You are on page 1of 9

KAMALAYAN SA MGA

EPEKTO NG MGA
PAGBABAGO SA
PANAHON NG
PAGDADALAGA AT
PAGBIBINATA
Epekto sa katawan
Ang mga nagdadalaga ay karaniwang
nakararanas ng di-mabuting kondisyon ng
katawan bago o tuwing darating ang buwanang
daloy tulad ng sakit ng ulo at pagkahilo,
pagsusuka,pananakit ng dibdib at puson. Sa
mga nagbibinata, ang paglaki ng mga kalamnan
sa braso at binti ay nagdudulot ng ibayong
lakas at resistensya kaya’t nahihilig sila sa
iba’t-ibang uri ng laro at isports.
Epekto sa Ugali
Kasabay ng pagbabago ng katawan ay unti-
unti nagbabago rin ang ugali. Nauuna ang mga
babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga babae ay
nagiging mahiyain at maramdamin.Nagiging
mapansinin sa sarili o selfconcious. Madalas nag-
aayos sa katawan lalo na sa
pananamit.Nagkakaroon na sila ng mga taong
iniidulo at nais maging modelo.
Sa panahon din na ito nagiging
mapaghanap ng pagkilala at pagtanggap
maging babae man o lalaki. Natatanto
nilang hindi na sila bata ngunit hindi pa
sapat sa gulang o mature. Ang ibang
kabataan naman ay gumagawa ng mga
bagay upang makuha ang atensiyon ng
mga magulang, kaibigan, at hinahangaan.
Ang ibang kabataan naman ay
gumagawa ng mga bagay upang makuha
ang atensiyon ng mga magulang,
kaibigan, at hinahangaan. Ang ibang
nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling
mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan
sila at hindi nila naiintindihan ang mga
pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang
mga kilos nila ay nagiging palaban at
mapusok.
Kailangan nila ng sapat na
pamamatnubay at
pangunawa ng mga
magulang at nakatatanda
upang maintindihan nila
ang kanilang sarili.
Epekto sa pakikitungo
Ang pakikisama at impluwensya ng
kapwa kabataan ay matindi sa
panahon ng pagdadalaga at
pagbibinta. Ito ang panahon kung
kailan ninanais matatag ng
nagdadalaga o nagbibinata ang
kanyang sarili iba sa kanyang
magulang at mga kapatid.
Ang pakikihalubilo sa ibang
kabataang kasinggulang niya ay
tumutulong upang makilala niyang
lubusan ang sarili at matutunan
kung paano siya makikitungo sa
ibang tao. Nagiging mapagisip din
tungkol sa iba’t ibang pananaw sa
pamumuhay ang kabataan.
Maaring sumasalungat ang
ilang kabataan tungkol sa
pamamalakad ng pamumuhay ng
kanilang magulang na nagiging
sanhi ng alitan at hindi
pagkakaunawaan. Ito ay maaaring
iwasan sa pamamagitan ng maayos
at mahinahong pag-uusap ng anak
at magulang.

You might also like