You are on page 1of 32

MORPOLOHIYA

PANGKAT 2 {TAGA ULAT}


JUDY ANN MATIDIOS SUMALINOG
MARIEJOE PALIS
HONEY DHEAN PURISIMA
ALMERA SARAGENA
GLADHYZ DE LUNA
MORPEMA
-Ito ay pinaka maliit na yunit ng isang salita
na nagtataglay ng kahulugan.
MGA ANYO NG
MORPEMA
1.Morpemang binubuo ng salitang ugat- ito ay mga
salitang payak,walang kasamang panlapi.
Halimbawa;
tanim,sulat,gawa,itlog,bahay atbp.

2.Morpemang binubuo ng panlapi-kilala rin ito bilang di-


malayang morpema sapagkat inilalapi sa ibang morpema.
Halimbawa: alamin,antukin,hikain atbp.
3.Morpemang binubuo ng isang ponema.
-Ito ay nangangahulugang kasariang pambabae
na isinasaad ng salitang-ugat.

Halimbawa:duktor-doktora
DISTRIBUSYON
NG MORPEMA
Ang distribusyon ng isang morpema ay ang kabuuan ng kontekstong
puwedeng paggamitan nito sa wikang kinabibilangan.

Halimbawa:[ang gamit ng Ng sa mga sumusunod]


1.Nagluto ng adobo ang mga kusinero.(pananda ng tuwirang layon)

2.Binili ng nanay ang mga ulam na iyan.(pananda ng tagaganap)

3.Mahirap pala ang eksamen ng mga sundalo.(panuring na paari)


Ang morpemang binubuo ng panlapi
>Ang unlaping um- ay lagging nasa unahan ng salitang
ugat na nagsisimula sa patinig.
Hal: Akyat (umakyat)

>Ang gitlaping um-ay lagging nasa pagitan ng unang


katinig at kasunod nitong patinig ng nilalapiang salitang
nagsisimula sa katinig.
Hal: tulong(tumulong)
MGA URI NG MORPEMA
1.Malayang morpema-Ito ay nakapagpapalinaw ng kahulugan ng
buong pangungusap katulad ng: ang,si,sa,pero,ang,ba atbp.

2.Morpemang Pangnilalaman-Ito ay mga salitang may tiyak na


kahulugan at nagsisilbing mahalagang salita sa loob ng
pangungusap.Hal:sipag,tiyaga,hirap atbp.

3.Paglilipat-diin-Ito ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay


hinuhulapian.
Hal: sira:in ,haw:kan ,putu:lin
4.Pagbabago ng Ponema-may mga tunog na nababago sa
pagbuo nga mga salita.
Halimbawa:ma+dami=marami
ka+dagat+an=kadagatan=karagatan
ka+palad+an=kapaladan=kapalaran
5.Pagkakaltas ng Ponema-nangyayari ang pagbabagong ito kung
ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala
kapag nilalagyan ng hulapi.
Hal:bili+han=bilihan=bilhan
bukas+an=bukasan=buksan
6.Metatesis-Ito ay ang pagpapalitan ng posisyon ng mga
tunog sa isang salitang nilalapian.
Hal:
lipad+in=linipad=nilipad
yaya+in=yinaya=niyaya
in+regalo+han=rinegaluhan=niregaluhan
MGA ALOMORP NG
MORPEMA
Alomorp-pagbabago ng isang morpema dahil sa
impluwensiya ng kaligiran.
Ang morpemang (pang)-ay may tatlong alomorp: pang,pam
at pan.
PANG-Walang pagbabago sa anyo,kung ang inu-unlapiang
salita ay nagsisimula sa mga patinig o sa katinig,maliban sa
/b/o/p/ na para sa[pam],at /d,l,r,s,t/ para sa [pan].
Hal: pampito pang-alis pandikit
Pambansa pangwalis pantaksi
Tulad ng pang,ang panlaping(mang) ay may mga alomorp ding
[mang],[mam] at [man]gayundin ang [sing]:
hal:mambola manghabol manlalaro
mamula mang-akit mandaya
simbilis singyaman sinlaki
simputi sing-alat sinsama
MANG-tumutukoy sa tao na ang Gawain o hanapbuhay ay ang kilos
na isinasaad ng salitang-ugat.
Hal:mangingisda
manggagamot
mangangaso
MGA PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
1.Asimilasyon-ito ay ang pagbabagong karaniwang
nangyari sa tunog na/ng/ sa mga panlaping
pang,mang,hing o sing,dahilan sa impluwensiya ng
kasunod na tunog(unang tunog ng salitang nilalapian)
hal:
pang+bansa=pangbansa=Pambansa
mang+bola=mangbola=mambola
sing+tamis=singtamis=sintamis
Dalawang Uri Ng Asimilasyon
1.1Asimilasyong di-ganap-ito ang pagbabagong nagaganap sa
posisyong pinal ng isang morpema dahilan sa impluwensya ng kasunod
na tunog.
Halimbawa:
pang+dakot=pangdakot=pandakot
sing+puti=singputi=simputi
sing+rupok=singrupok=sinrupok
1.2Asimilasyong ganap-nagaganap ang asimilasyong ito kapag
matapos na maging /n/ at /m/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa
kasunod sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na
unang titik ng salitang-ugat at nananatili na lamang ang tunog na /n/
at /m/.

Halimbawa:
in+ligaw=niligaw
in+yapos=niyapos
in+luto=niluto
MGA KAYARIAN NG
SALITA
1.Payak-Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang,walang
katambal na salita.
HALIMBAWA:
Alay kahoy bango araw
dasal dahon lakad gabi
2.Maylapi-Ito ay salitang binubuo ng salitang-ugat na may
kasamang isa o higit pang panlapi.
HALIMBAWA:
Usigin pagsumikap
katapangan sumpa-sumpaan
Uri ng Panlapi
a. unlapi. Ito ay mga panlapi na ikinakabit sa unahan
ng salitang-ugat.
m + asa = umasa

Mag + aral = mag-aral

Mang + isda = mangisda

b. gitlapi. Ito ang mga panlaping isinisingit sa pagitan ng


unang katinig at kasunod nitong patinig. Madaling salita, ang
gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Nagagamit
lamang ang gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
katinig.
um- + basa = bumasa
-in- + sulat = sinulat
-um- + punta = pumunta
-in- + biro = biniro

c. hulapi. Ito ay mga panlaping matatagpuan sa


hulihan ng salitang-ugat.
hin + basa = basahin
-an + gupit = gupitan

d. kabilaan. Kabilaan ang tawag sa mga panlaping


nasa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
ka- -an + laya = kalayaan
mag- -an + mahal = magmahalan
pala- -an + baybay = palabaybayan
tala- -an + araw = talaarawan
e. laguhan. Laguhan ang tawag sa mga panlaping nasa unahan,
gitna at hulihan ng salitang-ugat.

pag- -um- -an + sikap = pagsumikapan

mag- -in- -an + dugo = magdinuguan


3. Inuulit
Inuulit– Makabubuo ng mga salita sa tulong ng reduplikasyon ng
salitang-ugat. Maaaring ulitin ang salitang-ugat ayon sa uri nito.

a. parsyal o di-ganap na pag-uulit. Inuulit lamang ang isa o higit pang


pantig o silabol ng salitang-ugat at kahit may panlapi pa ito, tulad nito:
alis = aalis
ani = aani
lipad = lilipad
ligaya = liligaya

b.Pag-uulit na ganap-inuulit ang buong salitang-ugat.


Hal:
araw-araw gabi-gabi sama-sama sabi-sabi
4.Tambalan-Ang dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isa
lamang salita ay tinatawag na tambalang salita.
Dalawang uri ng Pagtatambal

a.Matambalan o tambalang parsyal-nananatili ang kahulugan ng


dalawang salita,ginagamitan ito ng gitling sa pagitan.
Halimbawa:
bahay-kalakal, balik-bayan
b.Tambalang ganap-nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa sa
kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
Hampaslupa kapitbahay bahaghari
Bahagi ng Pananalita
1. PANGNGALAN - Ito ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o
pangyayari.
Mga Halimbawa:
G. Tom Cruz
San Juan Elementary School
Kaarawan
Silya
Aso
2. PANGHALIP - Ito ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan
upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang
pakinggan.
Mga Halimbawa:
Ako
Ikaw
Siya
Tayo
Kami
3. PANDIWA - Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Mga Halimbawa:
Kumakain
Naglaba
Tumalon
Kumanta
Umalis

4. PANGATNIG-Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang
pangungusap.
Mga Halimbawa:
Ngunit
At
Subalit
Kaya
Dahil
5. Pang-ukol-Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay sa
pinag-uukulan nito.
Mga Halimbawa:
Para sa
Ayon kay
Para kay
Hingil Kay
6. Pang-angkop-Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang
pagbasa nito.
Mga Halimbawa:
na
ng
7. Pang-uri
Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya. Maaari
itong maging kulang o bilang.
Mga Halimbawa:
Maganda
Mataas
Dilaw
Walo
Mapayap
8. Pang-abay
Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri,
pandiwa, o kapwa niya pang-abay.

Mga Halimbawa:
Mabilis niyang kinuha
Agad na umalis
Pupunta sa ospital
Ayaw siyang tantanan
MARAMING
SALAMAT.

You might also like