You are on page 1of 37

EPP

4 AGRICULTURE

LEARNER`S MATERIAL
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa learning resource na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang- aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa learning resource na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Ang learning resource na ito ay nagtataglay ng mga pangunah-


i n g
impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies
(MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay
maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang
kagamitan tulad ng worksheets/activity sheets na ipagkakaloob ng mga paaralan
at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba
pang mga paraan ng paghahatid kaalaman tulad ng Radio-based at

TV-based Instruction o RBI/


CLMD CALABARZON
TVI).

PIVOT 4A CALABARZON
EPP
Agriculture Ikaapat na
Baitang

Regional Office Management and Development Team: Job S. Zape, Jr., Romyr L. Lazo,
Ferdinand V. Marquez, Fe M. Ong-Ongowan, Lhovie A. Cauilan, Ephraim L. Gibas

May-Akda: AILEEN D. HUERTO


Editor: Virgilio O. Guevarra Jr., Ed.D. Reviewer:
Celedonio B. Balderas Jr.
Management Team: Gemma G. Cortez, Ed.D., CID - Chief
Leylanie V. Adao, EPS - LR Joel D.
Salazar, EPS In-charge SDO
Dasmariñas City

EPP (Home Economics) Ikaapat na Baitang PIVOT IV-A


Learner’s Material
Unang Markahan Unang
Edisyon, 2020

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot:


Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

PIVOT 4A CALABARZON
Gabay sa Paggamit ng PIVOT Learner’s Material

Para sa tagapagpadaloy
Ang Learning Resource na ito ay inihanda upang makatulong sa ating m g
a mag-aaral na madaling matutunan ang mga
aralin sa asignaturang EPP. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naayon sa mga
ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa pagbibigay sa ating mga mag-aaral ng tamang paraan
ng paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag -unlad nila sa pag-unawa sa pagpapakita
ng kakayahan ng may tiwala sa sarili na

Para sa Mag-aaral
Ang learning resource na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang learning resource na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.Ang
sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng learning resource na ito:
1. Gamitin ang learning resource nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng learning resource. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
learning resource.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Inaasahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa learning resource na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng learning resource na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya
mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON
Mga Bahagi ng PIVOT Learning Resource

Bahagi ng LM Nilalaman
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at
Alamin ninanais na outcome ng pagkatuto para sa araw o lingo, layunin
ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na
Panimula

halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman


tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin.
Suriin

Ang bahaging ito ay naghahanap ng mga aktibidad,


Subukin gawain, nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral,
karamihan sa mga gawain ay umiinog lamang sa mga
konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga
Pagpapaunlad

Tuklasin
kasanayan sa MELC lalo na ang bahaging ito ay nagbibigay ng
oras para makita ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan.
Pagyamanin

Ang bahaging ito ay may iba’t ibang gawain at oportunidad


sa pagbuo ng kailangang Knowledge Skills and Attitude (KSA).
Pinahihintulutan ng guro ang mga mag-aaral na makisali sa
Isagawa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga
KSA upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kanilang
mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa D. Inilalantad ng
bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain ng
Pakikipagpalihan

buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan


ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kanilang pagganap o
Linangin lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.

Iangkop

Ang bahaging ito ay nagtuturo sa mag-aaral ng


proseso na maipakikita nila ang mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga at makalikha ng mga piraso ng
impormasyon na magiging bahagi ng kanilang kaalaman sa
pagbibigay ng repleksiyon, pag-uugnay o paggamit nang
Paglalapat

epektibong nito sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat


ng bahaging ito ang mga mag-aaral na lumikha ng mga
estrukturang konseptuwal na nagbibigay sa kanila ng
pagkakataong pagsamahin ang mga bago at lumang
Tayahin natutuhan.

PIVOT 4A CALABARZON
WEEKS Ang Halamang Ornamental
1-2 I Aralin 1

Magandang araw mga bata! Ngayon ay maglalakbay tayo sa daigdig ng mga


halamang ornamental. Bibisitahin natin ang iba’t ibang hardin kung saan
makikita ninyo ang mga naggagandahang bulaklak at mga puno. Sa inyong paglalakbay
dapat ay mabigyan nyo ng pansin at ma- tutunan ang mga sumusunod:
Mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang
pagkakakitaang gawain
Mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pam-
ilya at pamayanan
Learning Task 1: Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng halamang
ornamental na makikita sa bawat larawan.

1. G_MA_E_A

2. R_SA_

3. OR_HI_S

4. S_N F_AN_IS_O

5. D_M_ DE N_CH_

PIVOT 4A CALABARZON
6
D
Ang Halamang Ornamental
Bago tayo magismula sa ating aralin tungkol sa mga halamang ornamen-
tal, tingnan at pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Ano ang mga halaman na nasa itaas?


Ito ay halimbawa ng mga halamang ornamental. Ang halamang ornamental ay ang mga
halaman na pinatutubo at ginagamit bilang palamuti o pampa- paganda ng lugar. Dahil sa
taglay na ganda ng mga bulaklak at dahon ng mga halamang ornamental, ito ay kalimitang
itinatamin at pinalalago sa mga hardin o kaya naman sa mga tanawin (landscapes) upang
magbigay ng dagdag ganda sa isang lugar o tanawin.

Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental


Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang ornamental? May makukuha ba tayong
kapakinabangan mula dito? Ano ang naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
Maraming kapakinabangang naidudulot sa mga mag-anak at pama- yanan ang
pagtatanim ng halamang ornamental. Isa na rito ang pagpapa- ganda ng mga bakuran dahil
sa mga bulaklak at dahon nito na nagtataglay ng magagandang kulay. Nililinis ng mga puno
ang maruruming hangin na nagiging sanhi ng polusyon at ginagawa nitong sariwa ang
hangin sa kapa- ligiran. Higit sa lahat kung ito ay magiging isang gawaing pangkabuhayan,
makatutustos ito sa mga pang araw araw na gastusin ng pamilya.
1. Nakapipigil sa Pagguho ng Lupa at Baha

Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamental sa lu-


pang taniman kaya nakakaiwas sa landslide o pagguho ng
lupa. Ang mga punong ornamental ay nakatutulong din sa
pagingat sa pagbaha dahil sa tulong ng mga ugat nito.

PIVOT 4A CALABARZON
7
2. Naiwasan ang Polusyon
Sa gamit ng mga halaman/ punong ornamental, naka-
kaiwas sa polusyon ang pamayanan sa maruruming
hangin na nagmumula sa mga usok ng sasakyan, si-
nigaang basura, masasamang amoy na kung saan nali-
linis ang hangin na ating nilalanghap.

3. Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin

May mga matataas at mayayabong na halamang orna-


mental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang, pine tree, fire
tree, at marami pang iba na maaaring itanim sa gilid ng
kalsada, kanto ng isang lugar na puwedeng masilungan
ng mga tao. Bukod pa rito sinasala pa ng mga punong
ito ang maruruming hangin sanhi ng usok ng tambutso,
pagsusunog at napapalitan ng malinis na oksiheno
(oxygen) na siya nating nilalanghap.

4. Napagkakakitaan
Maaaring maibenta ang mga halamang ornamental na
hindi naitanim o magpunla o magtanim sa paso sa mga
itim na plastik bag o lata ng mga halamang ornamental
na puwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para
panustos sa pang araw-araw na gastusin

5. Nakakapagpaganda ng Kapaligiran

Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang or-


namental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at
iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa mga
dumadaan na tao lalo na kung ang mga ito ay namumu-
laklak at mahalimuyak.

PIVOT 4A CALABARZON
8
Learning Task 2: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Mga katanungan:
1. Base sa mga lawaran sa itaas, saan saan natin ginagamit ang
halaman?

2. Nakakapagapaganda ba ng ating kapaligiran ang mga halaman? Patunayan ang


iyong sagot.

3. Ano pa ang pwedeng pakinabang ng halaman bukod sa maari nating gamiting


palamuti sa ating tahanan at ibenta upang mapagkakitaan?

PIVOT 4A CALABARZON
9
E
Learning Task 3: Gamit ang magazines at iba pang babasahin, gumupit o gumuhit at
mag collage ng mga halamang ornamental na maaaring ita- nim sa isang landscape
garden. Ang iyong collage ay mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics sa ibaba.

Pamnatayan Deskripsyon Puntos


Nilalaman Naipapakita ng collage ang 8
ibat-ibang pagpipiliang hala- mang
ornamental na maaring gamitin sa
isang landscape garden

Pagkamalikhain Ang collage ay naisagawa ng 8


maayos na nakikita ang bawat
larawan
Pamamahala ng oras Naipasa sa takdang oras ang 4
gawain
Kabuuan 20

Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Petsa:

PIVOT 4A CALABARZON
10
A
A. Suriin ang mga pangungusap. Piliin ang Tama kung ang pangungusap
ay nagsasaad ng katotohanan at Mali kung hindi katotohanan.
1.Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay
ng malinis na hangin.
2. Ang mga halamang ornamental ay walang naidudulot na mabuti sa pamilya at
ibang tao sa pamayanan.
3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim na halamang ornamental.
4. Nakapagbibigay kasiyahan sa pamilya at pamayanan ang pag- tatanim ng mga
halamang ornamental.
B. Piliin ang tamnag sagot
5. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga halamang orna- mental gaya ng
sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. Naglilinis ng maruming hangin
B. Nagpapaganda ng kapaligiran
C. Napagkakakitaan
D. Nagbibigay ng liwanag
6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang orna- mental sa
pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Lahat ng mga sagot sa itaas
D. Nagpapaunlad ng pamayanan.
7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental maliban sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke.
8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga hala-
mang ornamental?
A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming
hangin sa kapaligiran.

PIVOT 4A CALABARZON
11
B. Lahat ay tamang sagot
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.
D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at pagbaha.
9. Ang mga halaman sa ibaba ay ginagamit bilang palamuti sa loob ng ating tahanan, maliban
sa isa?
A. Fortune Plant
B. Rosas
C. Narra
D. Sampaguita
10. Ang mga halamang ornamental ay nakatutulong hindi lamang sa atin kun- di sa ating
kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting naidudulot ng hala- mang ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang ornamental
C. Nakasisira ito ng lupa
D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.

PIVOT 4A CALABARZON
12
Wastong Pamamaraan ng Pagtatanim at
WEEKS
Pagpapatubo ng Halamang Ornamental
Aralin 2
3-5
I
Mga bata matapos nyong lakbayin ang iba’t ibang hardin ng mga hala- mang
ornamental ay natutunan ninyo ang mga pakinabang natin sa ka- nila , mga pakinabang
hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa ating
pamilya at pamayanan. Ngayon naman ay dadako tayo sa isa pang bahagi ng pag-aaral tungkol
sa mga halamang ornamental. Inaasahan ko na pagkatapos ng learning resource ito ay
matututunan nyo ang mga sumusunod :
Maipakita ninyo ang wastong pamamaraan sa pagpapatubo /pagtatanim ng halamang
ornamental
Pagpili ng itatanim Paggawa/paghahanda
ng taniman
Paghahanda ng mga itatanim o patutubuin at itatanim Pagtatanim
ayon sa wastong pamamaraan
Learning Task 1: Bago tayo tumungo sa susunod na aralin tayo muna ay magbalik-
aral. Maaari nyo bang sagutan ang mga sumusunod na katanungan?
1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga halamang orna- mental gaya ng
sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
a. napagkakakitaan
b. nagpapaganda ng kapaligiran
c. nagbibigay ng liwanag
d. naglilinis ng maruming hangin
2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang or-
namental
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Nagbibigay ng liwanag
D. Lahat ng sagot ay tama
3. Paano makakatulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng hala- mang
ornamental
A. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran
B. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming
hangin sa kapalihiran
C. Nakakatulong ito sap ag-iwas sa pagbaha

D. a at b

PIVOT 4A CALABARZON
13
D
Pagpili ng Itatanim na Halamnag Ornamental

Ang mga halamang ornamental ay may iba’t ibang katangian. May


mga halaman/punong ornamental na mataas ,may maba- ba, may
namumulaklak at di-namumulaklak, may madaling pa- laguin, may mahirap
palaguin, may nabubuhay sa lupa at may nabubuhay sa tubig. Kaya
mahalagang piliin ang itatanim na halamang ornamental na angkop sa lugar
na pagtataniman.

Mga bagay na Dapat Isaalang-alang sa Pagtatanim ng Halamang Ornamental:


1. Kalagayan ng Lugar
2. sibli ng halaman sa Kapaligiran
3. Kaangkupan sa Panahon
4. Kalagayan ng Lupang Taniman

Mga paalala sa magsasagawa ng pagtatanim ng mga halaman/ punong


ornamental sa bakuran o tahanan:
1. Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa
gilid, sa kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman.
2. Ang mga halamang ornamental na mababa ay itinatanim sa mga panabi
o paligid ng tahanan, maaari sa bakod, sa gilid o daanan o pathway.
3. Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay
inihahalo o isinasama sa mga halamang di namumulaklak.
4. Ang mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin ay maaring
itanim kahit saan ngunit ang mahirap palaguin ay itinatanim sa lugar na
maalagaan itong mabuti.
5. Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay maaaring itanim sa
tamang makakasama nito at ang mga hala- mang lumalago sa tubig ay maari
sa babasaging sisidlan sa loob ng tahanan oa fish pond sa halamanan.

PIVOT 4A CALABARZON
14
Paggawa/ Paghahanda ng Taniman
Kung ang inyong bakuran ay matagal ng may tanim na mga halaman at puno,
maari pa ba itong baguhin? Ano-anong mga kasangkapan ang gagamitin upang
maging maayos ang lugar na pagtataniman?
Mas magiging maayos at mapalamuti ang inyong bakuran kung may
kaalaman ang gagawa ng simpleng landscape garden- ing. Alamin muna ang
anyo ng lupang taniman, kung sakaling hindi maganda ang dating mga tanim,
maaring dagdagan ng lu- pang mataba o anumang organikong bagay na
maaaring ihalo. Hindi lalago nang maayos ang mga panamin kapag tuyo,
matigas, at bitak bitak ang lupa. Ganito rin ang mangyayari kapag malagkit at
sobrang basa ang lupa.
Ano ang dapat mong gawin kapag ang uri ng lupa na pagtatani- man ay tuyo,
matigas, at bitak-bitak, kung ito ay malagkit at so- brang basa?
Matapos Makita ang lugar na pagtataniman, pag-aralan muna
kung anong uri ng lupang taniman ito.
1. Kapag ang lupa ay tuyo, matigas, at bitakbitak,
nararapat na haluan ito ng mga or- ganikong bagay gaya ng
binulok (decomposed) na mga halaman tulad ng dayami,
tinabas na damo, mga tuyong dahon at mga dumi ng hayop
upang maging mabuhaghag ang lupang tataniman.
2. Kapag malagkit at sobrang basa, haluan din ito ng compost upang lumuwag
ang lupa.
Anu-anong kasangkapan ang gagamitin upang maayos ang lugar na
pagtataniman?

PIVOT 4A CALABARZON
15
IBA’T IBANG KASANGKAPANG GINAGAMIT SA PAGHAHALAMAN

Asarol Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang ito


ay mabuhaghag.

Kalaykay Ginagamit ito sa paglilinis ng bakuran. Tinitipon


nito ang mga kalat sa halaman tulad ng mg dahong tuyo,
tuyong damo, at iba pang kalat. Maaari din itong gamitin sa
pag-aalis ng malalaki at matitigas na tipak ng lupa at bato sa
taniman.

Piko Ito ay ginagamit upang durugin at pinuhin ang mga


malalaking tipak na bato.

Dulos Ito ay ginagamit sa pagbubungkal ng lupa sa paligid


ng halaman. Mahusay rin itong gamitin sa paglilipat ng mga
punla.

Regadera Ginagamit ito sa pagdidilig. Ito’y may mahabang


lagusan ng tubig na may maliit na butas sa dulo

Pala Ito’y ginagamit sa paglilipat ng lupa. Ginagamit din


ito sa paghuhukay ng butas o kanal sa lupa at pag- sasaayos ng
lupa sa tamang taniman

PIVOT 4A CALABARZON
16
Itak Pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking hala-
man

Tulos at Pi- si Ang mga ito ay ginagamit na gabay sa paggawa ng


mga hanay sa tamang taniman sa pagbubungkal ng lupa.
Tinutusok ang may tulos sa apat na sulok ng lupa at tinalian ng
pisi upang sundin bilang gabay.

Pagtatanim ayon sa wastong pamamaraan


Sa pagpili ng mga halaman/punong ornamental na itatanim, dapat isaalang-
alang ang lahat ng mga bagay na makakatulong sa ikauunlad ng gagawing
proyekto. Maging mapanuri sa lahat ng mga bagay na dapat gawin.
Kapag naayos na ang lupang taniman, pwede na itong bungka- lin gamit ang
asarol at piko. Tanggalin ang mga bato, matitigas na ugat at mga di kailangang
bagay ng halaman sa lupang tataniman habang nagbubungkal. Kapag nabungkal
na ang lupang taniman, lagyan ito ng organikong pataba gaya ng kompos o
humus at pa- tagin ito gamit ang kalaykay (rake). Pagkatapos mabungkal at ma-
patag ang lupang taniman, maaari na itong taniman ng mga hala- man o punong
ornamental.
Sa paghahanda ng taniman para sa mga
halamang ornamental, ma- ganda ang
disenyo kapag may nakaangat na lupa
at may iba’t ibang hugis ng bato sa
panabi ng taniman. Sa malalawak na lugar, Pergola Fishpond
maaring maglagay ng pergola, fish-
pond, garden set at grotto at sa di gaanong
malalawak, simpleng
kaayusan lamang ang nararapat gaya ng mga palamuting banga o
Grotto
porselanang sisdlan ang ilagay.

PIVOT 4A CALABARZON
17
Learning Task 2: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Gamit- ing gabay ang
checklist na nasa ibaba upang masagutan ang mga kata- nungan

Larawan A Larawan B Larawan C

Larawan A Larawan Larawan


B C
Ang lupang ito ay hindi matigas at hindi
mabato
Ang lupang ito ay buhaghag at maganda
para sa mga tanim
Ang lupang ito ay madaling taniman

Ang lupang ito ay mainam sa pagpapatubo


ng ibat-ibang uri ng halaman

Mga Katanungan:

1. Alin sa mga larawan ang pinakamainam upang taniman ng hala- man?

2. Anu-ano ang katangian ng isang matabang lupa na mainam sa pag- tatanim?

3. Ano ang mangyayari sa binhi kung ito ay itatanim sa mabatong lu-


pa? Matigas at tuyong lupa?
4. Base sa resulta ng checklist, anong uri ng lupa ang pinakamainam na taniman ng
halamang ornamental? Bakit?

PIVOT 4A CALABARZON
18
E
Learning Task 3: Panuto: Ang paghahalaman ay nangangailangan ng masusing
pagpaplano upang maging matagumpay. Gamit ang inyong natutunan sa paggagawa
ng disenyo ng halamang ornamental, gumawa ng plano ng taniman ng halamang
ornamental
Narito ang isang halimbawa ng disenyo ng taniman. Maaari mo itong maging modelo
sa iyong gagawin. Ang iyong ginawa ay mamarkahan ayon sa rubriks sa ibaba

Name: Teacher:
Grade and Section:

Plano sa Pagpapatubo ng Halamang Ornamental

PIVOT 4A CALABARZON
19
A
Learning Task 4: Magaling mga bata. Bilang pagtatapos, nais kong magtanim kayo ng
kahit anong halamang ornamental na mayroon sa inyong bakuran sa pamamagitan ng
pagsunod sa wastong pamamaraan ng pagtatanim. Kuhanan ng larawan habang kayo
ay nagtatanim at iga- wa ito ng scrapbook. Ang inyong proyeko ay mamarkahan sa
pama- magitan ng rubric na nasa ibaba.

Bahagi 5 4 3 2 1

Nilalaman

Kahusayan

Kalinawan

Dunong

PIVOT 4A CALABARZON
20
WEEKS
Masistemang Pag-aalaga, Pag-aani, at
Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental 6-8
Aralin
I
Mga bata matapos nyong lakbayin ang iba’t ibang hardin ng mga hal- amang
ornamental ay natutunan ninyo ang mga pakinabang natin sa kanila pati na ang
pamamaraan ng pagpapadami at pagpapatubo. Ngayon naman ay dadako tayo sa isa
pang bahagi ng pag-aaral tungkol sa mga halamang ornamental. Inaasahan ko na
pagkatapos ng araling ito ay matututunan nyo ang masistemang pangangalaga ng
tanim at ang tamang pagsasapamilihan ng mga inaning halamang ornamental. Bago
tayo tumungo sa susunod na aralin tayo muna ay magbalik-aral. Maaari nyo bang
sagutan ang mga sumusunod na katanungan?

Learning Task 1: Basahing mabuti ang mga sumusunod na


pangunbgusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng mga hala- mang
ornamental gaya ng sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
a. napagkakakitaan b.nagpapaganda
ng kapaligiran
c. nagbibigay ng liwanag
d. naglilinis ng maruming hangin
2. Karamihan sa halamang ornamental ay napapatubo sa pamamagi- tan ng
a. buto b. sanga c. usbong d. ugat
3. Ang sangang pipiliin upang mapatubo muli sa panibagong hala-
man ay dapat _
a. magulang b. mura c. walang ugat d. bagong usbong

PIVOT 4A CALABARZON
21
D
Masisitemang pangangalaga sa tanim
Pagdidilig ng halaman
• Diligan ang mga halaman araw-araw sa hapon o sa
umagang-umaga
• Ingatan ang pagdidilig para hindi masira ang mga
tanim na halaman
• Iwasang malunod ang mga halaman, lalo
na yaong mga bagong lipat na punla
• Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig
• Kung ang gamit mo ay regadera, kailangan iyong
maliit lamang ang butas
• Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, dilgan din ang lupang nakapaligid sa mga
tanim.

Kahalagahan ng Pagbubungkal ng Lupa


• Madaling dadami ang mga ugat ng tanim.
• Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na
lululusog ang halaman kapag maraming ugat.
• Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman
• Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-
masa. Ito ay ginagawa kung hapon o kaya sa umaga. Gawing katamta- man ang
bagbubungkal. Dapat bungkalin ng mababaw lamang ang mga halamang ornamental.
Kahalagahan ng Paglalagay ng Abono

Ang abono o pataba ay ma- halaga


sa mga pananim. Pinagyayaman nito
ang lupa upang maging sapat ang
sus- tansyag taglay ng lupa na
kailangan ng mga ugat ng

PIVOT 4A CALABARZON
22
pananim. Bagamat may mga di-organikong pataba ay higit na imin- ungkahi dahil
ligtas at mura.
Ngunit hindi lamang basta maglalagay ng abono ang kailangan upang lumaki ng
malusog ang mga halaman. Kailangan din ang wastong kaalaman sa pagpili ng pataba
at ang paggamit nito.
Ang patabang galling sa mga bagay na buhay ay inihahalo sa lupa. Ang paraan ng
paglalagay ng patabang galling sa mga bagay na wa- lang buhay ay nakasulat sa
pakete ng pataba.
Kailan dapat maglagay ng abono?
Ang pataba ay maaring ilagay bago magtanim, habang nagtatanim o pagkatapos
magtanim. Ngunit ang pinakamagandang panahon ng paglalagay ng pataba ay
habang maliit pa nag tanim bago ito mamunga. Sa panahong ito, kailangan ng tanim
ang sustansya mula sa lupa.

Paggawa ng Organikong Pataba (Compost Pit)


1. Pumili ng angkop na lugar
a. Patag at tuyo ang lupa
b. May kalayuan sa bahay
c. Malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at
dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at
hayaang makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang
uri ng mikrobyo.

3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo,


dahon mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa
ilalim ng hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas.
Haluan ng 1 hang- gang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na
basura sa hukay.

4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang uma- bot ng 15


sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lu- pa, abo o apog.
Gawain ito ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay.

PIVOT 4A CALABARZON
23
5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pama- magitan ng
pagdilig araw-araw. Tiyakin hindi ito ba- bahain kung panahon
nanamn ng tagulan, makabu- buting takpan ang ibabaw ng hukay
ng ilang piraso ng dahon ng saging upang hindi bahain.

6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at


may butas sa gilid. Itusok ito sa naga- wang compost pit
upang makapasok ang hangin at maging mabilis ang
pagkabulok ng mga basura.

7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong


linggo. Haluing mabuti ang mga pinag- sama-samang kalat at
lupa. Pagkalipas ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na
itong gamiting pataba ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga
basurang ginamit.

Paggawa ng Basket Compost


1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at
haba. May isang metro ang lalim.

2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong


dahoon, dayami, pinagbalatan ng gulay at pru- tas, dumi ng mga
hayop at lupa tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan


upang mabulok kaagad ang basura.

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan


upang hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

PIVOT 4A CALABARZON
24
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng
sisidlan upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang bu- wan.
Mga Katanungan:
1. Ano ang kahalagahan ng wastong pamamaraan ng paggdidilig ng halaman?
2. Bakit kailangang bungkalin ang lupa?
3. Ano ang mangyayari sa halaman na nilagyan ng abono?
4. Posible bang gumawa ng sariling abono? Patunayan ang inyong sa-
got.

Wastong Pag-aani at Pagsasapamilihan ng Halamang Ornamental


Ang pagsasapamilihan ng mga halamang or- namental
ay isang gawaing dapat mong mala- man bilang isang
mag-aaral.
Mahalagang malaman ang mga tamang paraan ng pag-
aani at pag sasapamilihan sa
mga ito. Dapat ding alamin ang mga halamang madaling maipagbili.
Ang halamang ornamental lalo na yung mga namumulaklak ay maaring ipagbili kung
ang mga ito ay may bulakalak na. Maaaring ma- bili ang mga halamang may bulaklak
sapagkat ito ay mapang-akit sa mga mata ng mga tao.
• Ang halaga o presyo ng mga halamang ornamental ay
ibinabatay sa kanilang laki, uri, at haba ng pag- aalaga.

• Ipinagbibili ang halamang ornamental nang naka-


paso o nakaplastik at minsan sanga o tangkay.

• Mahalaga ang kaalaman sa pagtutuos upang mala- man kung


kumikita o nalulugi ang paghahalaman.

PIVOT 4A CALABARZON
25
Sa mga nag-aalaga ng halamang ornamental na namumulaklak at di na- mumulaklak, may
mga palatandaan na tinitingnan kung ito ay dapat ng ipagbili. Kadalasan, ang mga ito ay
matataas, malalago at magaganda ang mga dahon. Ang tamang pagkuha ng mga bulaklak
ay kung ito ay malapit ng bumuka at bumukadkad. Tinatanggal ang ibang dahon at tinatali
sa isang malilim na lugar. Ang paglalagay sa timba na may tubig ay nagpapa- tagal sa
kanilang kasariwaan.

PIVOT 4A CALABARZON
26
Learning Task 2: Panuto: Suriing mabuti ang larawang nasa ibaba. Gumawa ng talata
ayon sa larawang nakita. Ang inyong talata ay dapat hindi bababa sa 10 pangungusap at
hindi naman lalampas ng 20 pangungusap. Tingnan ang gabay na katanungan sa ibaba.

Mga gabay na katanungan:


1. Base sa larawan na nasa itaas, alin sa tatlo ang nagpapakita ng ta-
mang dami ng pagdidilig sa halaman?
2. Ano ang nangyayari sa halaman na kulang ang tubig na idinilig?
3. Ano ang nangyayari sa halaman na sobra ang tubig na idinilig ?
4. Bakit mahalaga na naaayon at wasto ang dami ng tubig na idinidilig
natin sa ating mga halaman?
5. Mayroon ka bang mga halaman sa bahay? Madalas mo ba itong dini- diligan?
Masasabi mo ba na sapat lang ang tubig na ibibigay mo sa hala- man? Patunayan

Learning Task 3: Nalalapit na ang Araw ng mga Ina o Mother’s Day. Alin sa mga
halamang ornamental ang pinakamagandang ibigay sa inyong ina? Ibahagi ang iyong
kasagutan sa iyong mga kaklase sa pamamagitan ng paggawa ng isang sanaysay at
sabihin kung bakit sa tingin mo ay iyon ang pinakamagandang halamang ornamental na
mainam ibigay sa inyong ina sa nalalapit na Araw ng mga Ina.

PIVOT 4A CALABARZON
27
E
Learning Task 4: (Masistemang pag-aalaga sa tanim)
Ang organikong pataba ay isang mahusay na pampataba ng ating mga halaman.
Gamit ang iyong natutunan sa araling ito, gumawa ng organikong pataba gamit ang
mga kitchen waste sa inyong bahay. Kuhanan ng larawan ang iyong paggagawa at
gumawa ng scrap book tungkol dito.

Scarpbook sa Paggawa ng Organikong Pataba


Name: Date:

Section: Teacher:

PIVOT 4A CALABARZON
28
A
Learning Task 5: Basahin at unawaing Mabuti ang mga sumusunod na
pangungusap.Isulat ang titik T kung tama ang sagot at M kung ito ay mali. Titik lamang
ng tamang sagot ang isusulat sa patlang.
1. May dalawang uri ng abono, ang organiko at di organikong pataba.
2. Ang organikong pataba ay mga abonong galing sa nabu- bulok na
prutas,dumi ng hayop,mga nabubulok na dahoon at iba pa.
3. Maaaring gumamit ng lata ng gatas na binutasan sa pag-
didilig
4. Kailingang malusog na ang mga halaman bago anihin.
5. Mas maganda ang pag-aani kung mura sa palengke ang mga ito
6. Mainam na isipin kung kalian, saan at paano mabebenta ang mga
produkto.
7. Hindi na kailangang isaalang alang ang panahon kung kailan maaaring
magbenta
ang mga produkto.
8. Magtanim ng mga halaman na ordinary lamang.
9. Hindi na kailangan ng halaman ang tubig.
10. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang pagpuputol

PIVOT 4A CALABARZON
29
WEEK

Pag-aalaga ng Hayop 9
Aralin
I
Magandang araw mga bata. Kayo ba ay may alagang hayop sa inyong ba- hay? Anu- ano
ang inyong mga alaga? Sa palagay nyo may mga kabuti- han kayang naidudulot ang pag-
aalaga ng hayop. Sa aralin natin ngayon aalamin natin ang iba’t ibang kaalaman
tungkol sa inyong mga alagang hayop. Pagkatapos ng ating aralin inaasahan ko na
matututunan nyo ang mga sumusunod:
• Kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop sa tahanan
• Mga hayop na maaaring alagaan sa tahanan
• Wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop

Learning Task 1: Bilang pasimula sa ating aralin pag-aralan ang mga la-
rawan na nasa ibaba at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

Mga Katanungan:
1. Ano ano ang mga hayop na nasa itaas?
2. Saan kalimitan inaalagaan ang mga hayop na ito? Bakit?
3. Ano ang pakinabang ng pag-aalaga ng mga hayop na ito?
4. Bakit mahalagang may alaga tayong hayop sa ating tahanan?
5. Paano nakatutulong sa atin ang mga alaga nating hayop?

PIVOT 4A CALABARZON
30
D
Kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop sa Tahanan
Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang mga kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop sa
tahanan na maaring libangan at mapagkakakitaan. Ang kabuti- hang naidudulot nito sa tao at sa
kabuhayan ng pamilya. Matatalakay din sa aralin ang maaring dulot ng pag-aalaga ng hayop
mabuti man o masama sa ka- lusugan. Tutukuyin din ang mga hayop na maaaring alagaan at ang
mga katan- gian nito.
1. Aso
Ang pag-aalaga ng hayop sa bahay ay mayroong maraming dulot na
kabutihan. Tulad ng pag-aalaga ng aso sa bahay, ito ay nakatatanggal
ng stress at ayon sa mga pag-aaral ito rin ay nakapagpapababa ng
dugo. Sila ay nakakasama sa pag-eehiersisyo at ibang libangan. Ang
aso ay tinatawag na pinakamatalik na kaibigan ng tao. Maraming pagkakataon nang
napatunayan ang katapatan ng aso bilang kaibigan.
Mainam itong alagaan. Nakatutulong ito bilang gabay sa paglalakad at maging
bantay ng tahanan. Ngunit nakakatakot kapag sinaktan dahil ito ay lumalaban.
2. Pusa
Ang pusa ay isa ring hayop na mainam alagaan. Maraming tao ang
nagsasabi na ang pag-aalaga rin ng pusa ay nakaka- tanggal ng stress at
nakapagpababa ng dugo.
Ang pusa ay mahusay ding alagaan dahil bukod sa ito’y taga-
huli ng daga mabait din itong kalaro ng mga bata.

3. Ibon
Ang mga ibon bilang alagang hayop sa bahay ay madaling maturuan.
May mga uri ng ibon na maaring matutong magsalita Sila rin ay
natututong gumawa ng ibat-ibang an- tics kaya maraming tao ang
nahuhumaling mag-alaga ng ibon. Sila ay madaling alagaan. Maliban sa
nakapagdudulot
ng kasiyahan sa nag-aalaga, ito rin ay maaaring pagkakitaan.
4. Kuneho
Ang kuneho ay isa ring magandang alagaan sa bahay da- hil sila ay
eco-friendly animals. Isang hayop na mainam alagaan dahil mabait at
nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng
sakit. Ang pagkain ng kuneho ay maaring itanim sa ating mga
bakuran dahil
sila ay kumakain ng halamang dahon tulad ng letsugas, kangkong at repolyo. Hindi sila maselan
sa pagkain, maari mong bigyan ng butil ng mais o giniling

PIVOT 4A CALABARZON
31
na munggo.
Ang dumi ng kuneho ay maaaring ipunin at gawing pataba sa ornamental na halaman dahil ito
ay mayaman sa nitrogen at phosphorus. Ang mga patapong bagay tulad ng old towels, mga
lumang kwaderno at iba pa ang gustong laruan ng mga kuneho.

Mga Hayop na Maaaring Alagaan sa Loob ng Tahanan


1. Aso
mainamn itong alagaan – nakatutulong ito sa paglalakad at maging bantay
ng tahanan, Ngunit nakatatakot kapag sinaktan dahil ito ay lumalaban.
Ang aso ay isa sa mga hayop na mainam alagaan. Sa katuna- yan, maraming
mag-anak ang naggugugol ng panahon sa pag- aalaga nito.

2. Pusa
Ang pusa ay mahusay din alagaan dahil bukod sa ito’y taga-
huli ng daga, mabait din itong kalaro ng mga bata.
3. Manok
Hindi gaanong mahirap alagaan ang manok dahil hindi ito nangangagat, sa
halip ito ay nagbibigay ng itlog at karne. Kina- kailangan ang ibayong ingat sa
pag-aalaga ng manok dahil may pagkakataon kung saan nagkakaroon ito ng
sakit. Maari itong mamatay dahil sa hindi inaasahang pagdapo ng sakit o
peste.

4. Kuneho
Isa itong maliliit na hayop ngunit mainam itong alagaan dahil mabait at
nagbibigay ito ng masustansyang karne at hindi madaling dapuan ng
sakit. Hindi ito maselan sa pagkain, maari mo itong bigyan ng butil ng
mais o giniling na monggo. Mainam alagaan ang kuneho dahil hindi ito
gaanong dinadapuan ng sakit. Ang mga berdeng damo at
iba pang labis na gulay sa kusina at mga tumutubo sa tabi ng halamanan ang nagsisilbing pagkain
nila.
TAMANG PARAAN SA PAG- AALAGA NG HAYOP
Ang araling ito ay magbibigay sa atin ng kaalaman tungkol sa wastong pag- aalaga ng ating mga
hayop upang sila ay lumaki ng maayos at hind maging sa- kitin.
Tatalakayin dito ang wastong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop na tinukoy natin sa nakaraang
aralin. Malalaman natin kung paano sila palalakihin sa pa- mamaraang wasto at maka-agham.

PIVOT 4A CALABARZON
32
Malalaman natin dito ang mga dapat gawin at ibigay sa kanila (mga alagang hayop) upang sa gayon
sila ay makakapagdulot ng kung ano ang maasahan natin mula sa kanila.
Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain. Nakakatulong ito upang maalis
ang ating stress at gumanda ang ating kalusugan. Madadagda- gan din ang kita ng mag-anak kung
ito ay mapaparami at maipagbibili. Kaya dapat nating malalaman ang maayos na pamamaraan ng
pag-aalaga upang lubos na mapakinabangan at masiyahan sa gawaing ito.

Basahin ang mga pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop. Tandaan at isaalang alang ang lahat ng ito
dahil nakasalalay ang ikauunlad ng pag-aalaga sa mga hayop at ang kapakinabangan nito.
a. Wastong Pag-aalaga ng Aso at Pusa
1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso o pusa
2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilasyon ang kulungan ng aso o pusa
3. Bigyan ang aso o pusa ng gamot kontra bulate makalipas ang isa o dalawang lingo.
4. Bigyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso o pusa
5. Dalhin sa malapit na Beterinaryo upang maturukan ng anti-rabies.

b.Wastong Pag-aalaga ng Kalapati


1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi mapasukan ng daga. Ito ay dapat
maluwag, mahangin, tuyo at nasisikatan ng araw. Kung maaari, itayo sa mga punong kahoy.
2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog. Ang pugad ay
maaring yari sa dayami, tuyong dahon ng kugon o pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon
ng taas n a72 sentimetro at lapad na 90 senti- metro.
3. Ang kalapati ay dapat pakaiinin ng palay, mais, munggo, tinapay at buto ng mirasol. Kailangan
din silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin.
4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa lu- pa, sa palad o
paglalagay ng patuka sa isang lagayanng malanday. Halu-halo at dinurog na kabibi at uling na
tinimplahan ng asin.
5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kailangang panatilihin ang kalinisan upang
hindi magkasakit at dapuan ng mga peste ang mga ibon. Linisin ang kanilang bahay at
pinagkakainan araw-araw.

PIVOT 4A CALABARZON
33
E
Learning Task 2: Upang maging organisado ang mga bagay na dapat gawin sa pag-
aalaga ng hayop, mainam na magkaroon ng skedyul upang hindi makaligtaan ang
mga nakatakdang gawain sa loob ng isang araw o isang lingo. Gamit ang inyong
natutunan, gumawa ng pansariling skedyul at pang mag-anak na skedyul sa pag-
aalaga ng hayop. Maaring magdagdag ng hanay kung kinakailangan.

Hayop na inaalagaan:

a. Pansariling Iskedyul

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo

b. Pangmag-anak na Iskedyul

Gawain Kasambahay na gaganap sa Araw

PIVOT 4A CALABARZON
34
A
Learning Task 3: Basahing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Alin sa mga ito ang hindi inaalagaan sa loob o sa likod ng bahay?
a. baka b. manok c. pusa d. kuneho
2. Ano ang pakinabangang makukuha ng mga mag-anak sa pag-aalaga ng hayop?
a, Nagbibigay ng karne at itlog sa mag-anak
b.Nagbibigay ng dagdag na kita sa mag-anak
c. Nagbibigay ng kasiyahan sa mag-anak
d. Lahat ay tama
3. Ito ay isang hayop na maaaring alagaan sa tahanan . Nakakatulong ito sa paglalakad at
nagiging bantay sa tahanan ngunit nakakatakot kapag sinaktan dahil ito ay lumalaban.
a. Aso b. Pusa c. Kuneho d. isda
4. Ito ay mahusay ding alagaan dahil sa bukod sa ito ay tagahuli ng daga, mabait din itong
kalaro ng mga bata.
a. Aso b. Pusa c. Kuneho d. Isda
5. Alin sa mga ito ang hindi katangian ng isang maayos na bahay ng mga
alagang hayop?
a. Malawak at malinis na kapaligiram
b. May sapat at malinis na tubig
c. Nasisikatan ng araw
d. Maliit at marupok ang bubong
6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay kabutihang dulot ng malawak at malinis na
lugar ng mga hayop maliban sa:
a. Mainit at masikip ang pakiramdam ng mga hayop
b. Ligtas sa sakit ang mga hayop
c. Maiiwasan ang pagsisiksikan ng mga ito
d. Laging sariwa ang kanilang pakiramdam
7. Bakit kailangang bigyan ng sapat na nutrisyon ang mga alagang hayop?

PIVOT 4A CALABARZON
35
a. Upang maging malusog
b. Upang may panlaban sa sakit
c. Upang madaling lumaki
d. Lahat ng nabanggit
8. Anong hayop sa tahanan ang maaaring paramihin?
a. Aso b. Kalabaw c. Bayawak D. Palaka
9. Ano ang kahalagahan ng plano sa pagpaparami ng hayop?
a. Matitiyak ang paraan ng pagpaparami ng hayop
b. Maibebenta kaagad ang mga alagang hayop
c. Makakakain ng marami ang mga alagang hayop
d. Mapapaglaruan ng mga bata ang mga alagang hayop

10. Alin ang dapat tandaan sa paggawa ng plano sa pagpaparami ng


alagang hayop upang kumita?
a. Uri ng produkto na maaaring ibigay ng alagang hayop
b. Kulay ng alagang hayop
c. Kalagayan ng pamumuhay
d. Uri ng hayop na aalagaan

Mga Sanggunian

• IDEA PARADIGM
• MELC
• EPP Curriculum Guide
• Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
PIVOT 4A CALABARZON

For comments and suggestions, please contact:

Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address:

Gate 2 Karangalan Village, Cainta Rizal Landline: 02-8682-5773 local

420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

PIVOT 4A CALABARZON
35

You might also like