You are on page 1of 20

2

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pangangalaga sa Kalikasan,
Pananagutan Ko
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Pangangalaga sa Kalikasan, Pananagutan Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Alma M. Angeles


Patnugot : Ramil D. Dacanay
: Rochella C. David
: Janet P. Lingat

Tagasuri : Emily F. Sarmiento PhD


: Angelica M. Burayag PhD

Tagaguhit : Krislene Ida N. Mercado

Tagalapat : Noel S. Reganit


Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Lourdes G. Dela Cruz PhD
Emily F. Sarmiento PhD
Ramil D. Dacanay

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Pangangalaga sa Kalikasan,
Pananagutan Ko
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o
estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

2
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng leksiyon patungkol sa
pangangalaga sa mga likas ng yaman ng komunidad.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
*naipaliliwanag ang pananagutan ng bawat isa sa
pangangalaga sa likas na yaman at pagpapanatili ng kalinisan ng
sariling komunidad.

1
Subukin

PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang bilang ng pangungusap na


tumutukoy sa pangangalaga sa likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad.

1. Paggamit ng lambat na may maliliit na butas sa pangingisda.

2. Pagtapon ng basura sa kanal.

3. Pagtatanim ng mga puno sa gubat.

4. Pagbaon sa lupa ng mga basurang nabubulok.

5. Paglilinis at pagdi-disinfect ng kapaligiran.

2
Aralin
Pangangalaga sa Kalikasan,
1 Pananagutan Ko

Balikan
Halika at balikan natin ang kalagayan at suliraning
pangkapaligiran ng komunidad.

PANUTO: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang tinutukoy


ng bawat pangungusap.

1. Ang pagputol ng mga puno ay isang dahilan ng pagbaha.

2. Nakalalason sa mga isda ang pagtapon ng kemikal sa ilog at dagat.

3. Polusyon sa hangin ang maaaring maidulot ng pagsusunog ng


basura.

4. Ang paghihiwa-hiwalay ng mga basura ay walang epekto sa


suliraning pangkapaligiran.

5. Ang pagtatanim ng mga puno at halaman ay nakatutulong sa


kalikasan.

3
Tuklasin
Paano mapangangalagaan ang mga likas na yaman at
mapananatili ang kalinisan ng sariling komunidad?

Basahin at unawain ang maikling kuwento tungkol sa isang


bata na nagpakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapaligiran. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

Pananagutan ni Atoy
ni: Alma M. Angeles

Ika-anim pa lamang ng umaga ay gising na si Atoy. Sasamahan


niya ang kaniyang tatay sa pamimingwit ng isda sa ilog. Sabado noon
kaya wiling-wili siyang pumunta sa lugar na ito dahil walang pasok sa
paaralan. Habang nasa tabi ng ilog ay may napansin siyang mga
basura na nakakalat. Dali-dali niya itong pinulot at inilagay sa sako na
kanilang palaging dala upang itapon sa tamang basurahan. Ito ay
madalas niyang ginagawa habang hinihintay ang kaniyang tatay.

4
Maya-maya ay narinig na niya ang pagtawag ng kaniyang ama upang
sabihing sila ay uuwi na bitbit ang mga nahuling isda.

PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang


papel ang wastong sagot.

1. Sino ang bata sa kuwento?


2. Ano ang ginagawa niya tuwing sumasama sa kaniyang tatay sa
pagpunta sa ilog?
3. Gaano kadalas niya itong ginagawa?
4. Bakit kailangang alisin ang mga basura na nakakalat sa ilog?
5. Ano ang maaaring maging epekto nito sa mga likas na yaman at
sa komunidad?

Suriin
Ang ating mga pangangailangan ay nakukuha natin sa ating
kalikasan. Dito rin nanggagaling ang kabuhayan ng ating mga
magulang. Kung hindi natin pangangalagaan ang ating kalikasan,
darating ang panahon ay wala na tayong pagkukunan ng ating mga
pangangailangan sa pang araw-araw na pamumuhay. Mahalaga rin
ang pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad upang
maiwasan ang pagkalat ng sakit at pandemya dulot ng COVID-19.

Pananagutan ng bawat isa na pangalagaan ang likas na yaman


at panatilihin ang kalinisan ng sariling komunidad. Ilan sa
pamamaraan ng paggawa nito ay ang mga sumusunod:

1. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

5
2. Magtanim ng mga puno at halaman.

3. Iwasan ang pagtapon ng dumi at nakalalasong kemikal sa sapa,


ilog, at iba’t ibang anyo ng tubig.

4. Gumamit ng lambat na may malaking butas sa panghuhuli.

5. Gamitin nang wasto ang tubig at huwag sayangin.

6. Isumbong sa kinauukulan ang mga taong namiminsala sa mga


likas na yaman ng komunidad.

Marapat lamang na pangalagaan at pahalagahan ang mga likas


na yaman ng sariling komunidad para na rin sa mga susunod na
henerasyon.

Pagyamanin

Gawain 1
PANUTO: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay biyaya ng Diyos na pinagkukunan ng iba’t ibang yaman
tulad ng pagkain, tubig, at kagamitan sa araw-araw.
a. kalikasan
b. karagatan
c. kakayuhan
d. kalupaan

6
2. Ano ang dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan?
a. malasakit ng bawat isa
b. pakikilahok sa mga programang pangkapaligiran
c. pagtupad sa tungkulin sa pangangalaga ng kalikasan
d. kawalan ng disiplina ng bawat isa sa pangangalaga sa
likas na yaman

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa


pangangalaga sa mga likas na yaman?
a. Magtapon ng basura kahit saan.
b. Gumamit ng dinamita sa pangingisda.
c. Putulin ang mga puno ng walang pahintulot.
d. Magsumbong sa kinauukulan kung may nakitang
sumisira sa mga likas na yaman.

4. Paano mapananatili ang sariwang hangin?


a. Sunugin ang mga nakakalat na basura.
b. Hayaang magbuga ng usok ang mga sasakyan.
c. Paghiwa-hiwalayin ang mga basurang nabubulok at
hindi nabubulok at gawin ang 3Rs ( reduce, reuse,
recycle ).
d. Lahat ay wasto.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi programa ng pamahalaan
tungkol sa pangangalaga sa ating likas na yaman?
a. “Bantay-Gubat”
b. “Bantay-Dagat”
c. “Bantay-Bata”
d. “Bantay-Kalikasan”

7
Gawain 2
PANUTO: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salita na
tumutukoy sa pangangalaga sa likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan ng komunidad. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Ang pagsusunog ng basura ay nagbibigay ng (polusyon, solusyon)
sa hangin.
2. Nagiging pataba ang pagbabaon sa lupa ng
(nabubulok, di-nabubulok) na basura.
3. Ang (malinis, maruming) paligid ay nagdudulot ng pagkalat ng
sakit tulad ng COVID-19.
4. Maganda sa tanawin ang (maraming, kaunting) mga puno.
5. Ang pagtatapon ng kemikal sa ilog ay may (masamang, mabuting)
maidudulot sa mga isda.
Gawain 3
PANUTO: Kopyahin at kumpletuhin ang graphic organizer na nasa
ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________
___________
___________
___________

Pagpapanatili ng _____________
_____________ Kalinisan ng _____________
_____________ Sariling _____________
_____________ Komunidad

__________
__________
__________
__________

8
Gawain 4:
PANUTO: Punan ng tamang impormasyon ang talaan sa ibaba. Isulat
ang sagot sa kwaderno.

Gawain Epekto sa Kalikasan

pagtatanim ng mga puno hal. pumipigil sa pagbaha

wastong paraan ng pangingisda

tamang pagtatapon ng basura

wastong paggamit ng tubig

paglilinis ng mga kanal at


daluyang tubig

9
Isaisip

Gawain 1
PANUTO: Punan ng mga salita ang talaan sa ibaba. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.

Aking natutunan ang mga sumusunod:

1. ______________________________________________

2._______________________________________________

3._______________________________________________

Aking gagawin ang mga sumusunod:

1. ________________________________________________

2. ________________________________________________

3. ________________________________________________

10
Isagawa
PANUTO: Gumawa ng tsart sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba.
Lagyan ng tsek (✓) kung ang sinasabi ng pangungusap ay
nagawa mo na at ekis ( × ) kung hindi pa.

Mga Sitwasyon Nagawa na Hindi pa

1. Nagwawalis ako sa aming


bakuran.

2. Hinihiwalay ko ang basurang


nabubulok at hindi nabubulok.

3. Tumutulong ako sa pagtatanim at


pag-aalaga ng mga halaman.

4. Ginagamit ko nang wasto ang


tubig dahil limitado lamang ang
suplay nito.

5. Nagdi-disinfect ako katulad ng


palagiang paghuhugas ng kamay
at paggamit ng alcohol
pagkatapos magtapon ng basura
sa tamang lalagyan.

11
Tayahin
Gawain 1:
PANUTO: Iguhit sa sagutang papel ang kung ang gawain ay
tumutukoy sa pangangalaga sa mga likas na yaman at
kung nakapipinsala.
1. pagre-recycle ng mga basura
2. pagwawalis ng bakuran at pag di-disinfect
3. pagsasara ng gripo kung hindi ginagamit
4. pagtatanim ng mga puno
5. paglilinis ng mga baradong kanal

Gawain 2:
Pagtambalin ang gawain sa Hanay A sa epekto nito sa Hanay B.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. paghihiwa-hiwalay ng mga a. dadami ang huling isda
basura
2. isara ang gripo habang b. malinis na kapaligiran
nagsisipilyo
3. magtanim ng mga halaman at c. makatitipid ng tubig
puno
4. tamang paraan ng d. iwas sa sakit na COVID-19
pangingisda
5. paglilinis at e. malinis na hangin
pagdi-disinfect sa paligid

12
Karagdagang Gawain
Gawain 1:
PANUTO: Magsulat ng tatlong tungkulin na dapat gampanan ng
bawat isa sa pangangalaga sa likas na yaman at
pagpapanatili ng kalinisan ng sariling komunidad.

Yamang Lupa Yamang Tubig

1. ____________________ 1. __________________

2. ____________________ 2. __________________

3. ____________________ 3. __________________

13
14
Tayahin
Pagyamanin Subukin
Gawain 1
1-5 Gawain 1 3,4,5
Gawain 2
1. b 1.a 2.d 3.d 4.c 5.c
2. c Balikan
Gawain 2
3. e
1. polusyon 1. Tama
4. a
2. nabubulok 2. Tama
5. d
3. maruming 3. Tama
Karagdagang Gawain
4. maraming 4. Mali
Yamang Lupa
5. masamang 5. Tama
1. pagtatanim
2. paglilinis at pagdi-disinfect Gawain 3
3. pagbaon sa lupa ng Tuklasin
basurang nabubulok Answers may vary
Yamang Tubig Gawain 4 1. Atoy
1. Hindi pagtapon ng basura
2. Paggamit ng lambat sa 1. Maiiwasan ang pagbaha 2. Pinupulot ang basura
pangingisda 3. Madalas
3. Pagtitipid sa paggamit ng 2. Mauubos ang mga isda
tubig 3. Kokonti ang basura 4. Upang hindi malason ang
mga isda
4. Hindi mauubusan ng suplay 5. Malinis na komunidad at
ng tubig maraming likas na yaman
5. Dadaloy nang maayos ang
tubig
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio, Eleanor D., Emilia L. Banlaygas, and Sheryl D.


Antonio. Kayamanan Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan 2. Manila: Rex Bookstore, 2017.

Cruz, Gloria M., Charity A. Capunitan, Emelita C. dela


Rosa, and Leo F. Arrobang. Araling Panlipunan 2
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City: Vibal Publishing House
Inc., 2013.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like