You are on page 1of 8

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

Filipino 2, Kwarter 3, Unang Linggo

Pangngalan ng Tao, Hayop, Bagay o


Pangyayari

Layunin

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. nagagamit ang mga pangngalan ng tao, hayop,
bagay at pangyayari;
2. natutukoy and dalawang uri ng pangngalan;
3. natutukoy ang kasarian ng pangngalan; at
4. nagagamit nang wasto ang mga pangngalang
pambabae, panlalaki, di-tiyak, at walang kasarian.

Pag-aralan

Nasaan Ka, Inay?

1
Nagising si Nena na wala ang ina sa kaniyang tabi.
Nakadama siya ng takot kaya niyakap niya ang unan.
Narinig niyang tumatahol ang aso. Bumangon siya para
hanapin ang ina. Pumunta siya sa kusina pero wala ang
kaniyang nanay. Biglang namatay ang ilaw. Kumulog nang
malakas. Isang matalim na kidlat ang kasunod nito.
Bumuhos ang malakas na ulan. May kalakasan din ang
hangin. Pilit na nilabanan ni Nena ang takot na nadarama.
Pumikit siya at nagdasal na timtim.

Hindi nagtagal, dumating ang kaniyang Ate Nelia. May


dalang nakasinding kandila. Sinabi nitong pumunta ang ina
sa palengke upang bumili ng bigas.

Sino ang natakot sa kuwento?


Bakit kaya nagdilim ang paligid?
Paano ipinakita ni Nelia ang pagmamalasakit sa kapatid?
Anu-ano ang mga salitang sinalungguhitan sa kuwento?

Ang mga salitang Nena, ina, unan, aso, ilaw, Ate Nelia,
kandila, at palengke ay mga pangngalan.

❖ Tandaan:
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at
pangyayari.
Halimbawa:
tao: ina, Ate Nelia, Nena
hayop: aso

2
bagay: kandila
lugar: palengke
pangyayari: kaarawan

Uri ng Pangngalan
• Pangngalang Pantangi- mga pangngalang nagsasabi
ng tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o
pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.

Halimbawa: Nelia, Bantay, Pilipinas

• Pangngalang Pambalana- mga pangngalang


nagsasabi ng karaniwang ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, o pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na
titik maliban lamang kung ito ay ginagamit sa simula
ng isang pangungusap.

Halimbawa: bata, aso, bansa

Kasarian ng Pangngalan
• Pambabae- tumutukoy sa mga pangngalang
pambabae
Halimbawa: ate, ninang, inahin

• Panlalaki- tumutukoy sa mga pangngalang panlalaki.


Halimbawa: kuya, ninong, tandang

3
• Di-tiyak- tumutukoy sa mga pangngalang may
kasariang hindi agad masabi kung babae o
lalaki.
Halimbawa: bata, anak, manok, guro

• Walang Kasarian- tumutukoy sa mga pangngalang


walang kasarian.
Halimbawa: papel, damo, kutsara

Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto: Punan ng tamang pangngalan ang mga patlang.
Piliin ang tamang sagot mula sa kahon at isulat sa
sagutang papel.

Jose Rizal agila Araw ng Kalayaan


manga Luneta

1. Ang matamis na _____ ang ating pambansang prutas.


2. Ang ating pambansang bayani ay si _____.
3. Tuwing ika-12 ng Hunyo ay ipinagdiriwang natin ang ____.
4. Binaril si Jose Rizal ng mga Espanyol sa _____.
5. _____ ang ating pambansang ibon.

4
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang uri ng mga pangngalan na nasa loob
ng kahon. Isulat sa inyong sagutang papel ang PT
kung pantangi at PB naman kung pambalana.
ibon Andres Surigao
kabayo
Emilio Davao

lapis Lunes
papel Martes

Gawain 3
A.Panuto: Isulat sa inyong sagutang papel ang PB kung ang
pangngalan ay pambabae, PL kung panlalaki,
DT kung di-tiyak, at WK kung walang kasarian.

_____1. hari
_____2. gulay
_____3. kalabaw
B.Panuto: Piliin ang angkop na pangngalan upang mabuo
ang pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

4. Pedro ang pangalan ng aking _____. (ninong, ninang)


5. Nakasalubong ko ang aming magandang guro na si
_____ Marites. (Ginoo, Ginang)

5
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan


hinggil sa paggamit nang wasto ng pangngalan sa
pagbibigay ng pangngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, o pangyayari. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Ang Natutunan ko…

1. ___________________________
bagay na
3 natutuan 2. ___________________________
3. ___________________________

Ang bagay na nakapupukaw


bagay na sa aking interes ay …
2 nakapukaw
ng interes 1. ___________________________
2. ___________________________

Kailangan ko po ang matutunan


bagay na ang…
1 nakapagpalito
1. ____________________________

6
7
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. mangga 1. PB 1. PL
2. Jose Rizal 2. PT 2. WK
3. Araw ng Kalayaan 3. PT 3. DT
4. Luneta 4. PB 4. ninong
5. ibon 5. PT 5. Ginang
Susi sa Pagwawasto
Mga Sanggunian

Aklat:

Marasigan, M., Dayag, A. 2014. Edukasyong Pinagyamang Pluma 2. Quezon City: PHOENIX
Publishing House, Inc.
Garcia, N., Aligante, J., Ola, M., Cruz, A., Castro, E., Cruz, V., Padalla, M., Alburo,
G., Cruz, E. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy. Pasig City: Rex Bookstore, Inc.

Icons Credit: Ivin Mae N. Ambos, Division of Surigao del Sur

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto


Manunulat : Rucel L. Arong
Editor : Sharon A. Maca
Tagasuri : Filipina F. Meehleib, Eva A. Forcadilla, Karen E. Cacayan
Tagalapat : Carol B. Ortiz
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Venus M. Alboruto
Filipina F. Meehleib
Sammy D. Altres
Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao
Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

You might also like