You are on page 1of 4

REVIEWER IN ESP 5

3rd Long Test

POINTERS TO REVIEW
Aralin 9: Pagiging Makatao
Aralin 11: Pagiging Mahabagin

I. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang inihahayag ng bawat pangungusap ay tama
at M naman kung mali.

____________1.Ang pagiging makatao ay nangangahulugang kaya mo at handa kang

magbigay ng oras sa mga taong nangangailangan nito.
____________2. Maghintay ng kapalit mula sa diyos ang lahat na binibigay na tulong sa iba.
____________3. Simulan ang pagiging makatao sa pamamagitan ng paggawa ng munting
kabutihan para sa kapwa.
____________4. Hindi nakikilahok sa mga gawaing makatutulong sa mga mahihirap.
____________5. Tumutulong sa sinumang nangangailangan at hindi ko pinipili kung sino ang
aking tutulungan.
____________6. Pinakikinggan ko ang mga taong nagsasabi sa akin ng kanilang saloobin.
____________7. Magkaroon ng layunin sa buhay na tumanggap sa halip na magbigay.

II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang angkop sa bawat pangungusap. Isulat
sa patlang ang tamang sagot.

Mensahe Proyekto Kasambahay Pakiramdam Ideya

Dyanitor Takdang-Aralin Pamilya Kapatid Klinika

8-12. Napapakita ang pagiging mahabagin sa paaralan kapag:

• Tumutulong ka sa pagdadala sa iyong kamag-aral sa ___________________ kapag siya
ay nasaktan o naaksidente.
• Ibinabahagi mo ang iyong magagandang _____________________ upang mapabuti ang
isang gawain o proyekto.
• Ipinananalangin mo ang iyong kamag-aral na may sakit at pinadadalhan mo siya ng mga
____________ na maaaring makapagpaganda o makapagpagaan ng kanyang
_____________________.
• Inaalok mo ng tulong ang isang pagod na ____________________ upang siya ay
makapagpahinga kahit sandali.

13-17. Napapakita ang pagiging mahabagin sa tahanan kapag:

• Tumutulong ka sa gawaing bahay dahil nakita mong napapagod na ang iyong
_______________ o ang iyong nanay at marami pang kailangang gawin.
• Inaalagan at nakikipaglaro ka sa iyong __________________ lalo na kapag siya ay nag-
iisa.
• Nag-aalok ka ng iyong tulong sa pag-aalaga ng isang may sakit na miyembro ng
__________________ o kasambahay.
• Ginagabayan mo ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang _________________ o
________________ lalo na kapag nakikita mo siyang nahihirapan dahil dito.

III. Panuto: Isulat sa patlang ang sagot sa sumusunod na mga tanong.

18. Pupunta kayo sa kabilang bayan. Sa Terminal ng bus ay wala ng upuan. Pinasakay pa rin ng
tsuper ang isang babaeng buntis. Inialok mo ang iyong upuan dahil nakikita mong hirap na hirap
siya sa kanyang pagtayo. Ano ang magandang kaugalian ang iyong ipinamalas?

______________________________________________________________________________

19. Nakita ni Myra ang isang batang biktima ng malakas na bagyo sa kanilang lugar. Ito’y
walang pantaas na saplot at tila gutom na gutom na. Kung ikaw si Myra, ano ang kailangan
mong gawin?

20. May mabigat na problemang dinadala ang iyong matalik na kaibigan. Nakita mo siyang nag-
iisa at umiiyak. Ano ang dapat mong gawin?

KEY TO CORRECTION
I.

1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
6. TAMA
7. MALI

II.

Mensahe Proyekto Kasambahay Pakiramdam Ideya

Dyanitor Takdang-Aralin Pamilya Kapatid Klinika

8-12. Napapakita ang pagiging mahabagin sa paaralan kapag:

• Tumutulong ka sa pagdadala sa iyong kamag-aral sa KLINIKA kapag siya ay nasaktan o
naaksidente.
• Ibinabahagi mo ang iyong magagandang IDEYA upang mapabuti ang isang gawain o
proyekto.
• Ipinananalangin mo ang iyong kamag-aral na may sakit at pinadadalhan mo siya ng mga
MENSAHE na maaaring makapagpaganda o makapagpagaan ng kanyang
PAKIRAMDAM.
• Inaalok mo ng tulong ang isang pagod na DYANITOR upang siya ay makapagpahinga
kahit sandali.

13-17. Napapakita ang pagiging mahabagin sa tahanan kapag:

• Tumutulong ka sa gawaing bahay dahil nakita mong napapagod na ang iyong
KASAMBAHAY o ang iyong nanay at marami pang kailangang gawin.
• Inaalagan at nakikipaglaro ka sa iyong KAPATID lalo na kapag siya ay nag-iisa.
• Nag-aalok ka ng iyong tulong sa pag-aalaga ng isang may sakit na miyembro ng
PAMILYA o kasambahay.
• Ginagabayan mo ang iyong kapatid sa paggawa ng kanyang PROYEKTO o
TAKDANG-ARALIN lalo na kapag nakikita mo siyang nahihirapan dahil dito.

18. Pupunta kayo sa kabilang bayan. Sa Terminal ng bus ay wala ng upuan. Pinasakay pa rin ng
tsuper ang isang babaeng buntis. Inialok mo ang iyong upuan dahil nakikita mong hirap na hirap
siya sa kanyang pagtayo. Ano ang magandang kaugalian ang iyong ipinamalas?
Pagiging Makato’t Matulungin
19. Nakita ni Myra ang isang batang biktima ng malakas na bagyo sa kanilang lugar. Ito’y
walang pantaas na saplot at tila gutom na gutom na. Kung ikaw si Myra, ano ang kailangan
mong gawin?
ANSWER MAY VARY – Kukuha ako sa bahay ng ilang damit ko na maaari niyang
masuot at pagkain upang maibsan ang kanyang gutom.

20. May mabigat na problemang dinadala ang iyong matalik na kaibigan. Nakita mo siyang nag-
iisa at umiiyak. Ano ang dapat mong gawin?
ANSWER MAY VARY – Lapitan at bigyan siya ng sapat na oras upang iparamdam sa
kanya na may karamay siya.

You might also like