Professional Documents
Culture Documents
Uri ng Pang-uri
Panlarawan
Ito ay nagsasaad ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa at hugis ng mga
pangngalan o panghalip. Halimbawa: munti, biluhaba, matamis, malubha
Pantangi
Sinasabi nito ang tiyak na pangngalan. Ito ay binubuo ng isang pangngalang
pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang pantangi (na nagsisimula
sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Halimbawa: wikang Ingles, kulturang Espanyol, pagkaing Iloko
Pamilang
Ito ay nagsasabi ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunodsunod ng pangngalan o
panghalip. May ilang uri ito.
Patakaran
Ito ay nagsasaad ng aktuwal na bilang ng tao o bagay. Ito ay mga basal na bilang o
numeral. Halimbawa: isa, apat, limang libo
Panunuran
Ito ay nagsasaad ng posisyon ng pangngalan sa pagkasunod-sunod ng mga tao o
bagay. Isinasabi ng mga ito kung pang-ilan ang tao o bagay.
Halimbawa: ikatlo, una, pangalawa
Pang-abay
Ang pang-abay o adberbyo] ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
Uri ng Pang-abay
Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa.
Mayroon itong tatlong uri:
May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang
Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?"
Walang pananda - kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa
Halimbawa: "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."
Panlunan
Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi kung
saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay tumutukoy ito
sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang mga
pariralang may sa, kina o kay.
Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng
isang tao.
Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ; "Nagpaluto ako kina Aling
Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan."
Pamaraan
Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng. Halimbawa
nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, at iba pa.
Halimbawa: "Sinakal niya ako nang mahigpit."
Pang-agam
Ito ay nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ginagamit sa
pangungusap ang mga pariralang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
Halimbawa: "Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa pasya ng Sandiganbayan."
Pangngalan
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop, at pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang kaisipan o
konsepto[1] Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya
na kung saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa isang simuno ng
isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o bagay sa isang pang-ukol.
Ayon sa Uri
Tungkol ito kung ang mga pangngalan ay pantangi o pambalana.[3]
Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa.
Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa: Pilipinas, BigHit, Panagbenga
Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at
iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. Halimbawa: bansa, korporasyon, pista
Konkreto at Di-konkreto
Ang mga pangngalan ay maaari ring pangkatin sa kongkreto at di-kongkreto.
Aspekto ng Pandiwa
Ipinapakita ng aspekto ng pandiwa kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o kung
ipagpapatuloy pa ang nagaganap na kilos.
Panghalip na Panao
Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao" o
"pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan ng tao. Maaari
itong gamitin bilang simuno at tagaganap.
Panghalip na Paari
Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.
Panghalip na Paari
Isahan Maramihan
iyo inyo
kanya kanila
Panghalip na Pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton
Pangatnig
Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni" at "maging"),
manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at
"gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at
"gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad
ng "sa wakas" at "upang").
at[
Ito ay ginagamit na pang-ugnay sa dalawang salita, parirala o pangungusap na pagkaugnay.
Halimbawa: "ina at ama", "Aalis ako ngayon at bukas na ako babalik."
o
Ito ay ginagamit na pang-ugnay ng mga salita o kaisipang pinagpipilian.
Halimbawa: "mahal ko o mahal ako", "Alin sa mga ito ang gusto mo, pula, puti o asul?"
Uri ng Pang-angkop
na
Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita.
Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao
-ng
Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga
patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: mabuting nilalang
-g
Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n.
Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa: huwarang mamamayan
Pang-ukol
Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita[1] na ipinapahayag ang mga
ugnayan sa panahon o lawak (sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o
pagmamarka sa iba't ibang semantikong pagganap (ng, para sa). Isa
itong morpema na nauuna sa mga pangkat na
salitang pangngalan at panghalip na nagdudulot ng kaganapan
(complement) o pagbabago sa parirala.[2] Kapag ginagamit
sa pangungusap, lumalawak ang kahulugan nito sa pamamagitan ng
paglalahad ng patutunguhan, sanhi, kinalalagyan, panahon at iba pa.[2]
Sa balarilang Filipino o Tagalog, ang katawagang pang-ukol at iba
pang bahagi ng pananalita ay nilikha ni Lope K. Santos na kanyang sinulat
sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa.[3] Sa balarilang Ingles, tinatawag
ang pang-ukol bilang preposition o postposition (kapag pinagsama ay
tinatawag na adposition ngunit mas malawak na kilala
bilang preposition lamang). Ang preposition ay nangunguna bago ang
kapunuan o complement samantalang ang postposition ay pagkatapos
ng complement.