You are on page 1of 4

Mga Bahagi Ng Pananalita

1. 1. 1. Pangngalan Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay,


pook, hayop o pangyayari. Dalawang uri ng PANGNGALAN: 1. Pangngalang Pambalana
Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari Halimbawa: lapis, papel,
babae, lalaki, simbahan, ibon
2. 2. 2. PANGHALIP Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa
pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi
magandang pakinggan. Uri at Halimbawa: 1. Panao - ako, siya, sila 2. Paari - akin, kaniya,
kanila, amin 3. Pananong - sino, ano, kailan 4. Pamatlig - dito, doon 5. Pamilang - ilan,
marami 6. Panaklaw - madla, pangkat
3. 3. 3. PANDIWA Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Uri ng Pandiwa: 1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na
mahirapan ang walang tiyaga mag-aral. 2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon
Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena. 3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang
layong tumatanggap. Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
4. 4. 4. PANGATNIG Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na
ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa
parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap. Uri ng Pangatnig at
halimbawa: 1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay
nagkakasalungatan. Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay
mananatiling buhay.
5. 5. 2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipa
kilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa:
Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun na magpapatuloy
ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isi
pan. Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niyay nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi n
a.
6. 6. 5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-
ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita. Halimbawa: At sa
wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari. Halimbawa:
Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
7. 7. 5. PANG-UKOL Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-
uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-
uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon. Dalawang pangkat ng Pang-ukol
1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol
sa, para sa. Mga Halimbawa: 1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus 3. Laban
sa manggagawa ang kanilang pinapanukala. 4. Ang mga aklat na ito ay para
sa mahihirap.
8. 8.
2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa n
galan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.
Mga Halimbawa: 1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria. 2. Para
kay Juan ang pagkaing ito. 3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat. 5. Ayon
kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
9. 9. 6. PANG-ANGKOP Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-
uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging madulas o magaan
ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop upang pag-
ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.
10. 10. Uri ng PANG-ANGKOP 1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita
na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n.
Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay. Halimbawa: Ang malinis na
hangin ay ating kailangan. Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na
isang katinig. 2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang
nagtatapos sa mga patinig (a, e, i, o u). Halimbawa: Pinipigil ng malalaking ugat ng mga
puno ang baha. Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos
sa titik i na isang patinig.
11. 11. Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung
saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa
ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang
pang-angkop na -ng at hindi g ang ginamit. Halimbawa: luntian ng halaman - luntiang
halaman Maraming banging matatarik sa ating bansa. 3. Pang-angkop na g - ginagamit
kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa titik na n.
12. 12. 7. PANG-URI Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-
uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip. Halimbawa: Matamis
ang inihaing mangga ni Aling Ising. Napakaganda nga ng bistidang iyan! Siya ay higit
na matalino kaysa sa kanyang kuya. Ang sasakyan ay kulay pula. Libu-libong tao ang
dumagsa sa pagtitipon.
13. 13. 8. PANG- ABAY Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa
pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung
paano, kalian, saan at gaano. Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan tumutukoy
ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: -
Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
14. 14. 2. Pang-abay na Pamanahon tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang
isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: - Agad napalalambot ng musika ang isang
matigas na kalooban. 3. Pang-abay na Panlunan tumutukoy ito sa pook na
pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa: - Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo. 4. Pang-abay na
Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan.
15. 15. 5. Pang-abay na
Panggaano tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa
tanong na gaano o ilan. Halimbawa: - Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.
6. Pang-abay na Panang-ayon ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa: - Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 7. Pang-abay na
Pananggi nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon. Halimbawa:
- Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao. 8. Pang-abay na
Panulad ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Halimbawa:
- Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.
16. 16. 9. PANTUKOY Ang PANTUKOY
ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa
dalawang uri. 1. Pantukoy na
Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ang, ang mga, mga
ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-
aaral sa paggawa ng collage. mga (maramihan)
Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
17. 17. 2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina,
ni, nina, kay, kina - si (isahan) Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.
- sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz. - ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa
oras. - nina (maramihan) Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-
aaway nina Elsa at Luis. - kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam. - kina (maramihan)
Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.
18. 18. 10. PANGAWING
Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang
ayos pangungusap. Ang una ang panag-
uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon
ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-
karaniwang ayos Halimabawa: - Ako ay galing sa banyo.

You might also like