You are on page 1of 6

TANDAAN:

Sanaysay – mailkling
komposisyon na kalimitang
naglalaman ng kuro-kuro at
damdamin ng may-akda.

Dalawang Uri ng Sanaysay


1. Palagayan – paksang karaniwan
- palakaibigan ang tono
- unang panauhan ang pananaw
2. Maanyo – makaagham at lohikal
- mapitagan ang tono
- ikatlong panauhan ang pananaw
Kahapon, Ngayon at Bukas

Kahapon…
“Maibabalik pa ba ng kahapon?”
Hindi na maibabalik ang mga oras
na lumipas, ang mga ito’y bahagi na
lamang ng nakaraan. Ngunit ang
bakas ng nakaraan ang salamin ng
ating pagkatuto kung paano natin
pinanday ang buhay. Matimyas
ang panahon ng ating kabataan,
naririyan ang ating mga magulang na
laging nakagabay sa bawat
pangyayari sa ating buhay masaya o
malungkot man. Ang mga pangaral
nila ang ating sandalan upang
maging metatag at matutong
sumagwan sa agos ng paglalakbay.
Ngayon…
“Huwag nang ipagpabukas pa ang
maaring gawin ngayon.”
Mahalaga ang panahon kaya’t
hindi dapat ipagpaliban ang mga
bagay na dapat gawin. Gamitin ang
ating lakas at karunungan upang hindi
masayang ang pagkakataon sa
bagong kabanata na ito ng ating
buhay.
Ngayon, tayo’y bata pa, masig;a
at masaya. Marami tayong gusting
gawin ngunit dapat tayong mag-ingat,
dapat alamin kung ang gawain bang
ito’y marapat at matuwid at hindi tayo
dadalhin sa kapalaluan. Ngayon
natin ipakita ang pagtupad sa bilin ng
ating mga magulang, ang mag-aral ng
mabuti at tanggapin ang kung anong
mayroon tayo. Magpakita tayo ng
kasipagan at katatagan. Nariyan ang
ating mga kaibigan, mga bagong
karakter na kasama sa araw-araw.
Tiyakin lamang natin kung sino sa
kanila ang tunay at kung sino ang
nagpapanggap lamang. Kung sino sa
kanila ang makatutulong at sino
naman ang magsasamantala lamang.
Sana’y maging maingat at masipag
tayo at gawin kung ano ang tama
ngayon…
Bukas…
“Ang bukas ay puno ng pag-asa.”
Nakasalalay sa kung ano tayo
noon at kung paano tayo ngayon ang
kahihinatnan ng ating bukas.
Ngunit kung may mga hindi
magandang nangyari noon ay
maaaring mabago at maituwid ngayon
para sa mas maayos na bukas. Puno
ng pag-asa ang ating bukas, puno ng
pangako, ng pagbabago para sa mas
maganda at maginhawang buhay.
Anuman ang dumaang pagsubok
kakayanin natin dahil sa pangako ng
bagong umaga.
Higit na maliwanag, mas makulay,
ang pag-asang inasam. Sana’y huwag
tayong mawalan ng pag-asa dahil sa
ating paglalakbay, laging may
nakalaang bukas at sa paglalakbay na
ito, may nagmamatyag at laging
gumagabay.

You might also like