You are on page 1of 31

MA80

Panimulang
Linggwistika
Elaeza Sindee Barba
`
MAEd - Filipino
Mag-aaral
Panalangin
Kumustahan
Panimulang Gawain:
IBALIK MO
AKO SA
TAHANAN KO!
Intended Learning Outcome:

• Nakapagpapakita ng malalim na kaalaman


kaugnay sa Kultural na Literasi, kahulugan,
kahalagahan at benepisyo sa holistikong
kalinangan at kamalayan
Mga bahaging
ginagamit
` sa
Pagsasalita
1. Pangngalan (Noun)
- bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o
lugar, hayop, pangyayari,damdamin, kaisipan o ideya.
Uri ng Pangngalan
• Pambalana (Common Noun)
- tawag sa karaniwang pangalan ng ng tao, pook, bagay, at pangyayari.

Hal: bansa, artista, lapis, aklat, babae,

• Pantangi (Proper Noun) -


- nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, pook, bagay, at pangyayari.

Hal: Tsina, Judy Ann, Davao, Ana


Kayarian ng Pangngalan

Payak - mga salitang likas at katutubong atin na maaaring


mapag-isa
Hal: perlas, puso, lambat, langit, ilog

Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na


nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man.
Hal: ganda – kagandahan
isda - palaisdaan
away - mag-away
Inuulit - mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang
salitang maylapi.
Hal: tatay-tatayan, sabi-sabi , biru-biruan, tira-tira

TANDAAN:
May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit
ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga
pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan
ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat.
Hal: gamugamo, guniguni, alaala
2. Panghalip ( pronoun)
- ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa
pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-
ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi
magandang pakinggan.

Hal: * Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa.


(Ibigay mo ang mga ito sa kanya.)
*Kay Mila at Maria ang mga rosas na nasa
mesa. (Sa kanila ang mga iyan.)
Mga Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun) – ay ipinapalit sa
ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-
uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring
isahan, dalawahan at maramihan.

*Isahan-ginagamit kung ang pangngalang pangtao na binabanggit


ay isa lang: (Ako, akin, ko, ikaw, ka, mo, iyo )

Hal: Ako ay pumunta sa simbahan.


Ikaw ay inaanyayahan ko sa aking kaarawan.
*Dalawahan- ginagamit kung ang binabanggit na pangngalan ay
dalawang tao lamang (Kita, kata,)

Hal: Nakita kita kahapon sa simbahan.


Kata nang kumain sa kantina.

*Maramihan- ginagamit para sa maramihan o grupo ng tao. (Tayo, kami,


natin, naming, atin, amin, inyo, ninyo, kanila, nila)

Hal: Para sa atin naman itong ginagawa natin kaya tapusin nalang natin
ito.
Tayo nalang ang magsabi sa kanya sa nangyari.
Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay
inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng
pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa
nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
*Malapit sa Nagsasalita
Hal: ito/ ire, heto, dito (Heto na ang hiniram ko na libro.)
*Malapit sa Kausap
Hal: iyan, hayan/ ayan, diyan (Ayan na ang hinihiram
mo.)
*Malayo sa Nag-uusap
Hal: iyon , hayun/ ayun, doon (Doon mo ilagay ang
gamit na hiniram mo.)
Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun) - ay mga panghalip na
sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.
*Nagsasaad ng Kaisahan (Isa, isa pa, iba, bawat isa)
Hal: (Bawat isa ay may kanya-kanyang responsibilidad sa komunidad.)
*Nagsasaad ng dami o kalahatan (lahat, tanan, pulos, balana, pa wang,
madla)
Hal: Lahat ng mga tao sa paligid ay abala sa paghahanda.
4. Panghalip na Pananong – inihahalili sa pangngalan kung
nagtatanong.
Hal: a. pangtao (sino, kanino) Sino ang iyong pinakamatalik na kaibigan?
b. bagay, hayop, lugar (ano, alin, saan, ilan) Ano ang paborito mong
pelikula?
Alin sa mga kotse ang gusto mong bilhin?
Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Hal:
Ganito- (Malapit sa nagsasalita) Ganito ang dapat nating gawin bukas.
Ganyan - Malapit sa kausap) Ganyan ang gusto kong kulay ng buhok.
Ganoon - Malayo sa nag-uusap) Ganoon ang nais kong matanggap sa
pasko.
3. Pang-uri (Adjective)
- naglalarawan sa mga salita na nagbibigay-katangian o
nagpapahayag ng kalagayan, katangian, o kalidad ng isang bagay o
pangyayari.
Hal:
Maganda ang bulaklak.
Masaya ako.
Malalim ang dagat.
Kaantasan ng Pang-uri:
1.1 Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan.
Halimbawa:
a. Si Amelia ay maganda.
1.2. Pahambing – naglalarawan sa dalawang pangngalan o tinutukoy,
maaaring pareho o ang isa ay nakahihigit ang katangian.
Hal:
a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay Amelia.
1.3. Pasukdol – pagbibigay ng sukdulang paglalarawan o katangiang
nakahihigit sa lahat. Ang panghahambing ay higit sa dalawa.
Hal:
a. Pinakamaganda si Anna sa kanilang lahat.
4. PANDIWA (VERB)
- ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa o
kalagayan.

Mga Aspekto ng Pandiwa


Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense) – nagpapahayag
ng kilos o gawang natapos na.
Hal: Nagpirito ng isda si Mang Kulas.

Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense) - nagsasaad ng


pagkilos na nasimulan na subali't hindi pa natatapos.
Hal: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future Tense)- kilos
o gawa ay mangyayari pa lamang.

Hal: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.

KAILANAN NG PANDIWA
Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Hal: Si Juan ay nagbabasa.
Maramihan - marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Hal: Sina Juan ay nangagbabasa.
5. Pang-abay (Adverb )
- ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pang-uri (adjective),
pandiwa (verb) at kapwa pang-abay.
Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang uri ng pang-abay:
Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang
kilos na taglay ng pandiwa sa pangungusap.
Hal: Ngayon, kailangan kong mag-aral para sa aking pagsusulit.
Mamaya, pupunta ako sa mall upang maghanap ng mga damit na pwede
kong isuot sa darating na kasal.

Pang-abay na Pook – Ito ang pang-abay na naglalarawan ng lugar o pook na


may kinalaman sa pangungusap.
Hal: Doon sa kanto, mayroong malaking puno ng mangga.
Pang-abay na Pamaraan – Ito ang pang-abay na nagbibigay ng
pamamaraan o estilo sa paggawa ng isang bagay. (nang o na/ng). Ito ay
sumasagot sa tanong na PAANO.
Hal: Natulog si Anna nang patagilid.
Umalis si Alex na umiiyak.

Pang-abay na Pang-agam- nagpapahayag ng walang kasiguraduhang


kasagutan, di-katiyakan sa kilos, o pag-aalinlangan.

Hal: Baka sa susunod na linggo kame mamamasyal.


Masama ang aking pakiramdaman kaya hindi yata ako
makagalaw ng maayos.
6. Pangatnig (conjunction)
- ay ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala sa
-Kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa
o higit pang kaisipan sa loob ng pangungusap.

Uri ng Pangatnig
1. Panapos - pangatnig na nagsasaad na malapit nang matapos ang
pagsasalita o ang nais ipahiwatig ng pangungusap. (sa wakas, sa lahat ito,
di-kawasa, sa bagay na ito)
Hal: Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon
sa trabaho.
Pananhi - nagsasaad ng kadahilanan o katuwiran para sa
natapos na kilos.
(kasi, dahil, palibhasa, sapagkat)
Hal: Sumakit ang kanyang lalamunan dahil sa kasisigaw.
Pamukod - pangatnig na ginagamit sa pagbukod o pagtatangi. (o, ni,
maging)
Hal: Kung ikaw o si Liza ang bibigyan ng parangal ay wala akong
tutol.
Paninsay - pangatnig na sinasalungat ng naunang parte ng pangungusap
ang ikalawang bahagi nito. (ngunit, subalit, datapwat, habang, kahit,
bagaman)
Hal: Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit na maraming
naninira sa kanya.
Panubali - nagsasaad ito ng pagaatubili o pag-aalinlangan o
alternatibong pagpipilian. ( kung, kapag, pag)
Hal: Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang
maaga ang tatay.

Panimbang – pangatnig na gamit kung naghahayag ng


karagdagang impormasyon at kaisipan. (pati, anupa’t, saka, at)

Hal: Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para


makaahon sa kahirapan.
Ikaw at ako ay mahilig kumain
Pamanggit - pangatnig na gumagaya o nagsasabi lamang ng iba.
(raw, sa ganang akin,di umano)
Hal: Ako raw ang dahilan ng kanyang pagbagsak.

Panulad - gumagaya o tumutulad ng mga pangyayari, kilos o gawa.


(kung sino..siyang, kung ano… siya rin, kung gaano…siya rin)
Hal: Kung ano ang puno, siya ring bunga.

Panlinaw - gamit ang pangatnig na panlinaw upang ipaliwanag ang


bahagi o kabuuan ng isang banggit. (kaya, kung gayon, sana)
Hal: Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si
Berto.
7. PANG-ANGKOP

- ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang


maging kaaya -aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng
ugnayang panggramatika. Ito ay maaaring matagpuan sa pagitan ng
pang-uri at pangngalan. Ang pangangkop ay ang mga katagang NA,
NG at G.

NA – ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang


salita ay nagtatapos sa katinig (consonant) maliban sa titik na n.

Hal: Ang malinis na hangin ay ating kailangan.


NG – ginagamit kung ang unang salita ng iuugnay ay nagtatapos sa
patinig (vowel).

Hal: Ang mabangong bulaklak.


Ang maikling kwento

G – Ito naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n


na dinudugtungan ng g.

Hal: Ang kaning masarap


Ang pamahalaang maunlad
8. Pang-ukol (Preposition)
- ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o
layon.

Pangkat ng pang-ukol:
Ginagamit na pangngalang pambalana: mga pantukoy na ang layon,
gawa, kilos o ari ay para sa lahat.
(ukol sa, laban sa, hinggil sa, laban sa, ayon sa, tungkol sa, para sa)

Hal: Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.


Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari,
layon, at kilos ay para lamang ngalan ng tao. (ukol kay, laban kay, para
kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.)

Hal: Para kay Juan ang pagkaing ito.


Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.
Mga Hanguang Elektroniko:
• https://www.academia.edu/38557610/BAHAGI_NG_PANANALITA
• https://www.studocu.com/ph/document/bohol-island-state-university/
education/mga-bahagi-ng-pananalita/56555605
• https://www.slideshare.net/daniholic/mga-bahagi-ng-pananalita?
from_search=1
• https://www.slideshare.net/ChristianBonoan1/aspekto-ng-pandiwa-
69816930
Maraming salamat at
nawa’y pagpalain tayo ng
Panginoon!

You might also like