You are on page 1of 26

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 7:
Pagsasapamilihan ng Halamang
Ornamental
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan– Modyul 7: Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa BatasRepublika 8293, Seksiyon 176na: Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi ina angkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mgaito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO
Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Elnora G. Pamplona, Zenaida I. Agregado, Mary Grace M. Ea


Mary Ann G. Fuego, Angelie Diane C. Pamplona, Jacquiline A. Feca
Arjan A. Otero , Melanie M. Fabros, Noralita A. Bautista
Genie P. Cubita
Editor: Beverly B. Abad
Tagasuri: Lorna T. Padua, Aileen S. Guintibano, John Mark S. Antonio
Tagaguhit: Joebert C. Espino, Lyndin S. Bordamonte
Tagalapat: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo Tagapamahala:
Allan G. Farnazo,PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS TLE/EPP

InilimbagsaPilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayon tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay


magagabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang
matutunan mo ng lubos ang tungkol sa pagsasapamilihan ng mga
halamang ornamental.
Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop gamitin sa iba’t-ibang
sitwasyon. Iniakma rin sa kakayahan mo bilang mag-aaral ang wikang
ginamit dito para lubos mo itong maunawaan.
Ang mga aralin ay inayos mula sa simple o payak patungo sa
paksang nangangailangan ng mataas na pang-unawang unit pwede
mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng bawat paksa sa
pagbabasa o pagsagot ng mga gawain batay sa aklat na iyong
ginagamit sa kasalukuyan.
Ang modyul na ito ay binubuo ng apat na aralin:
• Aralin 1: Pagpaplano sa Pagbebenta ng Halamang Ornament
• Aralin 2 : Pag-aani ng Halamang Ornamental
• Aralin 3: Mahusay na Pagbebenta ng Halamang Ornamental
• Aralin 4: Talaan ng Puhunan, Ginastos at Kita o Tubo
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:

1. Natatalakay ang mahusay na plano sa pagbebenta ng halamang


ornamental.
2. Nakakagawa ng plano sa pagbebenta ng halamang ornamental.
3. Naisasagawa ang wastong pag-aayos ng mga halamang
ornamental na ibebenta.
4. Nasasabi ang tamang panahon sa pag-aani ng halamang
ornamental.
5. Naisasagawa ang wastong paraan ng pagmamarka ng paninda.
6. Naisasagawa kung paano kumbinsihin ang mga mamimili.
7. Nakakagawa ng talaan ng puhunan at ginastos.
8. Nakukwenta ang puhunan, ginastos, kita at maiimpok.
9.

1
Subukin

Paunang Pagtataya
A. Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng tamang impormasyon at Mali naman kung hindi.Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

_____________1. Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagsasapamilihan


ng halamang ornamental ay dapat mataas at malaki
ang halaman.

_____________2. Kailangang ang mga bulaklak ng halamang


ornamental ay nakasara bago ipagbili.

_____________3. Dapat ang halamang ornamental ay may magugulang


na mga dahon at tangkay bago ipagbili.

_____________4. Ang pag-aayos ng paninda ay kailangan ding


makasining, makulay at makatawag-pansin.

_____________5. Tiyakin na nakatago ang presyo ng mga paninda.

_____________6. Kailangang maayos at wasto ang pagkakalantad ng


mga paninda.
_____________7.Kailangang linisin ang labas at loob ng tindahan.

_____________8. Ugaliing walang mag babantay sa inyong tindahan.

_____________9. Kailangan na may marka ng pangalan at presyo ang


bawat paninda.

____________10. Mahalaga ang paglilista ng puhunan, gastos at kita


sa anomang uri ng negosyo.

2
Aralin
Pagpaplano saPagbebenta ng
1 Halamang Ornamental
Mga Layunin:
1. Natatalakay ang mahusay na plano sa pagbebenta ng
halamang ornamental, at
2. Nakakagawa ng plano sa pagbebenta ng halamang
ornamental.
.

Balikan

A. Bago tayo magsimula sa ating bagong paksang aralin. Balikan


muna natin kung alam at natatandaan nyo pa angating
tinalakay kahapon. Batay sa mga larawan. Lagyan ng TSEK (/)
kung ang halaman ay ornamental at EKIS (X)naman kung
hindi.
2. 3.

2 3
1.

4. 5. 6.

3
Tuklasin

Tingnan ang bahagi ng payak na plano sa pagbebenta ng halamang


ornamental upang malaman kung paano gumawa ng plano.
I. Mga Layunin:
a. Nasusunod ang mga wastong paraan ng pagbebenta.
b. Naipapakita ang kasiyahan sa pagbebenta.
c. Nakapagbebenta ng mga halamang ornamental.
II.Titulo ng mga Gawain-Pagbebenta ng mga Halamang Ornamental
Mga Kagamitan
 Mga Halaman
 Presyo ng mga halaman
 Lalagyan ng mga halaman
 Mga iba pang kagamitan

III. Pamamaraan

A. Paghahanda
1. Pagpili kung saang lugar magbebenta
2. Paghahanda ng mga kagamitan
3. Pagsasaayos ng mga paninda
4. Pagbubukod-bukurin ang mga magkakauri
B. Paghahanda ng mga paninda
1. Paglilinis ng mga Paninda
2. Pagtatala
3. Iba pang Gawain ayon sa pangangailangan
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano-ano ang mga dapat gawin sa pagpaplano sa pagbebenta
ng halamang ornamental?
2. Dapat bang sundin ang iyong plano sa pagbebenta ng
halamang ornamental? Bakit?
3. Kung ikaw ay magpaplano sa iyong pagbebenta. Ano ano ang
iyong dapat gawin? Ilista ang iyong mga dapat gawin ayon sa
pagkasunod-sunod.

4
Suriin
Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na tanong
at sagutin ng tama ayon sa iyong pang-unawa.
1. Batay sa inyong natuklasan bakit naging mabuting gabay ang
pagplano sa mga gawain?
2. Ano ang kahalagahan ng pagpaplano?
3. Bakit kailangang pagplanohan ang mga kailangang gawin sa
pagbebenta ng mga halamang ornamental?
4. Bakit kailangan ang wastong paraan ng pagsasaayos ng mga
paninda?
5. Sa iyong palagay paano mo makumbinsi ang iyong mamimili na
bumili ng iyong mga paninda?
6. Paano mo malalaman kung ikaw ay nalugi o kumita?

Pagyamanin
Gawain 1.1
Panuto: Gawin ang mga sumusunod na gawain upang malinang
at lubos na maunawaan ang ating tinalakay.Isulat sa malinis na
papel.
1. Kung ikaw ay magkakaroon ng sariling halamanan? Paano
mo ito gagawin? Gumawa ng iyong sariling plano.
2. Ilista lahat ng iyong nagastos o puhunan, kinita at naimpok.
Nang sa gayon malalaman natin kung ikaw ay kumita o
nalugi.

Isaisip

Gawain 1.2
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Isulat sa inyong sagutang
papel ang tamang sagot.
1. Ang ____________ (pagpaplano, paggawa) ng Gawain ay isang
mabuting gabay sa paggawa upang matiyak na magiging
matagumpay ang gawain.

5
2. Ang ____________ (pamimili, pagtitiwala) ay maituturing na
isang sining na nangangailangan ng sapat na talino,
kasanayan, tiyaga, pang-unawa at pagtitimpi sa mga
mamimili.
3. Ang tagumpay nang isang tingiang tindahan ay nakasalalay
sa maayos at ____________(wasto, makalat) na paraan nang
pagtitinda.
4. Maging ____________ (magalang, mayabang) sa pakaikipag –
Usap sa mga mamimili.
5. Ang paglalagay nang ____________ (presyo, pangalan) ay
batay sa lahat ng ginastos at bahagyang tinakda nang
pamahalaan.

Isagawa

Gawain 1.3
Panuto: Sa iyong malinis na papel gawin ang mga
sumusunod na gawain:
1. Gumawa ng isang payak na plano ng proyekto gamit ang
nasa itaas na hakbang.
2. Pumunta sa pinakamalapit na tindahan at magtanong
tanong kung ano ang kanilang ginawa bago sila nagpatayo
ng kanilang tindahan, wastong paraan ng pagtitinda at
kung paano sila gumawa ng kanilang talaan ng puhunan,
gastos at kita.

6
Aralin
Pag-aani Ng Halamang
2 Ornamental
Mga Layunin:
1. Naisasagawa ang wastong pag-aayos ng mga halamang
ornamental na ibebenta.
2. Nasasabi ang tamang panahon sa pag-aani ng halamang
ornamental.
3.

Balikan

Magaling! Binabati kita sa iyong mahusay nagawa. Nasagutan


mo ba ang lahat ng tanong ng tama? Kapag hindi, huwag mag alala
dahil tutulungan kitang matuto ng pamamaraang kay dali lamang.
Ngayon, ating balikan ang iyong mga kaalaman tungkol sa
pagpapalaki ng mga halamang ornamental. Naaalala mo pa ba ang
mga pamamaraan kaugnay dito? Sagutin ang tanong.
Ano ang mga pamamaraan sa pagpapalaki ng mga halamang
ornamental?

7
Tuklasin

Magaling! Pwede mo nang ipagpatuloy ang iyong susunod na


pakikipagsapalaran. Pero bago ang lahat, tingnan nang mabuti ang
larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sa iyong palagay ano kaya ang ginagawa ng mga magsasaka
sa larawan?
2. Ano ang dapat na gawin sa pag-aayos sa mga bulalak upang
madali itong ibenta?

Suriin

Ang mga hardenero o mga nag-aalaga ng mga


halamang ornamental at mga namumulaklak na mga halaman
ay may mga palatandaang tinitingnan kung ang mga
halamang ito ay maaari nang ipagbili.
Narito ang ilang palatandaan ng mga halamang ornamental
at mga halamang namumulaklak na maaari nang anihin at
ipagbili:

1. Matataas at malalaki
2. Malalago o mayayabong ang mga dahon
3. Magugulang
4. Namumukadkad ang mga bulaklak
Mahalaga rin ang tamang pangangalaga at maayos na
pamamalakad ng mga halamang ipagbibili.
Isa-isahin mo ang mga dapat isaalang-alang sa wastong
pamamahala at pangangalaga ng mga halamang aanihin at
ipagbibili.
Tanggalin ang lanta at mga tuyong dahon. Ang mga lanta at
tuyong dahon ay maaaring pagsimulan ng mga sakit at peste ng

8
mga halamang ipagbibili. Hindi rin ito magiging kaakit-akit sa
mga mamimili.
Isagawa ang pagtatali ng mga halaman sa isang tuyo at
malilim na lugar. Kung ang isang lugar ay basa o may tubig
kung saan isasagawa ang pag-aayos ng ipagbibiling halaman,
maaari rin itong pagsimulan ng mga sakit at peste. Kapag
nangyari ito, maaaring hindi na mabili ang mga halaman.
Kailangan ding isagawa ang pagtatali at pag-aayos sa
isang malilim na lugar upang maiwasan ang pagkalanta,
pagkatuyo at pagkasira ng halaman. Ang mga ganitong uri ng
halaman ay hindi na mabibili.

Pagyamanin

Gawain 2.1
Ang mga halamang bulaklak ay dapat kunin o pitasin
lamang kung ang mga ito ay namumulaklak na.
Ang mga halamang ornamental ay dapat inihahanay sa
malawak at malilim na lugar ayon sa uri at gulang. Kailangan
ito upang hindi madaling masira ang mga halaman at upang
madaling makakilos ang mga mamimili. Kailangan din iayos
ang mga ito ayon sa uri at gulang, upang madaling makita ng
mga mamimili ang dapat nilang bilhin na mga halaman.
Pag-aaralan natin ngayon ang mga sumusunod na tanong upang
masuri ang ating kaalaman tungkol sa pag-aani at
pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental. Isulat ang
iyong sagot sa isang buong papel.
1. Kailan ang tamang panahon sa pag-aani ng halamang
ornamental?
2. Ano-ano ang tamang pag-aayos ng halamang ornamental
upang madali itong maibenta?
3. Bakit kailanangan isaayos ng mabuti ang mga halamang
ornamental na iyong ibenta?

9
B. Panuto: Iguhit ang ( ) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at
kung ito ay mali, iguhit ang ( ). Gawin ito sa sagutang papel.
_________1. Ang matataas o malalaking halamang ornamental ay
maaari nang ipagbili.
_________2. Kinakailangang tanggalin ang mga lanta at mga tuyong
sanga ng mga halamang ornamental.
_________3. Kapag namumulak na ang mga halaman hindi pa ito
pwedeng anihin.
_________4. Ang mga halamang ornamental na maliliit ay pwede ng
anihin at ipagbili.
_________5.Ang malalago ang dahon at namumukadkad na mga
bulaklak ng mga halamang ornamental ay maaari ng
ipagbili.
C. Panuto: Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga gabay sa
wastong pamamaraan ng pagsasapamilihan. Iguhit ang iyong
poster sa malinis papel.

Isaisip
Gawain 2.2
Panuto: Basahin at sagutin ng tama ang mga sumusunod na
tanong batay sa ating tinalakay tungkol sa pag-aani at
pagsasapamilihan ng mga halamang ornamental;

1. Paano maisasagawa ang wastong pag-aayos ng mga halamang


ornamental na ibebenta.
2. Paano mo masasabi ang tamang panahon sa pag-aani ng
halamang ornamental.

10
Aralin Mahusay na Pagbebenta ng
3 Halamang Ornamental

MgaLayunin:
1. Naisasagawa ang wastong paraan ng pamamarka ng paninda,at
2. Naisasagawa kung paano kumbinsihin ang mga mamimili.

Balikan

Balikan muna natin ang iyong nalalaman tungkol sa payak na


pagpaplano sa pagbebenta ng halamang ornamental.
Linangin natin ang mga ito gamit ang concept map. Piliin sa
ibaba ang iyong sagot at ilagay saloob ng mga kahon.

1.Pagpili kung saang lugar magbebenta


2.Paglilinis ng paninda
3.Pagtatala
4.Paghahanda ng mga kagamitan
5.Mahina ang loob
6.Pagsasaayos ng mga paninda
7.Pabubukod-bukurin ang mga mag kakauri na halaman
8.Pagiging mainipin
9.Kulang ang kaalaman tungkol sa wastong pagpapatakbo ng
tindahan
Concept map sa paraan sa pagbebenta ng halamang ornamental.

Paraan sa Pagbebenta
ng halamang
ornamental

11
Tuklasin

Panuto: Pangkatin ang mga sumusunod na larawan ayon


sa pagmamarka. Isulat ang titik sa tamang hanay ng
sagutang papel ang iyong sagot.

150
A. B. C. 100

150
D. 75 E. C.

1. Ano ang naging basehan mo sa pagpapangkat -pangkat ng


mga larawan?
2. Bakit kailangang markahan o lagyan ng presyo ang mga
paninda?
3. Alin sa dalawang pangkat ang mas makaaakit ng mga
mamimili? at bakit?
Ang wastong pagsasaayos at pagmamarka ng mga halamang
ornamental ay ilan lamang sa mga pamamaraan upang ang mga
mamimili ay maganyak na bumili ng iyong mga paninda. Narito
ang mga gabay na dapat sundin sa pagsasaayos at pagmamarka
ng mga paninda.
1. Pagsasaayos ng mga paninda
Madaling maakit ang mga mamimili kapag maayos at wasto
ang pagkakalantad ng mga paninda. May mga gabay na dapat
sundin sa pangkalahatang kaayusan ng mga panindang
hinahanap ng mamimili. Madali rin ang pagtitinda kapag
isasaayos nang pantay-pantay at madaling abutin ang mga
paninda. Tiyakin na madaling basahin ang mga presyo ng mga
paninda upang hindi mag-aksaya ng oras sa pagtatanong.

12
2. Pagmamarka ng paninda
Kapag tayo’y mamimili sa tindahan, nais nating malaman
kaagad ang presyo ng panindang nais natin, kaya mahalaga ang
pagmamarka ng mga paninda. Ang dalawang paraan ng
pagmamarka ay ang paglalagay ng tag at tuwiran.
Ang di- tuwirang pagmamarka ay maaaring isulat sa
kapirasong karton o papel ang presyo na ikinabit sa paninda
nang nakatali, nakabitin o nakadikit. Ang tuwirang
pagmamarka ay ang pagsusulat ng presyo sa mismong paninda.
Ang mga katangian ng wasto at maayos na pagmamarka ay
malinaw, tama ang presyo, at malinis tingnan.

Suriin

Panuto:

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.

A. B.

150

1. Ano ang iyong napapansin sa mga larawan?


2. Alin ang pagkakaiba ng dalawang larawan?
3. Bakit mahalaga ang pagmamarka ng mga paninda?
4. Sa iyong palagay, bakit mas mataas ang prenasa larawan A
kompara sa larawan B?

13
Pagyamanin

Gawain 3.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano isasaayos ang mga panindang halamang ornamental? 2.
Paano makaganyak ng mga mamimili sa pagbili ng mga
panindang halamang ornamental?
3. Ano-ano ang mga katangian ng pagmamarka ng halamang
ornamental?
B. Gumuhit ng isang larawan ng halamang ornamental na
nagpapakita ng tuwirang pagmamarka at isang larawan ng
halamang ornamental na nagpapakita naman ng di-tuwirang
pagmamarka.

Isaisip

Gawain 3.2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano mo maisasagawa ang wastong paraan ng pamamarka ng
paninda?
2. Ano-ano ang mga dapat gawin para makumbinsi ang mga
mamimili?

14
Isagawa

Gawain 3.3

Panuto: Punan ng angkop o tamang mga salita ang bawat


pangungusap sa talata.Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon at isulat sa saguatng papel.

di-tuwiran makulay pantay-pantay


tuwiran tamang presyo malinis tingnan
pagmamarka

May dalawang pamamaraan ng pagbebenta ng halamang


ornamental.

Ito ay ang ______________ at _______________ ng mga


paninda. Madali rin ang pagtitinda kapag isasaayos nang
__________ at ___________ ang mga paninda.

15
Aralin
Talaan ng Puhunan at
4 Ginastos
Mga Layunin:

1. Nakakagawa ng talaan ng puhunan at ginastos,at


2. Nakukwenta ang puhunan, ginastos, kita o tubo.

Balikan

Bago tayo pumunta sa ating bagong paksang aralin, balikan


muna natin an gating pinag-aralan noong nakaraang araw.
Pakisagot ang mga sumusunod na tanong.
A. Ano-ano ang mga palatandaang dapat isaalang-alang kung
ang mga halamang ornamenal ay maari ng ipagbili?
B. Ano –ano ang wastong pamamahala at pangangalaga ng
mga halamang ornamental at halamang namumulaklak na
ipagbibili?

Tuklasin

Mga bata, pag-aralan natin itong halimbawa ng


sa gayon malaman natin kung paano ang paggawa ng listahan ng
puhunan, gastos at kita o tubo sa isang negosyo o
paghahalaman.
Sa isang uri ng negosyo o hanapbuhay mahalagang malaman
ang ginastos at kinita.
Paghahalamang ornamental at pag-aalaga ng halamang
namumulaklak ang nakagisnang hanapbuhay nina Mang Rodel

16
at Aling Alita. Naging kaugalian na nila ang mag-ingat ng talaan
ng gastos at kinita. Pag-aralan ang kanilang talaan, nang
maguumpisa sila sa kanilang hanapbuhay noong Enero,2020.

Sa simula, bumili sila ng mga sumusunod:


100 supot na plastic P25.00
8 sako organikong pataba
(50/isa) P400.00
10 sako lupang mataba P250.00
(25/isa) ibat ibang uri ng P80.00
panamin kuryente at tubig
P45.00

Kabuuang gastos P800.00


Pagkaraan ng apat na buwan, halos naibenta nila lahat ang
kanilang mga halaman. Dahil mataas ang uri ng mga ito,
nakapagtakda sila ng mataas na presyo. Ito ang talaan ng kanilang
naibentang halaman.
8 Rose ( P15/isa) P96.00
12 Palmera (P30/isa P300.00
10 Santan (P8/isa) P60.00
12 bonggambilya (P18/isa) P180.00
15 Gumamela (P12/isa) P150.00
10 Rosal (P125isa) P120.00
18 Sampaguita (P12/isa) P180.00
15 Dońa Aurora (P20/isa) P225.00

1,622.00

Kabuuang Benta = 1,622.00


Kabuuang Gastos= 800.00
Kabuuang Kita = 822.00
Pormula sa pagkuha ng Kabuuang Kita:
Kabuuang Benta- Kabuuang Gastos

17
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano-ano ang mga napapansin niyo sa talaan ng magsasaka?
2. Mahalaga ba ang talaan ng puhunan, gastos at kita o tubo?
Bakit?
Panuto: A. Batay sa halimbawang ibinigay, sagutin ang mga
sumusunod:

1. Ano-anong mga bagay ang binili nina Mang Rodel at Aling


Alita ng magsisimula sila sa paghahalamang ornamental?
2. Sa palagay mo bakit naka pagtakda sila ng mataas ng
presyo sa kanilang mga halaman?
3. Sa anong bagay sila may malaking gastos?
4. Anong halaman ang may pinakamataas na presyo?
5. Ano ang masasabi mo sa kanilang kinita?

Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunid na tanong. Punan ang
patlang ng tamang sagot. Kwentahin kung magkano ang
kabuuang gastos,benta at tubo ng magsasaka.
Panahon ng Kabuuang Kabuuang Kabuuang
Pagtatanim Benta Gastos tubo o kita
Una 1,706.00 _____________ 1,061.00
Pangalawa 3,311.00 860.00 ___________
Pangatlo ____________ 1,117.50 3,198.50
Kabuuang
Halaga 9,333.00 ____________ 6,710.50

18
Isaisip

Gawain 4.2

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot


sa iyong sagotang papel.

1. Alin ang tamang pagkuha ng kabuuang Kita?


A.Kabuuang Gastos C. Kabuuang Benta
Kabuuang Kita Kabuuang Gastos
B.Kabuuang Benta- Kabuuang Gastos D. Kita - Gastos

Isagawa
Gawain 4.3
Panuto: Sagutin at gawin ang mga sumusunod na tanong.

A. Kung ikaw ay magkaroon ng isang negosyo, magkano ang


gusto mong puhunan?
B. Ano-ano ang mga kailangan mong bilhin sa iyong negosyo?
Ilista lahat ang iyong bibilhin.
C. Kung mabebenta mo ang iyong mga binili magkano ito?
Lagyan mo ng presyo bawat isa.
D. Kwentahin ang kabuuang Gastos at Benta mo at Isulat mo
rin kung magkano ang iyong kita o tubo.

19
Tayahin

Pangwakas na Pagtataya
Paunang Pagtataya
Panuto: A. Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng tamang impormasyon at Mali naman kung
hindi.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____________1. Isa sa mga dapat isaalang-alang sa


pagsasapamilihan ng halamang ornamental ay dapat
mataas at malaki ang halaman. _____________2. Kailangang ang
mga bulaklak ng halamang ornamental ay
nakasara bago ipagbili. _____________3. Dapat ang halamang
ornamental ay may magugulang na mga dahon
at tangkay bago ipagbili.
_____________4. Ang pag-aayos ng paninda ay kailangan ding
makasining, makulay at makatawag-pansin.
_____________5. Tiyakin na nakatago ang presyo ng mga paninda.
_____________6. Kailangang maayos at wasto ang pagkakalantad
ng mga paninda.
_____________7.Kailangang linisin ang labas at loob nang
tindahan.
_____________8. Ugaliing walang mag-babantay sa inyong
tindahan.
_____________9. Kailangan na may marka nang pangalan at
presyo ang bawat paninda.
_____________10. Mahalaga ang paglilista ng puhunan, gastos at
kita sa anomang uri ng negosyo.

20
Susi sa Pagwawasto

21
Mga Sanggunian

Aklat:
Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J.
2015. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan IV.
Vibal Group, Inc.

Website:
"Direct Seeding - IRRI Rice Knowledge Bank".
Knowledgebank.Irri.Org, 2020.
http://www.knowledgebank.irri.org/step-by-
stepproduction/growth/planting/direct-seeding.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17915.

Geraldmayolthesecond.Files.Wordpress.Com, 2020.

https://geraldmayolthesecond.files.wordpress.com/2014
/09/03_mga-hakbang-sa-paggawa-ng-compost-1.

22
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyulnaito ay bataysaMost Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaranng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang prosesong paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like