You are on page 1of 5

Panghalip

Ang panghalip ay bahagi ng


pananalita na inihahalili sa
pangngalan upang maiwasan ang pag-
uulit nito.
Panghalip
Panao
Mga panghalip na ipinapalit o
inihahalili sa ngalan ng tao. Ang
panghalip panao ay may panuhan,
kailanan, at kaukulan.
Panauhan ng Panghalip Panao- taong tinutukoy sa panghalip
 Unang Panauhan- tumutukoy sa taong nagsasalita.

Hal. Ako, akin, kami, ko

 Ikalawang Panauhan- tumutukoy sa taong kinakausap

Hal. Ikaw, ka, kayo, inyo, mo

 Ikatlong panauhan- tumutukoy sa taong pinag-uusapan.

Hal. Siya, sila, niya, nila


Kailanan ng Panghalip Panao- tumutukoy sa dami o bilang ng taong
tinutukoy sa panghalip.

 Isahan- kapag isang tao lamang ang tinutukoy.

Hal. Ako, siya, akin, mo, iyo, kanya, niya

 Maramihan- kapag marami ang pinag-uukulan ng bilang ng tao.

Hal. Tayo, kami, atin, kayo, ninyo, natin, kanila, nila, sila
Kaukulan ng Panghalip Panano- tumutukoy sa gamit ng panghalip sa
pangungusap.

 Palagyo- panghalip panaong ginagamit bilang simuno o paksa ng pangungusap.

Hal. Siya ay nagkaroon ng matibay na paninindigan.

 Paari- kapag ang pangngalan ay kumakatawan sa tao o mga taong nag-aari o


nagpapakilala ng pagmamay-ari.

Hal. Akin (amin) ang poster na nagkamit ng unang gantimpala.


Iyo (Inyo) ang pinakamasining na artwork sa ikatlong baitang ng mga mag-aaral.
Kanya (Kanila) ang nanalong recipe ng pagkain sa paligsahan tungkol sa
kahalagahan ng wastong nutrisyon.

You might also like