You are on page 1of 2

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Unibersidad ng Foundation
Siyudad ng Dumaguete

PINAL NA PASULIT SA ESTRUKTURA NG WIKA


Inihanda ni G. Felipe B. Sullera Jr.

Pangkalahatang Panuto: Sagutin ang kahingian sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa isang
buong papel.

I. PAGPUPUNO SA PATLANG. Punan ng naaangkop na pangatnig ang patlang.


1. Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti ang asul? ( o )
2. Mahusay gumuhit ____________ magpinta si Tom. ( at)
3. Maganda nga ang dalaga ____________ masungit naman siya. (pero)
4. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit ____________ nag-aaral siya gabi-
gabi. (kaya)
5. Mag-iipon ako ng pera ____________ makabili ako ng mga bagong aklat para sa pasukan.
(upang)
6. Kumakanta ang babae ____________ pinapaliguan niya ang kanyang sanggol. (habang)
7. Sasama ako sa inyo manood ng sine ____________ papayagan ako ng aking mga magulang.
(kung)
8. Gusto ni Ben matutong lumangoy ____________ natatakot siya sa malalakas na alon ng
dagat. (ngunit)
9. Maliligo ka na ba ____________ magsisipilyo ka muna? (o)
10. Bibisitahin natin si Lola sa Sabado ____________ ipagdiriwang natin ang kanyang ika-
siyamnapu’t na kaarawan. (at)

II. PAGTUTUKOY
A. Tukuyin ang mga panghalip sa pangungusap at tukuyin kung anong panauhan at
kailanan ito.
1. Anong karanasan ang nagdulot ng pagbabago sa buhay mo? mo, ikalawa, isahan
2. Nakita namin ang malaking tsubibo sa karnabal. Namin, una, maramihan
3. Kanya ang asong puti at mabalahibo. Kanya, ikatlo, isahan
4. Magdasal kata bago kumain ng hapunan. Kata, una, dalawahan
5. Si Ramil at ako ang magluluto ng tanghalian mamaya. Ako, una, isahan
6. Nalaman nila na magkakaroon ng pagsusulit sa Science bukas. Nila, ikatlo, maramihan
7. Ang mga kama sa dulo ng silid ay kanita. Kanita, una, dalawahan
8. Ang tungkulin na ito ay hindi atin kundi kanila. Kanila, ikatlo, maramihan
9. Ang tirang ulam sa refrigerator ay iyo. Iyo, ikalawa, isahan
10. Isabuhay ninyo ang mabubuting pagpapahalaga. Ninyo, ikalawa, maramihan

B. Isulat ang mga titik PL kung ang pang-uri na sinulat ay panguring panlarawan, PM
kung ito ay pang-uring pamilang, at PT kung ito ay pang-uring pantangi.
1. Kausapin natin ang ating kaklase na mahiyain. PL
2. Isang paring Katoliko ang namuno sa misa sa EDSA. PT
3. Nakapila na ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang. PM
4. Binigyan ako ni Tatay ng singkuwenta pesos. PM
5. Tangkilikin natin ang mga produktong Pilipino. PT
6. Luma na ang mga kasangkapan sa bahay ni Lola. PL
7. Si Jessica ang pangalawang kalahok na kakanta. PM
8. Napakatamis ng mga manggang Guimaras! PT
9. Ang mga daan papuntang bayan ay baku-bako. PL
10. Si Noynoy Aquino ay ang ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas. PM

C. Isulat ang titik PR kung ang pang-abay na isinulat ay pangabay na pamaraan, PN


kung ito ay pang-abay na pamanahon, o PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina. PN
2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw. PN
3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan. PL
4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak. PR
5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina. PL
6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna. PR
7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak. PL
8. Darating na maya-maya ang mga bata mula sa paaralan. PN
9. Naglakad nang matulin ang magkapatid. PR
10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay. PR
11. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia. PR
12. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa. PL
13. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia. PN
14. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina. PR
15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat. PL

III. SANAYSAY. Sumulat ng isang sanaysay kaugnay sa isang paksa na iyong


napusuan. Kailangan ang sanaysay ay gumagamit ng wastong bahagi ng pananalita
na may tig-lilimang (5) pangngalang pambalana, pang-uri, pandiwa, panghalip, pang-
abay, pangatnig, at pang-ukol. Salungguhitan ang mga salitang ito. Dapat hindi
bababa sa 200 salita ang nabuong sanaysay. Gagamiting pamantayan ang krayterya
sa ibaba.

Nilalaman – 20pts
Kohirens – 10pts
Gramatika – 10pts
Wastong gamit ng mga salita – 10pts

KABUUAN 100 pts

You might also like