You are on page 1of 4

Panghalip

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na
nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Ang
salitang panghalip ay nangangahulugang "panghalili" o "pamalit".

Mga nilalaman

 1Uri ng Panghalip
o 1.1Panghalip na Panao
o 1.2Panghalip na Paari
o 1.3Panghalip na Pananong
o 1.4Panghalip na Pamatlig
o 1.5Panghalip na Panaklaw
 2Mga sanggunian
o 2.1Mga Sipi
o 2.2Mga Pinagkukunan

Uri ng Panghalip[baguhin | baguhin ang batayan]


Ayon sa Tagalog Lang, mayroong apat na uri ang panghalip. Kabilang sa mga uri ng
panghalip ang panghalip na panao, panghalip na pananong, panghalip na
panaklaw, at panghalip na pamatlig.[1]
Panghalip na Panao[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang panghalip na panao (mula sa salitang "tao", kaya't nagpapahiwatig na "para sa tao"
o "pangtao") ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay panghalili sa ngalan
ng tao. Maaari itong gamitin bilang simuno at tagaganap.

Panghalip na Panao

Isahan Maramihan

Tagagana
Simuno Simuno Tagaganap
p

tayo natin

ako ko

kami namin
ikaw, ka mo kayo ninyo

siya niya sila nila

Ang panghalip na panaong simuno ay nakikita sa unahan ng ay at nasa hulihan ng


pangungusap kapag walang ay. Ang panghaip na panaong nagaganap ay laging nasa
bahaging panaguri at nakikita kasunod ng pandiwa.
Halimbawa ng mga panghalip na panao ay ang mga salitang ako (me), ko, kami
(we), kayo, atin , inyo, kita, kata, mo (you), at siya (he/she).
Panghalip na Paari[baguhin | baguhin ang batayan]
Ito ay mga panghalip na pumapalit sa pangngalang nagpapakita ng pag-aari.

Panghalip na Paari

Isahan Maramihan

akin atin, amin

iyo inyo

kanya kanila

Mahalagang tandaan ang mga sumusunod tungkol sa panghalip na paari:

 Lagi itong nakikita sa bahaging panaguri o pagkatapos ng panandang "ay" at sa


unahan ng pangungusap kung walang "ay".
 Hindi ito dapat sinusundan ng pangngalan.
 Hindi ito dapat may "sa" sa unahan.
Halimbawa: "Ang bansang Pilipinas ay atin." , "Kanya ba ang magandang proyekto?"
Kapag ang salitang nagpapakita ng pag-aari ay nasindan o may nauunang pangngalan,
hindi na ito panghalip. Sa halip, itinuring na itong panuring.
Halimbawa:

1. Ang bagong damit ay akin. (panghalip)


2. Ang aking damit ay bago. (panuring)
3. Ang damit ko ay bago. (panuring)
Panghalip na Pananong[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang panghalip na pananong ay pamamalit sa pangngalan sa paraang patanong. Ito ay
maaring isahan o maramihan. (mula sa salitang "tanong", kaya't may pakahulugang
"pantanong") ay nakikilala sa Ingles bilang interrogative pronoun.

Panghalip na Pananong

Kinakatawan Isahan Maramihan

tao sino sinu-sino

bagay ano anu-ano

bagay na
alin alin-alin
pipiliin

kanino kani-kanino

taong may-ari

nino ninu-nino

bilang ilan ilan-ilan

sukat/dami gaano gaa-gaano

halaga magkano magka-magkano

Halimbawa ng panghalip na pananong o patanong ang mga salitang ano(what), ano-


ano, sino, sino-sino, nino, alin, at alin-alin.[1]
Panghalip na Pamatlig[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng bagay, at iba pa na itinuturo o
inihihimaton.[2]

Panghalip na Pamatlig

Mga salita Paglalarawan


ito, ganito, dito, heto Hawak niya o malapit sa kanya ang itinuturo.

iyan, ganyan, diyan, hayan Malapit sa kanya ang itinuturo.

iyon, ganoon, doon, hayun Malayo sa kanya ang itinuturo.

Ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig


maliban sa mga malapatinig na w at y.
Halimbawa: "Ligtas diyan ang anak mo."
Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang salita ay
nagtatapos sa patinig at mga malapatinig na w at y.
Halimbawa: "Lumapit ka rito."
Panghalip na Panaklaw[baguhin | baguhin ang batayan]
Ang panghalip na panaklaw (mula sa salitang "saklaw", kaya't may pahiwatig na
"pangsaklaw" o "pangsakop") ay tinatawag na indefinite pronoun.
- ito ay mga salitang ginagamit bilang panghalili o pamalit na sumasaklaw ng kaisahan,
bilang, dami, o kalahatan ng pangngalang tinutukoy.
A. Tiyakan - mga panghalip na;
1. kaisahan - isa, iba, bawat isa
halimbawa:
Ang isa sa mga gamit na kanyang dinala ay banig.
2. kalahatan - ilan, madla, lahat, pawang, pulos
halimbawa:
Lahat ay natutuwa sa batang may magandang asal.
B. Di-tiyakan - ito ay mga panghalip na pananong na kinakabitan ng man na
nanganganguhulugan na hindi katiyakan ang pinag-uusapan.
halimbawa: anuman, kaninuman, sinuman, ninuman, lahat
Maski kaninuman dapat tayo ay nagpapakita ng paggalang.

You might also like