You are on page 1of 6

Tandaan:

4 na Uri ng Panghalip
1. Panghalip Panao – Panghalip
na ipinapalit sa pangngalan ng
tao. Mayroon itong tatlong
kaukulan.
Kaukulang Palagyo – ito ay
panghalip panaong ipinapalit sa
pangngalang pinangungunahan
ng ang at ginagamitan bilang
simuno ng pangungusap.
Hal. Ang ina ni Paulo ay si Melai.
Siya ang nag-aalaga kay Paulo
mula pagkabata.
Kaukulang Paukol – ito ay
panghalip panao na ipinapalit sa
pangngalang nasa anyong ng o
ni. Ito ay nag-uukol.
Hal. Nais ni Petot bumawi kay Paulo.
Nais niyang bumawi kay Paula.
Kaukulang Paari – ito ay
panghalip panaong ipinapalit sa
pngngalang nasa anyong sa o
kay. Ito’y nagpapakita ng pag-
aari.
Hal. Kay Paulo ang asong
pumanaw.
Kanya ang asong pumanaw.
2. Panghalip Pamatlig – panghalip
na ipinapalit sa pangalan ng lugar
o pangngalang nagpapahayag ng
layo o distansiya ng mga bagay
sa nagsasalita o nakikinig.
Hal. Ito ang hinahanap niyang
artikulo kanina. (malapit)
Iyan ang silid na sinasabi nilang
may multo. (malayo)
Iyon ang bahay na lilipatan natin sa
Agosto. (malayung-malayo)
3. Panghalip Pananong –
Panghalip na ginagamit sa
pagtatanong.
Hal. Sino ang kumain ng pagkain sa
mesa?
Saan patungo ang langay-
langayan?
4. Panghalip Panaklaw – ito ay
nasa anyong walang lapi katulad
ng iba, kapwa, isa, lahat, marami,
at kaunti.
Kasama rito ang mga salitang
may hulaping –man tulad ng
saanman, sinuman, anuman, at
alinman.
Hal. Dahil sa pagsabog ng bulkan,
maraming nawalan ng trabaho.
Bilugan ang panghalip panao.
Salungguhitan ang panghalip na
pamatlig. Ikahon ang panghalip na
pananong.

dito nariyan mo ito

alin- kai- yaon kanila


alin kailan
nito tayo dine saan-
saan
diyan gaa- ka naming
gaano
nito sila magka- ikaw
magkano
ano naroon ako sino

heto magkano saan alin-


alin
iyan hayun ganoon niyan

iyo
Salungguhitan ang panghalip sa
pangungusap. Isulat sa patlang
kung ito ay palagyo, paari o
palayon.

__________1. Magtanim kayo


ng mga gulay sa hardin.
__________ 2. Huwag ninyong
sirain ang ating kalikasan.
__________ 3. Ininom ko na
ang gamot sa loob ng ref.
__________ 4. Nawala ang
wallet niya sa Quiapo.
__________ 5. Ipinamahagi
niya ang pagkain sa mahihirap.
Palitan ang mga nakasalungguhit
na salita/mga salita ng angkop na
panghalip pananong.

_________ 1. Sina Dory at Nemo


ay naligaw sa karagatan.
_________ 2. Nagpunta sa
Hollywood California ang mag-
anak.
_________ 3. Mas gusto niya ang
Choc-nut kesa peanut butter.
_________ 4. Bumili si Jade ng
50 metrong lubid na straw kay Ate
Tina.
_________ 5. Nakahanap siya ng
tig-sampung pisong panyo sa
tiangge.

You might also like