You are on page 1of 4

Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (sa Ingles: part of speech), o kauriang

panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihing bahaging
panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at
morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
. Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag
na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga
ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol,
pang-angkop at pandamdam.

. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos maipahayag ng dating
Pangulong Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.

. Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na


ngayon bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa
Matandang Balarila.

. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at Norma
G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong
pamamaraan:

Mga bahagi ng Pananalita

1. Pangngalan • Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook,
hayop o pangyayari. • Dalawang uri ng PANGNGALAN: 1. Pangngalang Pambalana •
Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari • Halimbawa: lapis, papel, babae,
lalaki, simbahan, ibon

2. PANGHALIP• Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa


pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang
pakinggan. Uri at Halimbawa: 1. Panao - ako, siya, sila 2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin 3.
Pananong - sino, ano, kailan 4. Pamatlig - dito, doon 5. Pamilang - ilan, marami 6. Panaklaw -
madla, pangkat

3. PANDIWA • Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Uri ng


Pandiwa: 1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na mahirapan ang
walang tiyaga mag-aral. 2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng
hardin si Nena. 3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa:
Ang matiyaga nagwawagi.

4. PANGATNIG • Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na
ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o
ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap. Uri ng Pangatnig at halimbawa: 1. Paninsay. Ito
ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan. Halimbawa:
Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang
mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob. Halimbawa:
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy ng kan
yang naudlot na gawain.

3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-
ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita. Halimbawa: At sa


wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari. Halimbawa: Kung


ano ang utang, siya ring kabayaran.

PANG-UKOL• Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-


uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-
uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon. • Dalawang pangkat ng Pang-ukol
1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, par
a sa. Mga Halimbawa: 1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus 3. Laban
sa manggagawa ang kanilang pinapanukala. 4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan
ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.
Mga Halimbawa: 1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria. 2. Para
kay Juan ang pagkaing ito. 3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat. 5. Ayon
kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.

PANG-ANGKOP • Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-


uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan ang
pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-
ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.
Uri ng PANG-ANGKOP 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung
saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang
kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay. Halimbawa: Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig. 2. Pang-angkop ng ng -
Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha. Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa
salitang malalaki na nagtatapos sa titik i na isang patinig.
Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang
naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. • Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang
titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g
ang ginamit. Halimbawa: luntian ng halaman - luntiang halaman Maraming banging matatarik sa
ating bansa. 3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa
titik na n.

PANG-URI• Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan,
karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng
turing sa isang pangngalan o panghalip. • Halimbawa: – Matamis ang inihaing mangga ni Aling
Ising. – Napakaganda nga ng bistidang iyan! – Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
– Ang sasakyan ay kulay pula. – Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.
PANG- ABAY • Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay. • Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan
at gaano. Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano
ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: - Taimtim na pinakinggan ang
kanyang awitin hanggang sa huling nota.

Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na
aksyon ng pandiwa. Halimbawa: - Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na
kalooban. 3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong
isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan. Halimbawa: - Umawit si Nelsa sa isang
amateur singng contest sa radyo. 4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-
aalinlangan at walang katiyakan.

Pang-abay na
Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanon
g na gaano o ilan. Halimbawa: - Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo. 6. Pang-abay na
Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon. Halimbawa:
- Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 7. Pang-abay na
Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon. Halimbawa:
- Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao. 8. Pang-abay na
Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Halimbawa:
- Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

PANTUKOY• Ang PANTUKOY


ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawa
ng uri. 1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ang, ang
mga, mga • ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. • ang
mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. •
mga (maramihan) Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay,
kina - si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro. - sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz. - ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.
- nina (maramihan) Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis.
- kay (isahan) Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.
- kina (maramihan) Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.

PANGAWING • Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.



ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos
pangungusap. Ang una ang panag-
uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-
karaniwang ayos • Halimabawa: - Ako ay galing sa banyo.
Paglalagom

Mga salitang pangnilalaman (mga content word)

1. Mga nominal a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao,
hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp. b. Panghalip (pronoun) - mga salitang
panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng
mga salita 3. Mga panuring (mga modifier) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang
nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay (adverb) -
mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa nito pang-
abay

B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words) 1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a.


Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay b.
Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan c.
Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

3. Mga Pananda (Markers) a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging


nangunguna sa pangngalan o panghalip b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative)
- salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng matinding
damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay maaaring magamit
bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga ng may matinding damdamin.
Sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng pananalita bagama't higit pa ito
nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang
lingguwistiko. Ito ay ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-
ukol at pandamdam.

You might also like