You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PANIMULANG PAGBASA SA FILIPINO

GAMIT ANG PAMARAANG ES CLAVERIA/ABAKADA

UNANG BAITANG

I. Layunin
A. Natutukoy ang mga larawan at unang pantig nito.
B. Nakabubuo ng bagong salita gamit ang mga pantig na ba, ka, la, ma, pa, sa, ta, at ya.
C. Nakabubuo at nakababasa ng mga parirala, pangungusap at maikling kuwento.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagtukoy at Pagbuo ng mga Salita, Parirala, Pangungusap, at Kuwento, Gamit ang mga
Pantig na ba, ka, la, ma, pa, sa, ta, at ya
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide, DBOW FIKP-11F5
C. Kagamitan: larawan, nakalimbag na salita, tsart, ppt
D. Pagpapahalaga: Pakikinig na mabuti sa aralin.

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang unang letra ng mga larawan. Piliin ang tamang sagot sa tsart.

_law _rasan _so _lan _roplano

2. Balik-aral
Panuto:

__tas __dyo __hon __lis __nay


3. Pamantayan
Makinig na mabuti.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
“Gift box”
Ano-ano ang gusto niyong regalo sa pasko?
Ano ang nararamdaman niyo kung marami kayong regalo?

2. Pagmomodelo/Paglalahad
a. Pagtukoy sa mga larawan

baso kamay lapis mata payong sapatos tabo yaya


b. Pagtukoy sa unang pantig ng mga larawan.

baso kamay lapis mata payong sapatos tabo yaya

c. Tsarting
Pagbuo ng mga bagong salita.
tasa kama mata pala
lata palaka kalabasa papaya

Pagbuo ng parirala sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ang, may, ay, at, at si.


a. ang tasa ay
b. ang mata ay
c. ang papaya at kalabasa
d. si Lala
e. may palaka

Pagbuo ng pangungusap.
a. Ang tasa ay isa.
b. Ang mata ay dalawa.
c. Ang papaya at kalabasa ay malasa.
d. May kama si Lala.
e. May palaka sa lata.

Pagbuo ng maikling kuwento.

Si Lala ay may papaya.


Ang papaya ay dalawa.
Malasa ang papaya.
Masaya si Lala.

Mga Tanong:
1. Sino ang may papaya?
2. Ilan ang papaya?
3. Ano ang naramdaman ni Lala?

3. Pinatnubayang Pagsasanay
Pangkatang Gawain
Pangkat 1-Isulat ang unang pantig ng mga larawan.
Pangkat 2-Itambal ang larawan sa kanyang unang pantig.
Pangkat 3-Bilugan ang tamang ngalan ng larawan.
Pangkat 4-Isulat ang tamang ngalan ng larawan.

4. Paglalahat

TANDAAN:
Makabubuo tayo ng mga salita sa pamamagitan ng pagsasama ng mga pantig.

5. Malayang Pagsasanay
Panuto: Itaas ang thumbs up kung tama ang unang pantig ng mga larawan at thumbs down
kung mali.

1. sa
2. na

3. ma

4. la

5. ha

IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang letra ng tamang ngalan ng larawan.
1. A. daga B. baga

2. A. tali B. tala

3. A. mapa B. maha

4. A. lima B. dalawa

5. A. palaka B. baka

V. Takdang Aralin
Panuto: Basahin at imemorya ang ABAKADAng Filipino.

Inihanda ni:

ARCELI E. DANGCA
Teacher III

You might also like