You are on page 1of 13

ANG MGA

PANGHALIP PANAO
AT PAMATLIG
Ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa
pangngalan. Ito ay may apat na uri – paano, pamatlig,
panaklaw, at pananong. Sa araling ito ay matututuhan
mo ang dalawa sa mga ito – ang paano at ang pamatlig.

Ang panghalip paano – ay humalili sa ngalan ng taong


ayaw nang ulit-ultin pa. Ito ay may panauhan at
kailanan.

Ang panauhan ng panghalip panao ay ang


sumusunod:
 Unang panauhan – Ang
panghalip na humahalili sa taong
nagsasalita.
Halimbawa: Ako ay
makikipagkasundo sa
Panginoon.
 Ikalawang panauhan – ang panghalip
na humahalili sa taong kinakausap.

Halimbawa: Ikaw ay
makipagkasundo na rin sa
Panginoon.
Ikatlong panauhan – Kapag ang
panghalip ay humahalili sa taong
pinag-uusapan.

Halimbawa: Siya ay dapat


nating tularan sa lahat ng bagay.
Ang panghalip panao
ay mayroon ding
kailanan. Ito ay ang
sumusunod:
 Isahan – ang panghalip ay tumutukoy
lamang sa isang pangngalan.

Halimbawa: Siya ay isang mabuting


tao.
 Maramihan – ang panghalip au
tumutukoy sa higit sa isang bilang.

Halimbawa: Sila ay dapat na


gumawa ng hakbang para sa
kalikasan.
Narito ang mga panghalip panao at ang kanilang kailanan at
panauhan.

Panauhan
Kailanan
Isahan Maramihan
Una Ako, akin, ko Kami, namin, amin, tayo, atin, natin
Ikalawa Ikaw, ka, iyo, mau Kayo, ninyo, inyo
Ikatlo Siya, kanya, niya Sila, nila, kanila
Gaya ng panghalip panao, may panauhan
din ang panghalip pamatlig.

 Unang Panauhan – ang itinuturo ay


malapit sa taong nagsasalita.
Kabilang dito ang ito, ire, nito, nire,
ganito, ganire, dito, dire, heto.
Ikalawang Panauhan – ang
itinuturo ay malapit sa nagsasalita at
taong kinakausap.

Halimbawa: nito ang iyan,


niyan, ganyan, diyan, hayan.
Ikatlong Panauhan – ang
itinuturo ay malayo sa mga
nag-uusap o sa nagsasalita at
kinakausap. Kabilang dito ang
iyon, hayun, doon.

You might also like