You are on page 1of 17

5

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
(EPP) 5
Modyul 8 EDUKASYONG PANTAHANAN
(WASTONG PAGHAHANDA NG PAGKAIN
SA HAPAG-KAINAN)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Wastong Paghahanda ng Pagkain sa Hapag-kainan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sharon Jane B. Valle


Editor: Sharon Jane B. Valle
Tagasuri: Arnil C. Sambria
Tagaguhit: Sharon Jane B. Valle
Taga- anyo: Sharon Jane B. Valle
Tagadisenyo ng Pabalat:
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V – Schools Division Superintendent
Jasmin P. Isla – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Meilrose B. Peralta – CID Chief
Hazel G. Aparece – EPS In- Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr – ADM Coordinator
Arnil C. Sambria – EPS Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalman
ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihahandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin
upang masukat naman ang natutuhan. May susi sa pagwawasto upang
makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailngan. Huwag sulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.
Sa pagmamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

3
Alamin

Isang magandang araw muli sa iyo! Pakatapos nating matutunan ang


pagpaplano at pagluluto ng masustansiyang pagkain sa agahan, tanghalian, at
hapunan ayon sa badyet ng pamilya, pamamalengke ng mga sangkap sa pgaluluto,
at ang wastong pagpili ng sariwa, mura at masustansyang sangkap, ngayon naman
ay matutuhan naman nating kung paano isasagawa ang pagluluto.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:


• Aralin 1 – Mga Pagkain at Sangkap sa Pagluluto
• Aralin 2 – Mga Tuntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa
Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain
• Aralin 3 – Kaakit-akit na Paghahanda ng pagkain sa Hapagkainan

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na iyo nang:

1. Naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto.


2. Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain
3. Naihahanda nang kaakit-akit ang nilutong pagkain sa hapag kainan (food
presentation)

4
Aralin
Paghahanda ng mga Sangkap sa
1 Pagluluto

Sa panahon ngayon, dapat nating sinisiguro na malinis at masustansiya ang


mga ihahanda nating pagkain. Ang pagkain ay may iba’t ibang pamamaraan ng
paghahanda at pagluluto. Maraming kasanayan ang dapat matutuhan ng sinumang
maghahanda ng pagkain. Magdudulot ng kasiyahan at katuparan sa sarili ang
magandang kinalalabasan ng mga pagkain.

Balikan

Sa nakaraang aralin, iyong natutunan ang wastong pagpili ng mga sariwang


pagkaing lulutuin. Kumpletuhin ang dayagram at itala ang wastong katangian ng
bawat pagkain na magpapakita na ito ay sariwa.

Karne Gulay

Suriin

Sa paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto ng masustansiyang pagkain,


may mga mungkahing maaaring sundin para sa mabilis na paghahanda ng
pagkaing lulutuin.
1. Gumawa ng menu para sa loob ng isang linggo.
2. Pumunta sa palengke o supermarket nang hindi gaanong karami ang mga
taong namimili.
3. Pumili at iplano ang menu na lulutuin na angkop sa buong kasapi ng
pamilya.
4. Piliin ang menu na madaling lutuin at hindi magigin komplikado sa oras ng
iba pang gawain.
5. Isaayos ang lahat ng mga kasangkapan at sangkap na gagamitin.

Mga Gawaing-kamay sa Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain


May iba’t ibang paghahanda sa mga sangkap na kailangan sa pagluluto.
Pag-aralan ang mga ito.
1. Pagtatalop – pag-aalis ng balat gamit ang maliit na kutsilyo.
2. Pagbabalat – pag-aalis ng balat gamit ang kamay.

5
3. Paghihimay – paghihiwalay sa mga pinong bahagi ng nilutong pagkain gamit
ang kamay.
4. Paghihiwa – pagpuputol ng mga pagkain upang lumiit gamit ang kutsilyo.
5. Pagkakaliskis – pag-aalis ng mga kaliskis ng isda gamit ang kutsilyo.
6. Paggigiling – pagpipino ng pagkain gamit ang gilingan.
7. Pagbabati – pagdadagdag ng hangin sa hinahalong pagkain gamit ang
tinidor, pambati, o electric mixer.
8. Pagsasala – paghihiwalay ng likido sa buo-buong laman ng sangkap.
9. Pagdidikdik – pagbabayo ng mga sangkap gamit ang almires tulad ng mani,
paminta, at ulo ng hipon.
10. Paghahalo – pagsasama ng mga sangkap.

Mga Paraan ng Pagluluto


• Paglalaga – pagpapakulo ng pagkain sa maraming tubig.
• Pagpiprito – pagluluto sa maraming kumukulong mantika.
• Paggigisa – pagluluto sa konting mantika ng bawang, sibuyas, o iba pang
sangkap bago ihalo sa pangunahing sahog.
• Pag-iihaw – maliit na pirasong karne na niluluto sa ibabaw ng baga.
• Pagpapakulo – pagpapainit ng likido hanggang temepraturang 100 degrees
Celsius.
• Pagsasangkutsa – pagluluto ng pagkain upang mapanatili ang lasa o timpla
bago ito lubusang lutuin.
• Pagpapasingaw – pagluluto sa pasingawan ng mga pagkain tulad ng siopao
at siomai.
• Paghuhurno – pagluluto gamit ang oven tulad ng padesal, cake, at iba pa.

Pagyamanin

Hanapin sa hanay B ang sagot na tinutukoy sa hanay A. Isulat sa


patlang ang titik ng tamang sagot.

A B
___1. pag-aalis ng balat gamit ang maliit na kutsilyo a. paghihimay
___2. pag-aalis ng mga kaliskis ng isda gamit ang kutsilyo b. pagtatalop
___3. paghihiwalay sa mga pinong bahagi ng nilutong c. paghihiwa
pagkain gamit ang kamay d. pagbabalat
___4. pag-aalis ng balat gamit ang kamay e. pagkakaliskis
___5. pagpuputol ng mga pagkain upang lumiit gamit ang
kutsilyo

Isaisip
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin sa kahon ang sagot
na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

6
pagdidikdik pagbabati paggigiling pagsasala paghahalo

1. Anong gawaing-kamay sa paghahanda at pagluluto ng pagkain na tumutukoy sa


pagdadagdag ng hangin sa hinahalong pagkain gamit ang tinidor, pambati, o
electric mixer? ____________________
2. Ang _______________ ay ang pagbabayo ng mga sangkap gamit ang almires
tulad ng mani, paminta, ulo ng hipon.
3. Ito ay tumutukoy sa paghihiwalay ng likido sa buo-buong laman ng sangkap.
________________
4. Ang ________________ ay ang pagpino ng pagkain gamit ang gilingan.
5. Ito ay paraan ng pagsasama-sama ng mga sangkap. _______________

Isagawa

Panuto: Magtala ng isang pagkain sa bawat kahon na ginagamitan ng mga


sumusunod na gawaing-kamay sa pagluluto ng pagkain. (5 pts)
Pagbabalat Paghihiwa Paggigiling Pagtatalop Paghihimay
Hal. saging

Tayahin

A. Panuto: Sagutin ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamag sagot.

1. Anong paraan ng pagluluto kung saan pinapakuluan ang pagkain sa maraming


tubig?
a. pag-iihaw b. paglalaga c. pagpiprito d. paghuhurno
2. Ito ay paraan ng pagluluto ng pagkain kung saan ginagamitan ng oven tulad ng
pandesal, cake, at iba pa.
a. pag-iihaw b. paglalaga c. pagpiprito d. paghuhurno
3. Ito ay tumutukoy sa pagluluto s akonting mantika ng bawang, sibuyas, o iba pang
sangkap bago ihalo sa pangunahing sahog.
a. paggigisa b. pagpiprito c. paglalaga d. paglalaga
4. Anong paraan ng pagluluto kung saan niluluto ang pagkain sa maraming
kumukulong mantika?
a. paglalaga b. pag-iihaw c. pagpiprito d. paggigisa

5. Ito ay pagluluto ng pagkain upang mapanatili ang lasa o timpla bago ito lubusang
lutuin.
a. pagsasangkutsa b. pag-iihaw c. pagpiprito d. paggigisa
7
B. Panuto: Magbigay ng isang halimbawa ng pagkaing niluluto sa mga sumusunod
na mga paraan ng pagluluto ng pagkain.

6. Paglalaga= _________________________
7. Pagpiprito= _________________________
8. Pag-iihaw= _________________________
9. Pagpapasingaw= ____________________
10. Paghuhurno= ______________________

Aralin Tuntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa


2
Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain

Napakahalaga na malinis at maayos ang paghahanda ng pagkain. Kung hind


nga naman maayos at malinis ang paghahanda natin ng pagkain, maari itong
maging dahilan ng food poisoning.

Suriin

Kailangang ligtas ang naghahanda o nagluluto, gayundin ang mga pagkain


na lulutuin. Kaya naman meron ding mga kaugaliang pangkalusugan at
pangkaligtasan na dapat mong malaman.
1. Malinis, may sapat na liwanag o bentilasyon ang silid-lutuan o kusina.
2. Maging maingat sa paggamit ng matutulis at matatalim na mga kagamitan.
3. Iangkop ang temeperatura ng paglulutuan para maiwasan ang pagkasunog
ng pagkain.
4. Ilayo ang mukha sa kaldero o kawaling may takip kung iaangat ang takip.
5. Takpan ang mga sangkap na niluluto.
6. Tiyaking maayos ang kalang gagamitin.

Pamamaraan sa Paghahanda ng Pagkain

Narito ang mga paraang sinusunod upang maging maayos ang paghahanda ng
pagkain:
1. Ihanda ang resipi.
2. Piliin ang tamang dami at uri ng pagkaing kailangan ng pamilya.
3. Oras na ilalaan sa pagluluto – tiyaking tama ang ilalaang oras sa paghahanda
ng pagkain upang maging komportable at ligtas sa anumang sakuna.
4. Ihanda ang mga kasangkapang kailangan tulad ng:
a. Mga panukat
b. Iba’t iabg laki ng kutsilyo
c. Salaam
d. Sangkalan
e. Sandok, siyanse, kutsarol
f. Abrelata
g. Kaldero, kawale

8
h. Kolander, trey, palanggana
5. Tanggalin ang mga alahas sa kamay
6. Maghugas ng kamay bago hawakan ang mga lulutuin
7. Gumamit ng apron, headband, bandana o hairnet
8. Hugasan ng husto ang mga sangkap tulad ng kamatis, gulay, karne, o isda
bago hiwain
9. Ilagay ang mga sangkap na may wastong sukat o dami
10. Gumamit ng potholder sa paghawak ng mga kaldero o kawali
11. Panatilihing malinis ang pook gawaan
12. Gawing kaakit-akit, masarap, at masustansiya ang pagkaing iluluto

Mga Pagkain at Sangkap Nito na may Food Artificial Additives


Ang food artificial additives ay matagal nang ginagamit daang taon na ang
nakalilipas. Ginagawa ito upang mapagbuti ang lasa at mapahaba ang buhay at
pagkonsumo nito.
Ang food additives ay artipisyal at nangangahulugang hindi galing sa kalikasan kundi
likha ng tao. Makabubuting iwasan na lamang ang paggamit ng mga ito upang hindi
magdulot ng kapinsalaan sa kalusugan kalaunan.
Marami ang food artificial additives. Narito ang ilan na ating iiwasan:

1. Artificial Sweeteners – nagtataglay nito ang ibang soda drinks, cereal,


chewable vitamins, at iba pa.
2. High Fructose Corn Suryp – karaniwang mayroon nito ang iba’t ibang
processed foods, flavored yogurts, canned vegetables, cereals, kendi, at mga
tinapay.
3. Monosodium Glutamate (MSG) – halos lahat ng sitsirya ay mayroon nito.
Cookies, seasoning, at mga de-latang soup. Ang mga Asyano ay kilala sa
paggamit nito, lalo na ang mga Tsino.
4. Trans Fat – matatagpuan naman ito sa margarina, chips and crackers, mga
pagkain sa fast food, at baked goods.
5. Sodium Nitrate/ Sodium Nitrite – Matatagpuan ito sa mga produkto gaya nang
hotdog, bacon, ham, luncheon meat, cured meats, corned beef, at smoked
fish.
6. Potassium Bromate – makukuha naman ito sa tinapay.

Pagyamanin

Gawain: Pagpapaliwanag
A. Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit kinakailangang siguruhing malinis ang paghahanda ng mga pagkaing


lulutuin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
9
2. Sa anong paraan mo maipapakita na ikaw ay ligtas sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Sa anong paraan mo naman maipapakita na ligtas ang pagkaing ihahanda at


lulutuin?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isaisip

Sa paghahanda ng pagkaing lulutuin, mahalagang isaalang-alang ang


kaligtasan ng naghahanda o nagluluto, gayunman ng pagkaing ihahanda.

Isagawa

Panuto: Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Buuin ang salita. Punan lamang ang
mga patlang ng nawawalang mga titik upang mabuo ang salita. Isulat ang buong
sagot sa iyong papel o kwaderno.
_a_da_a 1. Ito ay inilalagay sa ulo at ginagamit upang maiwasang mahulogan
ng buhok ang mga nilulutong pagkain.
_o_h_ld_r 2. Ginagamit ito upang maiwasang mapaso sa hahawakang maiinit
na kagamitan sa pagluluto.
a_r_n 3. Ito naman ay ginagamit upang maiwasang madumihan ang damit
na isinuot habang nagluluto.
t_m_e_a_u_a 4. Ito ay iniaangkop at dapat bantayan habang nagluluto upang
maiwasan ang pagkasunog ng pagkain.
_e_t_l_s_on 5. Maliban sa malinis at may sapat na liwanag, kinakailangan din na
ang kusina ay mayroon nito upang makalabas ang usok habang
nagluluto.

10
Tayahin

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang sitwasyon ay nagsasaad ng mga tuntuning
pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda ang pagluluto ng pagkain at Mali
naman kung hindi.

______1. Tinatanggal ni Ben ang kanyang relo at sing2x bago niya hahawakan ang
mga sangkap sa luluting pagkain.
______2. Inilalapit ni Maria ang kanyang mukha sa kaldero kapag inaangat niya ang
takip nito habang nagluluto.
______3. Hinayaan ni Roy na walang takip ang mga sangkap ng pagkaing lulutuin.
______4. Pagkatapos balatan ni Ana ang mga gulay ay inilagay niya agad ang mga
balat nito sa basurahan upang mapanatiling malinis ang kanyang pook-gawaan.
______5. Naghuhugas ng kamay si Berto bago niya hawakan ang mga lulutuin.
______6. Hinihiwa muna ni Rosa ang mga kamatis, gulay at karne bago hiwain.
______7. Gumamit si Tisha ng potholder nang hinawakan niya kalderong may
kumukulong sabaw ng tinola.
______8. Palaging gumagamit ng betsin si Tina bilang pampalasa sa kanyang
nilulutong pagkain.
______9. Siniguro ni Janna na magsuot ng hairnet bago magsimulang magluto.
______10. Maingat na ginamit ni Sita ang matalim na kutsilyo sa paghihiwa ng mga
sangkap para panggisa.

Karagdagang Gawain
Magsaliksik at magbigay ng tatlong hindi magandang maidudulot ng paggamit
ng artificial food additives.
1.
2.
3.

11
Aralin
3 Kaakit-akit na Paghahanda ng Pagkain

Ang hapag-kainan ay nakahihikayat sa mga kakain kung ito ay nakaayos


nang maganda.

Suriin

Suriin ang bawat larawan at sagutin ang bawat tanong.

1. Anu-ano ang mga pagkaing nakalagay sa plato?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2.Tama o wasto ba ang pagkakaayos ng mga ito?________________________________

3. Simple ba ang presentasyon ng pagkain? Bakit?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Nagkakatugma ba ang mga hugis at tekstura ng nilutong pagkain?____________

5. Wasto ba ang dami ng nakalagay na pagkain sa plato ganoon din ang gayak
nito?______

Kaakit-akit na Paghahanda ng Pagkain


Ang kaakit-akit na paghahanda ng nilutong pagkain ay kasinghalaga ng
linamnam nito. Kahit na simpleng putahe o ulam ang inihanda ngunit kung kaakit-
akit naman ang presentasyon nito, tiyak na kawili-wili at gaganahan ang mga
kakain.
Isaalang-alang ang sumusunod sa paghahanda ng kaakit-akit na pagkain:
1. Kulay – magplano ng ihahandang pagkain na makulay at lubhang kaakit-
akit. Tiyaking magkakatugma at magkakabagay sa isa’t isa halimbawa ng
kulay pula, berde, at dilaw sa gelatin at sa gisadong gulay.
2. Lasa – ang ulam o pagkaing inihahanda ay binubuo ng iba’t ibang sangkap.
Ibayong pag-iingat ang dapat na isipin sa paghahanda ng pagkain. Tiyaking
hindi masyadong maanghang, maalat, o kaya’y matabang. Ang panlasa ng
bawat tao ay iba-iba kaya ang pampalasa ay naayon sa nais ng taong
kakain.

12
3. Hugis at Anyo – partikular ang mga bata sa hugis at anyo ng mga sangkap
ng pagkain. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang hugis at anyo ay nagiging
kaakit-akit sa paningin nila, halimbawa nito ay mga Santa Hat Cake Pop,
gelatin na hugis bituin, at iba pa.
4. Pagkakaiba-iba ng Tekstura – ang tekstura ng pagkain ay iba-iba. Maaaring
malambot, gaya ng carrot stick, pipino stick; mamasa-masa, malambot, at
chewy.
5. Temperatura – ang ihahandang pagkain ay maaaring mainit at malamig.
Ihain ang pagkaing malamig kung ito ay dapat na malamig gaya ng salad;
at mainit kung ito ay dapat mainit gaya ng sopas.

Mga Paraan ng Kaakit-akit na Paghahanda ng Nilutong Pagkain


1. Gumawa ng konsepto o drawing ng pagkain sa plato. Humanap ng
inspirasyon mula sa larawan o bagay at magplano ng gagawing gayak sa
nilutong pagkain.
2. Pumili ng isa hanggang dalawang sangkap na ilalagay sa presentasyon ng
pagkain. Gawing simple lamang ito.
3. Gawing balanse ang nilutong pagkain. Pagtugmain ang mga kulay, hugis at
tekstura ng pagkain na siguradong makaaakit sa mga taong kakain.
4. Tiyaking wasto ang dami/ sukat/ hugis ng plato.
5. Kailangan na ang pangunahing sangkap ng nilutong pagkain ang
mangingibabaw sa kabuuan at hindi ito matatakpan ng mga gayak, sarsa, at
iba pang palamuti sa pagkain.

Ang hapag-kainan ay naakahihikayat sa mga kakain kung ito ay nakaayos


nang maganda. Ang estilo ng pagsisilbi sa hapag-kainan at table appointments
gaya ng dinnerwares, glasswares, fltawares, at linens ay nararapat ibagay sa
oaksyon.
May mga bagay na isinasaalang-alang sa paghahanda ng hapag-kainan:
1. Punasang mabuti ang mesa ng malinis na basang basahan. Patuyuin.
2. Lagyan ng table cloth; kung may salamin, lagyan ng placement.
3. Pumili ng disenyong bagay sa okasyon.
4. Maglagay ng mga prutas sa isang lalagyan na magsisilbing center piece
upang magdagdag ng kulay at ganda sa mesa.
5. Ang mga kasangkapang gagamitin ay dapat malinis, walang mantsa at
lamat.
6. Ang table appointments ay inihahanda nang una upang maisaayos nang
mabuti.

Pagyamanin

Gawain: Pagpapaliwanag
Panuto: Basahin at sagutin and mga tanong.
1. Batay sa iyong binasa, anu-ano ang mga dapat isaalang-alang upang maging
kaakit-akit ang paghahanda ng pagkain?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

13
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Bakit kinakailangang maganda o kaakit-akit ang paghahanda ng pagkain sa


hapag-kainan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isaisip

Ang nilutong pagkain ay nararapat na ihain sa hapag-kainan sa


kaakit-akit na paraan upang magustuhan ng mga taong dudulog sa hapag. Ito
ay nilalagyan ng gayak o palamuting pagkain gaya ng mga hiniwang gulay,
sarsa at iba pa.

Isagawa

Panuto: Suriin ang bawat larawan. Tukuyin kung ang pagkaing nakahanda ay kaakit-
akit o hindi. Lagyan "
% kung ito ay nagpapakita ng kaakit-akit na paghahanda ng
$
#
pagkain at &
( naman kung hindi.
'

______1. ______3.

______5.

______2. ______4.

14
Tayahin

A. Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng kaakit akit na
paghahanda ng pagkain at Mali kung hindi.

______1. Maglagay ng maraming sangkap ng pagkain sa presentasyon upang


maging puno ng dekorasyon ang kalalabasan.
______2. Pagtugmain ang mga kulay, hugis at tekstura ng pagkain at gawing
balanse ang nilutong pagkain.
______3. Tiyaking magkakatugma at magkakabagay sa isa’t isa ang bawat kulay ng
pagkaing ihahanda.
______4. Gawing simple lamang ang paghahanda ng pagkain.
______5. Tiyaking wasto ang dami ng pagkain sa hugis ng platong paglalagyan.

15
16
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran
Distance Learning Program
Gabay ng Guro
Gabay Pangkurikulum
BkQAw
UKEwjEh8elzOvsAhWjy4sBHQWHDc4Q_AUoAXoEC
filipino+food&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
https://www.google.com/search?q=food+presentation+
Sanggunian:
Aralin 1 Isagawa Aralin 2
Pagyamanin
Pagyamanin (Iba-iba ang (Iba-iba ang Tayahin
sagot) sagot) 1. Tama
1. b 2. Mali
2. e Tayahin 3. Mali
Isagawa
3. a 1. bandana 4. Tama
1. b
4. d 2. potholder 5. Tama
5. c 2. d 3. apron 6. Mali
6. pagbabati 4. temperature 7. Tama
7. pagdidikdik 3. a 5. bentilasyon 8. Mali
8. pagsasala 9. Tama
4. c Karagdagang
9. paggigiling 10. Tama
Gawain 9Iba-iba
10. paghahalo 5.a
ang sagot)
Aralin 3
Suriin
(Iba-iba ang
sagot) Tayahin
Isagawa 1. Mali
2. Tama
1. %
$
#
" 3. Tama
2. (
'
& 4. Tama
3. %
$
#
" 5. Tama
4. (
'
&
5. %
$
#
"
Susi sa Pagwawasto
PAHATID- LIHAM

Sa Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng
Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong sa kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng SOCCSKSARGEN Region
simula sa taong panunuran 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod
naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource


Managment System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083)
228 8825 / (083) 228 1893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like