You are on page 1of 33

4

EPP
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 5:
Masistemang Pangangalaga
Ng Tanim
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ika-apat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5: Masistemang Pangangalaga ng Tanim
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng KAGAWARAN NG EDUKASYON


Kalihim: LEONOR MAGTOLIS BRIONES
Pangalawang Kalihim: DIOSDADO M. SAN ANTONIO

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Angelie Diane C. Pamplona, Zeniada I. Agregado, Arjan A. Otero
Elnora G. Pamplona, Mary Ann G. Fuego, , Mary Grace M. Ea
Lorie Mae S. Dela Cruz
Editor: Beverly Abad
Tagasuri: Blessy Mae M. Cabayao, Genie P. Cubita, Jay Sheen A. Molina,
Aileen S. Guintibano, John Mark S. Antonio
Tagaguhit: Franklin E. Fermeza, Jobert C. Espino,
Tagalapat: Ysmael Yusoph E. Alamada
Cover Art Designer:
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo PhD, CESO IV : Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V : Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio PhD, CESO VI : Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno PhD : Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera : CLMD Chief
Arturo D. Tingson, Jr. : Regional EPS, In-charge of LRMS
Peter Van C. Ang-ug : Regional EPS, ADM Coordinator
Gilda A. Orendain : Regional EPS, TLE/EPP Coordinator
Lalaine SJ. Manuntag PhD : Division CID Chief
Nelida A. Castillo PhD : Division EPS In-charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz PhD : Division ADM Coordinator
Mila A. De Leon PhD : Division EPS TLE/EPP
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 2288825 / (083) 2281893
Website: depedroxii.org
Email: region12@deped.gov.ph
4
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Agrikultura
Unang Markahan – Modyul 5:
Masistemang Pangangalaga ng
Tanim
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Baitang 4: Isang Self-Learning Module (SLM) para sa araling
Masistemang Pangangalaga ng Tanim
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan Baitang 4
ng Self-Learning Module ukol sa Masistemang Pangangalaga ng Tanim.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sinulat at binuo upang kayo ay


magagabayan sa inyong pag-aaral. Makatutulong ito upang
matutunan mo ng lubos ang tungkol sa masistemang
pangangalaga ng tanim.
Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop gamitin sa iba’t-
ibang sitwasyon. Iniakma rin sa kakayahan mo bilang mag-aaral
ang wikang ginamit dito para lubos mo itong maunawaan.
Ang mga aralin ay inayos mula sa simple o payak patungo sa
paksang nangangailangan ng mataas na pang-unawa ngunit
pwede mong baguhin ang pagkakasunod-sunod ng bawat paksa
sa pagbabasa o pagsagot ng mga gawain batay sa aklat na iyong
ginagamit sa kasalukuyan. ( EPP4AG-0e-8)
Ang modyul na ito ay binubuo ng limang mga aralin:
• Aralin 1: Masistemang Pag – aalaga ng Pananim
• Aralin 2: Mga Kagamitan sa Pagbubungkal ng Lupa
• Aralin 3: Paraan ng Pagbubungkal
• Aralin 4: Iskedyul ng Pagdidilig
• Aralin 5: Mga Alintuntunin ng Pagdidilig
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:
a. Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng mga
pananim.
b. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa;
c. Nakaguguhit ng mga halimbawa ng mga kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa,
d. Napangangalagaan nang wasto ang mga kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa,
e. Nasasabi ang mga dapat gawin sa pagbubungkal ng lupa sa
mga pananim na halaman,
f. Nagagamit ang mga angkop na kagamitan sa pagbubungkal
ng lupa sa pananim na halaman,
g. Naisasagawa ang gawain na dapat isaalang-alang sa
pagbubungkal ng lupa ng mga pananim na halaman,

1
h. Nasasabi kung kailan dapat diligan ang isang uri ng
halamang ornamental,
i. Napapangkat-pangkat ang mga uri ng halaman ayon sa
tubig na kailangan,
j. Napahahalagahan ang dalas ng pagdidilig ng halaman.
k. Naisasagawa ang tamang pagdidilig, at
l. Napapahalagahan ang tamang pagdidilig.

Subukin

Paunang Pagtataya
Mga Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa
sagutang papel ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay
tama at MALI naman kung ito ay hindi tama

__________1. Ang mga halaman ay dinidiligan ng dalawang beses


lamang sa loob ng dalawang lingo.
__________2. Mas nakakabuting organikong pataba ang gamitin sa
mga halaman.
__________3. Ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa ay
dapat may sariling lalagyan.
__________4. Hugasan at isalansan ng maayos ang pagkakalagay
ng mga kagamitan sa lalagyan upang madaling
makita kung ito ay gagamitin.
__________5. Maluwag na makapasok ang hangin sa halaman
kapag binubungkal ito ng maayos.
__________6. Mainam gawin ang pagbububungkal ng lupa sa
paligid ng halaman kung umaga o kaya’y sa hapon.
__________7. Ang pagbubungkal ng lupa ay ginagawa sa tanghali.
__________8. Hayaan na paglaruan ng mga bata ang mga
kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.
__________9. Walang halong synthetic chemicals ang inorganikong
pataba.
__________10. Lahat ng mga halaman ay dinidiligan araw araw
para sila ay hindi malanta.

2
Aralin
Masistemang Pag-aalaga ng
1 Pananim

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang masistemang pangangalaga ng mga
pananim.

Balikan

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa ating


tinalakay noong nagdaang araw.

1. Ano-ano ang mga kagamitan sa paghahalaman?


2. Ano ang magiging epekto kung hindi angkop ang kagamitan
na gagamitin sa bawat gawain?
3. Paano pinangangalagaan ng tama ang mga halaman?

Tuklasin

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan, at isulat ang iyong sagot


sa sagutang papel.

1. Bakit kailangan nating pag – aralan ang masistemang


pangangalaga sa mga pananim?
2. Sa iyong palagay, dapat ba talaga na masistema ang pag – aalaga
sa mga pananim? Kung oo, bakit? Kung hindi, bakit?

3
Suriin

MASISTEMANG PAG-AALAGA NG PANANIM


Matatawag natin na masistema ang pag-aalaga sa mga
pananim kung ito ay my proseso.
1. Ang mga halaman na malalim ang paglaki ng ugat ay kayang
lumago kahit hindi diligan araw-araw dahil nakakakuha ang
mga ito ng tubig mula sa malalim na bahagi ng lupa
(subsoil). Samantala, ang mga halamang mababaw lamang
ang ugat ay umaasa sa araw-araw na pagdidilig.
2. Ang pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halamang taniman
ay kailangan upang makahinga ang mga ugat ng mga
tumutubong halaman, yumabong at lumago nang husto.
3. Haluan ng karagdagang pataba ang lupa kung mabagal ang
paglaki ng mga pananim. Ang paggamit ng compost ay isang
matipid na paraan upang makabawas sa gugulin sa
pagtatanim. Mas mabuti kung organiko ang gagamitin
sapagkat ang mga iyon ay patabang galing sa kalikasan at
mas kakaunti ang synthetic chemicals na nakasama.
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan upang
mapalawak pa ang kaalaman tungkol masistemang
pangangalaga ng pananim. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
a. Ano ang mga dapat gawin upang magkaroon ng
masistemang pangangalaga ang inyong mga pananim?
b. Ano – ano ang ang mga dapat isalang-alang upang magawa
ng wasto ang pagdidilig sa mga halaman?
c. Ano ang iba't – ibang paraan sa pagbubungkal ng lupa?
d. Paano nilalagay ang organikong pataba sa mga halaman?
e. Mahalaga bang alagaan ang mga pananim?Bakit?

4
Pagyamanin

Gawain 1.1. A. Panuto: Pumunta sa hardin ng iyong bahay,


isagawa at ipakita ang mga pamamaraan ng
pangangalaga ng pananim.
Lagyan ng (/) ang angkop na bilang kung paano naisasagawa
ang pamamaraan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. –naisagawa ng maayos
2. –naisagawa
3. –hindi naisagawa
A. PAGDIDILIG NG PANANIM 3 2 1
1. Gumagamit ng tamang kasangkapan sa
pagdidilig ng pananim.
2. Angkop ang dami ng tubig na ginagamit sa uri
na pananim na dinidiligan.
B. PAGBUBUNGKAL NG LUPA 3 2 1
3. Gumagamit ng angkop na kasangkapan sa
pagbubungkal ng lupa.
4. Nasa wasto o tamang lalim ang pagbubungkal.
C. PAGLALAGAY NG ABONO 3 2 1
5.Ang ginamit na abono ay mula sa compost pit.
6. Walang halong kemikal at mga di nabubulok
na bagay ang abonong organiko.

B. Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang mga sumusunod


na katanungan.
1. Batay sa iyong ginawa sa Gawain 1. Masasabi mo bang mahalaga
ang masistemang pangangalaga ng mga pananim? Bakit?
2. Ayon sa tatlong sistemang pamamaraan, mayroon ka pa bang
alam sa pag – aalaga ng pananim? Ano ang mga ito?

5
Isaisip

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga nawawalang salita.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

abono pagdidilig diligan


paglalagay ng abono pagbubungkal

1. Kailangan _________ ang halaman kung tuyo na ang mga ito.


2. Nagbibigay ng sustansya ang paglalagay ng _______________
sa halaman.
3. Ang masistemang paraan ng pag – aalaga ng pananim ay may
tatlong paraan, ito ay _______________________,
________________, _________________.

Isagawa

Panuto: Sagutin at gawin ang mga sumusunod na katanungan,


isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Kung ikaw ay magkaroon ng isang malawak na taniman ano


ang iyong gustong itanim?
2. Ano-ano ang mga kailangan mong gawin at gamitin sa
pagbubungkal ng lupa?
3. Anong mas mabuting abono ang iyong gamitin sa
pagpapataba ng iyong halaman?Bakit?
4. Sa iyong palagay mahalaga ba na magkaroon ng
masistemang pamamaraan sa pag-aalaga ng mga
pananim?Bakit?

6
Aralin
Mga Kagamitan sa
2 Pagbubungkal ng Lupa

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa,
2. Nakaguguhit ng mga halimbawa ng mga kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa, at
3. Napangangalagaan nang wasto ang mga kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa.

Balikan

1. Magbigay ng masistemang pangangalaga ng mga tanim.

Tuklasin

Panuto: Tingnan ng mabuti ang mga larawan sa ibaba.


A. B.

1.Ano-ano ang napapansin ninyo sa larawan?


2.Anong kagamitan ang ginamit ng bata na nasa larawan A? B?
3.Saan ginagamit ang mga kagamitang ito?

7
Suriin

Panuto: Tingnan ng mabuti ang mga larawan.Sagutin ang mga


tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. B. C.

D. E. F.

1. Ano-anong mga kagamitan ang nasa larawan?


2. Saan ginagamit ang mga kagamitang ito?
3. Ano ang gamit ng nasa larawan A? B? C? D? E? F?
4.Paano natin mapangalagaan ang mga kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa?

Narito ang angkop na gamit ng mga kagamitan sa


pagbubungkal ng lupa.
Ang pala ay ginagamit sa paghuhukay at pag-aayos ng lupa sa
kamang taniman. Para sa pangpatag ng lupa at pang-alis ng
malalaki at matitigas na tipak ng lupa o bato sa lupang taniman,
ginagamit ang kalaykay. Samantala ang palang – tinidor ay ang
kasangkapang ginagamit sa paghuhukay at pagdurog ng
malalaking tipak na lupa. Ang piko naman ay mainam gamitin sa
pagdurog ng matitigas at malalaking tipak na lupa. At ang asarol
ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay mabuhaghag.

8
Pagyamanin

Gawain 2.1. A. Panuto: Magbigay ng limang kagamitan sa


pagbubungkal ng lupa.

B. Panuto: Iguhit ang larawan ng mga kagamitan sa


pagbubungkal ng lupa sa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.

1. Dulos 2. Pala 3. Asarol 4. Kalaykay 5. Piko

Isaisip

Gawain 2.2. Panuto: Ngayon, sagutin ang mga sumusunod na


tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga kasangkapang mainam gamitin sa
pagbubungkal ng lupa?
2. Bakit kailangang pangalagaan natin ang mga kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa. Paano natin ito mapapangalagaan?

Isagawa

Gawain 2.4 Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat


katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Mahalaga ba na kumpleto ang iyong kagamitan sa
pagubungkal ng lupa? Bakit?
2. Ipaliwanag bakit mahalaga na may sapat na paglalagyan ang
iyong kagamitan sa pagbubungkal.

9
Aralin Pagbubungkal ng Lupa sa
3 Pananim na Halamang
Ornamental
Mga Layunin:
1. Nasasabi ang mga dapat gawin sa pagbubungkal ng lupa sa
mga pananim na halaman,
2. Nagagamit ang mga angkop na kagamitan sa pagbubungkal ng
lupa sa pananim na halaman, at
3. Naisasagawa ang gawain na dapat isaalang-alang sa
pagbubungkal ng lupa ng mga pananim na halaman.

Balikan

Panuto: Ibigay ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang isang sitwasyon sa buhay ni Mang Jose at


sagutan ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Si Mang Jose ay may mga pananim na halamang ornamental,
bago niya binungkal ang lupa na kanyang pagtataniman ng
halamang ornamental, inalam niya muna ang angkop na
kagamitan na kanyang gagamitin sa pagbubungkal ng lupa;gaya
ng pala, asarol, dulos,regadera at kalaykay dahil ito ang angkop
na kagamitan sa pagbubungkal ng lupa para sa pananim niyang
halamang ornamental at kung saan, kalian ito gagamitin.
Tiningnan rin niya ang lupa kung ito ay mamasa-masa, ginagawa
niya ito kung umaga o di kaya’y sa hapon. Katamtaman ang
pagbubungkal ng lupa sa paghahalaman na naaayon sa uri nito.

10
Ang lahat ng mga ginawa ni mang Jose ay nakadudulot ng maayos
sa kanyang mga pananim na mga halaman.
Pagsasagot ng mga tanong sa talakayan.
1. Ano-ano ang ginawa ni Mang Jose bago niya binungkal ang
lupa sa kanyang mga pananim na halaman?
2. Ano-anong kagamitan ang ginamit ni Mang Jose sa
pagbubungkal ng lupa sa kanyang mga pananim na halaman?
Pagsasagot ng mga tanong sa talakayan.
1. Ano ang pananim ni Mang Jose?
2. Ano-ano ang ginawa ni Mang Jose bago niya binungkal ang lupa

Suriin

sa kanyang mga pananim na halaman?


3. Ano-anong kagamitan ang ginamit ni Mang Jose sa
pagbubungkal ng lupa sa kanyang mga pananim na halaman.

Gawain 3.1 A. Panuto: Lagyan ng tsek(/) kung ang ito ay


kagamitan sa paghahalaman at ekis (X )naman kung hindi.
________________1. Pala ____________4. Baso

Pagyamanin

________________2. Piko ____________5.Kalaykay


________________3. Bubong

B. Panuto: Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ang mga gamit


sa pagbubungkal ng lupa.

11
P I K O E W F H J K

A A A O G C N F P L

M N L Z V H Z G N Z

M H J A S A R O L Z

M L G D T D Y U G Z

K A L A Y K A Y A D

A K M D T E Y N C N

D U L O S Z N H D Z

Isaisip

Gawain 3.2 A. Panuto: Magbigay ng limang kagamitan sa


pagbubungkal ng lupa at ang mga gamit nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

12
Isagawa

Gawain 3.3 Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na


katanungan, isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit importante ang pagbubungkal ng lupa sa mga
pananim?
2. Isinasaalang – alang ba ang lalim ng pagbubungkal ng lupa?
Bakit?
3. Mainam ba na gamitin ang angkop na kagamitan sa
pagbubungkal ng lupa? Bakit?

Aralin
ISKEDYUL NG PAGDIDILIG NG
4 HALAMANG ORNAMENTAL

Mga Layunin:
1. Nasasabi kung kalian dapat diligan ang isang uri ng
halamang ornamental,
2. Napapangkat-pangkat ang mga uri ng halaman ayon sa
tubig na kailangan, at
3. Napahahalagahan ang dalas ng pagdidilig ng halaman.

Balikan

Sagutan ang mga sumusunod na tanong kaugnay dito.


1. Paano gagamitin ang kagamitang pambungkal?
2. Ang mga pamamaraang ito ay mahalaga ba sa pagpapalago ng
isang halaman? Bakit?

13
Tuklasin

Ngayon,tingnan at sagutan ang mga katanungan upang lalo


pang maunawaan ang ating talakayan. Basahin at unawain ang
bawat tanong.

1. Ano-ano ang mga tanim sa inyong bahay?


2. Gaano niyo kadalas ito dinidiligan?

B. Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Suriin ang mga


ito ng mabuti at sagutin ang mga sumusunod na mga
katanungan.
A B C

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang iyong napapansin sa larawan A? Larawan B?
Larawan C?
2. Ano ang katangian ng mga halaman sa bawat larawan?
3. Magkakatulad ba ang uri ng lupang pinagtatamnan sa bawat
halaman? Ang dalas ng pagdidilig, magkakatulad rin ba?

14
Suriin

Pagdidilig ng Halaman
Ang pagdidilig ng halaman ay dapat isinasagawa sa umaga
o hapon habang hindi pa masyadong mainit o hindi na mainit
ang sikat ng araw. Kinakailangan ang maingat na pagdidilig ng
mga halaman upang maiwasan ang pagkapinsala ng mga ito.
Kinakaialangan ding iwasan ang pagkalunod ng mga halaman
upang hindi ito malanta.
Sa pagpapanitili na mamasa-masa ang lupa, diligin din
ang lupang nakapaligid sa mga tanim.
Sa pagdidilig ng halaman, may iskedyul na dapat sundin
upang maiwasan na ang halaman ay malanta o matuyo. Narito
ang ilan sa mga halamang ornamental at ang wastong iskedyul
sa pagdidilig sa mga ito.
Iskedyul sa pagdidilig ng mga uri ng halamang ornamental.
Paminsan-minsan ang pag-aalaga ng mga halamang
ornamental ay nangangailangan ng maraming oras. Napakarami
ang dapat nating isaalang-alang mula sa pagbubungkal ng lupa,
pagtatanim ng mga ito hanggang sa pagdidilig.
Sa pagdidilig ng mga halaman, kinakailangang isaalang-alang
ang uri ng mga ito at ang lupang ginamit. May mga halamang
kailangang diligan araw-araw mayroon namang mga halaman na
minsanan lamang. Ito ang ilan sa mga uri ng halaman at ang
iskedyul sa pagdidilig ng mga ito.
1. Succulents- Hindi palagiang pagdidilig, isang
beses lamang bawat sampu hanggang labing
limang araw. Huwag didiligan ang succulent kapag
ang lupa nito ay basa upang maiwasang ito ay
malanta. Mas mainam ring ang lupang
pagtatamnan nito ay lupang may halong buhangin.
2. Spathiphyllum-palagiang didiligan. Kailangang
madiligan ang mga ganitong uri ng halaman tatlong
beses bawat lima hanggang sampung araw.

15
Pagyamanin

3. Snake plant- mas kilala sa tawag na


Sansevieria. Hindi palagiang dinidiligan. Katulad ng
succulents ang sansevieria o snake plant ay isang beses
lamang bawat sampu hanggang labing-limang araw.
4. Citrus, Bougainvillea at Pandakaki- araw-araw
dinidiligan, kinakailangan ng mga halamang ito ang
palagiang pagdidilig upang maiwasan na matuyo agad
ang mga ugat at maiwasan ang pangangayayat at
pagkamatay ng mga ito.
5. Orchids- ito ay nangangailangan ng araw-araw
na pagdidilig. Ang mga ganitong uri ng halaman ay
nangangailangan ng palagiang pagdidilig dahil ang
mga ugat nito ay hindi nakabaon sa lupa dahilan
upang madaling matuyo ang mga ito.

Gawain 4.1. A. Panuto: Tingnan at suriin ang bawat larawan at


gawin ang mga sumusunod na mga panuto.
1 2 3 4 5

6 7 8 9 10

1. Pangkat-pangkatin ang mga larawan sa tatlong grupo ayon sa


kanilang mga katangian. Isulat ang bilang ng mga larawan sa
loob ng kahon.
A. B. C.

16
B. Panuto: Tingnan naman at unawain ang tsart. Alin sa mga
uri ng halamang ornamental ang dinidiligan araw-araw, sa
pagitan ng 5-10 araw at 10-15 araw. Isulat ang A kung dapat
araw-araw itong dinidiligan, B kung sa pagitan ng 5-10 araw at
C kung 10-15 araw.
Mga Halaman Iskedyul sa pagdidilig
1. Cactus
2. Bougainvillea
2. Succulents

Isaisip

Gawain 4.2 Piliin sa loob ng kahon ang mga nawawalang salita.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Spathiphyllum nakabaon buhangin


Sansevieria ugat

1. Sa halamang succulent mas mainam na ang lupang


pagtatamnan nito ay lupang may halong ___________________.
2. Ang ________________ ay kailangan madiligan tatlong beses
bawat lima hanggang sampung araw.
3. Ang Snake plant ay mas kilala sa tawag na ________________.
4. Ang Citrus, Bougainvillea at Pandakaki ay araw-araw
dinidiligan ang _________ at maiwasan ang pangangayayat at
pagkamatay ng mga ito.
5. Ang orchids ay dapat diligan araw – araw dahil ang mga ugat
nito ay hindi _____________ sa lupa.

Isagawa

17
Gawain 4.3 Magbigay ng tatlong uri ng halaman at isulat ang
iskedyul ng araw ng pagdidilig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Pangalan ng Halaman Iskedyul ng Pagdidilig
1.
2.
3.

Aralin
Mga Alintuntunin ng
5 Pagdidilig

Mga Layunin:
1. Naisasagawa ang tamang padidilig, at
2. Napapahalagahan ang tamang pagdidilig.

Balikan

Magbigay ng 2 halaman na dinidiligan araw – araw, 5 – 10 na


araw, at 10 – 15 na araw.

Tuklasin

Gusto mo bang umawit? Awitin ito ng may masisiglang


damdamin at pagkatapos sagutan ang mga katanungan na nasa
ibaba.

18
“Magdidilig Tayo”
(Sa tono ng “ Mag exercise Tayo ”)
(Kuro)
Magdidilig tayo tuwing umaga Kailangan ang sapat na
tubig
Tuwing umaga, tuwing umaga Upang di matuyo ang
paligid
Magdidilig tayo tuwing umaga Sa lupang pinagtaniman
Upang mga tanim nati’y sumigla Ng iba”t ibang halaman
Magdidilig tayo tuwing hapon Ang halaman sa ating
paligid
Tuwing hapon, tuwing hapon Kailangan ang wastong
pagdidilig
Magdidilig tayo tuwing hapon Upang mabilis ang paglaki
Upang tanim natin ay di malalanta At magkaroon ng
magandang ani

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng kanta?


2. Naranasan mo na ba ang ganitong gawain?
3. Paano mo ito ginagawa?

Suriin

Surrin ng mabuti ang nasa larawan at sagutan ang mga


sumusunod na katanungan

A B
a. Ano ang napapansin mo sa larawan A? Larawan B?
b. Alin sa dalawa ang tamang pagdidilig?
c. Bakit masasabi mo na ito ay tama o hindi tama
Mga Alituntunin ng Pagdidilig

19
Pagyamanin

1. Diligan ang mga halaman sa hapon o sa umaga habang hindi pa


kainitan ang sikat ng araw.
2. Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang mga
halaman.
3. Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig sa mga halaman.
4. Sa pagdidilig siguraduhin na ang tubig ay umaabot hanggang sa
ugat.
5. Masasabing sapat ang tubig na idinidilig kung mamasa-masa na
ang lupa. Kailangang diligan ang mga halaman kapag limang (5)
pulgada na ang pagkatuyo ng lupang pinagtatamnan.

Gawain 5.1. A. Panuto: Gumuhit ng sitwasyon na naglalarawan


ng isang mabuting pagdidilig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

B. Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap ay nagsasabi sa


gawain ng pagdidilig at M kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel
_____1.Hayaang malanta o mamatay ang halaman.
_____2.Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig sa halaman.
_____3.Diligan ang halaman sa dahon nito dahil dito kumukuha
ng sustansya ang halaman.
_____4.Mahalaga ang tubig sa pagpapalaki ng halaman.
_____5.Ingatan ang pagdilig upang hindi mapinsala ang halamang
dinidiligan.

20
Isaisip

1. Gawain 5.2 Panuto: Ibigay ang mga alituntunin sa


pagdidilig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isagawa

Gawain 5.3 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan, isulat


ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, bakit hindi na kailangang diligan ang
halaman sa tuwing umuulan?
2. Bakit kailangang ingatan ang pagdididlig ng mga halaman?
3. Paano natin pahalagahan ang pagdidilig ng mga bagong
tubong halaman?

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang TAMA


kung ang pangungusap ay nagsasabing tama at MALI naman
kung ito ay nagsasaad ng maling pahayag. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
_________1.Mainam gawin ang pagbububungkal ng lupa sa paligid
ng halaman kung umaga o kaya’y sa hapon.
_________2.Walang halong synthetic chemicals ang inorganikong
pataba.
_________3.Ang mga halaman ay dinidiligan araw araw para sila ay
hindi malanta.
__________4.Hugasan at isalansan ng maayos ang pagkakalagay ng
mga kagamitan sa lalagyan upang madaling makita
kung ito ay gagamitin.

21
__________5.Maluwag na makapasok ang hangin sa halaman
kapag binubungkal ito ng maayos.
__________6.Ang mga halaman ay dinidiligan ng dalawang beses
lamang sa loob ng dalawang linggo.
__________7.Ang pagbubungkal ng lupa ay ginagawa sa tanghali.
__________8.Hayaan na paglaruan ng mga bata ang mga
kagamitan sa pagbubungkal ng lupa.
__________9.Mas nakakabuting organikong pataba ang gamitin sa
mga halaman.
_________10.Ang mga kagamitan sa pagbubungkal ng lupa ay
sapat may sariling lalagyan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga sumusunod na


katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
A. Gumawa ng Flowchart ng mga hakbang sa masistemang
pangangalaga ng mga pananim na halaman sa
pagbubungkal ng lupa.

Mga hakbang
bago gawin ang
pagbubungkal ng lupa
sa paligid ng halaman.

22
B. Bukod sa pagbubungkal ng lupa, pagdidilig ng halaman at
paglalagay ng organikong abono sa mga halaman.
Magsaliksik at mag survey kung ano-ano pa ang mga
pamamaraan ng masistemang pangangalaga sa mga
pananim.

23
24
Tayahin Aralin 5 Aralin 5
1. T Gawain 5.3 Gawain 5.2
2. M (Isagawa) (Isaisip)
3. M Sumangguni sa 1. Diligan
4. T Sagutang Papel 2. Mapinsala
5. T 3. Halaman
6. M 4. Ugat
7. M 5. Lupa
8. M
9. T
10. T
Aralin 5 Aralin 4 Aralin 4 Aralin 4
(Pagyamanin) Gawain 4.3 Gawain 4.2 (Pagyamanin)
Gawain 5.1 ( Isagawa) (Isaisip) Gawain 4.1
A. Sumangguni sa 1. Buhangin A.
Sumangguni sa 2. Spatiphyllum A. 1,3,6,7,9
Sagutang Papel Sagutang Papel B. 2,8
3. Sansevieria
B. C. 4,5,10
4. ugat
1. M 4. T
5. nakabaon
2. T 5. T B.
3. M 1.10-15 araw
2. araw-araw
3.araw-araw
Aralin 3 Aralin 3 Aralin 3 Aralin 2 Aralin 2
(Isaisip) Gawain 3.2 ( Pagyamanin) Gawain 2.3 Gawain 2.2
Gawain 3.3 (Isaisip) Gawain 3.1 (Isagawa) ( Isaisip)
Sumangguni sa Sumangguni sa A. 1.√ 4. X Sumangguni sa
Sagutang Papel Sagutang Papel 2.√ 5.√ Sumangguni sa Sagutang Papel
3.X Sagutang Papel
B.
Pala, Piko,
Dulos, Asarol,
Kalaykay
Aralin 2 Aralin 1 Aralin 1 Aralin 1 Subukin
( Pagyamanin) (Isagawa) (Isaisip) (Pagyamanin) 1. M
Gawain 2.1 Gawain 1.3 Gawain 1.2 Gawain 1.1 A 2. T
A. Asarol, Sumangguni sa 3. T
1.diligan at B
Piko, Pala, 4. T
Dulos, Sagutang Papel 2.abono Sumanggnuni 5. T
Kalaykay, 3.pagbubungkal, sa Sagutang 6. T
pagdidilig, paglalagay Papel 7. M
B.Sumangguni ng abono 8. M
sa Sagutang 9. M
Papel 10. M
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian
Aklat:
1. Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., and Rondina, J. 2015.
Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan IV. Vibal Group,
Inc.
2. House Beautiful. 2020. How To Water The 15 Most Popular
Houseplants. [online] Available at:
<https://www.housebeautiful.com/lifestyle/gardening/g24
845510/how-much-water-plants-need/> [Accessed 28 June
2020].
3. Castan0, C., Esdicul, A., Pineda, I. (2014). Umunlad sa
Paggawa, Batayang Aklat sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan, 118
4. Doblon, T., Macawile, M., Abletes, E., & Rondina, J. ( 2015).
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ( 1st ed., pp. 364
– 366). Vibal Group, Inc.
5. Samadan, E. et.al (2015) Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang, Patnubay ng Guro

Website:

1. "LR Portal". Deped LR Portal, 2020.


https://lrmds.deped.gov.ph/detail/17915.

25
PAHATID LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin naihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competecies (MELC’s) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like