You are on page 1of 15

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
4
Ikalawang
Markahan Home Economics
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP)– Ikaapat na Baitang
Ikalawang Markahan (Home Economics)– Modyul 17: Paghahanda ng masustansiyang
Pagkain
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gary B. Valerio
Editor: Ruth D. Cabrera
Tagasuri:
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Aurelio G. Alfonso
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javena
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE


Liza A. Alvarez, Science
Bernard R. Balitao. Araling Panlipunan
Joselito E. Calios, English
Norlyn D. Conde Ed. D., MAPEH
Wilma Q. Del Rosario, LRMS
Ma. Teresita E. Herrera, Ed. D., Filipino
Perlita M. Ignacio, Ph. D. ESP/SPED
Dulce O. Santos, Ph. D., Kinder/ MTB
Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics
Inilimbag sa Pilipinas ng (School)
Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address: Maybunga Elementary School Annex
Contact No.: 02-7-9036238
E-mail Address:
EPP 4
Quarter 2
Modyul 17
panuntunan sa pagkaing
angkop sa kultura
(EPP4HE0j-16)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan (EPP) 4 H.E ng Modyul para sa araling Wastong Paggamit ng
Kubyertos

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 4


H.E Modyul ukol sa Paghahanda ng masustansiyang pagkain.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan


nasusunod ang tamang panuntunan sa pagkaing angkop sa
kultura

PAUNANG PAGSUBOK

Lagyan ng Tsek (/) kung nagagawa ang mga sumusunod na


gawain. Ekis (x) kung hindi.
Mga Gawain o Pamamaraan
1. Sama-sama ba kayong mag-anak kumain
sa hapag-kainan?

2. Nagdarasal ba kayo bago kumain?

3. Ginagamit mo ba nang maayos ang


kutsara at tinidor?

4. Inuubos mo ba ang pagkain na inilagay


mo sa iyong plato?

5. Nagkukuwento ba kayo ng mga


masasayang pangyayari sa inyong buhay
habang kumakain kayong mag-anak
BALIK-ARAL

Alin sa mga sumusunod ang mga gawaing nauukol sa pag-

aayos ng kubyertos. Lagyan ng ( ) thumbs up sa patlang ang


tamang sagot.
_____1. Ilagay sa gitna ng lamesa ang ulam gamit ang serving plate.
_____2 Paglilinis sa bahay
_____3. Pagpupunas ng lamesa bago lagyan ng mantel
_____4. Pagtatalop ng mga gulay
_____5. Paglalagay ng tray ng prutas sa gitna ng lamesa.
___________________________________________________________

ARALIN

Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain


sa hapag-kainan. Isa itong masayang tagpo na dapat
pagyamanin ng bawat kasapi ng mag-anak. Maraming
magagandang bagay ang puwedeng maganap habang
kumakain. Upang maisakatuparan ito sundin ang mga
sumusunod na panuntunan:
Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan.

1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.


2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae
bago ang lalaki.
3. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang
ipatong ang mga siko sa ibabaw ng mesa.
4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang
gamitin bilang pamalit sa kutsilyo kung may puputuling
pagkain.
5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang
paiwas sa iyo at higupin ang sabaw nang walang ingay.
6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid
ng kutsara at hindi ang dulo nito.
7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang
malapit dito kung gusto mong kumuha nito.
8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang
kasamang kumakain. Magalang na tanggihan ang pagkaing
hindi gusto.
9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip
ito ay hayaang kusang maalis ang init.
10. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.
11. Magkuwento ng masayang bagay. Iwasan ang paksang ukol sa
patay, sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala ng gana
sa pagkain.
12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang
ang kutsara at tinidor sa pinggan.
MGA PAGSASANAY

Iguhit ang masayang mukha kung nagsasabi ng

kagandahang asal sa hapag kainan at malaungkot na mukha


kung hindi.

_____1. Punuin ng pagkain ang pinggan


_____2. Gamitin ang gilid ng kutsara sa paghigop ng sabaw para
hindi matapon.
_____3. Nguyain ang pagkain ng sarado ang bibig.
_____4. Magkwento ng tungkol sa patay o maysakit habang
kumakain.
_____5. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

Isulat sa patlang ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng


pagsunod sa panununtunang sa pagkain angkop sa kultura at
Mali kung hindi angkop.

_____1. Huwag magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.


_____2. Ipakisuyo ang pagkain na malayo sa kasamahang malapit
dito kung gusto mung kumuha nito.
_____3. Hipan ng malakas ang mainit na pagkain upang itong
lumamig
_____4. Ilagay ang kubyertos sa tabi ng pinggan pagkatapos
kumain.
_____5. Maaring gawing pamalit ang tinidor sa kutsilyo sa pagputol
ng pagkain.
PAGLALAHAT

Mahalaga sa isang pamilya ang sabay-sabay na pagkain sa


hapag-kainan. Isa itong masayang tagpo na dapat pagyamanin ng
bawat kasapi ng mag-anak. Maraming magagandang bagay ang
puwedeng maganap habang kumakain. Upang maisakatuparan
ito sundin ang mga sumusunod na panuntunan sa kagandahang
asal sa hapag-kainan.

PAGPAPAHALAGA

Punan ang patlang ng tamang sagot


1. Nakita mo na nakatayong kumain ang iyong kuya, may
bakante pa na upuan sa lamesa, ano ang gagawin mo?
___________________________________________________
2. Hindi mo maabot ang ulam dahil nasa dulong bahagi ka ng
hapag kainan, ano ang iyong gagawin para makuha mo ang
ulam?
____________________________________________________
3. Nakita mo na nagdadasal ang iyong tatay sa hapag-kainan
bago kumain, ano ang iyong gagawin
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang


bawat pangungusap hinggil sa pagsunod sa panununtunan sa
pagkain angkop sa kultura, hanapin ang sagot sa kahon sa ibaba
Katamtaman Masaya Magalang
Magdasal bibig atensiyon

1. Magkuwento ng___________________ bagay habang


kumakain.
2. _______________ na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.
3. Magsubo ng _________________ dami ng pagkain
4. ________________ bago at pagkatapos kumain.
5. Nakatikom ang _________ habang ngumunguya.
Panapos na pagsusulit
1. Masaya
2. Magalang
3. Katamtaman
Pagsasanay
4. Magdasal
5. Bibig
1.
2.
3.
BALIK-ARAL Paunang Pagsubok
1. Thumbs Up 1. OO
4.
2. 2. OO
3. Thumbs Up 3. 00
5.
4. 4. 00
1. Tama
5. Thumbs up 5. 00
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 - Patnubay ng Guro.
DepEd Complex,Meralco Avenue, Pasig City:Vibal Group,Inc.,2015

Dolores M. Lavilla, Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 – Kagamitan ng Mag-
aaral. DepEd Complex,Meralco Avenue, Pasig City:Vibal
Group,Inc.,2015

file:///D:/Offline%20Version%20of%20LR%20Portal%20090217/lrmds.de
ped.gov.ph/lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/Q2%20EPP%20HE.pdf

https://news.nutritioneducationstore.com/free-nutrition-
clipart/familydinnerc_bw/

PAGKILALA

EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

NAME
Naglapat Ng Video

NAME
Video Editor

NAME
Tagapagsuri Ng Video

Gary B. Valerio
Gurong Tagapag-Ugnay

Helen C. Jagmis
Punong Guro

Sofia J. Papio
Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Pasig City

Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Telephone No.: (632) 8641-8885

Email Address: divisionofpasig@gmail.com

You might also like