You are on page 1of 11

Edukasyon sa

Pagpapakatao
4
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 13: Natutukoy ang iba pang paraan upang mapabuti
ang pag-aalaga ng mga halaman. - Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bonavid C. Sibbaluca
Editor: Nida C. Francisco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tenikal: Jaymomuar P. Agustin
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Tivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 4
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 13
.

Natutukoy ang iba pang paraan upang


mapabuti ang pag-aalaga ng mga halaman
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Edukasyon sa Pagpapakatao 4)
Modyul 13: Natutukoy ang iba pang paraan upang mapabuti ang pag-aalaga ng mga
halaman.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa (Edukasyon sa Pagpapakatao 4) Modyul 13


ukol sa pagtukoy sa iba pang paraan upang mapabuti ang pag-aalaga ng mga
halaman.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, kayo ay inaasahang matutukoy


ang iba pang paraan upang mapabuti ang pag-aalaga ng mga
halaman

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Sagutin kung


magawa o hindi magawa ang bawat pahayag.

________1. Tumulong sa pagtatanim ng halaman sa inyong


bakuran.

________2. Sumama sa outreach program ng barangay ukol sa


pagtatanim.

________3. Tumulong sa paglilinis ng nursery ng kabarangay.

________4. Tumulong sa pagdidilig ng mga halaman sa tapat ng


inyong kapilya.

________5. Nagbibigay ng libreng buto ng mga puno o gulay sa


mga kakilala.

BALIK-ARAL

Nais mong mapanatili ang luntiang kapaligiran. Magbigay


ng 5 paraan ng pagluluntian.
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________
ARALIN

Pagmasdan ang larawan. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

1. Ano ang masasabi mo sa kapaligiran?


___________________________________________________________
2. Paano mo mapapalago ang mga halamang katulad ng nasa
larawan?
___________________________________________________________
3. Magbigay ng mga mungkahi upang mapabuti ang pag-
aalaga ng mga halaman.
___________________________________________________________

Nakararanas tayo ng malamig at sariwang hangin sa ating


paligid dahil sa luntiang halaman na patuloy nating inaalagaan.
May mga mungkahing paraan ng wastong pag-aalaga sa ating
mga halaman; laging diligan ang mga halaman lalo na sa araw ng
tag-init, linisin ang paligid ng mga halaman, at huwag hayaang
paglaruan ng mga bata. Itanim ang halamang madaling mabuhay
ayon sa uri ng panahon mayroon tayo sa bansa.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Punan ang patlang ng iyong ideya o nararamdaman mo
sa sumusunod na sitwasyon.
1. Sa aming paaralan, tuwing ako ay papasok nadadaanan ko
ang mahalimuyak na mga bulaklak dahil dito…
_________________________________________________________
2. Pag-uwe ko sa aming probinsiya nadaanan namin ang mga
nalalantang pananim sa bukirin dahil dito…
__________________________________________________________
3. Natatanaw ko sa bandang silangan ang mga nakakalbong
kabundukan dahil dito…
___________________________________________________________
4. Iba’t ibang uri ng halaman ang nasa aming bakuran kaya
tuwing umaga nais kong tumambay dito dahil…..
___________________________________________________________
5. Nakikita ko ang ginagawa ng aming janitor sa mga halaman
sa paaralan, ginugupitan niya ito at inaayos dahil dito…
___________________________________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at ilagay
sa puso ang nagbibigay ng tamang pahayag at ilagay sa
bilog ang hindi.

-Tinatapakan ng mga bata ang mga halamang natumba ng


malakas na hangin.
-Ang mga naputol na halaman ay muling itinanim.
-Mahilig laruin nila Ana at Nene ang mga halaman sa kanilang
hardin at kinukurot ang mga dahon nito.
-Dahil tinatakpan ng mga malalagong halaman ang harapan ng
kanilang bahay, tinanggal nalang ang mga ito.
-Tuwing madaling araw dinidiligan ni Nanay ang kanyang mga
halaman.
-Tinatanggalan ng mga tumutubong ligaw na damo ang
kanilang mga halaman.

Pagsasanay 3
Bilang isang mag-aaral, anu-ano ang mga dapat mong gawin sa
halamang ito upang mabuhay? Isulat ang iyong sagot sa tabi ng
halaman.
PAGLALAHAT

Sagutin ang bawat tanong.


1. Ano-ano ang mga mungkahing paraan ng pangangalaga sa
ating mga halaman?
__________________________________________________________
2. Bakit kinakailangang matutunan ang mga iba’t ibang
paraan ng pag-aalaga sa ating mga halaman?

PAGPAPAHALAGA

Sumulat ng mga paalala sa mga kabataan ngayon tungkol sa


kahalagahan at pangangalaga sa ating mga halaman.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Sagutin ang bawat pahayag ng tama o mali.

_______1. Ang mga halamang itatanim ay magbibigay buhay sa


kapaligiran.
_______2. Lahat ng may buhay sa mundo, isa na ang halaman
ay mahalaga sa tao.
_______3. Bawat halamang itatanim mo ay may katumbas na
biyaya.
_______4. Walang dulot na kagandahan sa atin ang ibinibigay
ng paghahalaman.
_______5. Hindi nakapagbibigay ng sariwag hangin ang mga
halaman sa bakuran.
aalaga+ng+mga+halaman&tbm=isch&
https://www.google.com/search?q=mga+paraan+upang+mapabuti+ang+pag-
https://www.slideshare.net/edithahonradez/esp-yunit-iv-aralin-5
B.Online Resources
Kto12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kagamitan ng Guro (Yunit III)
Kto12 Edukasyon sa Pagpapakatao 4 - Kagamitan ng Mag-aaral (Yunit III)
A.DepEd Resources
Sanggunian
Tinatapakan ng mga bata ang mga halamang
natumba ng malakas na hangin.
Ang mga naputol na halaman ay muling itinanim.
-Mahilig laruin nila Ana at Nene ang mga
halaman sa kanilang hardin at kinukurot ang -Tuwing madaling araw dinidiligan ni Nanay ang
mga dahon nito. kanyang mga halaman.
-Dahil tinatakpan ng mga malalagong halaman -Tinatanggalan ng mga tumutubong ligaw na damo
ang harapan ng kanilang bahay, tinanggal ang kanilang mga halaman.
nalang ang mga ito.
Paunang pagsubok Balik-Aral Panapos na Gawain
1. magawa 1Magtanim ng halaman 1.C
2.magawa 2. Alagaan ang mga 2.B
halaman
3. magawa 3. Huwag hayaaan sirain 3.A
ang halaman
4. magawa 4. Alagaan ang mga 4.A
halaman
5. magawa 5.Magbahagi ng mga 5.D
buto ng pananim sa iba.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like