal marcotting Maraming paraan ang
pagpaparami ng halamang
ornamental. Ito ay may dalawang uri, ang 1.______ at 2.______.Ang
natural na paraan ay normal na pagtubo ng mga usbong ng
halaman mula sa ugat o puno ng tanim. Ang 5. ______ paraang
pagpaparami kung saan ang sanga nito o katawan ng punong
kahoy habang to ay hindi pa nahihiwalay sa puno.
\

Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang paraan ng pagpaparami ng halaman


sa paraang marcotting. Gawin ito sa napiling halaman. Kunan
ng larawan ang bawat hakbang o ipaliwanag. Isulat sa sagutang
papel ang inyong sagot.

13
Aralin Wastong Pamamaraan sa

4 Pagpapatubo ng Halamang
Ornamental sa Paraang Inarching
Mga Layunin:
a. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagpaparami ng halaman
sa paraang inarching.
b. Nasasabi ang wastong pagkakasunod-sunod ng tamang
paraan ng pagpaparami sa paraang inarching.
c. Nasasabi ang mga halamang pinaparami sa artipisyal na
paraan.

Balikan

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang halamang maaaring


paramihin sa pamamagitan ng artipisyal na paraan. Bilugan
lamang ito.
CHICO SAGING KALAMANSI AMPALAYA
TALONG MANGGA LANSONES BAYABAS

Tuklasin

Kayo ba ay may mga tanim na prutas sa bahay na


nakatanim sa tanimang plastic o paso? Bukod sa cutting at
marcotting ano pa kaya ang alam mong gawin na pagpaparami
ng halaman sa paraang artipisyal? May ipapakita akong mga
larawan ng halaman at sagutin ang aking mga katanungan.

A B
1. Ano-ano ang nakikita mo sa larawan? A.__________ B. _________
2. Ano-ano ang napapansin mo sa dalawang larawan? __________
3. Bakit kaya ang isang halaman ay may bunga at ang isa naman
ay wala? ___________________________________________________
14
Suriin

May iba’t ibang halaman tayong tinatanim, may bulaklak,


gulay, prutas at punong kahoy. Maaaring itanim ito sa paso at
ang iba nama’y itinatanim lamang sa lupa. May mga iba’t ibang
paraan din gaya ng pagtatanim ng butil, normal na pagtubo at
pagpapatubo ng sanga. Ang kadalasang pinapatubo sa paso ay
mga halamang bulaklak. Ang mga halamang prutas naman ay
kadalasang nasa lupa. Ang prutas ay may mga paraang ginagawa
upang ito ay mamunga ng mabilis na hindi mo na kailangang
maghintay ng maraming taon pa.
Ang Inarching ay isang paraan ng pagpaparami ng
halaman sa pamamagitan ng artipisyal na paraan. Dito
pinagsasama ang dalawang tanim na hinihiwaan muna ang
sanga pagkatapos pagdikitin ito bago talian ng mahigpit.
Kadalasang ginagawa ito sa kaimito o sa mga punong prutas na
namumunga na. Sa paraang ito mas mabilis mamunga ang
ihihiwalay na sanga pag ito ay nailipat na sa lupa.
Narito ang sumusunod na hakbang sa paggawa ng
inarching. Bago gagawin ito, ihanda muna ang mga kagamitan
tulad ng malinis na kutsilyo at tali.
1. Bago mag-umpisa sa paggawa ng inarching, hugasang
mabuti ang kutsilyong gagamitin sa paghihiwa sa puno upang
siguradong walang halong makakasira sa puno kapag ito ay
hiniwaan.
2. Gumawa ng hiwang pahaba sa dalawang puno o
sanga nito gamit ang malinis na kutsilyo gaya ng nasa
larawan ng tanim.
3. Pagdikitin ang dalawang hiwa ng puno o sanga saka
talian ito nang mahigpit.

4. Pagkalipas ng isang buwan o hanggang sa makita


mong may ugat na ang tinalian mong hiwa maaari mo
ng putulin ito at ilipat sa lupa.

15
Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang inarching?
2. Ano-ano ang tamang hakbang sa paggawa ng inarching?
3. Ano-ano ang kagamitan sa paggawa ng inarching?

Isaisip

Gawain 4.2
Ano-ano ang tinutukoy sa pangungusap? Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
1. Ito ay ginagamit sa paghiwa ng puno o sanga.
2. Isa ito sa artipisyal na paraan ng pagpaparami ng tanim na
hinihiwaan muna ang dalawang sanga bago ito talian ng
mahigpit.

Isagawa

Gawain 4.3
Panuto: Gumawa ng isang paraan ng pagpaparami ng halaman
sa paraang inarching. Gawin ito sa inyong makikitang halaman
sa paligid. Kunan ng larawan ang bawat hakbang o ipaliwanag.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

16
Wastong Pamamaraan sa
Aralin
Pagpapatubo ng Halamang
5 Ornamental sa Paraang
Pagpuputol

Mga Layunin:
a. Natatalakay ang mga hakbang sa paraang pagpuputol;
b. Napahahalagahan ang mga halamang ornamental sa
pagpapaganda ng bakuran; at
c. Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng pagpapatubo ng
halamang ornamental sa paraang pagpuputol.

Balikan

Sa nakaraan, ating natutunan ang dalawang uri ng


pagpaparami ng pananim. Una, ang pagtatanim ng buto o butil
at pangalawa ang paggamit ng iba’t ibang bahagi ng tanim. Sa
pangalawang uri mayroong natural at artipisyal na pamamaraan
ng pagpaparami ng halaman. Sa artipisyal na pamamaraan ay
may iba’t ibang uri ng pagtatanim. Halika, ating alalahanin ang
nakaraang aralin.
A. Sagutin ang tanong. Lagyan ng √ ang larawan ng tamang
sagot.
1. Alin sa dalawang halaman ang
itinanim sa natural na paraan?

2. Alin sa dalawang pananim


ang ginamitan ng inarching
na paraan sa pagtatanim?

17
Tuklasin

May nagustuhan ka na bang isang uri ng halaman? Hindi


ba gusto mo na magkaroon nito? Gaya nalang ng batang si Iya.
Siya ay mahilig sa mga halaman lalo na ang mga namumulaklak.
Tuwang-tuwa siya kapag nakakakita ng mga ito.
Si Iya Hardinera
Isinulat ni: Gng. Ma. Corazon O. Navares

Isang umaga, naglalakad si Iya papuntang bukid ng


madaanan niya ang isang bahay na may malawak na hardin na
puno ng mga bulaklak na namumukadkad. Napahinto siya at
parang magnet ang mga ito na hinihigop siya papalapit.
Gandang-ganda siya sa kanyang nakikita. May iba’t ibang uri ng
ornamentals tulad ng gumamela, santan, rosas sampaguita at
iba pa. Tuwang-tuwa si Iya at hindi niya namalayan na
nakapasok na siya sa loob ng hardin. Sinisipat at hinahawakan
niya bawat isa at inaamoy ang mga ito.
“Gusto mo bang magkaroon ng mga iyan?”, tanong ni Aling
Karing. “Pwede po?”, gulat na tanong ni Iya. “Pasensya na po
kayo at pumasok po ako sa inyong hardin ng walang paalam”,
dagdag ni Iya. “Ayos lang, natutuwa nga ako na sa batang edad
mo ay nagigiliw ka na sa mga halaman. Bihira ang batang
katulad mo na mahilig dito”, tugon ni Aling Karing. “Ako nga po
pala si Iya. Ang gaganda po ng inyong pananim”, ani ni Iya. “Ako
naman si Karing, gaya mo mahilig din ako sa mga halaman
simula bata pa lamang. Gusto mo bang magtanim ng mga ito?”,
tanong ni Aling Karing. “Opo, opo”, agad na sagot ni Iya. Kumuha
si aling Karing ng pamputol ng sanga at binigyan nya si Iya ng
mga tangkay na itatanim sa kanila. Tinuruan niya rin ito kung
paano ang tamang paraan ng pagtatanim.
Tuwang-tuwa at labis ang pasasalamat ni Iya kay Aling
Karing. Dali-dali siyang umuwi upang itanim ang mga bigay
nitong mga tangkay ng halaman.
Narito ang mga paraan na itinuro ni Aling Karing kay Iya
sa pagtatanim ng halaman gamit ang sanga o tangkay:

18
1. Pumili ng sanga na magulang at may usbong.

2. Tanggalin ang may sukat na anim na pulgada.


3. Putulin ito ng pahilis. Sa bawat putol kung maaari
ay mayroong dalawa hanggang tatlong usbong.
4. Gupitin ang mga dahon at maliliit
na sanga.

5. Itanim ang mga putol na tangkay sa tamang


punlaan nang 45° o pahilis, nakahanay at may
agwat na sampung sentimetro bawat isa.
6. Gawing mababaw lamang ang hukay at ibaon ang
putol at dapat natatabunan ng lupa ang bahaging
puno nito.
7. Diligin ang mga putol na tangkay nang regular.

8. Hayaang tumubo ang tanim ng isang buwan o


higit pa bago ilipat sa paso o plastic bag. Nagustuhan
mo ba ang ating kuwento? Ikaw ba ay kagaya ni
Iya na mahilig din sa mga halaman? Ano ang inyong
pakiramdam sa tuwing nakakakita kayo ng namumulaklak at
mayayabong na halaman? Sagutan ang survey sa ibaba.
Mga Tugon
(Lagyan ng √ ang kahon
ng napiling sagot)
Oo Hindi Siguro
1. Natutuwa ako sa tuwing nakakakita ako
ng mga halamang namumulaklak.
2. Mahilig akong magtanim ng halaman sa
aming bakuran.
3. Masarap tumira sa bahay na maraming
tanim na halaman.
4. Gusto kong mangolekta ng iba’t ibang uri
ng halaman.
5. Nagbibigay sa akin ng ginhawa kapag
nakakakita ako ng mga halaman.

19
Suriin

Ang mga halaman ay nagbibigay ng kulay sa ating paligid.


Ang mga halamang ornamental ay nakapagpapaganda sa ating
mga tahanan, paaralan, parke o kahit sa mga establisyemento
tulad ng hotel, restaurant at iba pa. Mahalaga na matuto tayo ng
tamang paraan ng pagtatanim nito upang hindi masayang ang
ating pagod, pera at sakripisyo sa pagpapalago nito. Mainam na
sundin ang mga paraan na nabanggit ni Aling Karing upang
tumubo ng husto at dumami ang ating mga pananim.
Sa paraang pagpuputol, maaaaring paramihin ang mga
halamanan sa pamamagitan ng ugat at lamang-ugat, dahon,
sanga o tangkay. Sa tatlong paraan ng pagpuputol, ang sanga
o tangkay ang karaniwang ginagamit.

Pagyamanin

Handa ka na ba sa panibagong gawain? Subukan natin ang


iyong natutunan. Alin sa mga larawan ang pwedeng paramihin
sa pamamagitan ng pagputol gamit ang sanga o tangkay?
Ikonekta ang mga larawan sa kahon na nasa gitna.

Gawain 5.1

Mga pananim na maaaring


padamihin sa paraang
pagpuputol gamit ng sanga o
tangkay

20
Gawain 5.2
Isaayos ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-
sunod nito. Lagyan ng bilang 1-8.

Mga Hakbang sa Pagpapadami ng Halaman sa Paraang


Pagpuputol

Isaisip

Gawain 5.3
Kasabay ng paglago ng ating mga halaman, atin ding palaguin
ang ating kaisipan. Ano-ano ang mga hakbang sa pagpapadami
ng halaman sa paraang pagpuputol?

Isagawa

Gusto mo na bang punuin ang iyong hardin ng mga


halamang ornamental? Subukan mo ang iyong natutunan sa
pagpapadami ng halaman sa paraang pagpuputol gamit ang
sanga o tangkay.
Gawain 5.4
Maghanap ng halaman tulad ng santan o gumamela at
isagawa mo ang mga hakbang na itinuro ni Aling Karing. Kung
mayroon kang cellphone maaari mo itong kunan o di kaya’y
iguhit ang iyong gawa sa sagutang papel

21
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong o


pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
_______ 1. Isaayos ang mga hakbang sa tuwirang pagtatanim ng
halamang ornamental
1 - Hugutin at alisin ang tulos ng pising ginamit. Sa mga
butas na ginawa, ihulog ang 2 hanggang 3 buto.
2 - Gumawa ng butas na may sapat na layo.
3 - Diligin ang kamang taniman ng buong ingat
upang mapangalagaan ang mga butong itinanim.
4 - Diligin ang lupa ng pagtataniman at hayaang
makasipsip ito ng sapat na tubig.
5 - Lagyan ng tulos ang magkabilang dulo ng kamang taniman
at talian ng pisi ang bawat tulos sa paggawa ng hanay.
A. 4-5-2-1-3 B. 1-2-3-4-5 C. 4-5-1-2-3 D. 3-5-2-1-4
_______2. Bakit mahalagang gawin ang wastong paraan ng
pagtatanim ng halamang ornamental?
A. upang ang itinanim ay malusog na tutubo
B. upang ang halaman ay maging maganda
C. upang mapakinabangan ang halamang itinanim
D. lahat ng nabanggit
_______3. Ilan ang mga hakbang sa wastong paraan sa
pagtatanim ayon sa tuwirang pagtatanim?
A.2 B.3 C.4 D.5
_______4. Anu ang unang hakbang sa tuwirang pagtatanim?
A. Bungkalin ang lupang taniman.
B. Diligin ang inihandang lupa.
C. Lagyan ng tulos ang mgkabilang dulo.
D. Ihulog 2-3 buto sa lupang taniman.
_______5. Ang marcotting ay maari din tawaging ______________.
A. Inarching C. Grafting
B. Air layering D. Cutting

22
_______6. Sa paarang ito ay normal na pinatutubo ang mga
usbong ng halaman mula sa ugat o puno ng tanim.
A. Natural C. Tuwirang pagtatanim B. Artipisyal D.
Di-tuwirang pagtatanim
_______7. Aling bahagi ng tanim ang karaniwang ginagamit sa
pagpapadami ng halaman sa paraang pagpuputol?
A. dahon B. puno C. sanga D. ugat
_______8. Alin sa mga sumusunod na tanim o halaman ang
maaaring padamihin sa paraang pagpuputol gamit ang
sanga o tangkay?
A.Luya. Patatas C. Snake Plant D. Sampaguita
_______9. Anong paraan ng pagpaparami ng tanim ang hinihiwaan
ang dalawang sanga ng puno bago ito pagdikitin at
talian?
A. Cutting o pasanga C. Marcotting
B. Inarching D. Itanim ang butil
_______10. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos mong
magawa ang inarching?
A. Ligpitin ang mga gamit at linisin ang mga kalat.
B. Linisin ang mga kalat.
C. Hayaang nakakalakat ang mga gamit.
D. Tawagin si bunso na ayusin ang iyong mga kalat.
Sagutin ang crossword puzzle para sa karagdagang hamon.

23
.lupa Diligin ang pinagtanman ng mga buto ng buong ingat.

.10 .9 A .8 may sapat na .layo Ihulog ang buto ng sunflower sa mga butas na .ginawa Takpan ng
A .7
.pagtatamnan Dapat munang diligin ang agtatamnanp nito at gumawa ng butas na
B .6
A .5 sa .pagtatanim Gagawin niya ito sa paarang paghulog ng agaran ng mga buto
B .4 Sa pagtatanim ni Mona ng sunflower, ang paraan na kanyang gagamitin ay tuwirang
D .3 Gawain 13.
A .2 ang halamang itinanim ay maganda at malusog na tutubo. .5
B .1 ang paglagay ng buto ng agaran sa lupang pagtataniman nito .4
C kinakailangan magpunla at ilipat ang sibol sa kamang taniman .3
Subukin Di – tuwirang pagtatanim .2
Tuwirang pagtatanim .1
Gawain 12.

pagtataniman plastic
.10 bunot o .9 sanga
.3 agarang paghulog ng mga buto sa lupang
.8 Balat .7 Manga
.2 tuwirang pagtatanim
.6 chico .5 Marcotting/air layering
.1 di-tuwirang pagtatanim
o cutting
Gawain 22. .4 pasanga .3 Saging
.2 Artipisyal .1 Natural

Inarching .2 Gawain 2.3


4 1 2 3 5
Kutsilyo .1 Gawain 1.3
Gawain 42.
talian ng .mahigpit nito.
.3 Pagdikitin ang hiwa ng dalawang sanga bago ito
.2 Hiwain ng pahaba ang dalawang .sanga
.1 Linisin ang .kutsilyo lupa ang bahaging puno
Gawain 41. putol at natatabunan ng
ang hukay at ibaon ang .10 A
.6 Gawing mababaw lamang
maliliit na .sanga .9 B
.8 D
.4 Gupitin ang mga dahon at
na anim na .pulgada .7 C

.2 Tanggalin ang may sukat .6 A


Gawain 53. .5 B

2, 5, 7, 3 .4 B

4, 1, 8, 6
Gawain 52. .3 D

.2 D

.1 A

Tayahin
Karagdagang Gawain
Gawain 51.

Mga Sanggunian
24
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., & Rondina, J. (2015). Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan - Agrikultura 4 (1st ed., pp. 353-
363). Kagawaran ng Edukasyon.
Gohmann, K. (2019). How to Propagate Roses. Retrieved 17 June 2020,
from https://www.wikihow.com/Propagate-Roses
LR Portal. (2015). Retrieved 19 June 2020, from
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/7228

Pangunahing Paraan sa Pagpaparami ng Halamang Ornamental. MISOSA IV.

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email

Address: region12@deped.gov.ph

You might also like