You are on page 1of 11

4

EPP – Home Economics


Activity Sheet Quarter 0 – MELC 1.2
Wastong Paggamit ng Kubyertos

REGION VI – WESTERN VISAYAS


EPP 4 – Home Economics
Learning Activity Sheet No. 8
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akdaang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng Gawain kung ito’ ypagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang EPP 4 – Home Economics Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6.- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng EPP 4 – Home Economics Activity Sheet

Manunulat: Iby J. Dela Cruz at Maria Layne Arbiola


Editor: Gorgonio A. Batilaran, Jr.
Tagasuri: Jocelyn D. Sunsona
Tagaguhit: Iby J. Dela Cruz
Tagalapat: Jackielyn S. Cabangal
Division of Roxas City Management Team: Feliciano C. Buenafe Jr.
Ferdinand S. Sy
Marvic S. Martirez
Jocelyn D. Sunsona
Gorgonio A. Batilaran, Jr.
Regional Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
April C. Velez
Gorgonio A. Batilaran, Jr.
Remia D. Manejero
Sol Grace O. Timola
.
Pambungad na Mensahe!

MABUHAY!

Ang EPP 4 – Home Economics Activity Sheet na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Schools Division of Roxas City
sa pakikipagtulungan ng Kagawaranng Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to
12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nila ng masagot ang mga nakahanay na mga Gawain ayon sa
kani-kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng
isang buo at ganap na Filipino na may kapaki- pakinabang na literasi habang
isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang EPP 4 – Home Economics Activity Sheet na ito ay binuo upang


matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng
edukasyon, napatuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing nagging malinaw ang mga panuto sa
mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang
pag-unlad ng mga mag- aaral (learner’s progress).

Para samga mag-aaral:

Ang EPP 4 – Home Economics Activity Sheet na ito ay binuo upang


matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa
iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan
at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang
mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Quarter 0-Week 8

Learning Activity Sheets No. 8

Pangalan ng Mag-aaral:________________________________________________
Grado at Seksiyon:_______________________________ Petsa: _______________
_

EPP 4- HOME ECONOMICS ACTIVITY SHEET


Wastong Paraan ng Paggamit ng Kubyertos
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

1.2 Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng kubyertos.


EPP4HE-0i-14

II. PANIMULA

Nakapaghanda at nakapagdulot ka na ba ng pagkain sa iyong


mag-anak? Nakapaggamit ka na ba ng mga kubyertos sa hapag-kainan? Anu ang
naramdaman mo habang ginagawa ito?

Ang kakayahan sa paghahanda at pagdudulot ng pagkain sa hapag-


kainan ay isa mga bagay na dapat mong matuunan habang bata pa. Ang kaalamang
ito ay makapagdudulot ng kasiyahan sa iyong sarili at sa iyong mag-anak. Ganun din
ang pag-aayos at paggamit ng mga kubyertos. Dito maipapakita mo ang kaayusan at
pagmamahal mo sa iyong pamilya. Masaya ang pamilya kung sama-samang
kumakain sa hapag-kainan. Lalo na kapag nalaman ng bawat isa na ang pagkaing
inihanda at idinulot para sa kanila ay maayos na pinaghandaan.

Mga Wastong mga Hakbang sa Pag-aayos ng


Hapag-kainan

1. Punasan ang mesa. Lagyan ito ng mantel o placemat sa lugar ng bawat taong
kakain.
Ito ay tinatawag na one cover.
2. Sa gitna ng cover ilagay ang nakatihayang plato na may pagitang isang
pulgada mula sa gilid ng mesa.
3. Ang serbilyeta at tinidor ay ilagay sa kaliwang bahagi ng plato na nakatihaya sa
kanang
bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin. Ilagay ang baso na may ¾ na
tubig sa bandang itaas nito.
4. Sa gitna ng hapag-kainan ilagay ang prutas na nasa tray.

Page |
5. Gawin ito sa iba pang cover. Upang makakilos nang maluwag at maayos
ang mga kakain bigyan ng sapat na pagitan.

Page |
Mga Kagandahang Asal sa Hapag-

kainan
1. Magdasal bago kumain at pagkatapos kumain.
2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Babae ang unang paupuin bago ang lalaki.
3. Umupo ng tuwid..Iwasang ipatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin ng maayos ang kutsara at tinidor. Kung may puputuling pagkain,
tinidor ang gamitin bilang pamalit sa kutsilyo.
5. Higupin ang sabaw nang walang ingay Gamitin ang gilid nang kutsara ng
paiwas sa iyo kung hihigup ng sabaw.
6. Gamit ang gilid ng kutsara magsubo ng katamtamang dami ng pagkain at hindi
ang dulo nito.
7. Kung gusto mong kumuha ng pagkaing malayo sayo ipakisuyo ito sa
kasamahang malapit dito..
8. Ibigay ang atensyon sa iba pang kasamahang kumakain. Tanggihan ng magalang
ang
pagkaing hindi gusto.
9. Kung mainit pa ang pagkain, iwasang hipan ito sa halip ito ay hayaang kusang
maalis ang init.
10. Iwasang magsalita kung puno o may pagkain pa ang bibig.
11. Iwasang magkuwento na ang paksa ay ukol sa patay, sakit o kalamidad
sapagkat ito ay nakawawalang gana sapagkain. Sa halip magkuwento ng
masayang bagay.
12. Ubosin ang pagkainsa plato, at ang kutsara at tinidor ay ilagay ng pahalang sa
pinggan.

III. MGA SANGGUNIAN:

MELC HE 4, p. 5

Page |
♦ Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral ph.310- 314.
♦www.scribe.com

IV. MGA GAWAIN

Mga Panuto

Pag-aralan natin ang mga sumusunod na kaalaman at kasanayan sa wastong


paggamit ng kubyertos.

Gawain 1

Panuto:. Gumuhit ng isang cover.Ilagay ang tamang posisyon ng mga


kagamitan sa pagkain tulad ng pinggan,kutsara,tinidor, baso at serbilyeta. Iguhit ito
sa inyong kuwaderno.

Gawain 2

Panuto: Tukuyin ang mga kagamitan sa hapag-kainan o


kubyertos na bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat
sa sagutang papel.

Baso Plato Kutsara Mantel Serbilyeta

1. Inilalagay ito sa gitna ng cover


2. Inilalagay ito sa kaliwang plato kahanayang tinidor
3. Inilalagay sa kanang bahagi ng plato
4. Nasa bandang itaasng mesa na may ¾ na tubig
5. Yari s atela o plastic na inilalagay sa itaas ng mesa

Gawain 3

Page |
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Lagyan ng smiley o
happy face ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasabi ng kagandahang-
asal sa hapag- kainan at sad face kung hindi.

1. Punuin ang pinggan ng pagkain.


2. Gilid ng kutsara ang gamitin sa pagsubo ng pagkain.
3. Nguyain ang pagkain nang sarado ang bibig.
4. Magkuwento ukol sa patay o sa mga may sakit habang kumakain.
5. Kung tapos nang kumain ilagay nang pahalang sa
ibabaw ng pinggan ang mga kubyertos.
6. Magsalita nang walang pagkain sa bibig.
7. Hayaang palamigin muna ang pagkain bago isubo.
8. Tanggihan ng magalang ang pagkaing hindi gusto.
9. Sa pagputol ng pagkain maaaring gawing pamalit ang
tinidor sa kutsilyo.
10. Magbigay ng atensyonsa iba pang kumakain.

Mga Batayang Tanong

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong
sagot sa patlang

1. Anu-ano ang mga kagamitan sa hapag-kainan?

2. Nagamit mo na ba ang mga ito ng maayos?


_ _

3. Saan inilalagay ang plato sa cover? kutsara, tinidor at baso?


_ _
_ _

4. Bakit dapat ayusin ang hapag-kainan tuwing panahon ng pagkain o meal time?
_
_

5. Naranasan mo rin bang hindi gumamit ng mga kubyertos? Bakit?


_
_

6. Sa pagkakaalam niyo, may mga tao pa rin na hindi gumagamit ng mga kubyertos?
Bakit kaya?

Page |
_
_

7. Ano ang gagawin mo sakaling may makilala kang tao na hindi o ayaw
gumamit ng kubyertos habang kumakain?
_

V. Repleksiyon:

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

1. Ikaw ba ngayon ay gumagamit na ng mga kubyertos sa hapag-kainan?


Ano ang naramdaman mo kung gumagamit ka ng mga kubyertos sa
pagpakain?

2. Alam mo na ba ang wastong hakbang sapag-aayos ng mga


kubyertos sa hapag-kainan?

3. Paano mo napasaya ang iyong pamilya sa tuwing magkasama kayong


kumakain sa hapag-kainan?
__
_

Page |
VI. Susi sa Pagwawasto (Nakabaliktad)

Page | 7
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Page | 8

You might also like