You are on page 1of 18

Filipino 5

Filipino – Ikalimang Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
sa pagsasalaysay ng napakinggang balita.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Melvin V. Fernandez
Editor: Dr. Victor M. Javeῆa
Tagasuri: Miriam V. Cencil
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:Rona C. Almazan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 5
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 2
Paggamit ng iba’t ibang Uri ng
Pangungusap sa pagsasalaysay ng
napakinggang balita.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Ikalimang Baitangng
Modyul para sa araling Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa
pagsasalaysay ng napakinggang balita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin,sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Ikalimang Baitang Modyul ukol sa


Paggamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang
balita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito,ang mag-aaral ay


inaasahang :
A. Nakagagamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap
sa pagsasalaysay ng napakinggang balita
; at
B. nasasagot nang wasto ang mga tanong at
pagsasanay.

PAUNANG PAGSUBOK
PANUTO: Tukuyin ang uri ng pangungusap. Isulat ang PS
sa patlang kung pasalaysay, PT kung patanong, PK kung
pakiusap, PU kung pautos, at PD kung padamdam.
_____1. Nagsisisigaw pa rin ba si Annie?
_____2. Hoy! Ang yabang mo!
_____3. Pakisabi kay Angie na gusto ko siyang makausap.
_____4. Inalalayang tumayo ni Gammie si Cora.
_____5. Ikuha mo ako ng bato sa may dalampasigan.

BALIK-ARAL

Ilagay ang tsek (/) sa patlang kung ang pariralang may


salungguhit sa pangungusap ay nagsasaad ng sanhi, at
ekis (x) naman kung ito ay bunga.
___1. Malayo sa kabihasnan ang baryong tinitirhan ni
Susan kaya mahirap itong puntahan.
___2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na
ang lahat.
___3. Masikip na ang sapatos ni Loie kaya binilhan siya ng
bago ng kaniyang tatay.
___4. Sapagkat hindi marunong lumangoy si Chona,
ginamit niya ang salbabida.
___5. Tinaas ni Melvin ang kanyang kamay dahil alam
niya ang sagot sa tanong ng guro.

ARALIN

Basahin ang balitang inihanda ng guro para sa iyo.


Sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Pagpuputol ng mga puno sa Mt. Makiling kinondena


Sa ulat ni Gemma Amargo- Garcia (May0 10, 2014)

Maynila, Pilipinas- Mariing kinondena ni dating


Environment Secretary at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza
ang pagpuputol ng mga puno ng Department of Public
Works and Highways (DPWH) sa paanan ng Bundok
Makiling sa Los Baños, Laguna.
Sa privilege speech ni Atienza, sinabi nito na hindi
niya papayagan na ang natural resources ng bansa ay
masasakripisyo para lamang sa progreso.
Ang tinutukoy ni Atienza ay ang 18 puno na
tinatayang mahigit 50 taong gulang ang pinutol sa
Barangay Timugan para sa road-widening project ng
DPWH ng walang kaukulang permiso mula sa Department
of Environment and Natural Resources (DENR).
Paliwanag pa ng mambabatas, dapat na matuto na
sa nararanasang matinding init sa ngayon dahil sa
kawalan ng mga puno sa bansa kaya dapat na mas
magtanim ng maraming puno at alagaan ito.
Umapela ito sa DPWH at DENR na suriing mabuti ang
nasabing isyu.
Samantala, pinapurihan naman nito si Congressman
Joaquin Chipeco Jr ng 2nd District ng Laguna dahil sa
agad nitong pagpapatigil sa nasabing proyekto.

1. Tungkol saan ang balita?_________


2. Sino ang kumondena sa pagpuputol ng mga puno sa
paanan ng bundok Makiling?____________
3. Bakit nais ipaputol ang mga puno sa paanan ng
bundok? ______________________________
4. Ano pa ang karagdagang paliwanag ng mambabatas
ukol sa mariin niyang pagkondena sa pagpuputol ng
mga puno? ____________________________
5.Wasto bang maisakripisyo ang mga natural resources sa
pag-unlad ng isang lugar? Ipaliwanag ang iyong sagot.
________________________________________________

Basahin mo ang mga pangungusap na kinuha mula sa


balita.
1. Kinondena ni dating Environment Secretary at Buhay
Partylist Rep. Lito Atienza ang pagpuputol ng mga
puno sa paanan ng bundok Makiling.
2. Bakit isasakripisyo ang natural resources ng bansa
para lamang sa progreso?
3. Pakipatigil ang pagpuputol ng mga puno sa paanan
ng bundok.
4. Magtanim kayo ng maraming puno at alagaan ang
mga ito.
5. Napakainit na ng panahon! Matuto na tayo!

Mapapansin na ang unang pangungusap ay


naglalahad ng isang katotohanan na naganap sa balita.
Ito ay ang pangungusap na pasalaysay. Ang
pangungusap na pasalaysay ay maaaring
nagkukuwento o nagsasalaysay at nagtatapos ito sa
bantas na tuldok. (Halimbawa: Si Ana ay matulin
tumakbo.)

Ang ikalawang pangungusap naman ay pangungusap


na humihingi ng kasagutan. Ito ay ang pangungusap na
patanong kung saan nagsisiyasat o nagtatanong ang
ganitong uri at nagtatapos sa tandang pananong (?).
(Halimbawa: Kailan kaya matatapos ang pandemiyang
ito?)

Sa ikatlong pangungusap, mapapansin na ang diwa


nito ay humihingi ng pabor. Ito ay tinatawag na
pangungusap na pakiusap. Ito ay ginagamitan ng
magagalang na salita upang makiusap. Maaaring
gamitan ito ng bantas na tuldok o tandang pananong.
(Halimbawa: Maaari ba akong humiram ng lapis?
Pakibukas naman po ang pinto.)
Ang pangungusap naman sa ikaapat na bilang ay
pangungusap na nag-uutos at nagpapahayag ng
obligasyong dapat gawin. Ito ay tinatawag na
pangungusap ng pautos. Nagtatapos din ito sa tuldok.
(Halimbawa: Magdilig ka ng halaman.)

Samantala, sa panghuling pangungusap, mapapansin


na ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng masidhing
damdamin. Ito ay ang pangungusap na padamdam.
Maaaring ang damdaming isinasaad nito ay tuwa, takot
o pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang padamdam
(!). (Halimbawa: Naku! Ang daming insekto!)

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Basahin ang balita sa ibaba. Gumawa ng 5
pangungusap upang isalayasay ang binasang balita.
PAGSASANAY 2
Basahin ang balita. Lagyan ng tsek (/) kung ang
pangungusap sa bawat bilang ay hango o
nagsasalaysay ng mga pangyayari sa balita at ekis (x)
kung hindi.

______1. Si Arlene Go ay ang 12 taong gulang na anak ng


mayamang Intsik.
______2. Iyong aso kinikidnap! Tulungan ninyo!
______3. Magbigay kayo ng sampung milyong piso kapalit
ng anak ninyo.
______4. Maaari ka bang bumaba ng traysikel Ginoong
tsuper?
______5. Tumakas ang mga kidnaper patungong
Caloocan.

PAGSASANAY 3
Piliin ang tamang pangungusap ayon sa sitwasyong
nakalahad.
1. Isinasalaysay ni Lito na nakakita siya ng itim na pusa
sa kalsada.
a. Ako ba ay nakakita ng itim na pusa sa kalsada?
b. Nakakita ako ng itim na pusa sa kalsada.
c. Naku! May itim na pusa sa kalsada!
d. Tignan ninyo ang itim na pusa sa kalsada.

2. Nagtatanong si Mario sa kaniyang Nanay kung


tutuloy pa ba silang pamilya sa pag-uwi sa
probinsiya.
a. Pakitanong nga si Nanay kung tutuloy tayong
umuwi sa probinsiya.
b. Yes! Uuwi tayo sa probinsiya!
c. Nanay, tuloy po ba ang ating pag-uwi sa
probinsiya?
d. Kami ay uuwi sa probinsiya.

3. Tuwang-tuwang binuksan ni Dhing ang regalong


damit ng kaniyang Ninang Glecy.
a. Wow! Ang ganda ng bago kung damit!
b. Maganda ang bago kong damit.
c. Buksan mo nga ang regalo.
d. Maganda ba ang regalo ng Ninang Glecy ko?

4. Inutusan si Mello na magsibak ng kahoy ng kaniyang


ama.
a. Maaari ka bang magsibak ng kahoy?
b. Mello, magsibak ka ng kahoy.
c. Nagsisibak ng kahoy si Mello.
d. Bakit ka nagsisibak ng kahoy?

5. Nakikiusap ang kapitan na huwag magtapon ng


mga basura sa ilog.
a. Saan ninyo itatapon ang mga basura?
b. Naku! Maruming marumi na ang ating ilog!
c. Maaari bang huwag tayong magtapon ng mga
basura sa ilog?
d. Huwag ninyong itapon sa ilog ang mga basura.

PAGLALAHAT

Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang isinasaad sa


bawat bilang. Piliin ang sagot sa kahong nasa ibaba.

Pasalaysay Patanong
Padamdam
Pakiusap Pautos

1. Ang pangungusap na _________ ay ginagamitan ng


magagalang na salita upang makiusap. Maaaring
gamitan ito ng bantas na tuldok o tandang pananong.
2. Ang pangungusap na _________ ay maaaring
nagkukuwento o nagsasalaysay at nagtatapos ito sa
bantas na tuldok.
3. Ang pangungusap na ________ ay nagsisiyasat o
nagtatanong at nagtatapos sa tandang pananong.
4. Ang pangungusap na ________ay nag-uutos at
nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin.
5. Ang pangungusap na _______ ay nagsasaad ng
masidhing damdamin at nagtatapos sa tandang
padamdam.
PAGPAPAHALAGA

Lagyan ng tsek (/) kung tama ang diwa ng pangungusap


at ekis (X) kung mali.
__1. Kapag nagsasalaysay ng balita, kailangang pasigaw
para naririnig ng lahat.
__2.Gumamit ng magagalang na salita kapag nakikiusap.
__3. Hindi kinakailangang may sagot ang pangungusap
na patanong.
__4.Huwag bigyan ng damdamin sa tuwing magbabasa
ng pangungusap na padamdam.
__5.Sumunod lamang sa mga utos ng magulang kapag
may binibigay na pera.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin ang


pangungusap na aayon sa sitwasyong nakalahad.
1. Nagtatanong si Clark sa kanyang Nanay kung
dadaan sila sa palengke.
a. Dadaan ba tayo sa palengke Nanay?
b. Nanay, daanan na natin ang palengke.
c. Nanay, inuutusan kita, dumaan tayo sa
palengke.
d. Yehey! Dadaan tayo sa palengke!

2. Inutusan si Jayson ng kaniyang Ate Joan na


magdilig ng halaman.
a. Jayson, bakit hindi ka nagdidilig ng halaman?
b. Magdilig ka nga ng halaman, Jayson.
c. Wow! Nagdidilig ng halaman si Jayson!
d. Si Jayson ay nagdidilig ng halaman.

3. Naipit ang kamay ni Ester sa pinto.


a. Bakit naipit ang kamay mo sa pinto?
b. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto!
c. Pakiipit nga ang kamay ko sa pinto.
d. Naipit ang kamay ko sa pinto.

4. Naiwan mo ang iyong lapis na gagamitin sa


inyong klase sa sining, paano ka makikiusap sa
iyong kaklase upang manghiram ng lapis?
a. Bakit mo ako pahihiramin ng lapis?
b. Maaari bang makahiram ng lapis?
c. Pahiram nga ng lapis.
d. Ako ay nanghiram ng lapis.

5. Sinabi ni Nicole sa kaniyang guro na tapos na


siyang sumagot sa pagsusulit.
a. Binibining Cruz, tapos na po ako sa pagsusulit.
b. Ginoong Ramos, iwawasto na po ba natin
ang sagot?
c. Yes! Tapos na ako!
d. Sinong hindi pa tapos?
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok Pagsasanay 3


1. PT 1. b
2. PD 2. c
3. PK 3. a
4. PS 4. b
5. PU 5. c
Balik-Aral Paglalahat
1. / 1. Pakiusap
2. x 2. Pasalaysay
3. x 3. Patanong
4. / 4. Pautos
5. s/ 5. Padamdam
Pagsasanay 1 Pagpapahalaga
1. 1.x
2. 2./
3. 3.x
4. 4.x
5. 5.x
Pagsasanay 2 Panapos na Pagsubok
1. / 1. a
2. X 2. b
3. / 3. b
4. X 4. b
5. / 5. a
ARALIN
1.Ang balita ay tungkol sa pagkondena sa
pagpuputol ng mga puno sa bundok Makiling.
2. Ang kumondena sa pagpuputol ng mga puno
ay si dating Environment Secretary at Buhay
Partlist Rep. Lito Atienza.
3. Nais ipaputol ang mga puno sa paanan ng
bundok Makiling dahil sa road-widening project
ng DPWH.
4. Paliwanag pa ng mambabatas, dapat
namatuto na tayo sa nararanasang matinding
init dahil sa kawalan ng mga puno sa bansa.
5. Hindi wastong maisakripisyo ang mga natural
resources sa pag-unlad ng isang lugar sapagkat
nasisra naman ang mga likas na yaman at may
balik itong epekto sa ating kapaligiran tulad ng
“climate change”.

Sanggunian
A. Aklat
Alab Filipino-Ikalimang Baitang
Vibal Group, Inc. 2016
ISBN: 978-971-07-3886-1
B. Online o Elektronikang Pinagmulan
https://www.google.com.ph

You might also like