You are on page 1of 5

PANGANGALAN

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,
hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o diba ang
konsepto[1] Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong
kategorya na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng
isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.

Uri ng pangngalan ayon sa katangian


Pantangi
Tiyak ng ngalan ng tao, hayop, pook at pangyayari. Nagsisimula ang unang titk nito sa malaking
titk.

Ano ang Panghalip


Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang uri ng salita na inihahalip o pamalit sa
isang pangngalan na nagamit na sa isang pangungusap o talata. Ito ay bahagi ng pananalita na
ginagamit upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng isang pangngalan. Mayroong pitong
(7) uri ang panghalip.

Uri ng Panghalip
Ang pitong uri ng panhalip ay panghalip na panao, pananong, panaklaw, pamatlig, pamanggit,
paari at panghalip na patulad.

Panghalip na Panao
Ang panghalip na panao o personal pronoun sa Ingles ay ginagamit na pamalit sa mga
pangngalan na pangtao. Ito ay may tatlong anyo at tatlong panauhan. Ang tatlong panauhan ay
ang mga sumusunod:

Mga Panauhan sa Panghalip na Panao


Ang mga panauhan sa panghalip na panao ay unang panauhan, ikalawang panauhan at ikatlong
panauhan.

Unang Panauhan
Ang unang panauhan ay tumutukoy sa taong nagsasalita. Halimbawa nito ang mga
salitang ako, ko, kita, tayo, natin, atin, kami, at namin .

Ikalawang Panauhan
Ang pangalawang panuhan naman ay tumutokoy sa taong kinakausap. Halimbawa nito ang
mga salitang ikaw, ng, mo, iyo, kayo, ninyo,  at inyo.

Ikatlong Panauhan
Ang ikatlong panauhan ay tumutukoy sa taong pinag-uusapan. Halimbawa nito ang mga
salitang niya, kanya, sila, nila  at kanila.

Kailanan ng Panghalip na Panao


Mayroong tatlong kailanan ang panghalip na panao. Ito ay isahan, dalawahan at maramihan.

Isahan
Ito ay ginagamit kung ang pangngalang pangtao na binabanggit ay isa lang. Ang ako, ko, akin ay
para sa unang panauhan. Ikaw, ka, mo, at iyo naman para sa pangalawang panauhan. Siya, niya,
at kanya naman para sa pangatlong panauhan.

Dalawahan
Ito naman ay ginagamit kung ang binabanggit na pangngalan ay dalawang tao lamang. Ito ay
ang kita at tayo para sa unang panauhan. Kayo at inyo para sa pangalawang panauhan.
At sila at nila/kanila para sa pangatlong panauhan.
Maramihan
Ito naman ay ginagamit para sa maramihan o grupo ng tao. Tayo, kami, amin, atin, natin ay para
sa unang panauhan. Kayo, inyo, ninyo naman para sa pangalawang panauhan. Sila, nila,
kanila naman para sa pangatlong panauhan.

Panghalip na Pananong
Ang panghalip na pananong ay ginagamit na panghalili sa pangngalan sa patanong na paraan. Ito
din ay tinatawag na interrogative pronoun sa Ingles. Ito ay madalas makikita sa simula ng
tanong.

Dalawang Uri ng Panghalip na Pananong


Ang panghalip na pananong ay may maaaring isahan o maramihan.

Isahan
Ito ay kinabibilangan ng mga salitang ano, alin, kanino, sino, magkano, kailan, at saan.

Maramihan
Sa maramihan naman, ito ay inuulit-ulit laman tulad ng anu-ano, alin-alin, ilan-ilan, kani-
kanino, sinu-sino, magka-magkano, kai-kailan,  at saan-saan.

Panghalip na Panaklaw
Ito naman ang panghalip na hindi tiyak o walang katiyakan. Tinatawag itong indefinite
pronoun sa wikang Ingles. Ito ay may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop sa kaisahan, dami o
kalahatan ng pangngalan na tinutukoy.
Ito ay mula sa salitang ‘saklaw’ na ibig sabihin ay pangsakop kaya’t ito ay may pahiwatig na
pangsaklaw. Ang mga halimbawa ng salitang nagpapahiwatig ng pangsaklaw ay: bawat isa,
sinuman, alinman, saanman, anuman, ilan, at lahat.

Panghalip na Pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit na panghalili sa ngalan ng tao, bagay at iba pa na
tinuturo. Tinatawag itong demonstrative pronoun sa wikang Ingles.

Uri ng Panghalip na Pamatlig


May apat na uri ang panghalip na pamatlig. Ito ay pronominal, pahimaton, patulad at panlunan.

Pronominal
Ito ay pamalit laman sa mga pangngalan na ayaw nang ulit ulitin pa. Kabilang sa pronominal na
panghalip na pamatlig ay ang ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon.

Pahimaton
Ito ay humahalili sa mga pangngalan na itinuturo o tinatawag ng pansin. Kabilang dito ay ang
eto o heto, ayan o hayan, at ayun o hayun.

Patulad
Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakatulad. Kabilang dito ay ang mga salitang ganito,
ganyan o ganiyan, at gayon o ganoon.

Panlunan
Ito naman ay panghalili sa pook na kinaroroonan. Kabilang dito ay ang mga salitang nandito o
narito, nandiyan o nandyan, nariyan, naroon, at nandoon.

Panghalip na Pamanggit
Mula sa salitang ‘banggit’, ang panghalip na pamanggit ay ginagamit na tagapag-ugnay ng
dalawang pananalita o kaisipan. Ito ay tinatawag na relative pronoun sa wikang Ingles. Ang mga
sumusunod ay ang mga panghalip na pamanggit: umano o diumano, ani, daw, at raw.
Panghalip na Paari
Ang panghalip na paari ay nagsasaad ng pag-aari at inihahalili sa pangngalan ng nagmamay-ari
ng bagay. Ito ay tinatawag na possessive pronoun sa wikang Ingles.
Sa panghalip na ito, may mga bagay na dapat mong tandaan. Una, wala dapat itong ‘sa’ sa
unahan. Halimbawa, huwag mong sabihin na “Ang pluma na ito ay sa , kanya.” Sa halip ay
sabihin mong, “Ang pluma na ito ay kanya.”
Pangalawa, hindi dapat ito sinusundan ng pangngalan. At pangatlo, dapat lagi itong nakikita sa
bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang ‘ay’ at sa unahan ng pangungusap kung walang
‘ay’.

Uri ng Panghalip na Paari


May dalawang uri ang panghalip na paari. Una ay ang isahan. Ito ay kinabibilangan mga
salitang iyo, akin, at kanya. At ang pangalawa ay ang maramihan. Ito naman ay kinabibilangan
ng mga salitang amin, atin, inyo, at kanila.

Panghalip na Patulad
Ang panghalip na patulad ay ginagamit sa paghahambing, pagkukumpara, at pagtukoy ng mga
salita, gawain, bagay, o kaisipan. Ang mga halimbawa nito ay ganoon, ganito, at ganyan.

PANDIWA
Ang pandiwa / badyâ ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad,
takbo, dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral).
Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.

Aspektong Naganap o Perpektibo

1.) Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad ng isang kilos na kung saan na ito ay
tapos na, o naganap na. Ito ay tinatawag din na panahunang pangnagdaan na aspekto ng pandiwa
o aspektong katatapos. Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang kahapon, kanina, noong
isang taon, nakaraan at iba pa. Ginagamitan din ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.

Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan 


2.) Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay naglalarawan ng isang kilos na
laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa panahunang
pangkasalukuyan o aspektong nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na habang,
kasalukuyan, at ngayon.
Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng
mga panlaping na, nag, um, at in.

3.Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)


Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ma at mag.

4. Perpektibong Katatapos (Kagaganap)


Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.
Nabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig
o patinig ng salitang ugat.
PANG-URI
Ang pang-uri o sugnó ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan,
karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Gayon man, hindi kinikilalang
uri ng salita sa pangkalahatan ang pang-uri; sa ibang salita, may mga ilang wika ang hindi
gumagamit ng mga pang-uri. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o
panghalip.Ang mga pinakakinikilalang mga pang-uri ay iyong mga salita katulad
ng malaki, matanda at nakakapagod na sinasalarawan ang mga tao, mga lugar, o mga bagay.

KAYARIAN NG PANG-URI
Tambalan – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng dalawang salitang
pinagtambal katulad ng ngiting-aso, kapit-tuko, at ningas-kugon.

Payak – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng salitang-ugat lamang ayon sa
Wikipedia. Ilan sa mga halimbawa nito ay bilog, hinog, at pandak.

Maylapi – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng mga salitang-ugat na


dinudugtungan ng mga panlaping ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami pang iba. Halimbawa ng
mga ito ay matapang, simbilis, at malakas.

Inuulit – ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita katulad
ng pulang-pula, araw-araw, at puting-puti ayon sa Wikipedia.

KAANTASAN NG PANG-URI
Sa bahagi na ito, sabay nating alamin kung ano ang kahulugan, mga tatlong kaantasan ng pang-
uri at mga halimbawa nito. Ang kaantasan ng Pang-uri ay may tatlong (3) antas o kaantasan. Ito
ang lantay, pahambing at pasukdol.

Lantay na Pang-uri
Ang lantay na pang-uri ay nagpapakita o nagsasaad ng isa o payak na pangngalan o panghalip na
walang pinaghahambingan.

Pahambing na Pang-uri
Ang pahambing ay ang ikalawang kaantasan ng pang – uri. Ang kaantasang ito ay naghahambing
ng dalawa o higit pang pangngalan.
Ang pahiwatig na paghahambing ay metaphor, isang uri ng panghahambing ng dalawang bagay
na magkaiba, ngunit tinutukoy kung ano ang katangiang pinag-uusapan. Tinatawag din itong
pagwawangis sa Tagalog.

Dalawang Uri ng Paghahambing


Ang dalawang uri ng paghahambing ay paghahambing na magkatulad at di-magkatulad.

Paghahambing na Magkatulad
Ginagamit ito kung ang dalawang ihinahambing ay antas na katangian ng isang bagay o anuman.
Ginagamitan ito ng mga panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, magkasing, at mga
salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig, kahawig, mistula, mukha/ kamukha.

PANGATNIG
Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap. Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay
maaring magbukod (katulad ng "o," "ni", "habang" at "maging"), manalungat (katulad ng
"ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali
(katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"),
magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa
wakas" at "upang").
PANG-ANGKOP
Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na
nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan.
Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at
inilalarawan. Halimbawa nito sa pangungusap ay; "Nasira ang tulay na kawayan.", "May
maraming dahong luntian dito.", "Malayang nakakalipad ang Ibon."

You might also like