You are on page 1of 13

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5
Ikalawang
Markahan Home Economics
EPP- Home Economics - Grade 5
Ikalawang Markahan – Modyul 15: Pagpili ng Sariwa, Mura at
Masustansyang Pagkain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bernadette B. Enriquez
Editor: Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Dolores O. Antolin. Pepito B. Cagunot
Tagaguhit: Edison P. Clet, Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto
Pagpili ng Sariwa, Mura at Masustansyang
Pagkain
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Home Economics 5 ng Modyul para sa araling Kahusayan sa
Pagpili ng Sariwa, Mura at Masustansyang Pagkain
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Home Economics 5 Modyul ukol sa Kahusayan sa Pagpili ng Sariwa, Mura at
Masustansyang Pagkain
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay


inaasahang naipakikita ang mahusay na pagpili ng sariwa, mura at
masustansyang sangkap.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita ng kahusayan sa


pagbili ng pagkain at Mali kung hindi.

___________1. Bumili ng napapanahon na prutas o gulay.


___________2. Nakita ni Michelle na may diskwento ang delatang
kanyang bibilhin ngunit hindi niya tinignan ang
expiration date.
___________3. Tumawad si Maria sa binili niyang sariwang isda kaya’t
nakuha niya ito sa mababang halaga.
___________4. Tuwing hapon lamang namamalengke si Lerry upang
makabili ng sariwang isda.
___________5. Piliin ang isda na namumula ang mata.

BALIK-ARAL

Panuto: Lagyan ng happy face kung ang pangungusap ay


nagsasaad ng gawain sa pamamalengke at sad face kung
hindi.

_________ 1. Piliin ang sariwang sangkap na gagamitin sa


pagluluto.
__________2. Bumibili nang mamahaling sangkap.
__________3. Pumupunta sa palengke nang maaga upang mamili.
__________4. Tinitignan ang expiration date ng pagkain.
__________5. Inaalam ang halaga ng mga bibilhin.
ARALIN

Mahusay na Pagpili ng Sariwa, Mura at Masustansyang


Pagkain
Ang wasto at maingat na pamimili ng mga pagkain ay isang paraan
upang matiyak na sariwa, mura at masustansya ang pagkaing ihahanda para
sa buong mag-anak. Mahalaga ang kalusugan ng bawat miyembro ng
pamilya kung kaya’t kailangan na masiguro natin na ligtas ang ating mga
mag-anak sa pagkain na atin ihahain. Makatitiyak tayo na maraming
sustansyang matatamo ang ating pamilya kung sariwa ang pagkain na ating
bibilhin. Dapat maging matalino tayo sa pagpili ng mga pagkain na ihahain.

Sa pamamalengke ng mga sangkap na lulutuin kailangan ang buong


pag-iingat at kaayusan para matiyak na sariwa, mura at masustansya ang
pagkaing bibihin.

Mahalagang malaman din ang katangian ng sariwa at mataas na uri ng


pagkain.

Karne ng Baboy
- Marosas-rosas ang laman nito , hindi mapula, nangingitim o
nagbeberde at maputi ang taba ng sariwang karne.
- Malambot kapag hinawakan at siksik ang laman ngunit bumabalik
sa dating anyo kapag pinisil
- May tatak na nagpapatunay na nasuri na ito ng pamahalaan.
- Walang masamang amoy

Karne ng Baka
- Mapula ang laman at madilaw naman ang taba nito.
- May tatak na nagpapatunay na nasuri na ito ng pamahalaan.
- Walang masamang amoy

Manok
- Siksik ang laman at manilaw-nilaw naman ang taba.
- Malambot at makinis at walang pasa ang balat.
- Walang maliliit na balahibong nakikita, malinis na ang lamang-
loob, mga paa at ulo .
- Natatakpan ng laman ang dulo ng buto sa pitso.
- Malambot at nababaluktot ang buto sa pitso ng manok na pamprito.
- Matigas at matatag ang buto sa pitso ng manok na panlaga.
- Walang masamang amoy

Isda
- Malinaw at nakaumbok ang mga mata.
- Mapula ang hasang.
- Makintab at kapit sa balat ang kanyang kaliskis.
- Matatag ang laman at di humihiwalay sa tinik at bumabalik sa
dating anyo kapag pinisil.
- Walang masangsang na amoy.

Itlog
- Magaspang ang balat.
- Malinaw ang pula kapag itinapat sa ilaw.
- Mabigat para sa taglay na laki.
- Walang di kanais-nais na amoy.
- Lumulubog kapag inilalagay sa palangganang may tubig.

Bungang Butil ( mais, munggo, beans , soya, garbansos)


- Pare-pareho ang laki ng butil.
- Walang mga butas o kulisap.
- Hindi nangingitim o nangungulubot.
- Maayos ang pagkakatuyo at hindi mamasa-masa.

Mga Pagkaing De-lata


- Suriin kung saan ginawa, ang petsa ng paggawa at expiration date.
- Suriin kung may yupi ang lata o maayos pa ang balat at etiketa.
- Basahin ang mga nilalaman ng sangkap kung naaayon sa sukat at
sustansya kailangan.
- Suriin ang laman kung maayos ang hitsura, amoy at lasa.

Mantika
- Malinaw ang kulay nito.
- Hindi maanta ang amoy.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem na nagsasaad ng
katangian ng sariwa at mataas na uri ng pagkain. Isulat ang
salitang tinutukoy sa loob ng crossword puzzle.

Pahalang
1. Matingkad ang kulay
3. Suriin ang expiration date
5. Naaaninag ang pula kapag
itinapat sa araw

Pababa
2.Mapula ang hasang
4.Marosas-rosas ang kulay
ng karne nito

Pagsasanay 2
Panuto: Gamitin ang scrambled letters ayon sa pagkaing tinutukoy sa
bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

__________SGBIA 1. Buo ang butil


__________BYAOB 2. Marosas-rosas ang laman
__________DIAS 3. Malinaw ang mata
__________GYUAL 4. Walang pasa
__________MKNTIAA 5. Hindi maanta ang amoy

PAGLALAHAT

Paano mo maipakikita ang pagiging mapanuri upang matiyak na


sariwa, mura at masustansya ang pagkaing iyong bibilhin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Kung ang nanay mo ang namimili sa pamilihan, paano mo siya


matutulungan ngayong may kaalaman ka na sa pamimili ng sariwang at
murang pagkain?
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Isulat ang titik nang wastong sagot:

_______1. Si Marissa ay inutusan ng kanyang ina na bumili ng sariwang


karne ng baboy. Ano ang katangian nito?
A. Matigas at berde ang kulay
B. Mapula ang laman
C. May tatak ng tindahan o pabrika
D. Marosas-rosas, malambot at walang amoy

______2. Sa mga hanay na nagtitinda ng isda, Si Aling Elsa ay may tindang


sariwang isda. Paano mo malalaman na ito ay sariwa?
A. Pisak ang mata
B. Kulay pula ang mata
C. Nakalubog ang mata
D. Maliwanag, malinaw at nakaumbok ang mata

______3.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasali sa mga katangian ng


sariwang itlog?
A. Magaspang ang balat
B. Mabigat para sa taglay na laki
C. Malinaw at maaaninag ang pula kapag itinapat sa ilaw.
D. Lumulutang kapag inilalagay sa palangganang may tubig

______4. Ano ang katangian na dapat piliin sa pamimili ng bigas?


A. Mapalay at mura.
B. Durog ang mga butil.
C. Buong-buo ang mga butil.
D. Marami ang mga bato, palay at kulisap.

______5. Maliban sa isa, ang mga sumusunod ay palatandaan sa pagbili ng


gulay at prutas. Alin ang HINDI kabilang dito?
A. Matingkad ang kulay
B. Walang pasa o bahaging malambot
C. Makintab ang balat at pantay ang pagkakahinog
D. Malambot ang laman at nangungulubot ang ibang bahagi
I. Paunang Pagsusubok II. Balik-Aral
1. Tama 1.
2. Mali 2
3. Tama 3.
4. Mali 4.
5. Mali 5.
III.PAGSASANAY :
Pagsasanay 1
Pagsasanay 2
1. BIGAS
2. BABOY
3. ISDA
4. GULAY
5. MANTIKA
Panapos na Pagsusulit
1. D 2. D 3. D 4. C 5. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Herminia E. Alviar Ma. Cereza A. Maguyon Timoteo C. Alviar Unang Edisyon
2008 Angat sa Kabuhayan 5 Rex Bookstore

Evelyn D. Deliarte Ana B. Ventura Randy R. Emen 2015 Makabuluhang


Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan Adriana Publishing Co., Inc.

Gloria A. Peralta, EdD Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan Yolanda L.


Quiambao Jeffrey D. De Guzman Elain Q. Borazon, PhD (Patnugot)
Batayang Aklat 2018 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran Vibal
Group, Inc.

You might also like