You are on page 1of 13

Filipino 2 Week 5 (1st Quarter)

ARALIN 5: PAGBASA: PEN PEN DE SARAPEN

I. PANIMULA
May alam ka bang laro na ginagawa ninyo sa loob ng bahay?
Sino-sino ang iyong mga kalaro? Sino ang madalas na
nananalo sa inyong paglalaro? Narito ang isang magandang
laro.

II.LAYUNIN
1. Nakabibigkas ng masayang tugma;
2. Nauunawaan ang panuto sa paglalaro; at
3. Nakagagawa ng sariling tugma.

III. ARALIN
Pen Pen de Sarapen
Araw noon ng Sabado. Walang pasok sa eskuwela at nasa bahay lamang ang
mga batang sina Ana at Bobot. Sabi ni Bobot, "Ate Ana, laro tayo." Sagot naman ni
Ana, "Sige, ano ang gusto mong laro?" "Laro tayo ng Pen-Pen." "Sige, halika."
At naupo na ang magkapatid sa sahig. Humanda na sila sa paglalaro. Inilabas
ni Ana ang dalawang daliri at inilapat ito sa sahig. Ganoon din ang ginawa ni Bobot.
At sa bawat pantig ng Pen pen namasyal ang isang daliri ngkabilang kamay ni Ana
Palipat lipat na itinuro nito ang apat na daliring nakalabas sabay sila ni Bobot sa
pagbigkas ng tugma.

Pen pen de sarapen Ginto’t pilak namumulaklak


De kutsilvo de almasen sa tabi ng dagat
How how.de karabaw Saya kong pula tatlong pera.
De batuten Sipit namimilipit Saya kong puti tatlong salapi.

7
Ang huling daliring natatapatan ng salitang salapi ay hindi na “Isasali” sa loro.
Natapat ito sa isang galit ni Bobot kaya kailangan na nivo itong “itago.” Sa pag uulit
ng laro, dalawa pang daliri ni Ana ang kasali, isa namang daliri ang para kay Bobot.
Binigkas ulit ng magkapatid ang tugma habang palipat-lipat na itinuro ni Ana
ang mga daliri.

Pen pen de sarapen Ginto’t pilak namumulaklak


De kutsilvo de almasen sa tabi ng dagat
How how.de karabaw Saya kong pula tatlong pera.
De batuten Sipit namimilipit Saya kong puti tatlong salapi.

Sa daliri naman ni Ana natapat ang salitang "salapi," kaya itinago" na ito ni
Ana.
Naglaban muli ang magkapatid na mayroon na lamang tig-isang daliring
"kasali."
Sa huli naalis ang daliri ni Ana. Talo siya dahil ang nahuling natira ay kay
Bobot.
"Ha! Ha! Talo ka." tuwang-tuwang sabi ni Bobot."Ulitin natin," sabi ni Ana.
"Sali ako," sabi ni Elmer na katatapos maligo. "Halika rito," sabi naman ni
Bobot.
At nagsimulang maglaro ang tatlong magkakapatid. Ang saya nila.

8
Filipino 2 – 1st Quarter – Gawain - Week 5

Pangalan: ___________________________________________ Marka: __________


Guro: Mrs. Marisol B. Corpuz

PAGLALAPAT
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino-sino ang mga batang naglalaro?
_________________________________________________________
2. Ano ang pamagat ng kanilang laro?
_________________________________________________________
3. Sino ang nanalo sa magkapatid?
_______________________________________________________
4. Ano kaya ang naramdaman nila habang naglalaro?
_________________________________________________________
5. Ano ang tawag sa laro nila?
_________________________________________________________

B. Isaayos ang mga hakbang na ginawa nina Ana at Bobot sa kanilang


paglalaro. Isulat ang bilang 1-5 sa patlang.
________ Uulitin ang paglalaro.

________ Pipili ng mga maglalaro.

________ llalapat ang tigalawang daliri sa sahig o sa ibabaw ng mesa

________"Matatalo ang daliring matatapatan ng huling salita sa tugma.

________ Bibigkasin ang tugma habang itinuturo ang mga daliri.


PAGTATAYA

Punan ang nawawalang salita ng tugma. Isulat ang sagot sa patlang at


hanapin sa ibaba ang mga ito. Maaring ito ay pahalang,pababa at pahilis ang
mga salita. (20 points)

Pen pen de 1._______

De kutsilvo de 2. _____

How how de 3. ______

De batuten 4.____ namimilipit

Ginto’t 5._____ namumulaklak

sa 6._____ng dagat

7. _____kong pula tatlong 8.____.

Saya kong 9.____tatlong 10____.


Filipino 2 Week 6 (1st Quarter)

ARALIN 6: WIKA: PANGALAN

I. PANIMULA
Sapagkat araw ng Sabado, nanatili lamang sa bahay ang magkakapatid na
Elmer, Ana, at Bobot. Wala silang pasok sa eskuwela. Makikita sa ibaba ang mga
kagamitan nina Elmer sa loob ng kanilang bahay. Tukuyin ang mga ito. Sabihin nang
malakas ang pangalan ng mga kagamitan.

II.LAYUNIN
1. Nakikilala ang mga pangalan;
2. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng mga pangalan; at
3. Nagagamit sa makabuluhang pangungusap ang mga pangalan.

III. ARALIN
PAGKILALA SA PANGNGALANG PANTANGI AT PAMBALANA
Pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Halimbawa: Ana kama kaarawan

May dalawang uri ng Pangngalan: Pantangi at Pambalana

1. Ang pangngalang pantangi ay mga tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o
pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Aling Nena Mang Dan Pasko


9

2. Ang pangngalang pambalana ay pangkalahatang pangngalan ng tao, bagay, lugar,


o pangyayari. Kapag isinulat ito ay nagsisimula sa maliit na titik, maliban na lamang
kung ito ang simula ng pangungusap.

Paghambingin ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana sa mga


halimbawang ito.

Pambalana Pantangi
bansa - Pilipinas
buwan - Oktubre
aso - Tagpi
parke - Luneta
aklat - Bukal ng Lahi
araw - Martes

IV. SANGGUNIANG AKLAT


BUKAL NG LAHI
Seryesa Wika at Lahi
Brilliant Creations Publishing, Inc

Inihandani:
Teacher Marisol
10
Filipino 2 – 1st Quarter – Gawain - Week 6
Pangalan: ___________________________________________ Marka: __________
Guro: Mrs. Marisol B. Corpuz_

PAGLALAPAT
A. Salungguhitan ang pangngalang pambalana sa loob ng pangungusap.
1. Umawit ang mga mag-aaral.
2. Mabait ang aking ama.
3. Nilinis ko ang aking sapatos.
4. Tumawag sila ng doktor.
5. May sakit ang kanyang kapatid.
6. Kumuha ka ng tubig.
7. Diligan natin ang halaman.
8. Pumitas tayo ng mga bulaklak.

B. Punan ang hinihinging pangalan ng tsart.

Pangalang Pambalana Pangalang Pantangi


1. Doktor Garica
2. paaralan
3. babae
4. Mongol
5. guro
6. mag-aaral
7. aklat

PAGTATAYA
A. Bilugan ang mga pangngalan sa sumusunod. May higit sa isang kasagutan sa
bawat bilang.
1. Ate Ella aklat masipag Tatay
2. sundalo palaruan umupo maganda
3. Lola Abe dumating kalabasa Luneta

4. bayabas payat tigre matangkad


5. sapatos lumakad lapis umawit

B. Kahunan ang mga pangngalang pantangi sa loob ng pangungusap.


1. Si Ginang Delfin ang aming guro.

2. Pupunta kami sa Batangas sa darating na bakasyon.

3. Si Bogart ay isang kahanga-hangang aso.

4. Ako ay nag-aaral sa Mababang Paaralan ng San Juan.

5. Naghahanda kami ng mga regalo para sa Pasko.

6. Si Ate Elsie na ang susundo sa akin.

7. Pumunta tayo sa Malabon bukas.

8. Magkasama ang magkaibigang sina Lucy at Leila.

9. Nag-aaral ako sa Paaralang Epifanio de los Santos.

10. Tawagin natin si Darius.


Filipino 2 Week 7 (1st Quarter)

ARALIN 7: PAGBASA: JAK EN POY

I. PANIMULA
Marunong ka bang maglaro ng Jak en Poy?
Halika, maglaro tayo.

II.LAYUNIN
1. Nasasagot ang katanungan tungkol sa detalye ng kuwento; at
2. Napapantig nang wasto ang mga salita.

III. ARALIN
Jak en Poy
Kasama ni Empoy ang mga pinsan niyang sina Boyet at Carlito. "Maglaro tayo,"
sabi ni Empoy. "Laro tayo ng Jak en Poy." "Sige, halika, laro tayo." ayon naman agad
ni Carlito. "Teka, hindi ko alam 'yon," sabi ni Boyet.
"Madali lang, tuturuan kita." malakas na sabi ni Empoy, "Una, dapat alam mo
ang ginagamit na mga senyas sa pamamagitan ng kamay. Iyong nakaunat na palad,
ibig sabihin noon ay "papel." lyon namang nakasuntok na palad, ibig sabihin noon ay
bato.
At iyong dalawang daliring nakaturo, ibig sabihin noon ay gunting."
“Sabay tayong maglalahad ng ating palad. Halimbawa kapag ang ipinakita ko ay
papel, at ang ipinakita mo naman ay bato. talo ka kasi yung bato puwedeng balutin
ng papel."
"Kapag ang ipinakita mo naman ay bato, at ang ipinakita ko ay gunting." sabi
naman ni Carlito, matatalo ako dahil yung bato hindi puwedeng
gupitin ng gunting."

“At kapag gunting at papel ang sabay na ipinakita," dagdag ulit ni Carlito,
"matatalo ang papel dahil puwede itong magupit ng gunting. "Ah, alam ko na." sabini
Boyet. "Ang dali lang naman pala." "Halika, laro na tayo," sabik na sabi ni Empoy.
Unang naglaban sina Empoy at Carlito habang nanonood muna si Boyet.“Jak-en-Poy,
hali-hali-hoy, sinong matalo siyang unggoy." sabay na wika ng dalawang naglalaban,
at sabay din silang naglabas ng nakatagong palad.
11
“Gunting ang ipinakita ni Empoy, bato naman ang kay Carlito. Talo si Empoy.
“inulit nila ang laro dahil kailangang manalo ang isang kalaro nang tatlong beses
bago masabing panalo siya. Muling naglaban sina Empoy at Carlito. "Jak en poy, hali-
hali- hoy, sinong matalo, siyang unggoy." sabay nilang wika.
Bato ang ipinakita ni Empoy. gayundin si Carlito. Tabla ang laban. Nagpatuloy
ang kanilang paglalaro. Gunting si Carlito, papel naman si Empoy. Panalo si Carlito.
“At nang sumunod nalaban, panalo ulit si Carlito. Nang sumunod pa, siya ulit ang
panalo. "Hal Hal Talo ka na,' kantyaw ni Carlito. "Ang saya' sabad ni Boyet na aliw
na aliw sa panonood. "Tayo naman, alam ko na
kung paano maglaro ng Jak-en-poy."

Pagbasa ng mga salitang may pantig na nagtatapos sa /y/


Jak en Poy sabay gulay
Kahoy kaway kulay
apoy pamaypay tulay
kamay baybay saway
palay damay wagayway

Pagpapantig ng mga salitang May Pantig na Nagtatapos sa /y/


kahoy - ka - hoy kaway - ka - way kulay - ku - lay
apoy - a - poy pamaypay – pa-may-pay tulay - tu - lay
kamay - ka - may baybay - bay - bay saway – sa - way
palay - pa - lay damay - da - may
wagayway – wa-gay-way

IV. SANGGUNIANG AKLAT:


BUKAL NG LAHI
Serye sa Wika at Lahi
Brilliant Creations Publishing, Inc

Inihanda ni:
Teacher Marisol

12
Filipino 2 – 1st Quarter – Gawain - Week 7

Pangalan: ___________________________________________ Marka: __________


Guro: Mrs. Marisol B. Corpuz_

PAGLALAPAT
A.Sagutin ang sumusunod na mga tanong
1. Sino-sino ang mga batang naglalaro? _______________________________

2. Ano ang pangalan ng kanilang laro? _______________________________

3. Ano-ano ang mga senyales naipinakikita sa larong ito? ____________________

___________________________________________________________

4. Sino ang nanalo sa kanilang laro?___________________________________

B.Ano ang ibig sabihin ng mga salitang nasusulat nang mariin sa pangungusap?
Pillin at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1.May mga senyas na ginagamit sa paglalaro ng Jak en Poy. Ano ang tinutukoy ng
salitang senyas?
a. mga kulay ng watawat b.mga tunog ng instrumento c. mga porma ng
palad
2.Aliw na aliw ang magkakalaro. Ano kaya ang nararamdaman nila?
a. Naiinip sila. b. Natutuwa sila c. Nalulungkot sila.
3.Inilahad ni Carlito ang kanyang palad. Anong bahagi ng katawan ang palad?
a. kamay b. paa c. balikat
4.Tabla ang laro nang parehong inilahad nina Empoy at Carlito ang kanilang palad,
Ano ang ibig sabihin nito?
a Panalo si Empoy b. Panalo si Carlito c. Walang nanalo sa
kanila.

PAGTATAYA
A. Pantigin ang mga salita. Isulat ang pagpapantig sa patlang. Bilugan
ang pantig na hindi nagtatapos sa/y/.

1. nagpaypay = __________ 6. iwinagayway =__________

2. kumakaway =__________ 7. nagkamot = __________

3. idamay =__________ 8. kumampay = __________

4. magkakulay =__________ 9. sinasaway = __________

5. magkasalo =__________ 10. sabay-sabay = __________

B. Punan ng wastong pantig ang patlang upang mabuo ang pangalan ng


larawan.
ba _ _ _ ap_ _ ka _ _ _

tu _ _ _ pama_ _ _ _

You might also like