You are on page 1of 1

Teenage Pregnancy

Isang mapagpalang araw para sa ating lahat! Sa aking guro na si Gng. Micah Glorice C. Tamayo at sa
mga kapwa ko mag-aaral. Ang aking talumpati ay tungkol sa Teenage Pregnancy.

Taon-taon, pataas nang pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa nang pababa ang edad
ng mga kabataang nabubuntis. At hindi lang ito sa mga mahihirap na pamilya nanyayari, kahit din sa
mga mayayaman na pamilya.

Iba na kasi talaga ang panahon ngayon! Yan ang kailangan natin tanggapin. Sa halip na pilitin nating
lasingin ang mga utak natin sa makulay na alaala natin sa nakaraan, intindihin natin na hindi na
maibabalik iyon. Isa lang ang direksyon ng sangkatauhan, pasulong. Sumabay tayo sa martsa nila at
yakapin natin ang hinaharap.

Kailangan sa magulang manggaling mismo ang pagmulat ng mga bata sa mga gawain ng matatanda,
ipaliwanag ng mabuti sakanila, ipaintindi na ang aktong paggawa ng bata ay sagrado, na ito ay ginagawa
lamang ng mga taong tunay na nagmamahalan. Huwag natin takpan ang mata nila, kundi buksan natin
ang kanilang mga isipan.

Para sating mga kabataan, huwag nating itapon ang kinabukasan natin para sa panandaliang sarap. Hindi
madali magpalaki ng bata, tingnan nalang natin ang magulang natin, kung gaano sila magsumikap
magtrabaho para lang makapasok tayo sa eskwelahan araw-araw. Isusubo nalang nila na pagkain,
ibibigay pa satin. Matuto tayo magkaroon ng utang na loob.

Sa tingin nyo ba makakapag-aral pa kayo pag nagkaroon kayo ng anak sa napakabatang edad? Hindi na.
Yang mga barkada ninyo? Mawawala lahat yan, ang pagpapalaki ng bata ay panghabang-buhay na
tungkulin.

Hindi natin kailangan magmadali. Huwag nating paikutin ang mundo natin sa mga kasintahan natin.
Lasapin natin ang ating kabataan dahil baka bukas makalawa lang ay tatanda nadin tayo.

You might also like