You are on page 1of 12

4

EPP - Home Economics Activity


Sheet
Quarter 0 – MELC 1.3
Naisasagawa Nang may Sistema ang
Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan

REGION VI – WESTERN VISAYAS


EPP 4 - Home Economics
Learning Activity Sheet No. 9
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang EPP 4 - Home Economics Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng EPP 4-Home Economics Activity Sheet

Manunulat: Cecile D. Urdas, Lovelyn Alcayaga


Editor: Gorgonio A. Batilaran, Jr.
Regional
Tagasuri: Jocelyn D. Sunsona
Tagaguhit:
Tagalapat:
Division of Roxas City Management Team: Feliciano C. Buenafe, Jr.
Ferdinand S. Sy
Marvic S. Martirez
Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Jocelyn Sunsona
Josilyn S. Solana
Gorgonio A. Batilaran Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
(
Gorgonio A. Batilaran, Jr. )
Pambungad na Mensahe

MABUHAY!

Ang EPP 4 - Home Economics Activity Sheet na ito ay nabuo sa


pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa sa
pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Division (CLMD). Inihanda ito upang
maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na
makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kanikanilang kakayahan at
laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may
kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang
pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang EPP 4 - Home Economics Activity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kanikanilang mga tahanan o saan mang bahagi
ng learning center sa kanilang komunidad. Bilang mga learning facilitator, siguraduhing
naging malinaw ang mga panuto sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na
patuloy nating masubaybayan ang pagunlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang EPP 4 - Home Economics Activity Sheet (na ito ay binuo upang
matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong
paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga
panuto ng bawat gawain.

Quarter 0-Week 9
Learning Activity Sheets No. 9

Pangalan ng Mag-aaral: _________________________________________________


Grado at Seksiyon: _______________________________ Petsa: ______________

EPP 4- Home Economics Activity Sheet


Naisasagawa Nang May Sistema ang Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

1.3 naisasagawa nang may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan


(EPP4HE-0i-14)

II. PANIMULA
Ang bawat gawain ay mabilis matapos kung ito ay ginagawa nang may sistema.
Ito ay paraan upang makatipid ng oras at enerhiya at maiwasan ang pabalik-balik na
paggawa. Sa loob ng bahay mainam na nagtutulungan ang bawat isa para madaling
matapos ang gawaing nasimulan. Ang mga gawain sa paghahanda ng pagkain ng
mag-anak ay hindi natatapos sa pagluluto at pagdudulot ng pagkaing lamang. Dapat
ding matutunan ang mga paraan sa pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan.

Basahin ang sumusunod na paraan sa pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan.


Ang mga ito ay makakatulong upang mapadali at mapagaan ang nasabing gawain.

A. Paglilinis ng mesa
1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay sa
tray.
3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.
4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang mesa.

B. Paghuhugas ng pinagkainan at mga kagamitan sa pagluluto


1. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa may malinis na
kasangkapan. Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong
kanan ng lababo ayon sa pagkasunod-sunod:

a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa

2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon o
dishwashing liquid at espongha o sponge. Tiyaking malinis ang mga ito
bago gamitin. Sundin ang pagkasunod-sunod sa pagsasabon.

3. Banlawang mabuti. Kuskusin ang mga binabanlawan upang maalis ang


dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy. Kapag ang ulam ay
masebo o mamantikain gaya ng adobo, gumamit ng mainit na tubig sa pag-
babanlaw ng mga pinggan at kubyertos.

4. Ilagay ang disk rack at pabayaang tumulo ang tubig.

5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.

6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.

7. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan, pagkatapos hugasan at


patuyuin ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan.

8. Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy bago iligpit ang mga
kasangkapang ginamit. Sa ganitong paraan walang ipis o daga na pupunta.

9. Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha ang mga


kasangkapang karaniwang ginagamit.

III. MGA SANGGUNIAN

MELC, pahina 5.

Abletes, E.R. et al, (2019). Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan- Ikaapat na


Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral, Pp 314-pp 318, FEP Printing Corporation,
DepEd- BLR, Padig City, Philippines

Abletes, E. R. et al, (2019). Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan- Ikaapat na


Baitang, Patnubay ng Guro, Pp 123-pp125, FEP Printing Corporation, DepEd-BLR,
Pasig City, Philippines

IV. MGA GAWAIN


1. Mga Panuto

Pagsasanay A
Panuto: Alin sa sumusunod na kagamitan ang una at huli mong huhugasan?
Pagsunod-sunurin ang mga ito. Isulat ang bilang isa (1) hanggang lima (5)
sa patlang ayon sa pagkakasuno-sunod ng paghuhugas.

_______1.sandok at siyansi

_______2. mga kubyertos o silverware

_______3.kaldero, kaserola, kawali at iba pa

_______4 mga .baso o glassware

_______5. mga plato, platito, tasa, at mangkok o chinaware

Pagsasanay B
Panuto: Basahin ang mga paraan sa paglilinis ng mesa at punan ng mga salita
ang patlang.

1. Alisin ang mga _________ pagkain sa plato.


2. Itago ang mga pagkaing hindi _______ at linisin ang mesa.
3. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong ________ na niligpit sa
pinagkainan.
4. Dalhin ang mga pinagsama-samang magkakaparehong pinggan sa
______________.
5. Ilagay sa ______ ang niligpit na pinggan.

Panuto: Isagawa nang may sistema ang pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan.


Kunan ng video at ipasa sa guro sa pamamagitan ng messenger o email.

Pagsasanay C

Panuto: Isaayos ang mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang salitang
inilalarawan ng parirala:

1. hsdiwahinsg diuliq likidong ginagamit sa paghuhugas


2. ytra lalagyan
3. iyansis kasangkapan
4. pognse gamit sa paghuhugas ng pinggan
5. iskd rcka lagayan ng mga kasangkapan

3. Mga Batayang Tanong

1. Ano ang dapat mong gawin pagkatapos maghanda at kumain?


2. Paano ang wastong paraan ng paghuhugas ng pinagkainan at pinaglutuan?
3. Bakit mahalaga ang malinis at maayos na kasangkapan o gamit sa kusina?

4. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Ikalawang Araw, atbp. (kung kailangan)

Kriterya 3 2 1
1. Nagamit nang Lahat ng mga Isa sa mga Dalawa hanggang
wasto ang mga kasangkapan ay kasangkapan ay tatlong
kasangkapan sa nagamit sa hindi nagamit sa kasangkapan ay
paghuhugas at paghuhugas at paghuhugas at hindi nagamit sa
pagliligpit ng pagliligpit ng pagliligpit ng paghuhugas at
pinagkainan at pinagkainan at pinagkainan at pagliligpit ng
pinaglutuan pinaglutuan pinaglutuan pinagkainan at
pinaglutuan
2. Nakasunod sa Lahat ng paraan ng Isa sa mga paraan Dalawa hanggang
wastong paraan ng paghuhugas at ng paghuhugas at tatlo sa mga paraan
paghuhugas at pagliligpit ng pagliligpit ng ng paghuhugas at
pagliligpit ng pinagkainan at pinagkainan at pagliligpit ng
pinagkainan at pinaglutuan ay pinaglutuan ay pinagkainan at
pinaglutuan nasunod hindi nasunod pinaglutuan ay
hindi nasunod

3. Nakagawa nang Lahat ng paraan ay Isa sa mga paraan Dalawa hanggang


may sistema sa nagawa nang may ay hindi nagawa tatlo sa mga paraan
pagliligpit at Sistema nang may sistema ay hindi nagawa
paghuhugas ng nang may sistema
pinagkainan at
pinaglutuan

V. Repleksiyon

Panuto: Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa natutunan mo sa


leksyon gamit ang mga batayang tanong.
1. Ano ang mangyayari kung may sistemang sinusunod sa pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano ito nakatutulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Bakit kailangan nating matutunan ang mga paraan sa pagliligpit at paghuhugas ng


pinagkainan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

VI.Susi sa Pagwawasto

EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 4 (HOME ECONOMICS)


Unang Araw: Pagsasanay 1, Pagsasanay 2
Ikalawang Araw: Pagsasanay 1, Pagsasanay 2

A.
1. 4
2. 2
3. 5
4. 1
5. 3

B.
1. tira-tirang
2. naubos
3. Pagsama-samahin
4. tray
5. kusina

C.
1. dishwashing liquid
2. tray
3. siyansi
4. sponge
5. disk rack

You might also like