You are on page 1of 3

LEARNER’S ACTIVITY SHEET IN FILIPINO-1

Quarter 4, Week 5
I. Layunin: Natutukoy ang gamit ng maliit at malaking letra. FIAL-IVb-7
 Paksa: Gamit ng Maliit at Malaking Letra
 Sanggunian: MELCs sa Filipino-1, pahina 10, TIB sa
Filipino-1, pahina 10
II. Paglalahad: Ang paksang aralin natin sa Filipino ngayon ay tungkol sa
“Pagtukoy sa Gamit ng Maliit at Malaking Letra.” Inaasahan na
pagkatapos ng araling ito, ay matutukoy mo ang gamit ng maliit at
malaking letra.
A. Pagtatalakay: Mahalagang matukoy ang tamang paraan ng paggamit ng
maliit at malaking letra.
 Ginagamit ang malaking letra sa tiyak o tanging ngalan ng tao,
hayop, bagay, lugar o pangyayari.
Halimbawa:
Minda, Mang Tomas, Bantay, Muning, Nike, Nido, Caibiran,
Pilipinas, Pasko, Bagong Taon
Ginagamit din ang malaking letra sa simula ng
pangalan ng mga araw at buwan, at sa simula ng mga
pangungusap.
Halimbawa:

Linggo, Martes, Lunes, Sabado, Huwebes,


Enero, Marso, Setyembre, Mayo, Pebrero
1. Naglalaro ang mga bata sa plasa.
2. Sasama kami sa bukid bukas.

 Ginagamit naman ang maliit na letra sa di-tiyak o pambalanang


ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.

Halimbawa:
kapatid, guro, aso, kalabaw, sapatos, damit, lalawigan, bayan, pista,
kaarawan
B. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang puwang kung tama ang paggamit ng
malaking letra at ekis (x) naman kung hindi tama.
_____ 1. matabang Aso
_____ 2. tuwing Martes
_____ 3. baso ng Gatas
_____ 4. sa darating na Hulyo
_____ 5. mabait si Lorna
Gawain 2
Panuto: Ikahon ang mga salita na dapat magsimula sa malaking letra.
1. damit manila kaibigan
2. disyembre plasa bayani
3. gulay pusa ginang santos
4. paaralan watawat bagong taon
Gawain 3
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa puwang ang Tama kung
tama ang pag-gamit ng maliit at malaking letra. Isulat naman ang
Mali kung mali ito.
________ 1. Si Korina ay magaling umaawit.
________ 2. Nakita ko ang Sapatos sa tindahan.
________ 3. Marami ang tao kung Pista sa Bayan.
________ 4. tahimik ang buhay sa bukid.
________ 5. Gusto ko ang gatas na Bear Brand
III. Pagtataya
Panuto: Isulat muli ang bawat pangungusap. Gumamit ng maliit at
malaking letra kung saan ito kinakailangan.
1. Ako ay si daniel Ramos.
___________________________________________.
2. Bago ang Lapis ni Liza.
___________________________________________.
3. Sa huwebes ng gabi sila aalis.
____________________________________________.
4. Bantay ang pangalan ng aking Aso.
____________________________________________.
5. naglilinis ako ng bahay araw-araw.
____________________________________________.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. ekis 1. manila 1. Tama
2. tsek 2. disyembre 2. Mali
3. ekis 3. ginang santos 3. Tama
4. tsek 4. bagong taon 4. Mali
5. tsek 5. marisa 5. Tama

Writer:
IMMACULADA G. ASIS
MT-1, CCSSC

Validators:
LYNN R. ONG IMMACULADA G. ASIS
MT-2, CCSSC MT-1, CCSSC

FLORITA CONCEPCION P. HAYAHAY


MT-1, CCSSC

BELLA V. SALENTES
Principal-1, CCSSC

ALMA C. CABUSOR
Public Schools District Supervisor

You might also like