You are on page 1of 2

TINIG NG PANDIWA

Ang tinig ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung simuno ang


siyang gumaganap o bagay na ginaganap.

Uri ng Tinig ng Pandiwa

1. Tukuyan - kung ang simuno ay siyang tagaganap ng pandiwa. Ang


pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may isang tagatanggap ng kilos o
galaw na tintatawag na tuwirang layon. Ang mga um, mag, mang, magpa,
maki, at iba pa, ay karaniwang ginagamit sa tinig na tukuyan.

Halimbawa: Nanghiram ka ba ng bilao kina Aling Maria?

2. Balintiyak - kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay


hindi ginagamit na simuno at ang nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng
pandiwa. Ang karaniwang pinaggamitan ng pandiwang nasa tinig na
balintiyak ay ang pangungusap na ang dating tuwirang layon ay ang
ginagamit na simuno.

Halimbawa: Ang bilao ay hiniram kina Aling Maria.

Mga Pangatnig - ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,


parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :


1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.

Mga uri ng pangatnig:

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging,


at man.
Halimbawa: Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag,


sakali, disin sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang


ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman,
samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng


kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya


ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.

6.Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang


banggit.
Halimbawa: Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na
silang muli.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang isipan, gaya ng:


at - saka, pati, kaya, anupa�t.
Halimbawa: Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa


ganang akin/iyo, di umano.
Halimabawa: Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung


sino�siyang, kung ano�siya rin, kung gaano�siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari
ngayon.

You might also like