You are on page 1of 17

Anyo o Kayarian ng

Pangngalan
Apat na Anyo o Kayarian ng
Pangngalan

1. Payak
2. Maylapi
3. Inuulit
4. Tambalan
1. Payak

Pangngalan na binubuo lamang ng


salitang-ugat.

Halimbawa:
bahay ganda sariwa
aklat takbo
2. Maylapi

Pangngalang binubuo ng salitang-ugat at


panlapi.

Halimbawa:
umalis tinulungan
magtakbuhan tindahan bumasa
Uri ng Panlapi

1. Unlapi – ito ay mga panlapi na ikinakabit sa


unahan ng salitang ugat. (mag, i, um, mang,
ma)
Halimbawa:
um + asa = umasa
mag + aral = mag-aral
mang + isda = mangisda
2. Gitlapi – ito ay matatagpuan sa gitna ng
salitang-ugat. (-um-, -in-)
Halimbawa:
-um + tawag = tumawag
-in + saka= sinaka
-um + sama = sumama
3. Hulapi – ang panlapi ay nasa hulihan ng
salitang-ugat. (-hin, -an, -in, -han)
Halimbawa:
-han + saksi = saksihan
-an + damay = damayan
-in + luto = lutuin
4. Kabilaan – ang panlapi ay matatagpuan sa
unahan at hulihan ng salitang-ugat. (mag- -an, pa-
-hin, pa- -in, ka- -an)
Halimbawa:
mag- -an + tawag = magtawagan
pa- -hin + sigla = pasiglahin
pag- -an + aral = pag-aralan
5. Laguhan – ang panlapi ay nasa unahan,
gitna, at hulihan ng salitang-ugat. (pag-um-an,
mag-in-an)
Halimbawa:
pag-um-an + sikap = pagsumikapan
mag-in-an + dugo = magdinuguan
3. Inuulit

Pangngalang binubuo sa pamamagitan ng


pag-uulit sa unang dalawang pantig ng salitang-
ugat o ng buong salitang-ugat na maaaring
mayron o walang dagdag na panlapi.
Halimbawa:
sabi-sabi dadalawa bali-baligtad
4. Tambalan

Pangngalang binubuo ng pagsasama ng


dalawang magkaibang salita.

Dalawang Uri ng Tambalan


a. Tambalang ganap
b. Tambalang di-ganap
a. Tambalang ganap

Pagsasama ng dalawang magkaibang


salita na nagkakaroon ng bagong kahulugan
ang salitang nabuo.
Halimbawa:
hampas + lupa = hampaslupa
bahag + hari = bahaghari
b. Tambalang di-ganap

Nananatili ang kahulugan ng dalawang


salitang pinagsama.
Halimbawa:
silid-aklatan
asal-hayop
Pangkatin ang mga pangngalan ayon
sa anyo o kayarian. Gamitin ang
talahanayan para sa sagot.
Pagsusulit: Tukuyin sa patlang ang
anyo o kayarian ng pangngalang may
salungguhit sa pangungusap.
1. Nag-aalaga ng sari-saring halaman ang payak
aking Tiyo Pedring.
2. Si Amado ay nagbabasa ng dyaryo araw- payak
araw.
3. Naglibot sila sa pali-paligid ng asyenda ni inuulit
G. dela Vega.
4. Nalugod ang punong-guro sa kinalabasan tambalan
ng pagsusulit ng mga bata.
5. Ang kapatid ni Ruben ay sinabitan ng
medalyang ginto ng kanilang amain. maylapi
Takdang Aralin

Ano ang mga iba’t ibang gamit ng


pangngalan sa pangungusap? Isulat ang
sagot sa inyong mga kwaderno.
Inihanda ni:
Cuaresma, Karl James Martin
BEED-ll

You might also like