You are on page 1of 15

44

EPP-HE
Markahan 2 - Modyul 7:
Wastong Paraan ng Paggamit ng
Kubyertos

1
EPP-HE – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Markahan 2 - Modyul 7: Wastong Paglilinis ng Tahanan at Bakuran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Virgie B. Sastrillo


Editor: Mrs. Teresita Z. Olasiman, Cecille Marie T. Tenido
Tagasuri: Mrs. Teresita Z. Olasiman, Fe T. Cabio
Typesetter: Cecille Marie T. Tenido

Management Team: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D.,TM Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Antonio B. Baguio, Jr. Ed.D.
.
Printed in the Philippines by:

Department of Education Region VI – Division of Negros Oriental


Office Address: Capitol Area, Daro, Dumaguete City
Telefax: (035) 225-2376; (035) 225 – 2838 (+63) 9153633662
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
4

EPP – HE
Markahan 2 - Modyul 7:

Wastong Paglilinis ng Tahanan at


Bakuran
Alamin

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral sa EPP-


HE grade 4, dito matutunan mo ang wastong paraan ng paggamit ng
kubyertos.

Sa bawat bahagi ng modyul na ito ay may kaukulang panuto


upang madali mong masunod ang mga gawain para sa iyo.

Ang modyul na ito ay napakadaling gawin dahil ito ay sadyang


pinadali upang hindi mahirapan ang bawat mag-aaral na gagamit sa
modyul na ito tulad ng ‘’Wastong paraan ng paggamit ng kubyertos’’.

Ang masayang mag-anak ay makikitang sama-samang


kumakain sa hapag kainan.Ang wastong pag-aayos,paghahanda at
paggamit ng mga kubyertos sa hapag-kainan ay dapat matutunan
at maisagawa ng batang tulad mo. Ito ay makatutulong upang
maging kaaya-aya ang paghahain ng pagkain at ikagagana ng bawat
miyembro ng pamilya
.
Mapag-aaralan sa modyul na ito ang wastong hakbang sa pag-
aayos ng hapag-kainan, ang tamang paghahain ng pagkain at ang
mga kagandahang-asal sa hapag-kainan.
.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

1. Naipakikita ang wastong paggamit ng kubyertos


2. Nasusunod ang wastong paraan ng paggamit ng kubertos.
3. Nasasabi ang kagandahang-asal sa hapag-kainan.

4
Subukin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pinupunasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa


lugar ng bawat taong kakain. Ano ang tawag nito?
a. One cover
b. Two cover
c. Three cover
d. Four cover
2. Ilang pulgada mula sa gilid ng mesa ang pagitan kung ilagay
ang nakatihayang plato sa gitna ng cover.
a. Isang pulgada
b. Dalawang pulgada
c. Tatlong pulgada
d. Apat na pulgada
3. Ano ang ilagay sa kaliwang bahagi ng plato na nakatihaya?
a. Serbilyeta at tinidor
b. Kutsara at tinidor
c. Baso at tinidor
d. Serbilyeta at baso
4. Ano ang bagay na nasa kanang bahagi na nakatihaya rin?
a. Tinidor
b. Kutsara
c. Baso
d. Serbilyeta
5. Anong bagay ang nasa bandang itaas inilagay na may ¾ na
tubig?
a. Baso
b. Kutsara
c. Tinidor
d. Serbilyeta

5
6. Saan inilagay ang trey na may lamang prutas?
a) Sa gitna ng hapag-kainan
b) Sa loob ng baso
c) Sa harapan ng Kutsara
d) Sa ibabaw ng hapag-kainan
7. Sa paggawa ng iba pang cover,ano ang dapat gawin upang
makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain?
a. Bigyan ng sapat na pagitan
b. Huwag bigyan ng lugar sa pagitan
c. Bigyan ng mahabang pagitan
d. Wala sa nabanggit
8. Ano ang ilagay sa gitna ng hapag-kainan?
a. Trey na may lamang prutas
b. Trey na may lamang kanin
c. Trey na may lamang tubig
d. Trey na may lamang asukal
9. Ito ay mga kagamitan sa pagkain maliban sa isa.
a. Kutsara
b. Tinidor
c. Baso
d. Martilyo
10. Ang sandok ba ay kasama sa mga kubyertos?
a. Oo
b. Hindi
c. Wala sa nabanggit

6
Aralin
Lesson Wastong Paraan ng Paggamit ng
Kubyertos
17

Sa ating pagkain sa araw-araw tayo ay gumagamit ng mga


kubyertos.
Ano ba ang kubyertos?
Ang kubyertos ay ginagamit tuwing kumakain ang mga tao sa
bahay, restawrant, okasyon, handaan, fiesta, salo-salo sa simbahan,
paaralan o pampublikong lugar.

Ang larawan na nasa ibaba ay mga halimbawa ng kubyertos.

Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay sa pagkain sa


hapag-kainan.Isa itong masayang tagpo na dapat pagyamanin ng
bawat kasapi ng mag-anak. Maraming magagandang bagay ang
pwedeng maganap habang kumakain. Upang maisakatuparan ito
sundin ang mga sumusunod na mga hakbang sa pag-aayos ng
hapag-kainan at mga panuntunan sa mga kagandahang-asal sa
hapag-kainan.

7
Mga Wastong Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-kainan

1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng


bawat taong kakain.Ito at tinatawag na one cover.

2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang


isang pulgada mula sa gilid ng mesa.

3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na


nakatihaya. Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya
rin at sa bandang itaas nito ilagay ang bason a may ¾ na tubig.

4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.

5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang


makakilos nang maluwag at maayos ang mga kakain.

Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan

1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.


2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae
bago ang lalaki.
3. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang
ipatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor.Tinidor ang gamitin
bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang
paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.
8
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng
kutsara at hindi ang dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit
dito kung gusto mong kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang kasamang
kumakain.Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ito ay
hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang bagay.Iwasan ang paksang ukol sa
patay, sakit o kalamidad sapagkat
5 ito ay nakawawala ng
ganan.

Suriin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang


inyong sagot sa inyong kwaderno.

1. Paano inaayos sa hapag-kainan ang plato, kutsara, at tinidor?


2. Bukod sa kutsara at tinidor, ano pang mga kasangkapan ang
magagamit sa pagkain?
3. Ano ang gagawin mo sakaling may makita ka o makasamang tao
na hindi o ayaw gumamit ng kubyertos habang kumakain?
4. Nakaranas ka na bang hindi gumamit ng kubyertos?
5. Kailangan bang magdasal bago at pagkatapos kumain?
6. Sa paglaan ng upuan, sino ang unang paupuin?
7. Ano ang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain?

8. Kailangan bang hipan ang pagkain


6 kung ito ay mainit pa?
9. Ano ang gagawin kung puno o may pagkain ang bibig?

9
10. Kung ubos na ang pagkain sa plato, anong posisyon dapat ilagay
ang kutsara at tinidor sa pinggan?

Pagyamanin

Gawain 1
Ilarawan ang tamang posisyon ng mga kagamitan sa pag-aayos
ng isang cover sa hapag-kainan.Iguhit sa inyong kwaderno.

Kailangan
Magaling Katamtaman pang
Krayterya Pinakamagaling
(7-8) (4-6) puntos galingan
(9-10)
puntos (1-3)
Nakalagay
sa tamang
posisyon
Magaling sa
Pagguhit
Malinis na
pagkagawa

Gawain 2

Maghanap ng larawan sa mga lumang babasahin o magasin


na nagpapakita ng kabutihang-asal sa hapag-kainan. Ayusin at
idikit ito sa loob ng kahon.

10
Kailangan
Krayterya Pinakamahusay Mahusay Katamtaman pang
(9-10) (7-8) (4-6) pagbutihan
(1-3)

Maayos
pagkalagay

Malinis na
pagkagawa

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paano ang paggamit ng kubyertos?


2. Bakit dapat magpakita ng kagandahang-asal sa hapag-kainan?
3. Paano ang wastong paraan ng paghingi ng pagkain?
4. Ano ang maaaring pag-usapan sa hapag-kainan?
5.Paano maipakikita ang kagandahang-asal sa pagsubo at pagnguya
ng pagkain

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng smiley o


happy face na larawan ang patlang kung ang pangungusap ay
nagsasabi ng kagandahang-asal sa hapag-kainan at sad
face kung hindi.

11
_______1. Punuin ng pagkain ang pinggan.
_______2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa pagsubo ng pagkain.
_______3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.
_______4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga maysakit habang
kumakain.
_______5. Ilagay nang pahalang sa ibabaw ng pinggan ang mga
kubyertos kung tapos nang kumain.
_______6. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.
_______7. Hayaang lumamig ang pagkain bago isubo.
_______8. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
_______9. Maaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol
ng pagkain.
______10. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumain.

Karagdagang
Gawain
Panuto: Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

1. May mga panahon bang hindi ka gumagamit ng kubyertos?


Bakit?
2. Sa palagay ninyo ba may mga taong hindi talaga gumagamit ng
kubyertos kapag kumakain?
3. Bakit kaya hindi sila gumagamit ng kubyertos?
4. Bukod sa kutsara at tinidor,ano pang kasangkapan ang
magagamit sa pagkain?
5. Ano ang iyong gamitin kung may sopas o sabaw ang iyong
kinain?

12
13
ISAISI
Answer may
KARAGDAGAN NA GAWAIN
vary
TAYAHIN 1-3. Answer may vary PAGYAMANI
4. baso, plato, serbilyeta, kutsilyo, platito N
Answers may vary
1.
2.
3. SURIIN
4. SUBUKIN
1. Answers may vary
5. 2. Baso,plato,kutsilyo,serbilyeta
3. answers may vary
6. 4. answers may vary
5. oo 1. A 6 .A
7. 6. babae 2. A 7. A
7. tinidor 3. A 8. A
8. 8. hindi
4. A 9. D
9. 9. hindi
5. A 10. A
10. pahalang
10.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1. Makabuluhang Gawain Pantahanan at Pangkabuhayan 4 pp.101-


103
2.https://www.google.com/search?q=epp+he+aralin+19&rlz=1C1O
KWM_enPH851PH851&oq=epp+he+aralin+19&aqs=chrome..69i57j
33.21121j0j4&sourceid=chrome&ie=UTF-8
3.https://www.google.com/search?rlz=1C1OKWM_enPH851PH851
&ei=tS4VX5qrNOeFr7wPyd-
Y8Ao&q=smiley+and+sad+face&oq=smiley+and&gs_lcp=CgZwc3ktY
WIQARgAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCC4yAggAMgIILjICCAAyAgg
AMgIIADoECAAQRzoGCAAQFhAeOgUIABCRAjoECAAQQzoHCAAQs
QMQQzoKCC4QsQMQgwEQQzoKCAAQsQMQgwEQQzoFCAAQsQM
6BAguEEM6CAgAELEDEIMBOggIABDqAhCPAToOCC4QsQMQxwE
QowIQgwE6CAguELEDEIMBOggIABCxAxCRAjoLCC4QsQMQxwEQ
owI6BwguELEDEEM6DgguELEDEMcBEK8BEIMBOgwIABCxAxBD
EEYQ-
QE6BAgAEAo6BQguELEDOgQIABADUOPZBlisoQhgu7wIaARwAXg
AgAHwAogBgCKSAQgwLjI0LjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXqwAQ
rAAQE&sclient=psy-ab
4. Most Essential Learning Competencies
5 .Mga Gawain sa Pagpapaunlad ng Buhay

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

15

You might also like