You are on page 1of 30

ESP 5

QUARTER
3
Taglay Na Kaugaliang
Pilipino, Tanda Ng
Pagmamahal Sa Bansa
SUBUKIN
Basahin mo ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang tsek () kung sangayon ka sa pahayag at ekis
(X) kung hindi.
__________ 1. Nakikilahok ako sa programa ng aming
barangay tulad ng paglilinis ng aming kapaligiran at mga
kanal.
__________ 2. Tumutulong lamang ako sa
nangangailangan kung mayroon itong kapalit. __________
3. Nakangiting sinasalubong ko sina lolo at lola kung sila
ay papasyal sa aming tahanan.
__________ 4. Pinipili ko ang taong dapat tulungan.
__________ 5. Nagbibigay ako nang walang pag-
aalinlangan.
 
BALIKAN
Isulat ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
kaugalian ng mga Pilipino at DK kung hindi. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
_______ 1. Pagtutulungan o bayanihan ng bawat
kasapi ng pamayanan.
_______ 2. Pagtangkilik sa mga produktong
banyaga. _______ 3. Pagtanaw ng utang na loob.
_______ 4. Pakikiisa sa mga gawain tuwing piyesta.
_______ 5. Hindi paghahanda ng mga prutas na
bilog tuwing sasapit ang bagong taon.
ARALIN
Ang pagmamahal sa bansa ay isa sa mga
kaugalian nating mga Pilipino. Maipapakita
natin ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng
mga katangian, kultura at kaugaliang
kumakatawan sa ating mga Pilipino.
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at
samahan mo akong tuklasin ang hiwaga ng
bayanihan.
Bayanihan sa Panahon ng Pandemya
Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang mga
opisyales ng barangay sa pangunguna ng kanilang
kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang proyekto ang
kanilang napagkasunduang gawin upang
matulungan ang mga pamilya na nawalan ng
hanapbuhay dahil sa pandemya. Naisipan ng
kapitan na lumapit sa mga maykayang mamamayan
ng barangay upang humingi ng donasyon na
makatutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng
pandemya.
Marami ang tumugon sa naging proyekto ng barangay, isa
na rito ang pamilyang Mabunga na nagbigay ng mga
donasyon tulad ng bigas, de lata at hygiene kit. Maliban sa
kanila marami pang may-kayang pamilya ang nakilahok at
nagbigay ng tulong sa nasabing proyekto dahil sa
magandang adhikain nito. Ipinapakita lamang nito na ang
pagbabayanihan o pagtutulungan ng bawat isa ay tanda ng
pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa. Naunawaan
mo ba ang maikling kuwento? Kung gayon, iyong sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.
1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?
2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong?
3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon para
sa proyekto?
4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga
mamamayang nagbigay ng donasyon para sa
proyekto ng kanilang barangay?
5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung
ang pamilya niyo ay nakaluluwag din sa buhay?
Bakit?
MGA
PAGSASANA
Y
Gawain 1 Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon
at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel o kuwaderno.May nakita kang batang gusgusin sa
labas ng Jollibee habang kayo ay kumakain. Maraming pagkain
ang nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang
kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng
ito. Ano ang iyong gagawin?
a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang
bata.
b. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
c. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita. d. Paaalisin
ang batang gusgusin upang hindi mo siya makita.
2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May
dala siyang mabigat na bayong. Hirap na hirap siya sa
pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang iyong
gagawin?
Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang
makauwi agad sa bahay.
b. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
c. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang
magbubuhat ng dala niyang bayong hanggang sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.
 
3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng
anak nilang si Josh. May batang babae na naliligo malapit sa
kanila. Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi ng
tulong. Namumulikat ang paa ng batang babae kaya
nahihirapan siyang lumangoy. Ano ang posibleng gagawin ng
pamilyang Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil
hindi naman nila kaano-ano iyon.
b. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi
nila kaano-ano.
c. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa
kaniya.
d. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.
4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw
lamang ang nakakita sa kaniya dahil hindi matao ang lugar
na iyon. May dala kang first aid kit sa iyong bag. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi
sa bahay ninyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
c. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na
natamo sa kaniyang pagkakadapa.
d. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.
5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na
lutuan o kalan. Ang bahay ng iyong kaibigan ay nadamay sa
sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay.
Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung maaaring
makikitira muna sila ng isang buwan sa inyong bahay. Ano ang
inyong magiging tugon ukol dito?
a. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng
pamilya ng iyong kaibigan.
b. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
c. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong
bahay.
d. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila
sa buhay.
 
Gawain 2
Lagyan ng () ang bilang ng pangungusap na nagpapakita
ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino at (X) kung hindi.
Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot.
__________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng
pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit.
__________ 3. Tumulong nang kusang-loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit
pa. __________ 5. Isinasapuso lagi ang pakikipagtulungan
sa kapwa.
Gawain 3
Bilang isang mag-aaral, paano
mo maipagmamalaki ang mga
natatanging kaugalian nating
mga Pilipino?
PAGLALAHAT
Likas sa ating mga Pilipino ang mga natatanging
kaugalian. Kilala tayo sa pagiging matulungin sa ating
kapwa ito’y kaugaliang kanais-nais, magiliw na
pagtanggap sa mga panauhin, mapagmahal sa pamilya,
pagiging masayahin ay ilan lamang sa mga mabubuting
kaugaliang Pilipino. Lagi nating tatandaan na ang
pagtutulungan o bayanihan ay hindi natin dapat
makaligtaan kahit kailan. Sapagkat ito ang magiging daan
tungo sa kaunlaran ng buong sambayanan.
 
Upang mas lalong mapalalim ang
iyong pag-unawa sa aralin na ito,
punan ang graphic organizer ng mga
halimbawa ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino mayroon ang
iyong pamilya. Gawin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
PAGPAPAHALAGA
Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating
magagandang kaugalian at tradisyon. Karamihan
sa mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng pagiging
isang mabuting mamamayan. Tingnan ang mga
larawan. Isulat sa iyong kuwaderno o sagutang
papel ang bilang na nagpapakita ng kanais-nais na
kaugaliang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit ito ang
iyong napili.
PAGSUSULI
T
Panuto: Iguhit ang masayang mukha () kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang
Pilipino at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. __________ 1.
Nagmamano sa magulang at nakatatanda bilang paggalang.
__________ 2. Gumagamit ng “po” at “opo” sa pagsagot sa
mga nakatatanda.
__________ 3. Nagsisikap na tumulong sa abot ng
makakaya.
__________ 4. Inaasikaso at pinauupo ang mga panauhin sa
tahanan.
__________ 5. Handa akong tumulong sa aking kapwa sa
lahat ng pagkakataon.
__________ 6. Umiiwas sa mga gawaing
pambarangay.
__________ 7. Lumalahok sa mga gawaing
magpapaunlad sa paaralan.
__________8. Nakikiisa at tumutulong sa mga
programang pangkalinisan at pangkapaligiran.
__________ 9. Umiiwas sa mga gawaing
pambayan. __________ 10. Hindi binibigyang
pansin ang mga taong nangangailangan ng
tulong.

You might also like