You are on page 1of 3

Grade 5 Filipino

Parirala lipon ng mga salitang walang buong diwa Halimbawa: a. Isang dating kamag-aral b. Ang mga asignaturang ituturo ko Pangungusap isang salita o lipon ng mga salitang may buong diwa. Nagsisimula ito sa malking titik at nagtatapos sa isang bantas Halimbawa: a. May maitutulong ba ako sa iyo? b. Hihingi po ako ng tawad kay Arnold.

Bahagi ng Pangungusap a. Paksa o simuno(Subject) ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap i. Pangngalan Si Gng. Reyes ii. Panghalip Siya b. Panaguri(Predicate) ang bahaging nagsasabi o nagsasasaad ng tungkol sa paksa o simuno i. Pangngalan ay isang bansa sa Asya ii. Panghalip ay siya. iii. Pang-uri ay malikhain iv. Pandiwa ay aalis na bukas Ayos ng Pangungusap c. Karaniwan Panaguri bago ang Simuno/paksa i. Aalis na sila bukas d. Di-Karaniwan Simuno/paksa bago ang Panaguri. i. Sila ay aalis na bukas. Pangngalan Panauhan ng Pangngalan Unang panauhan pangngalang nagsasalita sa pangungusap. Tinutulungan ito ng mga panghalip na ako, kami at tayo.

Ikalawang panauhan pangngalang kinakausap sa pangungusap. Tinutulungan ito ng panghalip na ikaw, ka at kayo. Ikatlong panauhan pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap.

Gamit ng Pangngalan Simuno pangngalang pinaguuusapan sa pangungusap Kapaganapang Pansimuno pangngalang nasa bahagi ng panaguri na nagsasabi tungkol sa simuno, ang simuno at ang kaganapang pansimuno ay tumutukoy sa iisang tao, bagay, pook at pangyayari lamang. Walang salitang kilos ang pangungusap na may kaganapang pansimuno maliban sa panandang ay. Tuwirang Layon pangngalang tumatanggap sa kilos na ipinabahahihiwatig ng pandiwa; sumasagot it sa tanong na ano.

Panghalip Panghalip Panao Ang panghalip na pumapalit sa tao. Unang panauhan taong nagsasalita sa pangungusap. Ang o ako, ko, akin, kata, kita, tayo, kami, atin, amin, natin at naming. Ikalawang panauhin taong kinakausap sa pangungusap. o ikaw, ka, mo, iyo, kayo, inyo, at ninyo. Ikatlong panauhan taong pinaguusapan sa pangungusap. o Siya, niya, kanya, sila, nila, at kanila

Ang kailanan ay nagsasaad ng dami o bilang ng panghalip. Tatlo ang kailanan ng panghalip panao. Isahan tumutukoy sa isa lamang tao. o Ako, ikaw, siya, ka, mo, niya, akin, iyo, at kanya Dalawahan tumutukoy sa tiyak na dalawa. o Kata at kita Maramihan tumutukoy sa dalawa o higit pang tao. o Kami, tayo, kayo, sila, atin, amin, inyo, kanila, natin, naming, ninyo at nila.

Kaukulan ng panghalip panao Palagyo ginagamit na simuno at kaganapang pansimuno ng pangungusap. o Ako, kata, tayo, kami, ikaw, ka, kayo, siya, at sila Paari mga panghalik na nagpapakita ng pag-aari. Tiyaking walang nauuna o simusunod pa pangngalan sa salitang nagpapakita ng pag-aari upang maging panghalip ito. Kapag may nauuna o sumusunod na pangngalan ditto ay nagging punuring na lamang o Akin, amin, atin, iyo, inyo, kanya, kanila.

Panghalip na Pananong ay pumapalit sa pangngalan at paraang nagtatanong. Itoy maaaring isahan o maramihan Isahan Sino Nino Ano Kanino Alin Ilan Gaano Magkano Maramihan Sinu-sino Ninu-nino Anu-ano Kani-kanino? Alin-alin Ilan-ilan Gaa-gaano Magka-magkano Kinakatawan tao Tao Bagay Tao Pinipili Nabibilang Nagsusukat/nagtitimbang Halaga

Panghalip Pamatlig ay panghalik na gunagamitsa pagtuturo ng tao, hayop, pook, at gawa. Unang panauhan ito, ire, nito, nire, ganito, ganire, dito, dine, heto, eto Ikalawang panauhan iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan, ayan Ikatlong panauhan iyon, niyon, noon, gayon, ganoon, doon, hayun, ayun

Panghalip Panaklaw ang panghalip na sumasakwlaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatan. Tiyakan isa, lahat, ilan, balana, iba, marami, madla, kaunti, tanan, at bawat isa. Di-tiyakan sino man, kanino man, gaano man, ano man, magkano man, alin man.

Pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita sa isa pang salita o isang kaisipan sa isa pang kaisipan. At nagdurugtong ng dalawang salita o kaisipang magkaugnay O nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang pinagpipilian Ni Nag-uugnay ng dalawang salita o kaisipang kapwa hindi gumanap o ginagamampan Kapag, pag, kung kapag naguugnay ng dalawang kaisipan may hinihinging kundisyon ang pagiging ganap. Habang, samantala naguugnay ng dalawang kilos o pangyayaring naganap sa magkaawa7 ang pagiging ganap Dahil, sapagkat, kasi nag-uugnay ng sanhi o dahilan ng pangyayari o ikinikilos Ngunit, subalit, pero naguugnay ng dalawang kaisipan magkakakontra at magkakasalungat Upang, para, kaya, nang naguugnay ng bunga o kalalabasan ng isang kilo ka tatalic?

You might also like