You are on page 1of 2

 Ang Panghalip ay isang pag-aaral ng salita kung saan ito ang nagiging pamalit sa pangalan upang

maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga salita sa isang pangungusap.


Halimbawa: Si Bertz ay inutusang bumili ng ulam. Si Bertz ay nagpunta sa Market. Bumili si Bertz
ng ulam sa palengke.
 Kung mapapansin natin, ang salitang Bertz at Market inuulit-ulit at dahil dito humahaba ang
pangungusap at paulit-ulit ang tunog. Ngunit kapag ginamitan natin ito ng panghalip upang
palitan ang pangngalan sa isang pangungusap, magiging maiksi ito ngunit nandun pa rin ang
pagpapakahulugan ng isang pangungusap.
Halimbawa: Si Bertz ay bumili ng ulam. Siya ay nagpunta sa Market at doon bumili.
 Ang Panghalip na ginamit ay:
Bertz-siya
Market-doon
 Kung napapansin natin, may umiksi ang pangungusap at mas naiintindihan ito. Naiiwasan ang
pag-uulit ng salita.

PAGPAPALIWANAG SA MGA URI NG PANGHALIP

1. Ang Panghalip na Pananong ay pamalit sa pangngalan mula sa salitang tanong kayat may pagtanong.
Maaaring isahan o maramihan. Ang pananong na isahan (Sino, Alin, Kanino at iba pa) ay iisa lamang ang
tinutukoy. Halimbawa, Sino ang mas kamahal mahal sa amin?., ibig sabihin ang salitang sino ay iisa
lamang dapat ang pwedeng mapili sa kanila. Kapag maramihan naman ay (sinu-sino, alin-alin, kani-
kanino at iba pa) isa o higit pa ang tinutukoy o binabanggit. Halimbawa, Kani-kanino ang mga bag na
naiwan sa silid?., ibig sabihin ang bag na nasa silid ay marami at iba't-ibang tao ang may ari.

2. Panghalip na Panao ay ito ang humahalili sa ngalan ng tao , para sa tao o pangtao. Maaari itong
gamitin bilang simuno at tagaganap.

PANAO ISAHAN DALAWAHAN MARAMIHAN

Unang Panauhan Ako, ko, akin Kata, kita, kanita Tayo, atin, natin, amin

Ikalawang Panauhan Ikaw, ka, mo, iyo Kayo, ninyo

Ikatlong Panauhan Siya, niya, kaniya Sila, kanila

3. Ang Panghalip na pamatlig ay humahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pa na itinuturo o inihihimaton
ang lugar na kinalalagyan ng pangngalan.

- ang dito, diyan at doon ay ginagamit kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa mga
malapatinig na w at y.

Halimbawa: Ligtas diyan ang anak mo.

- Nagiging rito, riyan at roon ang dito, diyan at doon kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig
at mga malapatinig na w at y.
Halimbawa: Lumapit ka rito.

MGA SALITA PAGLALARAWAN

Ito, ganito, Hawak niya o


dito, heto malapit sa kanya
ang itinuturo

Iyan, ganyan, Malapit sa kanya


diyan,hayan ang itinuturo

Iyon, ganoon, Malayo sa kanya


doon, hayun ang itinuturo

4. Ang Panghalip na Panaklaw, mula sa salitang saklaw kaya't may pahiwatig na "pangsaklaw" o
"pangsakop". Literal na panghalip na walang katiyakan o hindi tiyak.

(Lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, saanman, ilan)

You might also like