You are on page 1of 33

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

PAGMAMAHAL SA BANSA AT PAKIKIBAHAGI SA


PANDAIGDIGANG PAGKAKAISA
(YUNIT III)

MARLON C. LAUS
BULARIT ELEMENTARY SCHOOL
Gerona South District
Tarlac Province
Region III
ARALIN 13
PINAGKUKUNANG-YAMAN:
PAHALAGAHAN AT PANANAGUTAN KO
PAMBUNGAD NA ARALIN
Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman na nagmumula sa
dagat, bundok at lupa, pati na ang nasa ilalim nito. Ito ang
pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino.
PAMBUNGAD NA ARALIN
Subalit dahil sa kawalan ng pagpapahalaga at pananagutan sa
hanapbuhay at pinagkukunang-yaman, mabilis na nauubos ang mga
ito.
PAMBUNGAD NA ARALIN
Napakaraming gawain ang mga tao na nakasisira sa kalikasan.
Kinailangan tayong mabahala sa kasalukuyang kalagayan ng ating
mundo. Nakikita na natin ang epekto ng pagdaing ng ating kalikasan.
PAMBUNGAD NA ARALIN
Dahil sa kagustuhan ng pamahalaan na maisalba ang natitira pang likas
na yamang, hindi lang ng ating bansa kundi ng buong mundo, isinakatuparan
ang World Summit on Sustainable Development sa Johannesburg, noong
2002, at kamakailan lamang binuo na rin ang United Nations Millennium
Development.
IHANDA NATIN
Humanap ng makakasama sa pangkat. Ang bawat pangkat ay may anim na
miyembro. Pag-usapan niyo ang mga larawan at sagutin ang mga tanong.
1. Bilang kabataan, apektado ba kayo sa mga suliraning pangkapaligiran?
Ipaliwanag ang inyong sagot.
2. Pag-usapan ang mga nasa larawan. Paano ito nakaaapekto sa mga
pinagkukunang-yaman?
3. Bilang mag-aaral, ano naman ang inyong gagawin upang makatulong sa
pagpapalaganap ng pagpapahalaga at pagkakaroon ng pananagutan sa
kabuhayan as pinagkukunang-yaman sa loob ng paaralan.
IHANDA NATIN

Paggamit ng dinamita Polusyon sa hangin


IHANDA NATIN

Pagsabog Ilegal na pagtotroso


TALAKAYIN AT SAGUTIN

Suriin ang mga nasa larawan. Ipaliwanag ang idudulot ng


mga ito sa kapaligiran.
MATUTO SA IBA
A. Basahin ang balita na
nagbigay ng karangalan sa bansa
sa pamamagitan ng ipinakitang
pagpapahalaga at pananagutan
sa kabuhayan at pinagkukunang-
yaman.

Isang Pinay, Bilang Environmental Hero


Constancia Paloma
ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO
CONSTANCIA PALOMA

Isang retiradong siyentipikong


Pilipino ang nagbigay ng
karangalan sa bansa matapos
mailathala sa Time Magazine
bilang isa sa, “Heroes of the
Environment.” (Mga Bayani ng
Kalikasan.)
ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO
CONSTANCIA PALOMA

Si Jurgenne Honculada Primavera,


naninirahan sa Iloilo ay senior
scientists sa Southeast Asian Fisheries
and Development Center (SEAFDEC)
hanggang sa siya ay nagretiro noong
taong 2006. Sinabi ni Primaverra sa
isang panayam na natutuwa siya na
nailathala siya sa Time Magazine
sapagkat ito ay magdadala sa kanyang
kampanya sa mas malawak na
audience.
ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO
CONSTANCIA PALOMA

“Hindi ito para sa akin. Ito ay para


sa mga bakawan (mangroves),” sabi
niya. Isa si Primavera sa 30 grupo
ng mga tao, na binubuo ng mga
aktibista, siyentipiko, mga tanyag
na tao, imbentor at mananalapi sa
buong mundo na pinarangalan
dahil sa kontribusyon sa
pangangalaga at pagprotekta ng
kalikasan.
ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO
CONSTANCIA PALOMA

Hindi nila malulutas mag-isa ang


suliranin sa climate change o ang
endangered species. Subalit dahil sa
kanilang halimbawa, ang kanilang
kusang pag-aalay ng sarili sabagay na
sinasabi nilang “hopeless case,” ang
mga bayani ng kalikasan ay nagbigay
ng ilaw sa dilim,” ayon din sa ulat ng
Time Magazine.
ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO
CONSTANCIA PALOMA

May ulat mula sa pamahalaan na


mayroon na lamang 120,000 ng
bakawan sa Pilipinas. Bumaba
ito mula sa 500,000 na ektarya
noong 1990.
ISANG PINAY, BILANG ENVIRONMENTAL HERO
CONSTANCIA PALOMA

Sagutin:
1. Paano ipinakita ni Jurgenne
Primavera na karapat-dapat siya sa
karangalan bilang isa sa “Heroes of
the Environment?”
2. Bakit niya binibigyan
pagpapahalaga at pananagutan ang
pinagkukunang-yaman?
IHANDA NATIN

B. Basahin at alamin ang


kahalagahan ng likas-kayang
pag-unlad.

Ang Likas-Kayang Pag-unlad


ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

Ang likas-kayang pag-unlad ay ang


wastong pangangalaga sa
kapaligiran para sa kasalukuyan at
sa susunod na pang henerasyon.
Paano nga ba natin pangangalagaan
ang likas na yaman?
Mapapangalagaan ang likas na
yaman sa pamamagitan ng
matalinong paggamit nito. Naririto
ang mga paraan ng pangangalaga
sa likas na yaman.
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

1. Palitan ang mga punong pinutol 2. Panatilihing malinis ang


sa kagubatan. kapaligiran.
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

3. Mahigpit na ipagbawal ang 4. Wastong paggamit at pagtitipid


pagkakaingin. ng tubig.
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

5. Pangalagaan ang anyong-tubig sa 6. Matutuhan ang simpleng at


paligid. responsableng paggamit ng mga
materyal na bagay.
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

7. Pagbubukod ng mga basura mula 8. Isagawa ang 4Rs (Reduce, Reuse,


sa nabubulok at di-nabubulok. Recycle, Recovery)
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

9. Sumunod sa mga panuntunan at batas na ipinatutupad sa pangangalaga


ng kapaligiran.
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

10. Patuloy na magtanim ng mga halaman at puno.


ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

Matatamasa ang tunay na pag-unlad sa kabuhayan sa pamamagitan


ng pagpapahalaga at pagiging mapanagutan sa likas-yaman.
Mahkatugon ang pangangailangan ng tao at kalikasan sa isa’t-isa.
Kapwa nakasalalay sa tao at kalikasan ang pananatili o patuloy na
pag-inlad ng bawat isa kaya dapat magpatuloy ang pangangalaga sa
likas-yaman para matugunan ang pangangailangan ng tao sa
kasalukuyan at sa kinabukasan.
ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD

Sagutin:
1. Ano ang likas-kayang pag-
unlad?
2. Paano makatutulong sa mga
tao ang wastong pangangalaga sa
kalikasan?
3. Magbigay ng ibang paraan
upang pangalagaan ang
kalikasan.
GAWIN ANG TAMA

Pumili ng isa sa mga paraan ng pangangalagaan sa likas na yaman na


nakatla sa Matuto sa Iba, Gawain B. Ipakita kung paano
makatutulong bilang batang may malasakit at pagpapahalaga sa
pinagkukunang-yaman. Isagawa nang pangkatang gawain sa
malikhaing pamamaraan.
Kahit sa simpleng pamamaraan at pagmamalasakit, may
magagawa ang bawat isa sa atin at pangangalaga ng ating likas na
yaman.
ISIPING MABUTI

Bakit kailangang magkaroon tayo


ng pagpapahalaga at pananagutan
sa kabuhayan at likas-yamang ating
pinagkukunan nito. Paano
makatutulong ang isang kabataang
tulad mo na matiyak na ang
susunod na henerasyon ay may
pinagkukunang-yaman para sa
kanilang kabuhayan?
SUBUKIN ITO

A. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Sagutin ang Tama o Mali,


ayon sa iyong pagkakaunawa sa araling ito. Isulat ang sagot iyong
kwaderno.
1. Tungkulin ng pamahalaan ang pagtuturo ng pagpapahalaga at
pananagutan sa kabuhayan at likas-yamang pinagkukunan.
2. Magkatugon ang pangangailangan ng tao at likas-yaman sa isa’t-isa.
3. Nababatay ang pamumuhay at ang kaligtasan ng tao ayon sa
kalagayan ng mga likas na yaman.
SUBUKIN ITO

4. Kahit na may karapatan ang tao sa kabuhayan at paggamit ng likas-


yaman na pinagkukunan, marami pa rin ang ang naghihirap at
namamatay sa gutom.
5. Kailangan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang
matugunan ang pangangailangan ngayon at sa mahihirap.
SUBUKIN ITO

B. Sa gabay ng inyong guro, bumuo ng pangkat na may apat na


miyembro. Gawin ang mga sumusunod:
1. Mula sa mga bagong pahayagang ipinapadala sa inyo ng guro,
pumili ng mga balita ukol sa proyektong pangkabuhayan ng
pamahalaan,
2. Piliin kung anong nababagay sa inyong barangay.
3. Pag-uusapan kung anong ahensiya ng pamahalaan ang maaaring
makatulong sa inyong proyekto. Ibahagi ang inyong napag-usapan sa
klase at hingan ng dagdag na kalaaman mula sa kanila.
REPLEKSYON

Isulat sa iyong journal ang


iyong pangako kung paano
ka magiging isang
environmental hero o
bayaning pangkalikasan.

You might also like