You are on page 1of 59

PANGHALIP

Panghalili sa pangngalan
Tatlong kaukulan- panghalip na nasa anyong ang,
ng at sa bilang panghalili
URI NG PANGHALIP
Panghalip Panao
Panghalip Pananong
Panghalip Panaklaw
Panghalip Pamatlig
PANGHALIP PANAO/PERSONAL
Panghalip na inihahalili sa
pangalan ng tao
KAUKULAN NG PANGHALIP
PANAO
1. Panghalip Panao sa anyong “ang”
(palagyo)
2. Panghalip Panao sa anyong “ng”
3. Panghalip Panao sa anyong “sa”
(palayon o paukol)
PANGHALIP PANAO SA
ANYONG “ANG” (PALAGYO)
– panghalip na inihahalili sa pangngalang
pinangungunahan ng ang o si o kaya’y
panghalip na ginagamit sa paksa o
kaganapang pansimuno
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“ANG” (PALAGYO)
Ginagamit bilang paksa
Halimbawa:
Siya ay masungit.
Ako ay naglilingkod sa bayan.
Kata ay manood ng palabras mamayang
hapon.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“ANG” (PALAGYO)
Ginagamit bilang kaganapang pansimuno
Halimbawa:
 Ikaw ang dahilan ng kanilang pag-aaway.
 Sila ang dapat managot sa kasalanan.
 Kami ang may-ari ng malaking bahay.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“NG” (PAARI)
Inihahalili sa pangngalang may
panandang ng o ginagamit ito
bilang panuring at nagsasaad ng
pag-aari.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“NG” (PAARI)
Ginagamit bilang panuring
Halimbawa:
 Ang aking kaibigan ay nangibang bansa.
 Ang iyong bag ay napakaganda.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“NG” (PAARI)
Ginagamit bilang nag-aari
Halimbawa:
 Kanila ang lupang sinasaka ni Temyong.
 Akin ang aklat na hiniram niya.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“SA” (PALAYON O PAUKOL)
Inihahalili sa pangngalang
pinangungunahan ng sa o kay.
Ginagamit ito bilang layon ng
pang-ukol at di-tuwirang layon.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“SA” (PALAYON O PAUKOL)
Bilang layon ng pang-ukol
Halimbawa:
 Para sa inyo ang karangalan ko.
Wala akong kinalaman tungkol sa
kanya.
PANGHALIP PANAO SA ANYONG
“SA” (PALAYON O PAUKOL)
Bilang di- tuwirang layon
Halimbawa:
 Ang pahayagan ay basahin mo araw-
araw.
 Kanyang babayaran ang utang ni
Nida.
PANAUHAN NG PANGHALIP PANAO

1. Unang Panauhan – taong nagsasalita


2. Ikalawang Panauhan - taong
kinakausap
3. Ikatlong Panauhan – taong pinag-
uusapan
TSART NG PANGHALIP SA IBA’T
IBANG PANAUHAN
Unang Ikalawang Ikatlong
Panauhan Panauhan Panauhan

Anyong ang Ako, kita, Ikaw, ka, kayo Siya, sila


kata, kami
tayo
Anyong ng Ko, natin, Mo, ninyo Niya, nila
namin
Anyong sa Akin, atin, Iyo, inyo Kanya, kanila
namin
Kung ang panghalip ay nauuna sa mahalagang salita
sa pangungusap, ginagamit ang ikaw; samantalang
ginagamit ang ka kung ang panghalip ay nahuhuli sa
mahalagang salita sa pangungusap.
Halimbawa:
 Ikaw ang tatanggap ng tropeo.
 Tatanggap ka ng tropeo.
KAILANAN NG PANGHALIP
1.Isahan
2.Dalawahan
3.Maramihan
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Panghalip na ginagamit sa pagtatanong


tungkol sa tao, bagay, hayop, pook,
gawain, katangian, panahon at pangyayari
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Sino at Kanino – para sa tao
Halimbawa:
 Sino ang pambansang bayani?
Kanino mo iaalay ang awitin mo ngayon?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Ano – para sa bagay, hayop, katangian,
pangyayari o ideya
Halimbawa:
 Ano ang bibilhin mo?
 Ano ang nakita mo sa zoo?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Kailan – para sa panahon o petsa
Halimbawa:
 Kailan ka luluwas ng Maynila?
 Kailan ibibigay ang sahod natin?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Saan – para sa lugar
Halimbawa:
 Saan ka ipinanganak?
 Nasaan ang bag mo?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Bakit – para sa dahilan
Halimbawa:
 Bakit natalo si Tyson sa labanan?
 Bakit siya namatay?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Paano – para sa paraan
Halimbawa:
 Paano mo ginawa iyon?
 Paano nangyari ang pagpaslang sa binata?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Gaano at Ilan – para sa dami o kantidad
Halimbawa:
 Gaano karami ang dumalo sa kasal?
 Ilan ang nakaenrol sa klase mo?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Magkano – para sa presyo
Halimbawa:
 Magkano ang sapatos na Nike?
 Magkano ang ibinayad niya sa iyo?
PANGHALIP PANANONG/ INTEROGATIB

Iba’t ibang Panghalip Pananong


 Alin – para sa pamimili
Halimbawa:
 Alin ang gusto mo?
 Alin ang pipiliin mong damit?
KAILANAN NG PANGHALIP
1. Isahan
2. Maramihan
Halimbawa:
ISAHAN MARAMIHAN
Sino Sino-sino
Ano Ano-ano
Alin Alin-alin
Kanino Kani-kanino
PANGHALIP NA PANAKLAW
 panghalip na nagsasaad ng kaisahan,
dami o kalahatan ng ngalang tinutukoy na
maaaring tiyakan o di-tiyakan. Ito ay
sumasaklaw sa kaisahan o kalhatan ng
pangngalan.
PANGHALIP NA PANAKLAW
Kaisahan – isa, iba, balana
Dami o kalahatan – lahat, pawa, madla
Di katiyakan – gaanuman, alinman,
saanman, anuman, kailanman
PANGHALIP NA PANAKLAW
Halimbawa:
 Isa lang ang nais kong sabihin sa inyo.
 Nasiyahan ang madla sa iyong
pagtatalumpati.
 Sinuman ay may karapatang mabuhay sa
mundo.
KAUKULAN NG PANGHALIP PANAKLAW

1. Palagyo – ginagamit bilang paksa at


kaganapang pansimuno ng pangungusap
Halimbawa:
 Lahat ay nasisiyahan sa kanyang pagdating.
 Balana ang humatol sa nagawang sala ni Mang
Paking.
KAUKULAN NG PANGHALIP PANAKLAW

2. Paari – kung sinusundan ng ng


Halimbawa:
 Iginagalang ang hatol ng lahat.
 Nais kong marinig ang kaisipan ng
balana.
KAUKULAN NG PANGHALIP PANAKLAW

3. Palayon – kung ginagamit bilang


tuwirang layon, tagaganap ng
pandiwang balintiyak at layon ng
pang-ukol
KAUKULAN NG PANGHALIP PANAKLAW

Halimbawa:
 Ang mahihirap ay tumatanggap ng
anuman.
 Siya ay binabati ng madla.
 Ayaw kong makialam tungkol sa iba.
PANGHALIP PAMATLIG O DEMONSTRATIBO

 panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng


tao, bagay, hayop, lunan, o pangyayari. Sa
panghalip na pamatlig, nalalaman ang
layo o lapit ng bagay na itinuturo.
KAURIAN NG PANGHALIP PAMATLIG
1. Pronominal – nagtuturo lamang sa ngalan ng tao o
bagay
2. Panawag – pansin o Pahimaton – nagbibigay pansin
o naghihimaton sa bagay, tao o lugar
3. Patulad – naghahambing
4. Panlunan – nagsasaad ng kinaroroonan ng tinutukoy
na tao, bagay, lugar at iba pa
IBA’T IBANG URI NG PANGHALIP PAMATLIG
1. Pronominal – nagtuturo
a. Anyong ang ( palagyo,/paturol)
Ire (yare), ito, iyan (yaan), iyon (yaon)
b.Anyong ng (paari)
Nire (niyari), nito, niyan, noon (niyon)
c. Anyong sa (palayon/paukol)
Dine, dito, diyan, doon
Halimbawa:
 Ito ang bahay nina Anita.
 Kailangan nito ang pansin mula sa
gobyerno.
 Dito nakatira ang mga pinsan ko.
IBA’T IBANG URI NG PANGHALIP PAMATLIG
2. Panawag- pansin o pahimaton
 (h)ere, (h)eto, (h)ayan, (h)ayun
Halimbawa:
 Hayun ang aso sa damuhan.
 Ang mga bisita natin ay heto na.
 Hayan na ang hinahanap mong bolpen.
IBA’T IBANG URI NG PANGHALIP PAMATLIG
2. Patulad
 ganire, ganito, ganyan, ganoon (gayon)
Halimbawa:
 Ganyan ang sapatos na binili ko.
 Ganito ang buhay sa probinsya.
 Ganoon ang paraan ng epektibong
pangangampanya.
IBA’T IBANG URI NG PANGHALIP PAMATLIG
2. Panlunan
 *narini (nadini), narito (nandito)
 nariyan (nandiyan), naroon (nandoon)
Halimbawa:
 Narito na ang mga bagong salta.
 Naroon ba nag kapatid ko?
 Nariyan ang gurong masungit.
KAILANAN NG PANGHALIP PAMATLIG
1. Isahan –
Halimbawa:
Nanalo iyan sa labanan. (anyong ang)
 Pinanood nito ang palabas. (anyong ng)
KAILANAN NG PANGHALIP PAMATLIG
2. Maramihan – nagdaragdag ng salitang
mga
Halimbawa:
 Nanalo ang mga iyan sa labanan.
Pinanood ng mga ito ang palabas.
KAUKULAN NG PANGHALIP PAMATLIG
1. Panghalip pamatlig sa anyong “ang”
(palagyo)
- ginagamit bilang panghalili sa
pangngalang pinangungunahan ng “ang”
kaya ang gamit sa pangungusap ay bilang
paksa.
Ito – malapit sa nagsasalita
hal. Ito ang damit ko.
Iyan – malapit sa kausap
hal. Iyan ang damit ko.
Iyon – malayo sa kapwa nagsasalita at kausap
hal. Iyon ang damit ko.
KAUKULAN NG PANGHALIP PAMATLIG
2. Panghalip pamatlig sa anyong “ng” (paari)
- ginagamit bilang panghalili sa
pangngalang pinangungunahan ng “ng” kung
isahan at “ng mga” kung maramihan kaya
sumusunod ito sa gamit ng pangngalang
pinapalitan.
Halimbawa:
 Ang layunin nito ay napakahalaga.
Ang papel ng mga ito ay hindi pa
naibibigay.
KAUKULAN NG PANGHALIP PAMATLIG
3. Panghalip pamatlig sa anyong palayon o
paukol
- inihahalili sa pangngalang
pinangungunahan ng “sa”. Maaari itong
gamiting tuwirang layon, tagaganap ng
pandiwang balintiyak, at layon ng pang-ukol
Halimbawa:
 Siya ang bumili nito sa botika. (tuwirang
layon)
 Binibili ng mga iyon ang aklat. (tagaganap
ng pandiwang balintiyak)
 Ang lapis na para sa mga iyon ay mahaba.
(layon ng pang-ukol)
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa

Pangngalang sa ANG
Isahan Maramihan
ang/si ang mga/sina
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa
Panghalip Panao sa ANG
Isahan Dalawahan Maramihan
Ako kata/kita tayo, kami
Ikaw, ka kayo
Siya sila
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa
Panghalip Pamatlig sa ANG
Isahan Maramihan
ito ang mga ito
iyan ang mga iyan
iyon ang mga iyon
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa

Pangngalan sa NG
Isahan Maramihan
ng/ni ng mga/nina
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa
Panghalip Panao sa NG
Isahan Dalawahan Maramihan
Ko nita natin, naming
Mo ninyo
Niya nila
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa
Panghalip Pamatlig sa NG
Isahan Maramihan
nito ng mga ito
niyan ng mga iyan
niyon, noon ng mga iyon
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa

Pangngalan sa SA
Isahan Maramihan
sa/kay sa mga/sa kina
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa

Panghalip Panao sa SA
Isahan Dalawahan Maramihan
Sa akin sa kanita sa atin, sa amin
Sa kanya sa kanila
Ang mga pangngalan ay maaaring halinhan ng mga
panghalip sa pamamagitan ng mga kaukulang ang, ng
at sa

Panghalip Pamatlig sa SA
Isahan Maramihan
dito sa mga ito
diyan sa mga iyan
doon sa mga iyon

You might also like