You are on page 1of 21

Ikalawang Markahan – Modyul 3

Aralin 5-6

1
Filipino - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 3
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module

Authors: Repoldo R. Abunda Jr. Dolly P. Murallon


Roy Roderick C. Pasco Marites L. Malinis
Rodin L. Lagus Carmelita S. Tirol
Felipa R. Cunican Rosemarie B. Tapayan
Fery T. Arcadio Emmagen D. Embradura
Elsa B. Buhisan Evelyn Maestrado
Belinda D. Amlon Irene Grace A. Legarte
Karen Lou G. Lopez Cristelle C. Densing
Hermila C. Econg Cora Joanna S. Flores
Delia O. Dahunan Irene Grace Legarte

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Jasmine I. Gaogao, PSDS
Rolito M. Sialana, Principal
Miraluna M. Gaabucayan, Principal
Melanie G. Lagus, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia, Teacher

Management Team

Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI


Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Members: Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES
Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

5
Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 3
Aralin 5-6

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya …………………………………………………………………….. ii
Nilalaman ng Modyul ………………………………………………...................... ii
Pangkalahatang Panuto ……………………………………………………………. iii
Icons na Ginagamit sa Modyul ………………………………………………...........iv

Modyul 3
Aralin 5:
Paglalarawan ng mga Tauhan at Tagpuan sa Teksto

Balikan........................................................................................................................1
Alamin ........................................................................................................................1
Tuklasin ......................................................................................................................2-3
Suriin ..........................................................................................................................3-4
Pagyamanin ................................................................................................................4
Isaisip .........................................................................................................................4-5
Isagawa .......................................................................................................................5

Aralin 6:

Pagbibigay ng Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Talaarawan/ Talambuhay

Balikan .................................................................................................................................6
Alamin...................................................................................................................................6
Tuklasin ............................................................................................................................... 6-7
Suriin ................................................................................................................................... 8
Pagyamanin ……………………………………………………………………………….. 8-9
Isaisip ………………………………………………………………………………………9
Isagawa .................................................................................................................................9-10

Susi sa Pagwawasto………………………………………………………………………..11-13
Sanggunian………………………………………………………………………………...13
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din ng mga mag-aaral na
gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang Wikang Filipino sa
pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-aaral
sa halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin kung saan masusuri
ang natututuhan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa
Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga
nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat na matutuhan ng mga
mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga mag-aaral


at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin at sa


bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututuhan sa mga pangyayari o sitwasyon sa
totoong buhay.

ii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang mabuti ang
mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang regular. Sundin mo
nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga
nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na tahimik,
ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung kinakailangan
ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang gumamit o
pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-aral.

3. Maglaan ng kuwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga Gawain at
mga tala ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang iyong mga pagninilay sa
isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at
damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning pagkatuto at mapagtapos
ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o sa mga


awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga aralin na
kinakaharap.

iii
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutuhan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutuhan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutuhan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutuhan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutuhan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

iv
Aralin
Paglalarawan ng mga Tauhan at
5 Tagpuan sa Teksto

Balikan
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at isulat sa sagutang papel ang mga pandiwangginamit.
1. Maagang nagising si Maria dahil ginising siya ng kanyang ina.
2. Binuksan niya ang mga bintana at pinto.
3. Dapat basahin ang mga panuto sa modyul.
4. Si Binibining Maestrado ang magtutoro ng MAPEH ngayong hapon.
5. Sa kabilang bahay nagligo si Chaprel.
6. Si Nanay ay uminom ng mainit na tsaa sa kusina.
7. Narinig ni kardo ang mga bosina ng sasakyan sa labas.
8. Si Ate Nezzel ay naghanda ng masarap na pananghalian.
9. Mahigpit na niyakap niya ang kanyang anak.
10. Sabay- sabay kumain ng almusal ang buong mag-anak.

Alamin

Pagkatapos matalakay ang modyul na ito, kayo ay inaasahang:


1. nailalarawan ang mga tauhan at tagpuan ng teskto;
2. nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto;
3.naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon nang may wastong tono, diin,
bilis, antala at intonasyon; at
4. naisusulat nang malinaw at wasto ang mga pangungusap at talata.

1
Tuklasin

Panuto: Basahin ang alamat at sagutin ang mga katanungan.


“Alamat ng Bahaghari”
Sa simula pa lamang, mayroon ng pitong kulay dito sa mundo. Sila ay sina Pula,
Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo at Lila.
Inatasan sila ni Bathala na magbigay ng kulay dito sa mundo ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon, hindi sila magkasundo-sundo. Sinabi ni Bathala, na magtulong-
tulong at magbigayan sa lahat ng oras sa isa't-isa ngunit hindi nila ito ginagawa. Patuloy
silang hindi nagkakasundo sa iba't ibang bagay. Palagi silang nagkakaroon ng kumpitensya
sa isa't-isa lalo na sa oras ng kanilang trabaho. Sabi ni Luntian, "Ako ang pinakamaraming
nagawa dito kaya nararapat lamang na ako ang mabigyan ni Bathala ng gantimpala."
Ngunit sumagot si Bughaw, "Anong sinasabi mo dyan na ikaw ang maraming nagawa?
Hindi hamak na mas marami ang ambag ko kaysa iyo. Tingnan mo na lamang ang
karagatan at ang kalangitan, at iyong makikita ang aking pinaghirapan kung kaya ako ang
nararapat na mabigyan ng sinasabi mong gantimpala." Ngunit hindi pa natapos ang alitan,
bagkus ay lalo pa itong lumala dahil nakisali sa usapan ang iba pang mga kulay.
Nagpapagalingan sila ng nagpapagalingan. Pasikatan ng pasikatan at walang nagpapatalo.
Gusto nilang lahat na mabigyan ng gantimpala, kaya lalong tumindi ang kanilang
kumpitensya. Nagkagulo sila dahil sa kanilang pagtatalo.
Narinig ni Bathala ang nangyayari, ang pagtatalo ng mga kulay. Dahil dito, nagalit
si Bathala. Pinarusahan sila nito. Sinabi niya, "dahil hindi kayo magkasundo, paparusahan
ko kayo ng ayon sa inyong kagustuhan.Dahil palagi kayong magkakakumpitensya, gusto
kong malaman ninyo ang kahalagahan ng kooperasyon sa isa't-isa. Ang kahalagahan ng
bawat isa sa inyo. Mula ngayon hanggang sa habang buhay, gagawin ko kayong isa upang
nang sa gayon ay maramdaman ninyo ang inyong kahalagahan at kagandahan ng bawat isa
sa inyo."
Kung kaya pinagsama ni Bathala ang pitong kulay. Pinagdikit dikit niya ang mga
ito. At dahil sobrang galit ni Bathala, siya ay nahabag sa pag-iyak. At nagtago ang mga
kulay sa takot kay Bathala. Lumabas na lamang sila pagkatapos umiyak ni Bathala. Ngunit
laking gulat nila nang sila'y lumabas na dikit-dikit na sila. Hindi na nila mapaghiwalay ang
kanilang mga sarili kahit anong pilit nila. At nalaman nila na mula sa pito, sila'y naging isa.
Sa pangyayaring iyon, sinasabing si Bathala na kanilang hari ay nahabag. Kung
kaya ngayon, ang habag na hari na pinagmulan ng mga ito ay sa paglaoy naging
bahaghari.Ang pitong kulay ay tinawag na bahaghari. Mapupuna natin ngayon na ang
bahaghari ay lumalabas na lamang pagkatapos ng ulan na nangangahulugang pagiyak ni
Bathala. At makikita natin dito ang pitong kulay na naging isa na hanggang sa ngayon ay
tinatatawag nating BAHAGHARI.
2
Gawain 1: Pag-intindi sa Alamat na binasa:
1. Saan naganap ang kwento? ______________________________________
2. Ano ang palaging pinagbibilin ni Bathala sa mga pitong kulay? _________
3. Bakit nagkaroon ng pagtatalo ang mga kulay? _______________________
4. Ano ang binigay na parusa ni Bathala? _____________________________
5. Ano ang nakuha mong aral sa kwentong binasa? _____________________

Gawain 2: Matapos basahin ang isang alamat, sagutin ang mga tanong na tsart.

TAGPUAN TAUHAN

Saan naganap ang Kailan Ano-ano ang Sino-sino ang


kuwento? naganap ang mga katangian mga tauhan?
kuwento? ng mga tauhan?

Suriin
Nasusukat ang lubos na pag-unawa sa anumang binasa kapag natugunan ang mga
batayang katanungan. Sa tulong ng mga tagpuan at tauhan, nailalarawan ang
nilalaman ng teksto.

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Si Carla at Mary ay matalik na magkakaibigan. Sila ay nagkita sa parke kasama ang iba
pa nilang kaibigan. Napag usapan nila ang palapit na pagsisismula nang pasukan sa susunod
na buwan. Si Carla ay nasasabik na pumasok sa paaralan habang si Mary ay kabaliktaran.
Ayaw pa niyang pumasok dahil nagugustuhan na niyang palaging laro ang inaatupag. Napag
usapan din nila ang kanilang bagong silid-aralan at bagong kaklase. Umuwi sila sa hapon na
masaya at maraming napagkwentuhan.

3
Kailan nangyari Saan nangyari Sino-sino ang
ang kuwento? ang kuwento? mga tauhan sa
kuwento?

Ano-ano ang
mga katangian ng
mga tauhan?

Pagyamanin

A. Piliin ang katangian na inilalarawan sa bilang. Pumili ng sagot sa kahon. Isulat ang letra
ng tamang sagot.

a. masipag d. masikap
b. maingat e. mapagmahal
c. Pagiging madaldal

_________ 1. Pinipili ni Nanay ang mga palabas sa telebisyon na may mabubuting


kahulugan para sa kanyang mga anak.
_________ 2. Pag-uwi ni Jacob sa bahay ay agad niyang sinasagutan ang kanyang
mga takdang-aralin.
_________ 3. Nagsisipag si Kyla na makakuha ng malaking marka kahit mahirap
ang aralin.
_________ 4. Inaaruga ni Nanay ang kanyang mga anak.
_________ 5. Dapat iwasan ang ugali ito upang hindi palaging mapahamak.

Isaisip

Panuto: Basahin ang kwento sa ibaba. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.
Si Betty ay isang batang ulila. Nasawi ang kanyang mga magulang sa isang aksidente.
Dahil ditto siya ay inampon ng kanyang Tita Myrna. Naging malungkot ang buhay ni
Betty. Lahat ng gawain sa bahay gaya ng pagluluto, paglalaba, at paglilinis sa bahay ay sa
kanya pinagagawa.
4
Bukod sa utos dito, utos doon palaging din siyang sinisigawan at pinapalo ng kanyang
Tita Myrna kapag siya ay nagkakamali. Uupo siya sa ilalim ng puno na lagi niyang
pinagtataguan tuwing siya’y umiiyak.
Isang matandang kapitbahay ang nakasaksi nito kaya kinubinse niya si Betty na doon
na lamang tumira sa kanila. Masaya si Betty sa kanyang pagtira habang ginagampanan
niya nang mabuti ang pagtulong sa matanda.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
_________________________________
2. Saan nangyari ang kwento? _________________________________________
3. Nasawi ang mga magulang ni Betty sa isang aksidente. Ilarawan ang buhay ni
Betty. __________________________________________________________
4. Lahat ng gawain ay kanyang ginawa. Si Betty ay isang ___________________
na bata.
5. Madalas pinapalo at sinisigawan si Betty ng kanyang Tita Myrna. Si tita Myrna
ay ____________________________________________________________.
6. Isang matandang kapitbahay ang naawa kay Betty at kinumbinse siyang doon
na lamang tumira. Ang matandang kapitbahay ay isang
_____________________ na tao.

Isagawa

Panuto: Basahin at intindihin ang talata at isulat ang sagot sa patlang.

Sa simula’y naging palaisipan si Cecila sa kanyang guro. Mahiyain siya, palaging kupas
ang damit, walang baon, walang kaibigan at palaging tahimik. Isang araw, pinagbintangan ito ni
Ferdinand na kumuha ng kanyang limampisong baon. Isinumbong ito ni Ferdinand sa kanyang
guro.
Malapit na sanang paniwalaan ng guro si Ferdinand dahil sa Ferdiand ay isang malinis na
bata, palaging puti ang suot, bibung-bibong bata at palaging mabango. Inisip ng guro na talagang
may pera si Ferdinandat si Cecilia ay wala. Maya maya’y dumating ang bata na nasa ika limang
baitang na siyang nakapulot sa pera ni Ferdinand. Buti nalang hindi napagalitan ng guro si
Cecilia.

Ilarawan si Cecilia sa pamamagitan ng kanyang:


1. damit _____________________________________________________________
2. ugali _____________________________________________________________
Ilarawan si Ferdinand sa pamamagitan ng kanyang:
3. damit _____________________________________________________________
4. ugali _____________________________________________________________
5. pagsasalita _______________________________________________________
5
Aralin Pagbibigay ng Mahahalagang
Pangyayari sa Nabasang Talaarawan/
6 Talambuhay

Balikan

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar.


1. taksil
2. masinop
3. bukangliwayway
4. maligamgam
5. kompleanyo
6. anak-dalita
7. marupok
8. pighati
9. okasyon
10. tumalima

Alamin

Pagkatapos ng aralin na ito akyo ay inaasahang makapagbibigay ng mahahalagang


pangyayari sa nabasang talaarawan/talambuhay.

Tuklasin
Basahin at unawain ang talambuhay ni Elpidio Quirino

Ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas, si Elpidio Quirino, ay


isinilang noong Nobyembre 16, 1890 sa Vigan, Ilocos Sur. Natapos
niya ang kanyang antas sa batas sa Unibersidad ng Pilipinas noong
1915. Nagsimula ang kanyang misyon na tumulong sa kapwa nang
siya ay naging guro sa isang baryo sa Vigan, at sinundan ng isang
katungkulan sa Kawanihan ng mga Lupain. Siya ay naging property clerk sa Departamento ng
6
Pulis Maynila, at pagkatapos ay naging pribadong kalihim ni Manuel Quezon, na noo'y Pangulo
ng Senado.
Nagsimula ang kanyang karera sa pulitika bilang isang halal na kinatawan ng Ilocus Sur
noong 1919 at naging senador noong 1925. Siya ay muling inihalal bilang senador noong 1931. Si
Qurino ay isa sa mga miyembro ng mga delegado na tumulong sa pagpasa sa Tydings-McDuffie
Act na sa huli ay nagbigay daan patungo sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging bahagi ng kombensyon
si Quirino na naghanda ng konstitusyon para sa bagong Philippine Commonwealth. Siya ay pinili
ni Pres. Quezon na maging Kalihim ng Pananalapi. Nang maglaon, siya ay naging Kalihim ng
Panloob sa gobyerno ng Komonwelt. Nang siya ay nahalal bilang Bise Presidente ni Roxas,
nagtatrabaho siya bilang Kalihim ng Pananalapi at naging Kalihim ng Ugnayang Panlabas.
Si Quirino ay nabihag at nabilanggo noong panahon ng pananakop ng Hapon dahil sa
kanyang pagtutol sa pananakop. Ang kanyang asawang si Alicia Syquia at ang kanilang tatlong
anak ay pinatay ng mga sundalong Hapon. Matapos ang digmaan, muling nakuha niya ang
kanyang lumang posisyon sa gobyerno. Siya ay inihalal na Bise Presidente noong 1946 kasama si
Manuel Roxas. Gayunpaman, naging presidente ng republika si Quirino nang namatay ang noo'y
kasalukuyang presidente na si Manuel Roxas. Tumakbo muli si Quirino para sa pagka pangulo sa
halalan ng 1949 at nanalo laban sa kandidato ng Nacionalista.
Ang pagtakbo ni Quirino para sa pangalawang termino noong 1949 ay pinaniniwalaan na
isa sa pinakamaruming halalan na naganap sa bansa - kasunod ng halalan noong 1969 kung saan
nanalo si Ferdinand Marcos sa pamamagitan ng napakalaking pandaraya at pananakot. Sa halalan
noong 1953, si Quirino ay natalo ng isa sa mga pinakadakilang pangulo sa kasaysayan ng
Pilipinas, si Ramon Magsaysay.
Sa kabila ng lahat ng kontrobersiya sa panahon ng kanyang pagkapangulo, ang kanyang
administrasyon ay kinikilala para sa mga proyekto nito sa mga pakikipagsapalaran sa industriya,
pagpapalawak ng patubig at pagpapabuti sa sistema ng kalsada, pagtayo ng Bangko Sentral at
panlalawigang bangko, at kapayapaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Matapos ang kanyang
pagkatalo, bumalik siya sa buhay ng isang normal na mamamayan. Namatay siya noong Pebrero
28, 1956 sa kanyang tahanan sa Novaliches.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa talambuhay ni Elpidio Quirino.

1. Pang ilang pangulo ng bansa si Elpidio Quirino?


2. Malaki ba ang kontribusyon ni Presidente Quirino sa ating bansa?
3. Bakit nabihag at nabilanggo sa panahon ng pananakop ng Hapon si Quirino?
4. Kailan siya namatay? Saan?

7
Suriin
Isulat ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Elpidio Quirino sundin ang balangkas
sa ibaba.

Simula I.Petsa at lugar ng kapanganakan


A.
B.
Pangyayari 1 II. Pag aaral
A.
B.
Pangyayari 3 III. Mga naging trabaho
A.
B
Pangyayari 2 IV. Posisyon
A.
B.
Wakas

Pagyamanin

Meron akong halimbawa dito ng talaarawan. Suriin nang mabuti at sagutin ang mga
tanong.

Miyerkules, Hunyo 17, 2020

Mahal kong talaarawan,

Naging abala kami sa araw na ito dahil mamimigay kami ng pagkain sa mga frontliners
kagaya ng mga doktor, nurses, staff, janitor, kusinera, kusinero, pulis, guwardiya, sundalo, lahat
na nagtatrabaho sa ospital ng MHARS RTTH Medical Center ng Lungsod ng Ozamiz. Kami
mismo ang nagluluto at nag iimpake ng pagkain para sa pananghalian. Kasama ko ang aking mga
magulang sa paghahatid doon sa ospital pero sa sasakyan lang ako naghintay kasi bawal sa mga
batang katulad ko ang lalabas at pagala gala, ika nga “bawal
lumabas”. Masayang masaya nilang tinanggap ang munti naming alay sa kanila, pero sinunod pa
rin ang mga patakarang kagaya ng social distance, pagsuot ng face mask o face shield, paggamit
ng alcohol o hand sanitizer, paghuhugas ng kamay at iba pang ipinatupad ng pamahalaan.
Naging makabuluhan ang araw ko, masayang masaya kaming lahat.

8
Mga tanong:

1. Ano ano ang mga mahahalagang pangyayari ni Cean Ej sa araw na iyon?


I. Plano sa araw na iyon.
A.
B.
II. Saan sila bibisita?
A.
B.
III. Patakaran na dapat sundin sa paglabas ng bahay
A.
B.
C.
D.
E.
F.
IV. Naging bunga sa araw na iyon
A.
B.

Isaisip

Batay sa dalawang nabasa sa itaas, paano mo naibigay ang mga datos sa bawat
teksto/talambuhay/talaarawan?
Ano ano ang mga dapat suriin sa pagbibigay ng mahahalagang pangyayari sa isang
tekstong nabasa?
Isinasaad sa talaarawan ang mahahalagang pangyayari sa buhay sa loob ng isang araw.
Maaari itong masaya o malungkot. Sa pamamagitan ng pagbasa nito ng maigi, intindihin ang
binasa at isa isahin ang bawat impormasyon upang maibigay ang mahahalagang pangyayari sa
binasa.

Isagawa

Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay ipinanganak


noong December 17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon. Ang kanyang mga magulang ay sina
Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay
noong siya ay nasa ika-anim na baitang pa lamang dahil nalaman ng kanyang ina na may ibang
babae ang kanyang ama. Si Manny ay pang-apat sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza
Silvestre-Onding and Domingo Silvestre (mula sa unang asawa ng kanyang ina) and Isidra
Pacquiao-Paglinawan, Alberto "Bobby" Pacquiao and Rogelio Pacquiao.

9
Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee” an
biniyayaan ng apat na supling: sina Jimuel, Michael, Princess, at Queen Elizabeth. Si Manny at
ang kanyang pamilya ay nakatira sa kanilang probinsya sa General Santos City, South Cotabato,
Philippines. Subalit sa kasalukuyan, dahil si Pacquiao ay naging kongresman ng kanilang distrito
sa Sarangani, tumutuloy siya ngayon sa Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si
Jinkee.
Nazareno sa Quiapo, Manila. Sa katunayan, palagi siyang nagsisimba, nagdadasal at nag-
aalay ng pasalamat sa misa sa Mass in Minor Basilica sa nasabing simbahan sa Quiapo lalo na
pagkatapos ng matagumpay na laban mula abroad.
Si Manny Si Manny Pacquiao ay isang relihiyoso at tapat na Katoliko. Siya ay kilalang
masugid na deboto ng Itim na
Pacquiao ay pinagkalooban ng ispesyal na ranggo bilang Sergeant Major for the 15th Ready
Reserve Division of the Philippine Army. Sa kanyang kabataan, pangarap na niyang maging isang
sundalo. Sa katunayan, siya ay naging Army Private noon.
Nakatapos si Manny Pacquiao ng elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa
General Santos City subalit hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang highschool dahil sa kahirapan
sa buhay. Sa edad na 14, iniwan niya ang kanyang pamilya para makipagsapalaran.

Dahil sa galing at talino, kumuha siya ng high school equivalency exam, isang
kwalipikasyon para makapag-college siya, noong Pebrero 2007, naipasa niya ang nasabing exam
at siya ay ipinagkalooban ng Department of Education ng highschool diploma. Pagkatapos noon,
siya ay nag-enrol ng colegio sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City at
kumuha ng kursong Business Management.
Si Manny Pacquiao ay nagkamit ng maraming recognition particular mula sa kanyang
career sa boksing. Isa siya sa Forbes The Celebrity 100 ngayong 2010, Time 100 Most Influential
People noong 2009 at naging cover pa ng Time Asia Magazine noong 2009.

Ibigay ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Manny Pacquiao sa pamamagitan ng


balangkas na nasa ibaba.
A. Simula
B. Pangyayari 1
C. Pangyayari 2
D. Pangyayari 3
E. Pangyayari 4
F. Pangyayari 5
G. Wakas

10
Susi sa Pagwawasto

Aralin 5
Balikan
1. nagising, ginising 4. magtuturo 7. Narinig 10. kumain
2. binuksan 5. Naligo 8. naghanda
3. basahin 6. Uminom 9. niyakap

Tuklasin Gawain 1
1. Sa ulap
2. magtulong-tulong at magbigayan sa lahat ng oras
3. sila ay nag alitan kung sino ang napakaraming nagawa
4. pinagdikit at pinagsama
5. hindi kailangan makipag kompitensya para lang mapansin

Gawain 2
1. sa ulap 3. Hindi magkakasundo, nagkakaroon ng kompetensya
2. Sa simula pa lang ng mundo 4. Pula, Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo, Lila

Suriin
1. Bakasyon 3. Mary at Carla
2. Parke 4. Si Carla ay nasasabik nang mag-aral.Si Mary ay hindi nasasabik mag aral.

Pagyamanin
1. B 2. A 3. D. 4. E. 5. C

Isaisip
1. Betty , Tita Myrna at Matandang Kapitbahay
2. Sa bahay ni tita Myrna
3. Malungkot
4. masipag
5. marahas
6. mabait

Isagawa
1. kupas 3. maputi 5. makatutuhanan
2. palaging tahimik 4. Bibo

11
Aralin 6

Balikan
Tuklasin
1.traydor/ahas/lilo/hudas
2.maingat/malinis 1. ika -6 na pangulo
3. madaling-araw 2. Oo, malaki ang kanyang kontribusyon sa bansa
3. dahil sa pagtutol sa pananakop
4. mainit-init/mahalumigmig
4. Pebrero 28, 1956 sa kanyang tahanan sa
5. salo-salo Novaliches.
6.mahirap
7.mahina
8.dalamhati/kalungkutan
9.pagdiriwang
10. pagsunod/pagtupad

Pagyamanin

I. Plano sa araw na iyon


A. Pamimigay ng pagkain sa frontliners
B. Pagbibisita sa mga frontliners
II. Saan sila bibisita?
A. MHARS RTTH Medical Center
B. Ozamiz
III. Patakaran na dapat sundin sa paglabas ng bahay
A. Pagsuot ng facemask at faceshield
B. Social distancing
C. Palagiang paghugas ng kamay /paggamit ng alcohol o hand sanitizer
IV. Naging bunga sa araw na iyon
A. Makabuluhan
B. Masaya

Suriin

I. Petsa at lugar ng kapanganakan


A. Petsa at lugar ng kapanganakan
B. Vigan, Ilocos Sur
II. Pag-aaral
A. Unibersidad ng Pilipinas
B. 1915 natapos ang kanyang antaS
III. Mga naging trabaho
A. Senador noon 1931
B. Klihim ng Pananalapi
IV. Posisyon
A. Senador
B. Pangulo

12
Isagawa

A. Simula
- Ipinanganak noon Disyembre 17, 1978
- Naghiwalay ang kanyang mga magulang noong nasa ikaanim na baiting pa lamang siya
B. Pangyayari 1
- Ikinasal si Manny kay Maria Geraldine Jamora at nagkaroon ng mga supling
C. Pangyayari 2
- Pinagkalooban siya ng ispesyal na ranggo bilang Sergeant Major for the 15th Ready Reserve Division of the Philippine Army
D. Pangyayari 3
- Naging Army Private siya noong kanyang kabataan.
E. Pangyayari 4
- Natapos niya ang kanyang elementary sa Saavedra Saway Elementary School.
F. Pangyayari 5
- Kumuha siya ng High School equivalency exam, isang kwalipikasyon para makapag-college
G. Wakas
- Nagkamit ng maraming recognition particular mula sa kanyang career boxing.

Sanggunian
 Sanayang Aklat sa Sining at Komunikasyon sa Filipino 5
 Alab Filipino 5, Batayang Aklat
 https://www.google.com/search?
q=larawan+ng+bata+sa+pelikulang+magnifico&source=lnms&tbm=isch&
 https://www.youtube.com/watch?v=W_Ayp7CR_Dg

13
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

14

You might also like